Chapter 19 – Nagulat ang lahat!Bago kami pumunta sa McCann Headquarters ni Jessie para kunin ang aming Certificate of Internship ay inaya ko siya sa Burger King para kumain. Inabot na kami ng alas-dos ng hapon sa L'Oreal Headquarters para sa aking makeover.“I am so sorry! You missed your lunch.” paumanhin ko kay Jessie.“It's okay! I didn't know that I was hungry until now! “sagot ni Jessie habang kumakain kami. “I was enthralled by your transformation! Look at all the customers here! They are all looking at you wondering if you are an actress or something!” “Hush! This is still me! The ordinary girl from the Philippines.” sagot ko.Pagkatapos naming kumain ay nagtuloy na kami sa opisina ng McCann Worldwide upang kunin ang aming Certificate of Internship ni Jessie.“Wait, before we proceed to HR, I will have to collect some of my things at the copywrite section. Common on!” aya ni Jessie. Ang hindi ko alam, talagang gusto ni Jessie na pumunta kami sa copywrite section para
Chapter 20 - She's a Natural!Kinabukasan, sinundo nga ako ni Jessie ng maaga para ihatid sa L'Oreal Headquarters para sa aking isang linggong crash training sa modelling. “I will pick you up this afternoon after your training!” paalam ni Jessie. Pagbungad ko pa lang sa opisina ni Chrissy ay na-shock siya sa kanyang nakita. “What are you wearing????” sigaw niya. “Love, you are now an image model of L'Oreal! You should be mindful of what you wear! Look at yourself! You look drab! You could at least wear a tight fitting shirt and jeans! And you hair! You should let you hair down.. Not in a tight bun like that! Tomorrow, I want to see some changes in what you wear, okay?”“Understood, Chrissy.” mahina kong sagot.Sinamahan ako ni Chrissy sa training room ng mga models. Sa reception hall ng training room ay may mga life-size pictures ng mga naging image models ng L'Oreal tulad nina Kendall Jenner, Cara Delevigne, Eva Longoria at iba pa.Mag-isa lang naman akong model na tuturuan. A
Chapter 21 - Is that George?Graduation ko na bukas ng 11 am. Hindi pa dumadating sina Papa, Mama at mga kuya ko. Sabi ni Kuya Phillip,, one day before the graduation nandito na sila sa LA para daw makapagpahinga bago ang graduation ceremony ko. Hindi naman siya tumatawag sa cellphone. Kinabukasan ng umaga ay wala pa rin sila. Si Kylie ang nag-makeup sa akin at yung binili kong red dress sa Target ang aking sinuot. Ang gusto ni Kylie ay pahiramin niya ako ng kanyang Christian Dior na ternong pants at blazer. Tumanggi ako at nakakahiya naman sabi ko sa kanya. Hinatid ako ni Kylie sa UCLA sa Pauley Pavillion kung saan gaganapin ang graduation ng 10 am. May appointment kasi si Kylie kaya iniwan na lang niya ako doon. Sinuot ko na ang aking itim na toga at palingon-lingon sa aking paligid hanggang sa nakita ako ni Jessie.“”Congratulations!” bati ni Jessie. “You look amazing! But are you looking for something or somebody in particular?”“Yeah! My family has not arrived yet! They wer
