Share

3

CHAPTER 3

Jhiya's Point of view...

Medyo nahihilo pa rin ako kahit na naghilamos na ako. Kaya naman Dumiretso ako ng tayo saka ako tumingin sa salamin.

''Ang pula ng mukha ko.'' bulong ko sa sarili ko saka ko kinuha sa pouch ang pulbos ko at lipstick.

Pagkapahid ko muli kong tinignan ang sarili ko sa salamin at ng makuntento na ako sinipat ko naman ang sarili ko.

''Ok na, sana naman hindi ako mag mukhang lasing sa harap ni Derex.'' 

Pagkasabi ko non lumabas na ako sa restroom para sana bumalik sa table namin ng biglang.

''Ikakasal kana pala?'' tinig ng isang lalaki na agad nagpalingon sa akin.

''De~derex? Anong ginagawa mo dito?'' tanong ko dito na ikinangisi nito.

''Hinihintay ka.'' simpleng sagot nito na ikinataas ng kilay ko. Lalo na ng lumalapit ito ng paunti unti.

''Anong ginagawa mo? At saka bakit mo ako hinihintay?'' may takang tanong ko dito.

''Wala naman, na curius lang ako sa sinabi sakin ni Drio.'' sabi nito na lalong ikina kunot ng noo ko.

''Sinabi na ano?'' tanong ko dito. 

''Wala na pala ang yaman ninyo? Kaya ba ipapakasal ka para pamalit sa pagkakautang ninyo? Inilayo ka niya sa lalaking tingin niya ay walang kwenta para lang pala pag lipas ng panahon may pambayad siya sa pagbagsak niya.'' may bahid ng galit na sabi ni derex sakin. Dahilan para mapayuko ako. Wala kasi akong maisagot dito dahil kahit saan ko angulo tignan ganun talaga ang lumalabas.

pambayad utang lang ako.

Na pinilit ako ni daddy na layuan si Derex dahil sagabal lang daw ito sa mga plano niya.

Hindi ko namalayan na malapit na pala ito sa akin. Dahilan para mapa atras ako at ma out balance.

Pabagsak na ako ng biglang may kamay na humawak sa braso ko at pilit na itinayo ako.

Pagtingin ko walang iba kundi si Derex na agad bumitiw sa pagkakahawak sa akin na animoy napaso o nandiri sa pagkakadaiti ng balat namin.

''Hanggang ngayon ba naman lumalayo ka parin sa akin? Kung tutuusin mas mayaman na ako sa inyo. Mas malaki na ang negosyo ko kesa sa inyo. Mas mayaman din ako kay Drio. Kaya kung gugustuhin ko kaya na kitang bilhin sa daddy mo.'' sabi nito sakin na tila nagbabadya ang apoy sa mga mata.

''Pero syempre, di ko gagawin iyon. Hindi na kita kailangan at mas lalong hindi na kita gusto para sa sarili ko.'' may ngising sabi nito sa akin. 

Oo nasaktan ako dahil sa sinabi nito, dahil  hanggang ngayon mahal ko parin ito.

Nasa ganun kaming sitwasyon ng biglang dumating si Drio na halata sa mukha ang pagtataka...

''Jhiya, Derex magkasama pala kayo? Kala ko kung napaano na kayo.'' sabi ni Drio na agad lumapit sa akin at inalalayan ako.

''Okay naman kami, nawalan lang ng balanse kanina si???? Ano nga pala ulit ang pangalan mo?'' may ngiting sabi nito. Talagang nagpanggap pa siya na di niya ako kilala.

Okay fine, kung yun ang gusto niyang laro walang problema, magpapanggap ako na di ko din siya kilala. 

Pasagot na sana ako pero naunahan ako ni Drio sa pag sagot dito.

''Siya si Jhiya bro. Tara na bumalik na tayo sa table natin kanina kapa rin hinahanap ng girlfriend mo!'' sabi ni Drio samin saka ako nito tinitigan at nginitian.

''Siguradong okay kana ba Jhiya?'' tanong nito sa akin na agad ko naman tinanguan.

''Kung ganon tayo na sa loob.'' aya ni drio sabay alalay sakin.

''Sabihin mo lang sa akin kung di mo na kaya huh? Iuuwi na agad kita. Ayoko namang magalit si uncle sakin.'' sabi muli nito habang naglalakad kami. Natanaw ko agad ang table namin, at don ko nakita si Diane na agad lumapit sa amin ng makita agad na parating kami, sinalubong nito agad si Derex at muling inaya na mag sayaw sila.

