INICIAR SESIÓNAlas-kuwatro pa lang ng madaling araw, pero balot pa rin ng makapal na hamog ang daan patungong Tanauan, Batangas. Malamig sa labas, halos walang ibang sasakyan sa kalsada.
Tahimik din sa loob ng SUV ng mga Boromeo. Mahinang instrumental music lang mula sa dashboard ang sumasabay sa ugong ng aircon. Nakasandal si Athena Valeria Boromeo sa backseat, nakapikit at nakabalot sa beige trench coat. Maayos pa rin ang buhok niya, walang bakas sa mukha na tatlong oras lang ang tulog niya. Kung hindi lang sa kumikirot niyang sentido. Mula pa kagabi ay sunod-sunod na ang tawag ng ama niya mula New York. Iisa ang laman ng mga iyon: ang expansion project sa Batangas. This expansion will secure our dominance against the Rodriguez family, Valeria. Huwag kang magpapakita ng kahit anong kahinaan sa mga contractors doon. Napahawak si Val sa sentido at marahang napapikit. Damn. Parang lalong sumakit. Mula sa rearview mirror, napansin ni Nick Sarmiento ang pagkilos niya sa likod. Tahimik lang itong nagmamaneho, parehong kamay nasa manibela. Suot ang makapal na salamin at simpleng polo na parang masyadong malaki nang kaunti sa katawan niya. Sa halos dalawang linggo nitong pagiging executive assistant niya, bihira niya itong makitang mataranta. Kahit siya pa ang dahilan. “Ma’am Val?” Hindi sumagot si Val. “Okay lang po kayo?” Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata. “I’m fine, Nick. Just drive.” “Opo.” Ibinalik ni Val ang ulo sa sandalan. Ilang minuto silang muling natahimik. Kaya agad niyang napansin nang bumagal ang sasakyan. Napadilat siya. “Nick?” Maingat na itinabi nito ang SUV sa gilid ng kalsada, malapit sa isang convenience store. “What are you doing?” Pinatay ni Nick ang signal light. “Sandali lang po.” “Hindi tayo puwedeng ma-late sa Tanauan.” “Hindi po tayo male-late.” “Then why are we stopping?” Hindi agad sumagot si Nick. Tinanggal nito ang seatbelt at kinuha ang paper bag sa tabi ng driver's seat, kasunod ang maliit na thermos. Iniabot iyon sa likod. Napatingin si Val sa bag, saka sa kaniya. “Ano ’to?” “Breakfast.” Kumunot ang noo niya. “Nick.” “Kaunti lang po.” Bahagyang inayos nito ang salamin. “Hindi po kasi kayo kumain bago tayo umalis.” “And you know that because?” “Ako po ang nagdala ng kape ninyo kaninang alas-tres.” Val stared at him. Right. “Hindi ibig sabihin no’n kailangan mong ihinto ang sasakyan.” “Hindi rin po magandang uminom kayo ng gamot nang walang laman ang tiyan.” “Anong gamot?” May inilabas itong maliit na pakete mula sa paper bag. “For your headache.” “Hindi ko sinabi sa ’yo na masakit ang ulo ko.” Bahagyang natigilan si Nick. Pagkatapos ay tumingin ito sa kamay niyang nakahawak pa rin sa sentido. Sinundan ni Val ang tingin niya. Ah. “Right.” “I figured,” sabi nito. “And tea po. Chamomile. May konting honey.” “May baon kang chamomile tea?” “Prepared lang po.” May kung anong muntik nang gumalaw sa sulok ng labi ni Val. “Of course you are.” Tahimik na napangiti si Nick. Kinuha ni Val ang thermos. Mainit iyon sa palad niya. Binuksan niya at humigop nang kaunti. Hindi niya alam kung dahil ba sa init o sa simpleng katahimikan ng madaling araw, pero kahit paano ay nabawasan ang bigat sa dibdib niya. Napatingin siya sa paper bag. “Sandwich?” “Opo.” “You made it?” “Opo.” Napatingin ulit siya kay Nick. “You’re surprisingly domesticated.” Napayuko ito, halatang