Chapter 22 – Love!Nag-convoy nga ang mga sasakyan namin ni Jessie papunta sa restaurant. Nagrenta sina Papa ng isang van para magamit nila sa pamamasyal sa Los Angeles. Sa loob ng van ay parang pulis ang dalawa kong kuya sa pagtatanong sa akin tungkol kay Jessie.“Ano mo si Jessie?” tanong ni Kuya Phillip.“Kaibigan ko!” sagot ko.Kaibigan o ka-ibigan!” sabi naman ni Kuya Hunter.Bakit Love ang tawag niya sa iyo?” tanong ulit ni Kuya Phillip.“Friends nga kami! Nanligaw siya sa akin pero sinabihan ko agad na friends lang kami. Siya lang ang friend ko dito sa UCLA na lalaki. Kaya Love ang tawag niya sa akin, ano ba ang pangalan ko?” tanong ko sa mga kapatid ko.“Georgina Love!” sagot ng Mama ko.“Precisely!” sagot ko. “Love kasi ang screen name na binigay sa akin ni Christian.”“Sino naman si Christian? Yan na ang boyfriend mo?” tanong ni Kuya Hunter.“Alam ninyo? Para kayong mga imbestigador!” sgot ko. “Siya ang aking agent.”“Anong agent? Agent 007?” patawang tanong ni Ku
Chapter 23 – Tagumpay!Araw na ng shooting para sa L'Oreal Global Campaign. Sa isang studio sa Hollywood ginawa ang photo at video shooting ng West Hollywood Film and Photo Studio and Stage. Ang McCann Worldwide ang punong abala sa shooting mula sa production services, photographer, production stylist, make-up and wardrobe artist at set design kaya hindi ako asiwa dahil mga pamilyar ang mga mukha nila. Two weeks bago ang shooting ay pinadala na sa akin ang storyboard ng commercial kaya alam ko na kung paano tatakbo ang shooting at pictorials. Isa pa, kasama nga ako sa grupo ng creatives na gumawa ng media plan, script, pre-production planning sa McCann kaya more or less ay alam na alam ko ang storyline ng video. Ang art director ng commercial na ang bahala sa takbo ng video shooting at photo shoot. Sa photo shoot naman, bahala na ang photographer kung paano ang mga angulo ng shots na kukunan base sa gusto ng art director.Dumating ang mga magulang at mga kuya ko pati na rin si J
Chapter 24 - A Glamorous but Dangerous Life!Isang buwan matapos ang matagumpay na L'Oreal global campaign launch, panay ang tawag ng mga fashion magazines kay Chrissy upang i-feature ako sa mga cover ng mga ito. Limang sikat ng fashion magazines ang kanyang pinagbigyan. Ininterview ako ng mga writers sa L'Oreal Headquarters sa Los Angeles. Kaya naman halos magkakasabay na lumabas ang issue ng mga magazines na puro mukha ko ang makikita. Sa Vogue Magazine, ang cover ay mukha ko at ang title ng article ay “Re-invented Beauty and She's Worth It! Sa Harper's Bazaar Magazine naman, “Love, a Complete Unknown, to a Global Sensation! Sa Elle Magazine naman, “A Total Unknown, Rocks Paris Fashion Stage at the L'Oreal's Global Campaign Launch! Pagkatapos ng Paris event ay pumirma na ako ng kontrata sa Elite Model Management at si Chrissy ang aking naging handler o agent. Tuwang-tuwa naman ang CEO ng L'Oreal sa resulta ng sales ng L'Oreal kung saan ako ang image model. Halos 50% ang increas
Chapter 25 – Prostitution sa Modeling Isinama ko nga ang Kuya Hunter ko sa London Fashion Show. Doon na kami nagkita ni kuya dahil mangagaling siya sa Pilipinas at kami naman ni Chrissy ay sa Los Angeles naman mangagaling.Natupad nga ang hiling ni Kuya Hunter na mai-display ang mukha niya sa red carpet ng London Fashion Show dahil siya ang naging escort ko. Hindi naman pahuhuli sa kagwapuhan at tangkad ang Kuya Hunter ko sa mga dayuhang models na kasama ko sa runway. “O ayan! Wish granted ka na!” sabi ko kay Kuya Hunter. “May isang taga-media ang nagtanong kay Kuya Hunter, “Are you the boyfriend of Love?”Hindi sumagot ang kuya ko. Ngumiti lang siya na may pagka-misteryoso.Pagkatapos ng London Fashion Show ay nagkaroon ng isang after party event na sponsored ng Burburry sa Q-Shoreditch kung saan umattend din ang mga kilalang fashion models na kasama ko rin sa show. Nandoon din si Chrissy at si Kuya Hunter na tila starstruck sa mga nakikita ang nakakahalubilong mga internat