Tsiii.... Hindi ba nangangalay ang balakang ng babaeng ito? Kanina pa siya huh? Iritang bulong ko sa sarili ko. Agad ko rin namang sinaway ang sarili ko dahil wala na akong pakialam kahit saan pa sila makarating na dalawa.

Nasa ganun akong pag iisip nang bigla akong kinalabit ni Drio.

''Naiinggit ka ba sa kanila? Alam mo bang four year's na ang dalawang yan akala ko nga wala ng planong mag girlfriend yang si Derex eh... Masyado kasing nag focus sa kung paano niya payayamanin ang sarili hanggang sa dumami na ang mga shop nya at nagkaroon narin sya ng mga boutique sa ilang mga bansa.

Minsan nga tinanong ko ang kaibigan kong yan kung bakit hindi pa sila magpakasal ni Diane, alam mo ba ang sinagot niya? Ipapakita pa daw muna niya sa babaeng nang iwan sa kanya at hindi nagtiwala sa kanya na hinding hindi na daw nila ito matatapak tapakan nalang basta.

Bukod doon hindi daw ito magpapakasal sa isang babae, kung di siya sigurado sa kanyang nararamdaman para dito.'' mahabang sabi nito sa akin na ikinatingin ko kay Derex na kasalukuyang masayang nakikipag sayaw kay Diane...

Nakita kong napatingin ito sa gawi ko dahilan para mataranta ang puso ko.

Tama natataranta ang puso ko ngayon. Dinig na dinig ko rin ang tibok ng puso ko.

Sa simpleng tingin lang nito sa akin.

ang laki na agad ng naging epekto nito sa buong sistema ko....

Dahilan para mapahawak tuloy ako sa dibdib ko.

''Umiiyak kaba?'' tinig ni Drio na agad kong ikinahawak sa mga pisngi ko.

Basa nga ng luha ang mga mata ko. Ano ba naman itong nangyayari sakin.

''Naku, hindi ako umiiyak na pwing lang ako kaya napaluha ako..'' tanggi ko dito na agad nitong tinanguan at nginitian.

''Ganun ba? Gusto mo bang hipan ko?'' sabi nito sakin sabay hawak sa pisngi ko at lapit ng mukha nito..

Napatingin ako sa mga mata ni Drio at masasabi kong ang pupungay ng mga ito at tila ba may nais sabihin.

agad akong napailing at napayuko pero agad din naman nitong pinigil ang pag yuko ko at agad akong siniil ng halik.

Oo nagulat ako sa ginawa nito gusto ko nga itong itulak pero ng makita kong naghahalikan din sina Derex at Diane ay ipinikit ko nalang ang mga mata ko at nagpaubaya dito..

Lumalim ang halik nito at tila nadadala narin ako marahil sa puno ng sama ng loob ang puso ko ng biglang...

''Ehemm.... Excuse me!'' tinig ng isang babae na agad nagpahiwalay sa amin ni drio. Pag tingin namin si Diane pala nakangiti ito at tila nanunudyo ang ngiti.

''Pwede ko kayo i request ng VIP ROOM dito dear.'' malanding sabi ni Diane samin na agad kong inilingan.

''Naku hindi.'' tanggi ko dito sabay tingin kay Drio na agad ding sumang ayon.

''Nama si Jhiya hindi na kailangan.'' sabi nito na agad kong nginitian. Napatingin din ako kay Derex madilim ang mukha nito at tila nanlilisik ang mga mata habang nakatingin sa akin.

Teka wag nga akong mag assume bakit naman ito magagalit. Wala naman itong pakialam sa akin.

Nasa ganun akong sitwasyon ng biglang akbayan ako ni Drio at kabigin palapit dito...

''Uwi na tayo!'' aya nito habang nakatingin kay Derex.

''Bro uwi na kami ihahatid ko pa kasi ito kina uncle, bye mauna narin kami sa inyo Diane huh?'' paalam nito sabay alalay nito sa akin patayo sa table namin ng biglang...

''Teka lang bro. Sabay narin kami sa inyo pwede ba?'' biglang sabi ni Derex samin.

wala na kaming nagawa ng kunin nito ang bag ni 

Diane at ayain itong sumunod.

Nagtama sandali ang mga mata namin ni Derex at don ko nakita ang pag ngisi nito.

Ano ba ang gusto nitong palabasin sa ngiti na iyon.

To be continued....

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status