Share

Chapter 24

"Aray," sambit ni Ella.

Pagbaling ni Zander ay s'ya namang paglakad ni Ella na hindi tumitingin sa kanyang nilalakaran.

"Ang sakit." Tumama ang tuhod ni Ella sa kamay ng upuan ni Zander, kaya naman napaupo ito at ininda ang kanyang pagbagsak. Tumalsik din ang kanyang cellphone kaya lumikha ito ng ingay.

"Miss Tan sorry," ani ni Zander at napatayo sa kanyang kinauupuan. "Ano okay ka lang? Saan masakit?" Umupo rin si Zander katabi ang dalaga.

"Masama yata ang pagkakabagsak ko, ang sakit ng balakang ko," sagot ni Ella habang hawak ang kanyang balakang. Hindi nito kayang tumayo mag-isa dahil sa sakit.

"Dahan dahan, ito Miss Tan dito ka muna umupo. Dahan-dahan lang." Inalalayan ni Zander si Ella upang makatayo, nilaygan ng unan ang sandalan at marahang pinaupo ang dalaga. "Sorry, hindi ko nakitang papalapit ka pala sa akin."

Tumunog ang cellphone ni Ella. Luminga-linga si Ella sa paligid upang hanapin ang kanyang cellphone. "Alvarez tumalsik 'yung cellphone ko kung saan, tumatawag na yata
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status