Chapter 26 - Arranged MarriageOne week pagkatapos ng London incident na kinasangkutan ko nagpasya na akong umuwi sa Pilipinas. Kulang tatlo at kalahating taon na rin ako dito sa Los Angeles. Tinapos ang pag-aaral ng dalawang taon at nagtrabaho bilang isang commercial at fashion model ng isang taon. Nagpaalam ako kay Chrissy na babalik na ako sa Pilipinas pagkaraan ng dalawang buwan.“What??? Was it because of that London incident? What are you going to do in the Philippines?” tanong ni Chrissy. Ako kasi ang may pinakamataas na bayad at laging kinukuha sa kanyang grupo ng mga models. Siyempre, malaki na rin ang komisyong nakukuha niya mula sa talent fees ko kaya nanghihinayang siya. “Anyway, that won't be a problem. I'll just call you if there is a nice and good-paying projects for you to do. Will that be okay with you?”“I am going back to the Philippines to rest for one month and look for a low-key, uncomplicated job over there.” paliwanag ko sa kanya. “Modeling for you will not
Chapter 58 – James, kumuha ka ng higit pa sa akin!Umakyat ako sa penthouse office ni James. Pinapasok agad ako ng kanyang secretary sa opisina nito. Kumatok muna ako bago ako pumasok. Baka kasi may makita akong hindi kaaya-ayang tanawin sa loob o dili kaya ay makaistorbo ako. Pagpasok ko sa opisina ni James ay tila abala ito sa binabasang dokumento habang nakaupo sa tapat ng kanyang mesa. Hindi niya tinaas ang kanyang ulo upang malaman kung sino ang pumasok basta itinuro niya na tumayo ako sa harap ng kanyang mesa.Five minutes na akong nakatayo sa kanyang harapan ng, “Ms. Gina! Good thing you are here!” sabi ni James na parang nang-iinis. Tumayo siya mula sa kanyang mesa, lumapit sa akin at inikot-ikutan ako. “Ano naman ang peg ng lalaking ito? Ms. Gina pa ang tawag sa akin! Nakakainis na!” bulong ko sa aking sarili.“Mabuti at suot mo ang kuwintas na bigay ko sa iyo!” sabi ni James habang patuloy pa rin siya sa mahinang pag-ikot sa akin.Nahawakan ko tuloy ang kuwintas unco
Chapter 57 – Takot sa Pakikipagrelasyon!Magaling na ako at nakabalik sa rin sa trabaho. Open secret na ang relationship namin ni James sa opisina. Si James naman lalo siyang naging sweet sa akin. Every Sunday ay sa condo ko na siya nagbababad pagkatapos naming magsimba sa umaga, mamasyal at kumain sa labas.Minsan tinanong ko siya tungkol sa aming relasyon. “James? Saan hahatong itong relasyon natin? Pareho tayong may-asawa! Kung saka-sakaling magkatuluyan tayo, gusto mo bang magka-anak? Ano ang hinahanap mo sa isang babae? Ano ang expectation mo sa magiging asawa mo?” sunud-sunod na tanong ko sa kanya.Nagulat at parang nalito si James sa mga tanong ko. “Bakit parang nalito ka sa mga tanong ko? Wala ka bang balak na magkatuluyan tayo?” malungkot kong tanong.“Hindi naman ako nalito. Nagulat lang ako sa mga tanong mo. Kasi coming from you, para kasing ikaw yung may mga agam-agam sa ating relasyon. Lagi kang umiiwas kapag medyo umiinit na tayo sa romansa. Ikaw itong takot na ipa
