INICIAR SESIÓNChapter 74Natahimik ang lahat, sabay-sabay na napatingin kay Cormac.Alam nilang sa lahat ng naroroon, siya ang pinakailap sa ganitong usapan. Sa totoo lang, isang babae lang ang nakarelasyon niya noong kolehiyo pa, pitong taon na ang nakalilipas. Pagkatapos no’n, wala na. Parang isinara na niya ang puso at iniwan sa isang lugar na tanging siya lang ang nakakaalam.Nakasandal si Cormac sa itim na leather sofa, kaswal na humihinga sa pagitan ng amoy ng alak at usok ng sigarilyo. Suot niya ang dark blue na long-sleeves.“Anong type…” ulit niya sa mababang tinig, parang inuulit sa sarili.Tahimik ang lahat, naghihintay ng sagot.At saka niya dahan-dahang inangat ang tingin, bahagyang napapikit, at sa paos na boses ay bumulong.“Hindi pa siya divorce.”Sandaling natigilan ang lahat.Tumingin siya sa kahon ng imported chocolates sa mesa, saka marahang kinuha iyon. “Lincoln,” aniya, “bigyan mo pa ako ng isa pang kahon nito. Dadalhin ko at ibibigay sa bata.”Napakurap si Lincoln, tila hind
Chapter 73Mula pagkabata hanggang ngayon, hindi pa kailanman natalo si Cormac sa card table lalo na kapag masama ang mood niya. “Naku, relax ka lang, bro,” biro ni Jonas, nakangiti habang nagbibilang ng chips. “Pampatensyon lang ‘yan. Wala namang thrill kung panalo ka lagi.”“Boring nga,” malamig na tugon ni Cormac habang inaayos ang mga baraha.Sa loob ng kalahating oras, tatlong sunod na laro ang natapos at si Cormac pa rin ang panalo. Ang mga kalaban ay unti-unting nawalan ng gana.Sumandal si Lincoln sa upuan, pilit na tinatawanan ang pagkatalo. “Masaya ba ito sa inyo? Lahat talo palagi, siya lang nananalo. ‘Yung natalo, parang mawawalan ng bahay at lupa!”Napahimas si Jonas sa ilong, sabay tawa nang alanganin. “Eh… sige, last game na lang siguro?”Ngunit bago pa man makapaglatag muli ng baraha, biglang bumukas ang pinto ng VIP room.Napalingon silang lahat. Pumasok si Charles at agad nagbura ng ingay sa paligid. Tahimik na naglakad ito papunta sa kanila, mahinahon ngunit halata
Chapter 72Medyo nahuli si Naomi sa pagpasok sa opisina ng LM. Kahit flexible ang working hours, ramdam na ramdam ang bigat ng trabaho dahil lahat abala sa year-end reports at assessment.Paglapit niya sa workstation, napabuntong-hininga siya habang binubuksan ang bag.“Hay… sira pa rin ang computer ko,” bulong niya, sabay labas ng tablet.Sumilip si Mia mula sa kabilang mesa, may hawak pang kape.“Di pa rin naaayos, Naomi?” tanong nito, bahagyang kunot ang noo.“Hindi pa raw natapos ng technician,” sagot niya, sabay ngiti ng pilit. “Tablet muna ulit ako ngayon.”Kakaupo pa lang niya at hindi pa natatanggal ang coat nang marinig ang boses ng project manager mula sa pinto.“Team meeting, conference room. Now!”Napailing si Naomi, sabay irap sa hangin. “Ni hindi man lang ako nakainom ng kape…”Sa meeting room, umupo siya sa sulok at binuksan ang tablet. Maya-maya, lumapit si Shane, ang head designer, bitbit ang folder.“Naomi,” tawag nito, sabay abot ng folder. “May private order ako pa
