共有

Chapter 4

last update 公開日: 2026-09-21 22:44:50

“Hoi bakla, dalawang araw ko nang napapansin na parang malungkot ka. Ano nang nangyari sa ‘yo?” Hindi na napigilang magtanong ng baklang kaworkmate ko na si Julius habang kumakain kami during lunch break namin.

“Oo nga, Zara. Alam namin na workaholic kang tao, pero iba ang grind at aura mo ngayon.” Sabi naman ni Cheska.

Si Cheska at Julius ang madalas kong nakakasama ‘pag kumakain kami at sila talaga ang nakapagpalagayan ko ng loob kaya ‘pag may problema ang isa sa amin ay kami-kami lang din ang nagdadamayan.

Ipinukol ko ang titig ko sa aking natutunaw na ice cream at walang gana ko itong sinundot-sundot. Malalim akong napabuntong-hininga…

“Nagcheat si Felix s--” Hindi pa man ako natatapos magsalita ay sabay silang nagreact.

“WHat?”

“Talaga?”

Mahina akong tumango, ang tingin ko ay hindi pa rin inaangat.

“Gagi… ‘Di ba matagal na kayo no’n? Kakaanniversary niyo lang ‘di ba?” Tumango ako sa tanong ni Cheska.

“’Di kasi ‘yan nakabase sa tagal ng relasyon, ‘yung loyalty at faithfulness niyo talaga sa isa’t isa ang makakapagpatibay ng relasyon.” Ang naging sagot ni Julius.

“Nakakapanghinayang lang kasi… Tagal na nila eh… Mga lalaki talaga... Tsk.”

“Oh bakit ganiyan ka makatingin sa ‘kin? Lalaki rin ang bet ko noh.”

“Pero kahit naman bali-baliktarin ang mundo lalaki ka pa rin naman.”

“Lalaki ako pero mas mukha ka pang lalaki kaysa sa ‘kin.”

“Anong sabi mo?”

Iniangat ko ang aking ulo nang marinig ko ang pagtatalo nila. Masama ang tingin nilang dalawa sa isa’t isa at walang gustong magpatalo sa kanila. Napailing ako.

Sanay na rin ako sa bangayan nila. Ang gisahin at magbarda ang bonding moment nilang dalawa kaya minsan hinahayaan ko na lang, magbabati rin naman sila sa huli.

“Balik tayo sa ‘yo, Zara…” Paglipat ng atensiyon sa ‘kin ni Cheska. “Anyare? Nakita mo talaga si Felix na nagloko… O misunderstanding niyo lang?”

“Tanga, masasaktan ba ‘yan kung misunderstandings lang?”

“Kaya nga ako nagtatanong ‘di ba?”

Bago pa ulit magpatuloy ang nakakarindi nilang bangayan ay nagsalita ako.

“Nakita ko siya… Sa kwarto niya… Kahalikan ang… ibang babae sa kama…”  Hindi ko magawang ituloy ang aking sasabihin… At ang banggitin iyon ay parang pahirapan para sa akin.

Naramdaman ko ang paghagod sa aking balikat ni Julius at iniabot sa akin ang tissue. Kinapa ko ang pisngi ko, hindi ko namamalayan na tumulo na pala ang luha ko kung hindi niya ibinigay ang tissue.

“Kung hindi ka komportableng sabihin, ‘wag mo nang ituloy.” Marahang saad ni Julius. Ang kaniyang pagtapik sa akin at sa marahan niyang boses ay ang siyang naging trigger para tumulo ang aking mga luha.

“Ikaw kasi pinaiyak mo?” Paninisi ni Cheska sa kaniya. Siniko ni Julius si Cheska at inilagay ang kaniyang hintuturo sa labi niya para patigilin ito. Nakita ko namang tinarayan ni Cheska si Julius at lumapit sa akin para yakapin ako.

Nagtuloy-tuloy ang pagtulo ng aking mga luha. Wala itong tigil. Akala ko naiiyak ko nang lahat sa kwarto at unan ko. Hindi pa pala.