Chapter 56- Pantasya ng BayanSinusubuan ako ni James ng pagkain para raw makakain akong mabuti. Patingin-tingin lang naman sa amin si Kuya. Nang matapos akong pakainin ay saka pa lang ito kumain. Maya-maya may kumatok sa pinto, si Kuya Hunter pala.“Sis! Ano ba ang nangyari? Ngayon lang ako nakarating dito kasi ang dami kong inasikaso sa office.” sabi ni Kuya Hunter habang nakatingin kay James. “Kumusta ka na?“Okay lang kuya! Masakit kapag gumagalaw ako.” sagot ko kay Kuya Hunter. “Si James pala, Boss ko. Siya ang CEO ng JV Groupe Advertising.”Nakipagkamay naman si Kuya Hunter kay James.“Boyfriend niya!” pahabol ni Kuya Phillip.“Boyfriend? That's a first!” sabi ni Kuya Hunter. “Gaano na kayo katagal naging magboyfriend?”“Kuya!!!” sawata ko kay Kuya Hunter.“Well, three months na!” sagot ni James.“Three months and we got to know about it now?” galit na sabi ni Kuya Hunter. “You know James, she is our baby sister! That is why, overprotective kami sa kanya ni Kuya Phillip
Chapter 55 - Si Ava ang sumaksak sa akin!Sinugod ako sa Emergency Room ng Makati Medical Center. Si James pala ang nagsugod sa akin doon. Hindi na siya pinapasok sa ER pero kinunan muna siya ng statement sa kung ano ang nangyari sa akin ng mga pulis na naka-assign sa ospital dahil nasaksak nga ako.Nagising ako sa aking hospital bed kinabukasan ng umaga. Si Kuya Phillip ang una kong nakita na natutulog sa may sofa na katabi ng kama ko. “Kuya Phillip?” mahinang tawag ko sa kanya.“George! Kumusta na ang pakiramdam mo! Napasugod ako dito kaninang madaling araw ng tawagan ako ni James sa cellphone ko. Nag-ala tsamba lang siya ng pagtawag sa akin at tinanong kung kapatid daw ba kita dahil ang nakalagay lang sa contact ng cellphone mo ay kuya. Akala ko nga ay prank call.” sabi ni Kuya Phillip. “Pero nung makita kita dito ay natakot ako!”“Ngayon ko lang naramdaman ang sakit ng sugat kuya.” mahinang sagot ko. “Nasaan na si James?”“Kakaalis lang niya at babalik daw siya after two hou
Chapter 54 – The Disgruntled Ex!Ahhhh... wala na akong mahihiling pa. Unti-unti ko ng nakakalimutan ang rape na nangyari sa akin almost four years ago. Nawala na rin ang takot ko sa mga lalaki dahil sa pagmamahal na ipinapakita sa akin ni James. Subalit, may agam-agam pa rin sa aking puso. Matangap kaya ni James ang nangyari sa akin noon? Pabigat pa rin sa aking damdamin ang aking nakaraan kaya naman sukdulan ang galit ko sa taong gumawa nun sa akin.Isang araw ay dumalaw si Ms. Ava sa aming kumpanya upang kunin ang kanyang separation pay. Hindi siya sinesante ni James noon kundi pinag-resign na lamang upang hindi magkaroon ng bahid ang kanyang employment record at upang makakita agad ito ng trabaho. Sa accounting, napag-alaman niya na ako na ang girlfriend ni James. Noon kasi ay ipinagkakalat niyang siya ang girlfriend ni James kaya ilag sa kanya ang mga empleyado ng kumpanya. “Ms. Ava alam mo bang si Ms. Granny na ang girlfriend ni Boss ngayon?” sabi ng taga accounting habang
Chapter 53 – Ginayuma ko si James?Tama nga ang hinala ko. Kumalat na sa buong kumpanya na girlfriend na ako ni James. Noong una ay puro spekulasyon lang dahil sa mga bulaklak at mga regalo na pinapadala niya para sa akin sa aming department. Pero ngayon ay may patunay na at sa bibig mismio ni James nangaling ang kumpirmasyon na ako si Gina na isang Ms. Granny ay girlfriend na niya!Hindi naman ako naapektuhan ng mga ganitong usap-usapan dahil wala naman akong inaagrabiyadong tao. Medyo proud pa nga ako na boyfriend ko ang may-ari ng kumpanya dahil ipinamamalita niya ito sa kabila ng aking ayos. Ang hindi ko lang kinaya ay ang pag-alipusta ng ibang kasamahan ko sa trabaho sa aking pagkatao.Minsan sa canteen habang kumakain kami ni Ana ng tanghalian ay may narinig ako. “Ano kaya ang nakita sa kanya ni Boss? Tingnan mo kung manamit, parang matanda.” sabi ng isang taga accounting. “Talo ko pa nga yang kung pananamit ang pag-uusapan!”“Baka naman ginayuma nyan si Boss kaya nagustuhan
