CATHERINE POV
Habang katitigan ko ngayon ang misteryosong lalaking kaharap ko ay hindi ko maiwasang mapaisip nang maigi. Aaminin kong talagang napakapabor sa akin ang inooffer niya sa akin. Lalong lalo na ngayon na talagang kinakailangan talaga namin ng pera. Wala naman sigurong masamang mangyayari sa akin hindi ba kapag pumayag ako? Uunahin ko pa ba ang dignidad at ang sarili ko ngayon kumpara sa sitwasyong kinakaharap ng pamilya ko ngayon? "So?" tanong ng lalaking kaharap ko. Tila naiinip na siya sa paghihintay ng maaaring maisasagot ko sa kanya. Tinitigan ko siya nang mabuti. Sobrang gwapo niya at unang tingin ko pa lang sa kanya ay alam ko na agad na galing siya sa isang marangyang pamilya. Money, time and a jaw droppingly handsome face. With all that he's propably lived a life where showing mercy isn't necessary. He would've been treated as a prince his entire life. His also have a plenty of beautiful women around him already, halata na 'yon pero bakit sa akin niya inaalok ang bagay na ito? Huminga ako nang malalim bago ko siya nakangiting sinagot. "Deal, wala naman akong ibang gagawin hindi ba kundi ang ipakita at umakto lang sa harapan ng lahat ng tao lalong lalo na sa pamilya mo na ako ang asawa mo? Kung ganoon ay pumapayag na ako sa inaalok mo sa aking pekeng kasal." Bigla siyang ngumiti nang malapad at kulang na lamang ay matunaw na ang puso ko dahil sa ngiti niyang iyon. Shit! Ang gwapo niya talaga! "That's great to hear. Now pag-usapan naman natin ang mga dapat at hindi dapat nating gawin bilang mag-asawa," utal niya at bigla na lamang siyang nagsnap sa ere gamit ang isang kamay niya. Bumukas ang pintuan at mula doon ay pumasok ang tatlong waiter na may tulak tulak na cart ng mga pagkain. Hindi ko tuloy maiwasang mamangha ulit ng makita ko ang mga pagkaing hinahain nila ngayon sa aming harapan. At nang matapos sila sa pagseserve ay halos sabay sabay pa silang tatlo na yumuko sa kanya tsaka sabay sabay ring nagsialisan. Nang sumara ang pintuan ay tsaka lamang siya nagsalita ulit. "Let's eat," maikling utal niya gamit ang malaki at napakabrusko niyang boses. Sino ba talaga ang lalaking ito? Kanina pa kami nag-uusap dalawa pero hindi niya manlang ipinapakilala sa akin ang pangalan niya. Nagsimula na siyang kumain kaya naman ay wala na akong ibang nagawa pa kundi ang kumain na rin. "Since pumayag ka na sa alok ko ay gusto kong malaman mo na pwede nating gawin ang mga natural na bagay na ginagawa ng isang mag-asawa. Like hugging, kissing and having sex of course." "Pfttttt!!!" "What's the matter?" gulat na tanong niya sa akin. "*ubo* t-tubig! *ubo*" nagmamadaling sabi ko sa kanya habang panay ang ginagawa kong pag-ubo. Nalilito naman niyang inabot sa akin ang kanyang tubig. "Here," anas pa niya habang nakakunot na ngayon ang noo sa akin. "Are you alright?" pagtatanong pa niya sa akin na sinenyasan ko lang na huminto na siya sa kanyang ginagawang pagsasalita. Deretso kong nilagok ang tubig na binigay niya at hinintay kong maikalma muna ang sarili ko bago ko siya sinagot. "A-anong sabi mo?" medyo hindi makapaniwala at nauutal ko pang tanong sa kanya habang pinupunasan ng tissue ang aking mga labi. "What? Ang sabi ko ay ok ka lang ba?" litong utal niya sa medyo patanong pa na tono. "Hindi! Hindi! Iyong nauna! Na hugging and kissing tsaka sex! Ako makikipagsex sa iyo? Bakit kinakailangan ba talaga iyon? May magmomonitor ba sa bawat kilos nating dalawa na kailangan pang umabot sa ganoong punto?" sunod-sunod na sabi ko sa kanya sa medyo natatarantang itsura. Bakit ko naman ibibigay at isusuko ang aking bataan sa kanya? Ano ako hello? Ni hindi nga ako nagboboyfriend sa edad kong ito dahil sa kinikilabutan ako sa kaisipang iyon. Ngayon masabi sabi niya ang bagay na iyon sa mismong mukha ko na parang balewala lang iyon. Narinig ko ang marahan niyang halakhak kaya napatitig tuloy ako sa kanya ng wala sa oras. Sobrang gwapo niya at parang musika sa tenga ko ang bawat halakhak na ginagawa niya. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata tsaka ako umiling-iling. 'Hindi. Hindi! Gumising ka Catherine! Huwag na huwag kang magpapaapekto sa gwapong nilalang na iyan!' sigaw ko sa aking isipan at muli siyang tiningnan. "Come on Miss Lewis. Sa laki ng perang ilalabas ko sa iyo ay hindi pa sapat ang katawan mo para mabayaran ako," nangingiti at naiiling niyang pakli na ikinalaglag ng panga ko. How unbelievable! That's it! Ayoko na! Nagulat siya nang bigla akong tumayo at marahas kong itinapon sa mesa ang table napkin na gamit ko. "That's it Mr! I'm done talking to you! Salamat na lamang sa offer mo pero ang mabuti pa ay maghanap ka na lamang ng ibang babaeng maaalukan mo!" galit na sabi ko sa kanya at tsaka siya tinalikuran. Nakakainis! Nakakabanas! At napakabastos! Hindi lang iyon napakatalas rin ng dila niya! Ang akala ko pa naman ay sa mga babasahing nobela ko lamang makikita at mababasa ang mga ganoong klase ng lalaki na gwapo, arogante at bastos! Hindi ko lubos maisip na makakaharap ako ng isa sa mga non ngayon. Hindi pa nga ako tuluyang nakakalapit sa nakasarang pintuan ay nagulat na lamang ako nang may pumigil sa isang kamay ko. Parang spring akong bumalik sa kanya at halos lumuwa na ang mga mata ko nang bumundol ako sa malapad niyang dibdib. Mabilis ang naging pag-atras ko ngunit mas naging mabilis siya sa paghapit ng baywang ko. Nagtitigan kaming dalawa sa isa't isa at halos amoy na amoy ko na nga ang kanyang mamahaling pabango dahil sa sobrang lapit naming dalawa. Ewan ko ba kung malikmata ko lang ba iyon pero para kasing nakita ko ang pagkislap ng mga mata niya sa akin. "Uhmm.." anas ko at tsaka ko siya itinulak para makatayo ako nang maayos. Umayos naman siya nang tayo habang hindi pa rin inaalis ang kanyang tingin sa akin. Habang ako naman ay panay ang ginagawang pag-iwas ng tingin sa direksyon niya dahil sa ramdam ko ang pamumula ng aking magkabilang pisngi. "I-I'm sorry Miss Lewis. Please huwag kang umalis. To tell you frankly, i really need your help."CATHERINE POVBabalik na sana ako sa pagtulog dahil sa pagkakataon ko na nga ito para bumawi nang tulog. Dahil sa hindi nga naman ako nakatulog nang maayos kagabi. Ngunit natigilan ako sa aking binabalak nang bigla na lamang nagring ang aking cellphonena nasa katabing lamesa nitong kama namin. Dinampot ko iyon at nakita ko na si mommy pala iyong tumatawag.Hindi na ako nagdalawang isip pa na sagutin ang tawag niya at nang masagot ko iyon ay agad niyang ipinaalam sa akin na inihanda na niya ang aking mga iilang damit na naiwan ko nga sa bahay namin. Sinabi ko na lamang sa kanya na kukunin ko ang mga ito mamaya.Matapos ang tawagan namin ay dali-dali na akong nag-ayos nang aking sarili. Hindi na ako nag-abalang maligo pa dahil sa hindi nga naman ako nakatulog rin nang maayos kagabi. Suot ang isang simpleng pants at puting loose white t-shirt ay tumulak na ako palabas nang kwarto.Alam kong sobrang dami ko nang damit dahil sa binilhan nga ako ni Zaad. Ngunit hindi ko kasi type ang mga da
CATHERINE POV Una siyang bumangon sa aming dalawa at hindi na ako nagulat pa nang makita ko nanaman ang kanyang mala adonis na katawan. Nakasuot lang kasi siya nang isang itim na pajama pants at wala siyang damit pang itaas. Bakit pa ako magugulat sa katawan niya ehh sa nakatabi ko nga siya kagabi at halos dumikit na nga siya sa akin nang sobra. Nilingon niya ako at kita ko na medyo kumunot ang noo niya sa akin. "What happened to you, my wife? Are you not feeling well? O hindi ka lang nakatulog nang maayos kagabi?" nagtataka niyang tanong sa akin habang sinusuyod nang kanyang mga mata ang kabuuan nang mukha ko. "Hindi naman sa ganon. Medyo namamahay lang kasi ako," mapaklang ngiti ko sa kanya. Bakit ko naman sasabihin sa kanya na siya ang dahilan kaya hindi ako nakatulog nang maayos kagabi? Baka isipin pa niya na buong magdamag ko siyang pinagmamasdan! "Ohh! I see. Sa study room na muna ako," kumakamot sa buhok niyang bigkas at nakita ko ang pagdampot niya sa kanyang puting sand