hindi alam kung compliment ba iyon o insulto. “Thank you… I think?” Napangiti si Val. Maliit lang. Halos wala. Pero napansin iyon ni Nick. Hindi niya lang ipinahalata. “Salamat,” sabi niya pagkatapos ng ilang segundo. “You didn’t have to.” “Okay lang po.” Val took another sip. Hindi na siya sanay sa ganito. Sa bahay, sa opisina, kahit sa mga tawag ng mga magulang niya, laging may hinihingi sa kaniya. Decision. Approval. Signature. Result. Walang nagtatanong kung nakatulog ba siya. O kung kumain na ba siya. “Trabaho mo bang bantayan pati pagkain ko?” tanong niya. “Hindi po yata kasama sa job description.” Napatingin siya rito. “Then why?” Nagkibit-balikat si Nick. “Mas mahirap po kayong alagaan kapag nagkasakit kayo.” Val blinked. Then, despite herself, she laughed softly. “Wow. Concerned ka pa rin pala sa sarili mo.” “Practical lang po.” “Good answer.” Muli siyang sumandal. “Sige. Drive.” “Opo.” Isinuot ni Nick ang seatbelt. “Nick?” Napalingon ito nang bahagya. “Ma’am?” “Thank you.” This time, she meant it. Ngumiti lang si Nick. “You’re welcome po.” Muling umandar ang SUV. At sa nalalabing biyahe patungong Tanauan, hindi na muling binanggit ni Nick ang tungkol sa sakit ng ulo niya. Hindi rin ibinalik ni Val ang thermos. Pagsapit ng alas-siyete, nasa site na sila ng itatayong manufacturing plant ng Boromeo Group. At ibang Valeria na ulit ang humarap sa mga engineers at contractors. “Move the equipment staging farther east. Kapag nagsimula ang excavation, ayokong may haharang sa access road.” “Yes, Ms. Boromeo.” “And I want the revised timeline before lunch. Not tomorrow. Not end of day. Before lunch.” “Yes, ma’am.” Dire-diretso siyang maglakad sa ilalim ng araw habang ipinapaliwanag ng project manager ang site development plan. Ilang hakbang sa likod niya si Nick, tahimik na nagno-notes sa tablet. Nang tumindi ang sikat ng araw, bigla na lang may lilim na dumapo sa kaniya. Napatingala si Val. Payong. Hawak ni Nick. “I’m fine,” sabi niya. “Opo.” Pero hindi nito inalis ang payong. Napailing na lang si Val at nagpatuloy sa paglalakad. Hapon na nang matapos sila. Bago bumalik ng Makati, nag-check in muna sila sa isang resort malapit sa lawa para makapagpahinga at matapos ang ilang reports. Nasa sariling suite si Val, abala sa contracts, habang nasa katabing kuwarto naman si Nick. Pagsara ng p***o, nanatili siyang nakatayo roon nang ilang segundo. Tahimik. Pagkatapos ay tinanggal niya ang salamin. Kasabay noon, nawala ang bahagyang yuko ng kaniyang mga balikat. Tumuwid ang tindig niya. Wala na rin ang maamong ekspresyon ni Nick Sarmiento. Lumabas siya sa balkonahe at kinuha ang isa pang cellphone mula sa bulsa. Nag-dial siya. Ilang ring lang. “Kamusta?” bungad ng lalaki sa kabilang linya. “Nakarating kayo?” “Yes.” Naglakad siya papunta sa railing at tumingin sa lawa. “Everything’s fine.” “And Valeria?” Saglit siyang natahimik. “Nagsisimula na siyang magtiwala.” “Sigurado ka?” Napangiti siya nang bahagya. “She drank the tea.” May mahinang tawa sa kabilang linya. “Tea? ’Yan ang strategy mo?” “Apparently, it works.” “Don’t underestimate her. Valeria Boromeo isn’t stupid.” “I know.” Nawala ang ngiti niya. “She doesn’t need to be stupid.” Tumahimik ang kabilang linya. “She just needs to trust the wrong person.” “Careful. Baka ikaw ang makalimot kung bakit ka nando’n.” Nanigas ang panga niya. “I