Share

Chapter 52

“Kuya Zandel doon tayo dali!” hiyaw ni Mico sabay hatak kay Zander. Hindi pa man lang nakakababa si Zander ng sasakyan kanina ay sige na ang aya ni Mico sa mga rides na gusto n’yang sakyan kasama ang binata. At nang nakatungtong na sila sa theme park ay wala ng ginawa si Mico kung hindi tumakbo ng tumakbo kasama ang kanyang kakambal na si Mica.

“Oo sandali lang, hintayin natin sina ate Mica at ate Ella. Naiiwan na natin sila o,” tugon naman ni Zander.

May bigla namang may humikit sa damit ni Zander. “Kuya Zandel, buhat. Ang sakit na ng paa ko,” sabi naman ni Mica habang nakangirit.

“Kawawa naman masakit paa,” asar ni Mico sabay dila sa kanyang kakambal.

“O tama na ‘yan,” saway ni Zander. “Baka magkapikunan ha.”

“Opo,” sabay na sabi ng kambal.

Ginulo ni Zander ang buhok ng kambal at tinignan si Mica. “O sige ate Mica, bubuhatin na po kita ha,” paalam ni Zander. “Tapos kuya Mico, hintayin mo kami ni ate Mica. ‘Wag kang takbo ng takbo mapapagod ka n’yan kaagad,” turan ni Zander kay Mico
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status