Hindi ko alam kung pa’no mawawala ang sakit. Masiyadong masakit ang nararamdaman ko para makalimutan ang ginawa ni Felix. Nakakafrustrate din na kahit saang parte ng bahay ko ay naaalala ko pa rin siya. Lahat ng mga magagandang alaala doon sa loob ng bahay ko kasama siya ay unti-unting naging punyal na sumasaksak sa ‘kin.

“Ni-niloko niya ‘ko… Pinagkatiwalaan ko siya eh…” Humagulhol na ako sa braso ni Cheska. Siya naman ay parang batang inalo ako at ilang beses na tinapik ang likod ko.

“Iiyak mo lang ‘yan vebs… Dito lang kami.”

Mga ilang minuto pa ang itinagal ng pag-iyak ko sa mga bisig ni Cheska. Nang humiwalay ako ay nagbiro naman si Julius.

“Basang-basa ang likos mo Ches, punong-puno ng sipon ni Zara. Deserve.”

Sinabunutan ni Cheska si Julius kaya napadaing naman ang huli. Natatawa kong pinahiran ang aking luha. Alam ko na paraan nila ito upang mapatawa ako at mapagaan ang loob. Nagpapasalamat ako dahil nandiyan sila, sila ang panandaliang nagpapalimot sa ‘kin sa mga problema ko.

Pero kapag nakakauwi na ako sa bahay ay napapahinga ako nang malalim. Ang bawat parte nito ay punong-puno ng mga alaala namin ni Felix.

Sa sala kung saan kami nanonood ng mga ghibli movies na hinding-hindi niya pinagsasawaan.

Sa kusina kung saan niya ako ginugulo ‘pag nagluluto ako.

Sa cr kung saan hahalikan niya ang bawat parte ng aking katawan at titingnan ako na punong-puno ng pagsuyo.

Sa kwarto na kinahihiligan niyang makipagsiksikan sa ‘kin kahit napakainit.

Sa pintuan ‘pag nauuna siyang matapos sa trabaho at naghihintay ang kaniyang mga braso upang salubungin ako.

Nagsituluan ulit ang aking mga luha sa aking mga mata. Bawat hakbang ko ay nagbibigay lang sa ‘kin ng sakit na hindi kayang maibsan ng kahit anong pampamanhid sa katawan…

Gusto kong tanggalin ang puso ko dahil sa sakit. Hindi ko na kaya ‘to… Ayaw kong maging ganito lagi ang araw ko at baka mabaliw na ako sa pag-iisip ko. Kailangan kong makahanap ng isang bagay upang maituon ko ang pansin doon.

Ngunit paano? Lahat ng mga kakilala ko ay may kaniya-kaniyang buhay. Hindi naman laging kailangan na aluin nila ako sa nararamdaman ko. May mga buhay din sila. May mga bagahe rin silang dinadala. Makakadagdag lang ako sa pasanin nila.

Hindi rin sapat ang pera ko para maglakwatsa at gawin ang mga luho ko.

Sinabunutan ko ang aking buhok dahil sa frustration. Kasalanan talaga ‘to ni Felix. Dahil sa kaniya mukhang masasaid ang mga ipon ko. Bakit ba kasi ako nagpaloko sa kaniyang mukha? Sa dinami-dami ng lalaki sa mundo bakit ang malas ko sa pag-ibig? Isa pa, masayang-masaya kami, bakit naman bigla siyang tinuyo? Hindi ba talaga ako kamahal-mahal? Hindi ba ako nararapat na pakasalan? Ahh! Nakakainis!

Pa’no kung iinom ko na lang kaya ‘to?

Nagbihis ako at nag-ayos para bumili ng alak sa seven eleven. Ilang bote rin ang binili ko para magpakalasing.

Nang pauwi na ako ay may kotseng tumigil malapit sa ‘kin at nang tuluyang maibaba ang bintana ay sumalubong sa akin ang mukha ni Fletcher.

