Share

Kabanata 2: The Huge Debt

Penulis: M.A.B. Writes
last update Terakhir Diperbarui: 2025-03-07 18:47:36

3 DAYS EARLIER..

"God! Ano na ang dapat na gagawin natin Romulo? Lubog na sa utang ang kompanya at maraming nang mga share holders ang nagbaback out. Hindi ko na alam kung ano ba ang tamang gagawin natin."

Iyon ang mga salitang nabungaran niya mula sa kanyang ina nang makauwi siya galing sa paggala kasama ang kanyang mga kaibigan. Kumunot ang noo ni Catherine at dahan dahan siyang lumapit sa ina niyang umiiyak na ngayon.

"Mom? What's happening? At ano po iyong mga narinig ko kanina? Tama ba ang dinig ko na nalulugi na ang ating kompanya?" sabay lapag niya sa pouch bag na dala sa mesa at kaagad na inalo ang ina na umiiyak pa rin.

"Dad?" sabay tingin niya sa kanyang ama na si Romulo Lewis.

Hindi sumagot ang kanyang ama at sa halip ay muli siyang napabaling ng tingin sa kanyang ina na si Cassandra nang maramdaman niya ang mahigpit na paghawak nito sa kanya.

"Y-your dad have a huge debt, Catherine. At hindi ko na alam ang gagawin ko. Anumang oras ay pwede nang maisara ang kompanya natin dahil sa sobrang laki nang utang niya sa casino," umiiyak na sumbong ng kanyang ina sa kanya.

"WHAT?!!!" malakas at gulat niyang pakli tsaka nilingon ang kanyang ama gamit ang nagtatanong niyang mga mata.

"H-hindi ko naman sinasadya anak. Maliit lang naman iyon ngunit lumaki lang nang dahil sa tubo at interest. Ang akala ko ay kaya ko pang bayaran kaya umutang pa ako sa iba kong mga kakilala. Hindi ko naman aakalain na mauubos lahat," pag-amin ng kanyang ama sa kanya.

Nanghihina siyang napaupo sa tabi nang kanyang ina na tila ba pinoproseso pa niya ang kanyang mga narinig mula sa kanyang mga magulang.

"Patawarin mo ako Cassandra. Patawarin mo ako anak," umiiyak na anas pa nang kanyang ama sa kanilang dalawa ng ina niya.

"I can't be poor Romulo! Alam mo naman na sa iyo ipinagkatiwala ni Papa ang kompanya pero anong ginawa mo? Heto at nilustay mo ang lahat ng mga pinaghirapan ng pamilya ko!" sigaw ng kanyang ina sa kanyang ama.

Her mother is part of the socialites world. Napakayaman nang pamilyang pinagmulan ng kanyang ina. Ngunit kahit sakabila ng mga yaman nito ay mas pinili pa rin nitong magpakasal sa napakasimple niyang ama na nagkataon naman na secretary ng ama nito. Sa madaling salita ay isa lamang ang kanyang ama sa mga pinagkakatiwalaang trabahante ng lolo niya noon. Ngunit nang mamatay ang lolo niya ay isinalin at ipinagkatiwala nito ang kompanya sa kanyang amang si Romulo sapagkat ito nga ang asawa ng nag-iisa nitong anak na babae. Kaya ganito na lamang ang paghihinagpis ng kanyang ina sa kaisipan na maghihirap na silang magpapamilya.

"S-siguro ay may paraan pa naman po diba? Mom, Dad. Mag-isip po tayo nang paraan para maisalba natin ang kompanya natin," bigkas niya sa dalawang mga magulang na halos sabay namang napatingin sa kanya.

"Anong paraan pa ang maaari nating magagawa hija? Sobrang laki ng utang natin at halos lahat ng mga share holders ay pawang umaatras na. Saan tayo makakakuha nang ganoong klase ng halaga para lang maibalik sa dati ang estado ng negosyo natin?" iyak ng kanyang ina sa kanya.