Chapter 52 - Girlfriend na niya Ako!Pumunta kami ni James o Paul sa Alfred Restaurant sa loob ng hotel. Halos magkasingtaas na kami dahil naka stilleto highheel shoes ako. Ang suot ko ay ternong pantsuit na kulay beige, naka make-up, walang eyeglasses at nakalugay ang mahaba kong buhok. Habang kumakain kami ng tanghalian ay tinanong ako ni James, “So, Love, you are a Filipina right?”“Yes, I am! “ sagot ko. “I finished my degree in UCLA. I was discovered by my agent Chrissy while doing my internship program at McCann.”“McCann? As in McCann WorldGroup? The leading advertising company?” gulat an tanong ni James. Same school as my wife, UCLA na biglang naisip ni James.“Yes, McCann!” sagot ko.“In case you decide to retire here in our country, perhaps, I could offer you a job in my company.” alok ni James.“Unggoy na ito! Inaalok pa ako ng trabaho sa kumpanya niya, e nagtatrabaho na nga ako dun!” sabi ko sa sarili. “Mali yata nang mabangit ko na sa UCLA ako nagtapos.”“Are you
Chapter 51 – Asawa ko, boyfriend ko rin!Tama nga ang hinala ko! Si James nga ang inireto sa akin ni Mama sa arranged marriage. Nagtutugma lahat ng mga pangalang binabangit niya at ang sirkumstansiya sa naganap na kasalan. Pero si James clueless pa rin na ako at si George ay iisa. Hahayaan ko siyang ligawan ako at kapag hiniling ko sa kanya na diborsyohin na niya ang kanyang asawa ay magugulat siya.Sa opisina, panay ang padala ni James ng kung anu-ano sa akin. May bulaklak, may chocolates, may stuff toys na pagkalaki-laki at higit sa lahat may mga sweet notes ding kalakip ang mga ito. Tinatawagan din niya ako sa cellphone, umaga pagkagising ko at sa gabi bago ako matulog. Kung anu-ano lang ang pinag-uusapan namin, pati mga tsismis sa opisina. Hay... nakakataba pala ng puso kapag nililigawan ka!Sumapit na ang photo shoot ng Belo project. Para ito sa promotion ng Belo Medical Group para sa kanilang bagong service, ang body contouring. Ginanap ito sa indoor lap pool ng Makati Diamon
Chapter 50 – May Koryente!Habang kumakain ay kung anu-ano ang pinag-uusapan namin ni James. “Manliligaw ka ba talaga sa akin?” usisa ko kay James.“Kung papayag ka, magnobyo na agad tayo para wala ng hassle, magde-date na lang tayo lagi.” sagot ni James.“Ay! Ayoko nun. Hindi ko pa kasi nararanasan ang ligawan kahit na noong high school at college days ko. Pangit kasi ako at tomboy!” pag-amin ko kay James.“Talaga? Hindi mo pa naranasan ang ligawan? Nagka-asawa ka na at lahat? Hindi ka ba niligawan ng asawa mo? Leave it to me! I will make my courtship to you as memorable as ever. Kahit mag-asawa na tayo? Patuloy pa rin kitang liligawan.” sabi ni James habang kumakain.“Hayyyy, James! Bolero ka talaga! Hindi ko tuloy alam kung seryoso ka o nambobola!” biro ko. “Ngayon pa lang parang kinikilig na ako! Speaking of asawa, hindi ako niligawan ng asawa ko!”“Seryoso ako pagdating sa iyo.” sabi ni James nang hawakan niya ang aking mga kamay. Naramdaman ko na naman ang tila nakakaki