Oo, nga pala may offer pala ‘to sa ‘kin. Nakalimutan ko…

この本を無料で読み続ける
コードをスキャンしてアプリをダウンロード

最新チャプター

  • My Ex's Twin   Chapter 73

    Third Person Pov "You should attend my birthday!!!" Pang-eengganyo ni Laura sa apong si Fred. Hawak ni Fred ang Ipad ni Fletcher kung saan makikita roon ang mukha ng kaniyang lola na tuwang-tuwa sa kaniyang apo. Busog na busog sa pakikinig ng kwento ni Fred ay kung pwede lang na makurot ito sa pisngi ay ginawa na niya Matagal nang ipinakilala ni Fletcher ang kaniyang anak na kambal sa inang si Laura. Sa sobrang tuwa nito ay sa araw din na sinabi iyon ni Fletcher ay kaagad nang lumuwas ang kaniyang mga magulang upang bistahin ang mga apo. Ang magkambal naman ay tuwang-tuwa sa pasalubong ng kanilang lolo at lola. Kahit si Flor ay manghang-mangha sa mga kwento ng lola Laura niya at umusbong sa kaniyang puso ang hangarin na makapunta sa Pilipinas. Sa katunayan pa nga ay palihim pa siyang nagpractice magsalita ng tagalog tuwing umaga upang hindi malaman ng kaniyang pamilya, kaya sa talastasan sa lola niya ay mas maayos at hindi siya masiyadong nabubulol. "Mommy, daddy can we go to

  • My Ex's Twin   Chapter 72

    Third Person Pov Ang Tivoli Gardens na matatagpuan sa Copenhagen ay hindi lang isang amusement park, itinuturing din ito bilang national pleasure garden ng Denmark. Ito ay binuksan noong August 15, taong 1843. Ito ang pumapangalawa sa pinakamatandang amusement park sa mundo, sinundan nito ang Dyrehavsbakken na matatagpuan din sa Denmark, at magpahanggang ngayon ay nagooperate pa rin. Ang Tivoli Gardens ay matatagpuan sa pinakaheart of the city, next to Copenhagen Central Station. Sikat din ito dahil sa mga hardin nito. May 15 hardin ang makikita dito, nariyan na ang Japanese Garden, Hanging Gardens, at Parterre garden. Flower beds, old trees, mga magagarang peacocks, at pagkagat ng dilim makikita ang libo-libong colored lamps at mga lantern na kitang-kita ang repleksiyon sa tubig. Tuwang-tuwa ang magkambal sa sumasalubong sa kanilang paningin na kahit ang laging tahimik na si Flor ay nagniningning ang mga mata at hindi maiwasang mapangiti sa tanawin. Kahit sa tuwing kukuhan

  • My Ex's Twin   Chapter 71

    Third Person Pov Sa bawat araw na bumibisita si Fletcher sa kaniyang mag-anak ay halos nagkapalagayan na sila ng loob ng kaniyang mga anak. Hindi nabubuo ang araw ni Fred na hindi niya nakikita ang ama, si Flor naman ay unti-unti nang nasasanay sa presensiya ni Fletcher. Kahit may ilang pagkakataon na medyo mailap siya sa ama ay hindi na njya ito binabara. Kahit si Zara man ay nasanay na kay Fletcher. Ang kaniyang puso ay mukhang bubuksan muli ang sarili nito para makapasok si Fletcher sa buhay nila. Walang mintis ang pagbibigay ni Fletcher ng paboritong bulaklak ni Zara. Ito rin ang nagluluto at gumagawa ng mga gawaing bahay. Para silang mga prinsesa kapag naroroon ito. Hindi naman magawang hindi mag-alala ni Zara sa trabaho ni Fletcher ngunit sinabihan lang siya nitong na 'wag masiyadong mag-alala rito. Ang pagmodel ni Zara sa gagawing advertisement ni Fletcher ay matutuloy rin sa wakas dahil sa pagsang-ayon ni Zara. Kahit si Fred ay sabik na sabik nang makita ang kaniyang