"May paraan pa," biglaang sabi ng kanyang ama na siyang ikinalingon nilang dalawa ng kanyang ina.

"May paraan pa? Ano iyon Dad?"

"May kakilala ako sa casino na naghahanap nang maaari niyang maibliblind date na babae. Malaki ang bayad niya anak kaya gawin mo."

Halos sabay na nalaglag ang panga niya at ng kanyang ina sa naging suhestiyon ng kanyang ama sa kanya.

"W-what? G-gusto niyo pong..ma..makipagblind date ako? Seryoso ba kayo diyan sa mga sinasabi niyo dad?" hindi makapaniwala niyang tanong sa kanyang ama.

"O-oo! Alam mo ba kung gaano kalaki ang ibinabayad sa mga babaeng nag-eescort sa casino? At kapag natuwa sa iyo ang kablind date mo ay mas malaki pa ang tsansa na malaki rin ang ibibigay nila sa iyo-"

*PAK!!*

Natuptop niya ang kanyang bibig sa sobrang gulat nang malakas na simapal ng kanyang ina ang kanyang amang si Romulo.

"Ang kapal nang mukha mo na iutos at sabihin sa mismong anak mo ang mga bagay na iyan Romulo!" singhal ng kanyang ina sa ama niya na hanggang ngayon ay nakatabingi pa rin ang ulo.

"Ikaw ang puno't dulo nang lahat nang problema nating ito at ngayon ay gusto mo na ang anak mo ang gumawa nang paraan? Ganyan ka na ba talaga ka walang silbing ama para sa kanya! Gusto mong gawing p****k ang anak natin nang dahil lang sa pera!" galit na sigaw ng kanyang ina na agad naman niyang pinigilan.

"Mom, please huminahon po kayo. Wala pong mabuting idudulot ang pagsigaw at pananakit natin sa isa't isa. Hindi po natin mareresolba ang problema kung ganito po tayong tatlo," alo niya sa kanyang ina.

"Gusto niyo nang paraan hindi ba? Iyon ang mas mainam na paraan na nakikita ko! Maliban na lamang kung mas nanaisin niyong dalawa na matulog sa kalye at mamulubi."

"A-anong ibig mong sabihin Dad?"

"Makukulong ako Catherine! Makukulong ako dahil sa laki nang utang ko. Alam ko naman na kasalanan ko ang lahat ng ito at inaamin ko iyon pero ayaw kong maiwan ko kayong dalawa dito sa labas na namumulubi habang ako ay nasa loob ng rehas. Hindi ko kakayanin anak. Hindi," umiiyak nang anas ng kanyang ama sa kanya.

"Napaka walang hiya mo!" sigaw ulit nang kanyang ina at sa pagkakataon na ito ay sinuntok suntok na nito ang kanyang ama.

Hindi niya na alam ang gagawin niya idagdag mo pa ang nangyayaring pagtatalo ngayon ng kanyang mga magulang. Hindi siya makapaniwala na sa lahat ng mga nangyayari. Dahil kanina lamang ay sobrang ayos pa nang mundo niya at ngayon ay biglaang ganito na ang nangyayari.

Humugot siya nang isang malalim na hininga bago siya determinadong nagsalita.

"I-I will do it."

Natigil ang mga magulang niya sa pagtatalo at gulat na sabay na napatingin sa kanya.

"Anong sinabi mo hija?" Hindi makapaniwalang tanong ng kanyang ina sa kanya.

