مشاركة

Chapter 3

مؤلف: Byonntiful_Mind
last update تاريخ النشر: 2026-09-21 22:44:06

Zara’s POV

Hindi ko mapigilang ngumiti dahil sa ginagawa ni Fletcher. Hindi ko alam na may ganito pala siyang ugali dahil sa pagkakaalam ko ay para siyang bato dahil sa wala itong reaksiyon lagi. Dumagdag pa na blangko lagi ang ekspresyon nito at hindi mo talaga mabasa kung ano iniisip o nararamdaman niya.

Magkaibang-magkaiba talaga sila ni Felix… Napakaexpressive lagi ni Felix at agad mong mapapansin kung ano ang mali sa kaniya. Iyon lang, ‘di ko napansin na lolokohin niya lang pala ako.

Nalasahan ko ang pait sa aking panlasa. Nararamdaman kong babagsak ulit ang aking mga luha kaya pinilig ko ang ulo ko at umiling-iling upang mawala iyon sa isipan ko. Naglakad ako paunti-unti sa pintuan ng bahay ko…

Nang maipasok ko ang susi sa doorknob ay nagtaka ako na magaan ito na parang bukas ang p***o. Sumikdo ang aking dibdib. Pa’no kung may nakapasok na magnanakaw?

Dahan-dahan kong ipinihit ang p***o upang silipin kung sino ang nakapasok sa bahay ko.

Nang tuluyan kong buksan at nakita kung sino iyon ay napakuyom ang aking kamay. Naging matalas ang aking tingin.

Sa aking dibdib ay naglalagabgab ang aking galit at gustong-gusto ko siyang tupukin hanggang magkapira-piraso siya. Gusto ko siyang murahin, saktan sa paraang habang-buhay niyang pagdudusahan. Pero sa aking nagniningas na galit ay katawa-tawang humahalo roon ang ilang karayom na nakaturok sa aking puso. Ramdam na ramdam ko ang pait ng pagtataksil niya, dumagdag pa ang mga tanong na nagsisirkulo sa aking isipan.

‘Pa’no niya nagawa sa akin iyon?’

‘Bakit niya iyon ginawa?’

‘Minahal niya ba talaga ako?’

Mga tanong na sa pagkagat ng dilim ay kumukutkot sa aking tiwala sa sarili.

Tumitig siya sa akin. Ang kaniyang mga mata ay nagsusumamo at nangungusap. Mapapansing namumula ito at namamaga dahil sa pag-iyak.

Sa lahat ng bahagi ng kaniyang katawan ang kaniyang mga mata ang pinakagusto kong tingnan dahil sa kakaibang kislap nito lalo na kung ngumingiti siya. Pero ngayon…

Gustong-gusto ko itong dukutin dahil pinagugulo niya ang sistema ko.

 "Anong ginagawa mo dito?" Pigil na galit na tanong ko.

Iniunat niya ang kaniyang kamay na parang aabutin niya ako. Umatras ako ng ilang hakbang.

“Huwag kang lalapit sa ‘kin!” Buong lakas kung sigaw sa kaniya. Nandidiri akong tumingin sa mga kamay niya parang may nakakahawang sakit siya. Nakita ko na parang nasaktan siya naging kilos ko at wala siyang nagawa kundi bawiin ang kaniyang kamay.

“L-love… I can expla--” Hindi ko siya pinatapos sa pagsasalita.

Tumawa ako nang pagak. “Explain what? Na aksidente lang ‘yon? O dapat, ‘di ko ‘yon nakita? HA? GANO’N BA FELIX?” Hinuli niya ang kamay ko dahilan para marahas ko siyang maitulak. “WAG NA WAG MO AKONG HAHAWAKAN! NANDIDIRI AKO SA’YO!!! NAPAKABABOY MO!! KINAMUMUHIAN KITA!!!” Humihingal kong saad sa kaniya. Nandidilim ang paningin ko at sumasakip ang aking dibdib.

“P-please let me explain… Please…” Lumuluha siyang lumuhod sa harapan ko. Ang puso ko ay kumikirot sa kalagayan niya.

Hinawakan niya ang binti ko at mahigpit na yumakap akin. "Z-zara… L-love… I'm sorry. Hindi ko talaga sinasadya ang mga nangyari…”

Mapait akong natawa. Hindi daw niya sinadya iyon? Wow! Napailing-iling ako dahil ‘di ako makapaniwala sa mga salitang lumalabas sa kaniyang bibig.