  • My Ex's Twin   Chapter 70

    Zara's Pov Ilang beses na nagyawn si Fred tanda na kailangan na nilang matulog."It's bed time! It's time to sleep." Kaagad naman silang tumayo at pumunta na sa kwarto. "Good night Flor. Good night Fred." Isa-isa kong hinalikan ang ulo nila at kinumutan. "Good night mommy!" Sabay nilang saad."Good night daddy!" Pahabol naman ni Fred. Ngumiti si Fletcher. "Good night Fred and Flor." Nang isara ko ang pinto ay katahimikan ang namayani sa pagitan namin ni Fletcher. Ang malakas na buhos ng ulan ay maririnig sa labas. "Wag ka na munang bumalik sa hotel mo, may extra room pa naman dito." Saad ko dahil nag-aalala rin ako dahil maulan at gabing-gabi na rin at baka madisgrasya pa siya.Naglakad ako papunta sa isa pang room at sumunod naman siya. Hinawakan ko ang doorknob nito at pinihit kaso matigas iyon. Ibig sabihin ay nakalock ito. Tinampal ko ang aking noo. "Ay oo nga pala na kay Lola Iska ang susi. Nakalimutan niyang iwan dito ang susi... Sorry. ""It's fine, I can go back to my h

  • My Ex's Twin   Chapter 69

    Third Person Pov Tinabihan ni Fletcher sina Fred at Flor na ngayon ay nanonood ng TV. Si Zara naman ay nasa banyo at naliligo kaya silang tatlo ang naiwan sa sala. Ang tunog lang ng telebisyon ang siyang naririnig. Tahimik silang nanonood ngunit pareho nilang pinakikiramdaman ang bawat isa... Para kay Fletcher iyon ang pinakatensiyonadong pangyayari sa tanang buhay niya. Kailan man ay hindi siya nakaramdam ng pagkasindak sa kahit sino. Kahit ang mga delikadong tao at mga sindikato. Ngunit ngayon habang pinakikiramdaman niya ang dalawa niyang anak na nakaupo sa sofa ay para siyang napipi dahil sa takot niyang magkamali sa sasabihin... Si Flor naman ay pinapakiramdaman at tahimik na inoobserbahan ang kilos ng kaniyang ama. Hinihintay niyang magkamali ito upang madaling mapatalsik sa buhay nila. Habang si Fred ay bagamat natutuwa sa presensiya ng kaniyang ama, ay napiling manahimik na lang dahil alam niyang hindi magugustuhan ng kaniyang ate kung makikipagbati siya rito. "What i

  • My Ex's Twin   Chapter 68

    Third Person Pov Tunog lang ng kubyertos ang maririnig habang kumakain ang pamilya nila Zara. Katabi ni Zara si Fred at kaharap naman nila sina Fletcher at Flor. Nakasimangot si Flor habang kumakain. Pinaalalahanan ni Zara ang anak na ayusin niya ang ekspresiyon nito dahil makagaba sa pagkain. Mabuti naman at sumunod si Flor. Kapansin-pansin na iniiba ni Flor ang patatas dahil hindi niya ito gusto, napansin iyon ni Fletcher. "You don't like eating potatoes?" Gusto sanang barahin ni Flor ang daddy niya kaso ayaw niyang magalit ang mommy niya sa kaniya kaya tumango na lang siya. "Wow! Same! I also don't like eating potatoes... Is your favorite food peanut butter, without bread?" Hindi sumagot si Flor kaya si Zara ang sumagot. "Oo, lagi niya ngang pinapapak ang peanut butter. Minsan nagugulat na lang kami na wala nang laman ang jar kasi inunti-unti na pala niya pero 'yung tinapay halos hindi nga nabawasan." "Wow, you're really are my minimie!" Natutuwang saad ni Fletcher. Par

続きを読む
無料で面白い小説を探して読んでみましょう
GoodNovel アプリで人気小説に無料で!お好きな本をダウンロードして、いつでもどこでも読みましょう!
アプリで無料で本を読む
コードをスキャンしてアプリで読む
DMCA.com Protection Status