"I will do it mom. Gagawin ko na po iyong blind date na sinasabi ni Daddy kanina," matatag na anas niya na ikinalaglag ng panga ng kanyang ina sa kanya.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Komen (1)
goodnovel comment avatar
Lexius rhian
magkikita na Sila ni ml...
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • My Contracted Husband Is A Cold Billionaire   Kabanata 32: His Office

    CATHERINE POVBabalik na sana ako sa pagtulog dahil sa pagkakataon ko na nga ito para bumawi nang tulog. Dahil sa hindi nga naman ako nakatulog nang maayos kagabi. Ngunit natigilan ako sa aking binabalak nang bigla na lamang nagring ang aking cellphonena nasa katabing lamesa nitong kama namin. Dinampot ko iyon at nakita ko na si mommy pala iyong tumatawag.Hindi na ako nagdalawang isip pa na sagutin ang tawag niya at nang masagot ko iyon ay agad niyang ipinaalam sa akin na inihanda na niya ang aking mga iilang damit na naiwan ko nga sa bahay namin. Sinabi ko na lamang sa kanya na kukunin ko ang mga ito mamaya.Matapos ang tawagan namin ay dali-dali na akong nag-ayos nang aking sarili. Hindi na ako nag-abalang maligo pa dahil sa hindi nga naman ako nakatulog rin nang maayos kagabi. Suot ang isang simpleng pants at puting loose white t-shirt ay tumulak na ako palabas nang kwarto.Alam kong sobrang dami ko nang damit dahil sa binilhan nga ako ni Zaad. Ngunit hindi ko kasi type ang mga da

  • My Contracted Husband Is A Cold Billionaire   Kabanata 31: Peaceful Night

    CATHERINE POV Una siyang bumangon sa aming dalawa at hindi na ako nagulat pa nang makita ko nanaman ang kanyang mala adonis na katawan. Nakasuot lang kasi siya nang isang itim na pajama pants at wala siyang damit pang itaas. Bakit pa ako magugulat sa katawan niya ehh sa nakatabi ko nga siya kagabi at halos dumikit na nga siya sa akin nang sobra. Nilingon niya ako at kita ko na medyo kumunot ang noo niya sa akin. "What happened to you, my wife? Are you not feeling well? O hindi ka lang nakatulog nang maayos kagabi?" nagtataka niyang tanong sa akin habang sinusuyod nang kanyang mga mata ang kabuuan nang mukha ko. "Hindi naman sa ganon. Medyo namamahay lang kasi ako," mapaklang ngiti ko sa kanya. Bakit ko naman sasabihin sa kanya na siya ang dahilan kaya hindi ako nakatulog nang maayos kagabi? Baka isipin pa niya na buong magdamag ko siyang pinagmamasdan! "Ohh! I see. Sa study room na muna ako," kumakamot sa buhok niyang bigkas at nakita ko ang pagdampot niya sa kanyang puting sand

  • My Contracted Husband Is A Cold Billionaire   Kabanata 30: Sleep Hug

    CATHERINE POVHindi ko alam kung ilang oras ba akong nakatulog pero nang sa pag gising ko ay naramdaman ko na lamang na parang may mabigat na bagay ang nakalagay sa aking katawan. Nagugulumihan akong napalibot nang tingin sa buong silid at napansin ko na medyo may kadiliman na ang buong kwarto. Tanging ang nagbibigay ilaw lamang ay ang dim light na nasa kisame. Napansin ko rin na maayos na akong nakahiga sa kama dahil sa may kumot na nga ako. Ngunit natigil lamang ang aking mga mata nang makita ko ang isang malaking braso na nakapulupot sa aking katawan.Wala sa sarili akong napalingon sa tabi ko at halos matigilan na ako nang makita ko ang itsura nang aking katabi.Sobrang lapit nang mukha ni Zaad sa akin habang payapa siyang natutulog sa aking tabi. Ngayon ko lang siya natitigan sa malapitan at wala akong ibang magawa kundi ang humanga na naman sa ikalawang pagkakataon sa napakagwapo niyang mukha.Ngayon ko lang napansin na sobra pala talagang makapal ang kilay niya. Hindi lang iyon