“P-pa’no naging aksidente ‘yon, Felix? Ha? Pa’no?”

“Pinagsamantalahan niya ako… M-may kung ano siyang inilagay sa inumin ko… K-kaya nagawa ko ’yon. Nawalan ako ng kontrol…P-please, Love maniwala ka sa ‘kin. Please…  Please, Zara... Forgive me..."

Mapakla akong tumawa. “Napakagaling mong gumawa ng kwento, Felix… Pwede ka nang maging scriptwriter sa sobrang galing mo.” Pumalpak pa ako sa pagkabilib sa kaniya.  

Ibang klase siya. Huling-huli ko na nga siyang nakikipaghalikan sa babaeng ‘yon tapos gagawa pa siya ng kwento? Ang lala niya!  Sa halos tatlong taon naming pagsasama, hindi ko alam na may ganito pala talaga siyang parte ng pagkatao. Napakadesente niya sa pagkakakilala ko. Kapag nag-aaway kami siya lagi ang laging gagawa ng paraan para magkaayos kami. Halos wala na akong ibang hilingin dahil lahat nasa kaniya na, pero ang hindi ko pala alam na ang halos perpekto niyang pagkatao ay ‘di lang pala para sa ‘kin.

Umiling-iling siya ang mga basang mga mata ay nagsusumamo.

“H-hindi ako nagsisinungaling, Zara… Please, maniwala ka naman… Wala ka ba talagang tiwala sa akin?”

“Felix, naririnig mo ba ang sarili mo? Malaki ang tiwala ko sa’yo pero gumuho iyon dahil sa ginawa mo… H-hindi mo alam kung ga’no kasakit ‘yun para sa ‘kin… ‘Yung taong ilan taon mong pinagkatiwalaan ay niloko ka na lang ng basta-basta… Anong gusto mong gawin ko? Magbulag-bulagan? Magkunwari na hindi ko ‘yun nakita Felix? ‘yun ba ang gusto mong gawin ko? H-ha? H-hindi mo alam ang mga pagkwestiyon ko sa sarili ko dahil sa ginawa mo Felix… H-hindi mo alam ‘yun…”

Sa tingin niya napakadali lang na patawarin ang ginawa niya? Hindi ako tanga para kalimutan lahat ‘yun…

‘Yung mga labi niyang nagsabi ng mahal niya ako at humalik sa akin ay hayon tumitikim sa putahe ng iba. Hinding-hindi ko ‘yun makakalimutan at mapapatawad. May gana pa siyang ipasa ang pagkakamali sa babae na kung sa katunayan ay siya naman talaga ay may malaking pagkakamali. Pumatol siya sa ibang babae kahit may nobya na siya. Tapos kitang-kita ko naman na nag-enjoy siya. Mas ganadong-ganado nga siya sa ginagawa niya eh.

“She seduced me!”

“Wow, galing mo talagang magpalusot. Ibinunton mo ang sisi sa babae na parang hindi ka nag-enjoy. Sa nakita ko kagabi, grabe para kang nakalayang hayop na hayok na hayok!!! Ako pa talaga ang pinagloloko mo! Mababawasan sana ang kasalanan mo kung mas naging honest ka eh."

Umiling-iling siya habang tumutulo ang mga luha. Tinatanggal ko ang pagpulupot ng mga daliri niya, kapag mas hinihigpitan niya ay kinukurot ko.

 "Bitiwan mo nga ako! Nandidiri ako sa 'yo!!! Wala na tayo Felix!!! Gustong-gusto mo ‘yun diba? EH DI MAG-ENJOY KA KASAMA SIYA!!! Don't worry, nasarapan naman ako sa kambal mo. Buti pa 'yon mas worth-it kaysa sa 'yo!!!" Peke akong ngumiti.

 Doon na siya nawalan ng lakas at dumausdos ang kamay. Kumurap-kurap ang mga mata niya at ‘di makapaniwalang tumingin sa ‘kin.

“W-what do you mean?”

Ngumisi ako. Sa kagustuhan kong suklian siya ng sakit ay nagamit ko ang pangalan ng kakambal niya kahit walang katotohanan.