Chapter 71Lumapit pa si Mrs. Olivia at inalalayan ni Georgia habang naglalakad papasok.“Bilang hipag, huwag ka masyadong makialam sa ganyang bagay. Hayaan mong si Cormac na ang magpayo,” patuloy ng matanda.“At oo nga pala,” dagdag niya, “tawagan mo si Cormac mamaya. May anak na babae ‘yong kumare ko sa golf naku maganda iyon at matalino. Kahit isang beses lang siyang makipagkita. Try niya lang. Kung sakaling pumanaw man ako, gusto kong makita siyang may asawa na.”“Mom, huwag mo namang sabihin ‘yan. Malakas ka pa o,” mabilis na sagot ni Georgia.Napabuntong-hininga si Mrs. Olivia. “Alam mo naman ang ugali niyang kapatid mo, mahirap hulaan. Pinahulaan ko pa nga ‘yan sa mga manghuhula sa Quiapo. Sabi ng manghuhula, magulo raw ang kapalaran niya sa pag-ibig.”Tahimik lang si Georgia, pero sa loob-loob niya, napaisip siya. Tama ang manghuhula—hindi lang “magulo,” parang sakuna na nga.Napatitig siya sa ina, at marahang nagtanong, “Ma… paano kung, halimbawa lang ha… si Cormac biglang ma
Chapter 70“Gusto ba ni Neriah si Tito Erick Thomas?”Kumindat ang bata. “Gusto ko rin siya.”Marami na siyang beses na nakita ito dahil siya ang madalas mag-ayos ng tumatagas nilang tubo sa tubig.Akala ni Naomi ay maririnig niya mula sa bata ang diretsong sagot. Kasi nga, sa edad ni Neriah, simple pa ang mga iniisip—walang halong komplikadong damdamin tulad ng sa matatanda.Pero hindi niya inasahan iyon.Napansin niyang parang nag-isip at nag-alinlangan pa ang bata.“Gusto ko si Tito Erick, pero mas gusto ko si Doc Pogi.”Nanlaki ang mga mata ni Naomi sa gulat.Nagpatuloy si Neriah, “Mama, puwede bang si Yuan at si Doc Pogi ang sumama sa birthday ko?”Isang linggo na lang at kaarawan na ni Neriah.Hinaplos ni Naomi ang buhok ng anak at mahinahong sabi, “Neriah, Sabado iyon at kailangan nating umuwi para dalawin si lola.”“Ah.” Medyo nadismaya ang bata.Pero agad din siyang ngumiti at yumakap kay Naomi. “Eh ‘di mas maganda, Mama! Makikita ko si lola. Ang dami kong gustong ikuwento sa
Chapter 69Sinabi niya na si Naomi ay “nakikipaglandian” sa ibang lalaki, pero ang totoo siya itong may hawak ng kamay ng babae, at ayaw pakawalan. Alam ni Cormac ang totoo, na nagseselos siya kahit wala siyang karapatan. Pero ayaw niyang aminin.Sa gilid, may mga kapitbahay na napatingin sa kanila.Kilala si Naomi ng halos lahat roon. Lalo na’t paborito si Naomi ng mga kaibigan ni Lola Maria sa baraha at mga kasamahan sa senior dance troupe.Kaya’t nang makita sila, may mga matang puno ng kuryosidad.“Si Naomi ‘yon ah…” bulong ng isa. “Pero sino ‘yong lalaking ‘yon? Ang porma…”Bumukas ang pinto. Dalawang matandang babae ang lumabas.Nagkatinginan sila ni Naomi at sabay-sabay silang napatigil.Doon lang biglang napabitaw si Cormac. Ayaw niyang bitawan talaga, pero alam niyang mali. Kilala ng mga ito si Naomi. At higit sa lahat, may asawa si Naomi, nakatira pa sa bahay ng biyenan.Narinig niya ang bulungan sa likod.“’Di ba ‘yan ‘yung nakatira kina Maria?”“Sino ‘yong lalaki? Mukhan







