Share

5

Jhiya's Point of view...

Hating gabi na pero di parin ako dinadalaw ng antok. Hanggang ngayon kasi hindi ko lubos maisip na nasa kabilang kwarto lang si derex, si derex na ilang araw nalang ay ikakasal sa akin.

Ano kayang nangyari at bakit pumayag si dad na makasal ako sa lalaking kinaaayawan nya noon ng husto.

Nasa ganon akong pag iisip ng bigla nalang may gumalabog sa kabilang kwarto na agad kong ikinabalikwas ng bangon.

''ano kayang nangyayari don? Bakit gumagalabog sa kwarto nito.'' tanong ko sa sarili ko habang kinakapa ko ang sinelas ko.

Nang makapa kona ito ay agad ko itong sinuot at tumayo, pero agad din akong natigilan.

''pupuntahan ko ba ito sa kwarto? Wag nalang kaya? Parang nakakahiya naman kung ako pang pupunta dito, tama wag nalang baka mamaya may nabunggo lang ito, isipin pa nito nagpapapansin ako sa kanya.'' bulong ko sa sarili ko saka ako muling bumalik sa pagkakahiga ko.

''haisstt... Pipilitin ko na nga lang matulog.'' kumbinsi ko sa sarili ko saka ko pinikit ang mga mata ko. Pero di pa tuluyang nagtatagal ang pagkakapikit ko ay biglang may kumalampag sa pinto ng kwarto ko. Na agad ko mvling ikinabalikwas.

''sino yan? Tanong ko sa walang habas na kumakatok.

''si derex to buksan mo dali.'' sabi nito habang wala paring habas sa pag katok...

Sa sobrang asar ko agad akong lumapit ng pinto at agad na binuksan..

Nakita ko ito hawak ang dalawang unan at agad na pumasok ng kwarto ko at higa...

''aba't, hoy lalaki kwarto ko ito nagkakamali ka ng pasok'' sita ko dito.

''alam ko,'' maigsing sagot nito na ikinataas ng kilay ko

''alam mo naman pala bakit andyan ka at dyan kapa humiga, at saka bakit dala mo yang mga unan?''

''dito ako matutulog.'' simpleng sagot nito na agad kong pinameywangan at nilapitan.

''eh sira pala ulo mo eh, diba may kwarto ka? Bakit dito ka matutulog?'' tanong ko dito.

''basa eh '' sagot nito habang nakapikit...  Hmmmm,,, sarap  nito daganan sa lalamunan... Ngitngit  kong bvlong

''panong basa? Bakit mababasa ang kwarto mo''

''e'di tignan mo... '' sabi nito na agad kong sinunod, pero bago ko ito iwan at pumunta sa kabilang kwarto ay kinuha ko muna ang sinelas ko sa paa at saka ko ito ibinato sa pasimpleng nakangiting si derex..

''arayyy naman...'' narinig kong d***g nito bago ako tuluyang lumabas at nag tungo sa guestroom...

Nadatnan ko ang naglalawang sahig dahil sa nabasag na aquarium...

Mygod naman, nakita kong nagkakakawag ang mga isdang si nemo at jara sa ibabaw ng kama..

Agad kong kinuha ang mga ito at pumasok sa cr at binuksan ang bathtub at agad na inilagay ang mga nagwawalang isda...

''ang walanghiyang lalaking yon, binasag nya ang aquarium ko at basta nalang iniwan sina nemo at jara? Hindi ba nya alam na mga alaga ko ang mga ito? Kaya nang makita kong puno na ng tubig ang bathtub ay pinatay kona ang gripo at agad na nagtungo sa kwarto ko para kumprontahin si derex na kasalukuyang nakahiga at naka talikod..

Lumapit ako dito dahil baka nagtutulog tulugan lang ito pero nagkamali ako, nakita ko ang payapa nitong pag hinga at payapang mukha.

''tulog kana bang talaga? Tanong kopa dito. Pero mukhang nakatulog na nga ata talaga ito, kaya naman napapailing akong napatingin sa sofa.

.