  • My Contracted Husband Is A Cold Billionaire   Kabanata 29: His Private Part

    CATHERINE POVHindi ko inaasahan ang mga sumunod na nangyari. Basta ang alam ko lang ay bigla na lamang na kumalas ang puting tuwalya na nakapulupot sa baywang niya at bumalandra sa harapan ko ang sandata niya."KYAAAAHHHHHH!!!!!" malakas na tili ko at agad na tinakpan ang aking mga mata.WHAT THE- WHAT THE HELL!!!!"OHH SHIT!!" rinig ko pang mura niya habang pinupulot ang kanyang puting tuwalya na nahulog.Mabilis akong tumalikod sakanya at walang salita akong dumiretso nang pasok sa loob nang walk in closet at tsaka agad iyong isinarado. Tangina ano iyon?!!! Bakit ganon? Talaga bang nakita ko iyon? Tama ba ang nakita ko kanina o namamalikmata lang ako? Ba-bakit...ba-bakit ang la-la-laki naman yata non at ang haba?Waaahhhh! Tumigil ka Catherine! Anong malaki at mahaba ang pinagsasabi mo diyan?! At kailan pa ako nagkaroon nang ideya sa mga bagay na iyon para masabi ko kaagad na malaki at mahaba!Napasapo ako sa aking mukha at kita ko sa salamin na naririto ang sobrang pamumula ng aki

  • My Contracted Husband Is A Cold Billionaire   Kabanata 28: Sudden View

    CATHERINE POVMadaling lumipas ang mga oras at ngayon ay gabi na. Nakahilata ako ngayon sa bathtub at nilarolaro ang mga bulang nasa tubig habang ang aking mga mata ay wala sa sariling nakatitig sa ilaw na nasa itaas. Kanina, matapos umalis ni Zaad dito sa aming silid ay hindi na siya bumalik pa. Mabuti na rin 'yon at talagang hindi ko kasi siya kayang pakiharapan pa matapos ang mga nangyari sa amin kanina.Nagagalit at nahihiya ako sa sarili ko dahil hinayaan ko 'yong mangyari kanina sa pagitan naming dalawa.Para maiwasan ang pag-iisip tungkol sa bagay na iyon ay ipinilig ko na lamang ang aking ulo at tsaka ako marahan na tumayo. Humarap ako sa shower at tsaka ako nagbanlaw ng aking sarili. Agad akong nakaramdam nang ginhawa matapos akong makapaghalf bath. Suot ang puting roba ay dahan-dahan akong lumabas ng banyo habang pinapatuyo ang aking medyo nabasang buhok gamit ang isang puting tuwalya. Ngunit ganoon na lamang ang laking pagkagulat ko nang makita ko si Zaad sa may bukana nang

  • My Contracted Husband Is A Cold Billionaire   Kabanata 27: Practice Makes Perfect

    CATHERINE POVNamumungay ang mga mata akong nakatitig ngayon kay Zaad habang ganoon rin siya sa akin. Pansin ko ang unti unting pagbaba ng kanyang mukha at halos mapapikit na ako nang maramdaman ko na ang mainit niyang hininga sa aking balat."See? Ito ang reaksiyon na gusto kong makita mula sa iyo sa tuwing magkasama tayong dalawa. If we do this everytime I know that we will be able to make it. After all practice makes perfect, right my wife," mahina ngunit mainit na anas niya na ikinamulat ng aking mga mata.Nakita ko ang paglayo niya sa akin at nang makababa na siya sa kama ay tsaka niya ako tinalikuran. Tahimik niyang dinampot ang kanyang hinubad na damit kanina at tsaka siya tuluyang lumabas ng silid na ito.Shiit!Anong nangyari? Para saan ang mga ginawa niya kanina? At ano daw? Practice makes perfect? Ibig bang sabihin ay isang ensayo lang pala ang mga ginawa niya kanina sa akin?Mahigpit akong napakapit sa makapal na bedsheet na naririto at tsaka ako mariing napayuko.Tangina

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status