won’t.” Tumingin siya sa katabing balkonahe. Sa kabilang pader lang naroon si Val. So close. “Hindi ko nakakalimutan.” Pinutol niya ang tawag. Ilang segundo pa siyang nanatili roon bago muling isinuot ang salamin. Bumaba ulit nang kaunti ang kaniyang mga balikat. Nang bumalik siya sa loob ng suite, wala na ulit ang lalaking kausap sa telepono. Si Nick Sarmiento na ulit siya. Tahimik. Mahiyain. At eksaktong lalaking unti-unting pinagkakatiwalaan ni Valeria BoromeoNagising si Valeria sa sunod-sunod na vibration ng cellphone niya sa bedside table.Dumilat siya at inabot iyon nang hindi man lang tumitingin sa oras.6:04 AM.May ilang emails na agad mula sa office, dalawang message mula sa Finance Director, at isang message mula kay Nick.Napakunot ang noo niya.Nick:Good morning po, Ma’am Valeria. Sorry po, hindi po ako makakapasok today. Medyo masama po pakiramdam ko. Na-forward ko na po kay Ms. Reyes ang schedule at files ninyo for today. Sorry po ulit.Valeria stared at the message for a moment.Then typed.Valeria:Okay. Rest.She sent it, dropped the phone beside her, and got out of bed.Nothing unusual.May sakit ang assistant niya.One day.She could survive one day without Nick Sarmiento.Obviously.Pagdating sa office, isang babaeng hindi niya pamilyar ang nakatayo sa labas ng pinto niya.“Good morning po, Ms. Boromeo. I’m Carla Reyes from the executive support team. Ako po muna ang mag-a-assist sa inyo today.”“Good m
“Again.”Tahimik ang conference room sa pinakamataas na palapag ng Rodriguez Global Holdings.Walang gumalaw.Walang nagsalita.Nasa dulo ng mahabang mesa si Phoenix Rodriguez, nakasandal sa upuan habang hawak ang report na ilang minuto nang ipinapaliwanag ng Finance Director.Wala ang makapal na salamin.Wala rin ang maluwag at simpleng polo ni Nick Sarmiento.Naka-dark tailored suit siya, maayos ang buhok, at malamig ang tingin habang isa-isang binabasa ang numbers sa papel.“Explain this again.”“Sir Phoenix, may additional expenses po kasi sa logistics, and we thought—”“That’s exactly the problem.”Natahimik ang lalaki.Phoenix placed the report on the table.“You thought.”Hindi niya kailangang magtaas ng boses.“That’s not what I asked you to do.”“Yes, sir.”“I asked your team to verify the numbers before submitting them to me. Did you?”Walang sumagot.Phoenix leaned back.“I’m listening.”“Sir, kulang po kasi sa oras and—”“Not my problem.”Tumigas ang
Maulan nang umagang iyon nang dumating si Athena Valeria Boromeo sa opisina.Pagkababa niya ng sasakyan, sinalubong agad siya ng malamig na hangin at ambon. Kahit may payong ang driver, hindi pa rin naiwasang mabasa nang kaunti ang buhok at balikat niya habang naglalakad papasok ng building.Pagdating sa executive floor, naroon na si Nick sa desk nito, nakaharap sa laptop at abala sa pag-aayos ng schedule niya.“Good morning po, Ma’am Valeria.”“Morning.”Dire-diretso siyang pumasok sa opisina.Hindi niya napansin ang tinging ipinukol ni Nick sa basa niyang buhok.Ilang minuto lang ang lumipas nang kumatok ito.“Come in.”Pumasok si Nick na may dalang maliit na towel.Napatingala si Valeria mula sa laptop.“What’s that?”“Basa po buhok ninyo.”“I know.”Iniabot ni Nick ang towel.Tinitigan niya iyon bago muling tumingin sa lalaki.“May towel ka sa office?”“Opo.”“Why?”Mukhang nag-isip pa ito.“Emergency?”“What kind of emergency requires a towel?”Saglit na natahimik si Nick.“Rain?