''malamang sa malamang sa sofa na talaga ako nito matutulog, alangan namang tumabi ako dito.'' bulong ko sa sarili ko bago ko kinuha ang unan ko at nagtungo sa sofa at maayos na humiga, sa totoo lang ang sarap naman talaga ng pagkakahiga ko sa maliit na sofa, marahil dahil pagod na pagod narin ako kaya namalayan ko nalang na napapapikit na ako. Pero bago ako tuluyang pumikit muli kong tinignan si derex at tumingin sa orasan.

Pasado ala una na, kaya antok na rin ako.

''good night naughty boy.'' bulong ko saka ako panatag na pumikit at natulog...

Nagising ako sa mabigat na bagay na nakadagan sa may sikmura ko at sa may mga hita ko...

Gusto ko pa sanang matulog pero nabibigatan talaga ako sa nakadagan sa akin kaya naman pinilit kong dumilat.

Isang gwapong lalaki ang bumungad sa mukha ko na agad kong ikinangiti...

''Ang ganda naman ng gising ko.'' sabi kopa bago ako napakurap kurap na muling tinitigan ng maigi ang lalaking nasa harapan ko.

''teka,,, si derex? Bakit sya nasa sofa?'' bulong kopa bago ko nilibot ang tingin sa paligid... Nakita ko ang sofa kung san ako humiga kagabi pero wala na ako doon kundi nasa kama na ako.

''teka panong nangyaring napunta ako dito? Lumakad ba ako habang natutulog? Pero imposible naman yon, at saka teka anong niyayakap yakap nito sa katawan ko.'' maktol kong sabi ng bigla nalang dumilat si derex..

''ang ingay naman ng bunganga mo, ang aga aga. Pwede matulog nalang ulit tayo?'' sabi pa nito sabay higpit pang lalo sa pagkakayakap nito sa akin.

Agad ko itong tinulak palayo sa akin pero mahigpit ang pagkakayakap nito sa akin dahilan para mas lalo akong mapalapit dito at magkatapat ang mga mukha namin.

''pag di ka tumigil ng kakapalag dyan, makikita mo ang hinahanap mo.'' banta nito na ikina nguso ko.

Abat ang walang hiya, tinakot pa talaga ako sa mismong pamamahay ko.

''hoy lalaki, paano ako napunta dito? Sa pagkakaalam ko sa sofa ako natulog.''

''simple lang binuhat kita at itinabi sa akin.'' sabi nito saka muling pumikit...

''no more question or else rereypin na kita.'' sabi nito na ikinalaki ng mata ko, pero di na ko nag balak pang magsalita.

Pero kahit ganon pinipilit ko paring kumawala sa pagkakayakap nito na talagang malakas kaya talagang wala na akong nagawa kundi ang tumabi dito. AtIsa pa gusto ko rin naman ang pakiramdam na yakap ako nito.

Hindi ko namalayan na titig na titig na pala ako dito..

''tulog kaba ulit?'' baka sakaling tanong ko dito na agad nitong sinagot at dilat ng mata.

''hindi na '' sagot nito habang titig na titig sa akin.

''bakit?'' tanong nito.

''bakit ka pumayag magpakasal sa akin? Hindi ba galit na galit ka sakin? '' tanong ko dito pero imbis na sumagot.

biglang nagbago ang ekspresyon nito at agad na bumitiw sa pagkakayakap sa akin.. Maya maya pa bigla na itong tumayo at lumakad palabas ng pinto.

''anong nangyari don?'' tanong ko sa sarili ko habang napapayukong napatingin sa cellphone nito na kasalukuyang nagriring at mukha nung diane ang nasa screen.

Nakaramdam ako ng matinding selos ng mga sandaling ito,  lalo na nang biglang pumasok muli si derex at kinuha ang cellphone at sinagot..

''hello babes, andito ako sa bahay ng kaibigan ko, wag ka ng mag alala ako ng bahala basta kita nalang tayo mamaya sa resto, kung san tayo laging nagpupunta.'' nakangiting sabi ni derex saka muling lumabas ng kwarto at iniwan nanaman akong mag isa..

To be continued.....

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status