“Sinalo niya ‘ko, Felix dahil dakila kang cheater. Kung nag-enjoy ka kagabi, siyempre ako rin. Galing nga ng kakambal mo.”

Malakas ko siyang tinulak, dahil na rin sa panghihina nito ay kaagad ko siyang naitulak sa labas. Malakas niyang kinatok ang p***o nang ilang beses.

“Zara! Please, mag-usap tayo. Zara!!”

Sa nakasarang p***o ay nanghihina akong dumausdos at umupo sa sahig habang tahimik na humihikbi…

استمر في قراءة هذا الكتاب مجانا
امسح الكود لتنزيل التطبيق

أحدث فصل

  • My Ex's Twin   Chapter 73

    Third Person Pov "You should attend my birthday!!!" Pang-eengganyo ni Laura sa apong si Fred. Hawak ni Fred ang Ipad ni Fletcher kung saan makikita roon ang mukha ng kaniyang lola na tuwang-tuwa sa kaniyang apo. Busog na busog sa pakikinig ng kwento ni Fred ay kung pwede lang na makurot ito sa pisngi ay ginawa na niya Matagal nang ipinakilala ni Fletcher ang kaniyang anak na kambal sa inang si Laura. Sa sobrang tuwa nito ay sa araw din na sinabi iyon ni Fletcher ay kaagad nang lumuwas ang kaniyang mga magulang upang bistahin ang mga apo. Ang magkambal naman ay tuwang-tuwa sa pasalubong ng kanilang lolo at lola. Kahit si Flor ay manghang-mangha sa mga kwento ng lola Laura niya at umusbong sa kaniyang puso ang hangarin na makapunta sa Pilipinas. Sa katunayan pa nga ay palihim pa siyang nagpractice magsalita ng tagalog tuwing umaga upang hindi malaman ng kaniyang pamilya, kaya sa talastasan sa lola niya ay mas maayos at hindi siya masiyadong nabubulol. "Mommy, daddy can we go to

  • My Ex's Twin   Chapter 72

    Third Person Pov Ang Tivoli Gardens na matatagpuan sa Copenhagen ay hindi lang isang amusement park, itinuturing din ito bilang national pleasure garden ng Denmark. Ito ay binuksan noong August 15, taong 1843. Ito ang pumapangalawa sa pinakamatandang amusement park sa mundo, sinundan nito ang Dyrehavsbakken na matatagpuan din sa Denmark, at magpahanggang ngayon ay nagooperate pa rin. Ang Tivoli Gardens ay matatagpuan sa pinakaheart of the city, next to Copenhagen Central Station. Sikat din ito dahil sa mga hardin nito. May 15 hardin ang makikita dito, nariyan na ang Japanese Garden, Hanging Gardens, at Parterre garden. Flower beds, old trees, mga magagarang peacocks, at pagkagat ng dilim makikita ang libo-libong colored lamps at mga lantern na kitang-kita ang repleksiyon sa tubig. Tuwang-tuwa ang magkambal sa sumasalubong sa kanilang paningin na kahit ang laging tahimik na si Flor ay nagniningning ang mga mata at hindi maiwasang mapangiti sa tanawin. Kahit sa tuwing kukuhan

  • My Ex's Twin   Chapter 71

    Third Person Pov Sa bawat araw na bumibisita si Fletcher sa kaniyang mag-anak ay halos nagkapalagayan na sila ng loob ng kaniyang mga anak. Hindi nabubuo ang araw ni Fred na hindi niya nakikita ang ama, si Flor naman ay unti-unti nang nasasanay sa presensiya ni Fletcher. Kahit may ilang pagkakataon na medyo mailap siya sa ama ay hindi na njya ito binabara. Kahit si Zara man ay nasanay na kay Fletcher. Ang kaniyang puso ay mukhang bubuksan muli ang sarili nito para makapasok si Fletcher sa buhay nila. Walang mintis ang pagbibigay ni Fletcher ng paboritong bulaklak ni Zara. Ito rin ang nagluluto at gumagawa ng mga gawaing bahay. Para silang mga prinsesa kapag naroroon ito. Hindi naman magawang hindi mag-alala ni Zara sa trabaho ni Fletcher ngunit sinabihan lang siya nitong na 'wag masiyadong mag-alala rito. Ang pagmodel ni Zara sa gagawing advertisement ni Fletcher ay matutuloy rin sa wakas dahil sa pagsang-ayon ni Zara. Kahit si Fred ay sabik na sabik nang makita ang kaniyang