Alas-dose y medya nang muling pumasok si Nick sa opisina niya.May dalang paper bag.Hindi man lang tumingala si Valeria.“No.”Huminto siya.“Ma’am Valeria?”“Whatever is inside that bag, no.”“Lunch po.”“I figured.”“Okay po.”Tumalikod si Nick.Napatingala si Valeria.“Where are you going?”“Ilalabas ko po.”“I didn't say throw it away.”Huminto ito.“A-Ah…”Napabuntong-hininga si Valeria.“I said no. Hindi ko sinabing hindi ako kakain mamaya.”“Opo.”“Leave it.”Bumalik si Nick at inilapag ang paper bag sa gilid ng desk.“Anything else?”“Wala na po.”Naglakad na sana ito palabas.“Nick.”“Yes, Ma’am Valeria?”“What is it?”“Chicken sandwich po.”“You made it?”“Opo.”Tumingin si Valeria sa bag.“Fine.”Bahagyang ngumiti si Nick.“Enjoy po.”“And Nick?”Huminto ulit ito.“Yes, Ma’am Valeria?”“This doesn't mean responsibility mong pakainin ako every day.”“Opo.”“I’m serious.”“I know po.”“Good.”Tumango ito at tuluyang lumabas.Twenty minutes later, wala nang laman ang paper ba
Pagsapit ng alas-onse, puno na ang conference room.Nasa dulo ng mahabang mesa si Valeria habang isa-isang inilalahad ng department heads ang revised numbers para sa Batangas expansion.Tahimik lang si Nick sa likuran niya, hawak ang tablet habang kumukuha ng notes.“So you're telling me na fourteen percent ang magiging increase sa projected construction cost within the first quarter?”Nagkatinginan ang Finance Director at Project Head.“Based on the current estimates, yes, Ms. Boromeo.”“Why?”“Material costs, labor adjustments, saka may ilang changes pong nirequest ang Engineering.”Binuklat ni Valeria ang report.“This wasn’t in the initial proposal.”“No, Ms. Boromeo.”“At ngayon ko lang malalaman?”“We were still verifying the numbers.”“You had three days.”Tumahimik ang conference room.Ibinaba ni Valeria ang report sa mesa.“I’m not approving fourteen percent.”“Ms. Boromeo, baka mahirapan po tayo because—”“Then bring it down.”“Ma’am, hindi po gano'n kadali.”Tumingin si Val
Kinabukasan, eksaktong alas-siyete ng umaga nang dumating si Athena Valeria Boromeo sa opisina.Tahimik pa ang executive floor. Kakaunti pa lang ang employees na dumarating, habang ang iba ay nagkakape pa sa pantry o naghahanda ng mga gamit sa kani-kanilang desk.Dire-diretso si Valeria sa kaniyang opisina, pero pagkapasok niya ay agad siyang napahinto.May nakapatong na tasa ng chamomile tea sa desk niya.Sa tabi nito ay may sandwich.Walang note.Walang kung anong cheesy na message.Napatingin siya sa labas ng glass wall.Naroon na si Nick sa desk nito, abala sa laptop na para bang wala itong kinalaman sa pagkaing naghihintay sa loob ng opisina niya.Lumabas si Valeria.“Nick.”Agad itong napatingala.“Good morning po, Ma’am Valeria.”Itinuro niya ang desk sa loob. “What’s that?”Sumilip si Nick sa direksyong itinuturo niya.“Breakfast po.”“I can see that.”Napakurap ito.“Then… bakit n’yo po tinatanong?”Napatitig si Valeria sa kaniya.Parang saka lang na-realize ni Nick ang sinab

![Just One Night [Tagalog]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)