CATHERINE POVHindi ko alam kung ilang oras ba akong nakatulog pero nang sa pag gising ko ay naramdaman ko na lamang na parang may mabigat na bagay ang nakalagay sa aking katawan. Nagugulumihan akong napalibot nang tingin sa buong silid at napansin ko na medyo may kadiliman na ang buong kwarto. Tanging ang nagbibigay ilaw lamang ay ang dim light na nasa kisame. Napansin ko rin na maayos na akong nakahiga sa kama dahil sa may kumot na nga ako. Ngunit natigil lamang ang aking mga mata nang makita ko ang isang malaking braso na nakapulupot sa aking katawan.Wala sa sarili akong napalingon sa tabi ko at halos matigilan na ako nang makita ko ang itsura nang aking katabi.Sobrang lapit nang mukha ni Zaad sa akin habang payapa siyang natutulog sa aking tabi. Ngayon ko lang siya natitigan sa malapitan at wala akong ibang magawa kundi ang humanga na naman sa ikalawang pagkakataon sa napakagwapo niyang mukha.Ngayon ko lang napansin na sobra pala talagang makapal ang kilay niya. Hindi lang iyon
CATHERINE POVHindi ko inaasahan ang mga sumunod na nangyari. Basta ang alam ko lang ay bigla na lamang na kumalas ang puting tuwalya na nakapulupot sa baywang niya at bumalandra sa harapan ko ang sandata niya."KYAAAAHHHHHH!!!!!" malakas na tili ko at agad na tinakpan ang aking mga mata.WHAT THE- WHAT THE HELL!!!!"OHH SHIT!!" rinig ko pang mura niya habang pinupulot ang kanyang puting tuwalya na nahulog.Mabilis akong tumalikod sakanya at walang salita akong dumiretso nang pasok sa loob nang walk in closet at tsaka agad iyong isinarado. Tangina ano iyon?!!! Bakit ganon? Talaga bang nakita ko iyon? Tama ba ang nakita ko kanina o namamalikmata lang ako? Ba-bakit...ba-bakit ang la-la-laki naman yata non at ang haba?Waaahhhh! Tumigil ka Catherine! Anong malaki at mahaba ang pinagsasabi mo diyan?! At kailan pa ako nagkaroon nang ideya sa mga bagay na iyon para masabi ko kaagad na malaki at mahaba!Napasapo ako sa aking mukha at kita ko sa salamin na naririto ang sobrang pamumula ng aki
CATHERINE POVMadaling lumipas ang mga oras at ngayon ay gabi na. Nakahilata ako ngayon sa bathtub at nilarolaro ang mga bulang nasa tubig habang ang aking mga mata ay wala sa sariling nakatitig sa ilaw na nasa itaas. Kanina, matapos umalis ni Zaad dito sa aming silid ay hindi na siya bumalik pa. Mabuti na rin 'yon at talagang hindi ko kasi siya kayang pakiharapan pa matapos ang mga nangyari sa amin kanina.Nagagalit at nahihiya ako sa sarili ko dahil hinayaan ko 'yong mangyari kanina sa pagitan naming dalawa.Para maiwasan ang pag-iisip tungkol sa bagay na iyon ay ipinilig ko na lamang ang aking ulo at tsaka ako marahan na tumayo. Humarap ako sa shower at tsaka ako nagbanlaw ng aking sarili. Agad akong nakaramdam nang ginhawa matapos akong makapaghalf bath. Suot ang puting roba ay dahan-dahan akong lumabas ng banyo habang pinapatuyo ang aking medyo nabasang buhok gamit ang isang puting tuwalya. Ngunit ganoon na lamang ang laking pagkagulat ko nang makita ko si Zaad sa may bukana nang
CATHERINE POVNamumungay ang mga mata akong nakatitig ngayon kay Zaad habang ganoon rin siya sa akin. Pansin ko ang unti unting pagbaba ng kanyang mukha at halos mapapikit na ako nang maramdaman ko na ang mainit niyang hininga sa aking balat."See? Ito ang reaksiyon na gusto kong makita mula sa iyo sa tuwing magkasama tayong dalawa. If we do this everytime I know that we will be able to make it. After all practice makes perfect, right my wife," mahina ngunit mainit na anas niya na ikinamulat ng aking mga mata.Nakita ko ang paglayo niya sa akin at nang makababa na siya sa kama ay tsaka niya ako tinalikuran. Tahimik niyang dinampot ang kanyang hinubad na damit kanina at tsaka siya tuluyang lumabas ng silid na ito.Shiit!Anong nangyari? Para saan ang mga ginawa niya kanina? At ano daw? Practice makes perfect? Ibig bang sabihin ay isang ensayo lang pala ang mga ginawa niya kanina sa akin?Mahigpit akong napakapit sa makapal na bedsheet na naririto at tsaka ako mariing napayuko.Tangina