  • My Ex's Twin   Chapter 70

    Zara's Pov Ilang beses na nagyawn si Fred tanda na kailangan na nilang matulog."It's bed time! It's time to sleep." Kaagad naman silang tumayo at pumunta na sa kwarto. "Good night Flor. Good night Fred." Isa-isa kong hinalikan ang ulo nila at kinumutan. "Good night mommy!" Sabay nilang saad."Good night daddy!" Pahabol naman ni Fred. Ngumiti si Fletcher. "Good night Fred and Flor." Nang isara ko ang pinto ay katahimikan ang namayani sa pagitan namin ni Fletcher. Ang malakas na buhos ng ulan ay maririnig sa labas. "Wag ka na munang bumalik sa hotel mo, may extra room pa naman dito." Saad ko dahil nag-aalala rin ako dahil maulan at gabing-gabi na rin at baka madisgrasya pa siya.Naglakad ako papunta sa isa pang room at sumunod naman siya. Hinawakan ko ang doorknob nito at pinihit kaso matigas iyon. Ibig sabihin ay nakalock ito. Tinampal ko ang aking noo. "Ay oo nga pala na kay Lola Iska ang susi. Nakalimutan niyang iwan dito ang susi... Sorry. ""It's fine, I can go back to my h

  • My Ex's Twin   Chapter 69

    Third Person Pov Tinabihan ni Fletcher sina Fred at Flor na ngayon ay nanonood ng TV. Si Zara naman ay nasa banyo at naliligo kaya silang tatlo ang naiwan sa sala. Ang tunog lang ng telebisyon ang siyang naririnig. Tahimik silang nanonood ngunit pareho nilang pinakikiramdaman ang bawat isa... Para kay Fletcher iyon ang pinakatensiyonadong pangyayari sa tanang buhay niya. Kailan man ay hindi siya nakaramdam ng pagkasindak sa kahit sino. Kahit ang mga delikadong tao at mga sindikato. Ngunit ngayon habang pinakikiramdaman niya ang dalawa niyang anak na nakaupo sa sofa ay para siyang napipi dahil sa takot niyang magkamali sa sasabihin... Si Flor naman ay pinapakiramdaman at tahimik na inoobserbahan ang kilos ng kaniyang ama. Hinihintay niyang magkamali ito upang madaling mapatalsik sa buhay nila. Habang si Fred ay bagamat natutuwa sa presensiya ng kaniyang ama, ay napiling manahimik na lang dahil alam niyang hindi magugustuhan ng kaniyang ate kung makikipagbati siya rito. "What i

  • My Ex's Twin   Chapter 68

    Third Person Pov Tunog lang ng kubyertos ang maririnig habang kumakain ang pamilya nila Zara. Katabi ni Zara si Fred at kaharap naman nila sina Fletcher at Flor. Nakasimangot si Flor habang kumakain. Pinaalalahanan ni Zara ang anak na ayusin niya ang ekspresiyon nito dahil makagaba sa pagkain. Mabuti naman at sumunod si Flor. Kapansin-pansin na iniiba ni Flor ang patatas dahil hindi niya ito gusto, napansin iyon ni Fletcher. "You don't like eating potatoes?" Gusto sanang barahin ni Flor ang daddy niya kaso ayaw niyang magalit ang mommy niya sa kaniya kaya tumango na lang siya. "Wow! Same! I also don't like eating potatoes... Is your favorite food peanut butter, without bread?" Hindi sumagot si Flor kaya si Zara ang sumagot. "Oo, lagi niya ngang pinapapak ang peanut butter. Minsan nagugulat na lang kami na wala nang laman ang jar kasi inunti-unti na pala niya pero 'yung tinapay halos hindi nga nabawasan." "Wow, you're really are my minimie!" Natutuwang saad ni Fletcher. Par

فصول أخرى
استكشاف وقراءة روايات جيدة مجانية
الوصول المجاني إلى عدد كبير من الروايات الجيدة على تطبيق GoodNovel. تنزيل الكتب التي تحبها وقراءتها كلما وأينما أردت
اقرأ الكتب مجانا في التطبيق
امسح الكود للقراءة على التطبيق
DMCA.com Protection Status