Share

8

Jhiya's Point of view....

Kaaalis lang ni Kris ng biglaang tumawag si Polo para sabihin  dito na dumating na 'daw yung bridal gown niya.

Kaya naman ang luka-luka kong kaibigan nakalimutan na ang pangakong magdamag kaming mag kwe-kwentuhan ng mga nangyari sa amin.

Napabuntong hininga nalang ako bago ko naisipang pumasok sa loob ng bigla.

Si Derex naka sandal sa hamba ng pinto at halatang nag hihintay sa akin.

walanghiya bakit siya nakangiti? Parang may 'di maganda itong pinaplano huh?

''Ehemm... Bakit nandyan ka? Sinong hinihintay mo?'' Tanong ko pa dito na ikinibit balikat lang nito habang unti unting lumalapit sa akin.

''hoy ano sa tingin mo ginagawa mo?''

''Edi lumalapit sa iyo. Mukhang kakampi ko 'yata ang langit at pinagbigyan akong masolo ka.'' sabi nito sa akin na agad kong kina atras.

''Luko luko. Kung ano man ang plano mo kalimutan mo na inaantok na ako.'' sabi ko dito na kinangisi nito.

''Anong ngini ngisi-ngisi mo d'yan? D'yan ka na nga..'' sabi ko dito saka ko tangkang lalakad papasok ng bahay ng biglang...

''Ooops tingin mo makakawala ka pa sakin? Ang alam kong usapan n'yo ng kaibigan mo magdamag kayo mag kwekwentuhan. Kaso lang umalis siya kaya naman tayo nalang ang mag kwentuhang magdamag dalawa.'' sabi pa nito sakin habang nakaharang sa daraanan ko.

''Ewan ko sa 'yo.'' tabi nga d'yan. Tabig ko dito pero di manlang ito natinag.

''At isa pa. Alam mo bang halos dalawang linggo mo akong pinahirapan gabi-gabi? Kakaisip na nasa loob lang ng bahay na ito ang asawa ko pero di ko naman ito mahawakan. Kaya naman pasensyahan na lang hindi ko na kaya pang hindi ka makasama ngayong gabi matapos ang nangyari sa atin kanina.'' sabi nito sa akin na ikinakagat ko ng labi..

'''Diba kaya ka lang nagpakasal sa akin dahil may plano kang gumanti sa akin? Kaya naman bakit mo pa ako gustong makasama huh? Alam ko naman na may kasalanan ako sa iyo. Kaya nga gabi gabi hirap na hirap din ako na nakikita ka pero parang bale wala lang ako sa iyo'' yukong sabi ko dito.

''Sa aspetong yan Oo. Gusto kong makaganti sa iyo sa pahirap na ginawa mo sa akin ng iwan mo ako. Pero nawala 'yon ng makita kita. At nang malaman kong ikakasal ka kay Drio.lahat ng paraan ginawa ko para lang sa akin ka mapakasal kahit pa ang agawin kita sa kaibigan ko plinano ko. Pero buti nalang mismong si Drio ang nag bigay pa sa akin lalo ng lakas ng loob na tanggapin ko sa sarili ko na mahal pa rin kita. Kaya naman jhiya sabihin mo sa akin. Sa tingin mo ba itatali ko ang sarili ko sa iyo para lang gantihan ka? Mahal pa rin kita Jhiya yon ang totoo. Mahal na mahal pa rin kita.'' biglang sabi nito sa akin na agad kong ikina angat ng tingin dito. Nakangiti ito habang umaangat ang kamay patungo sa buhok kong tumabing sa mukha ko.

''Anong sabi mo?'' tanong ko pa dito.

''Ano ka ba naman nakakabingi bang marinig mula sa akin ang sabihin kong mahal pa rin kita..'' direktang sabi nito sa akin na nagpangilid ng luha ko.

''Ohh umiyak ka naman ngayon? Ano ba 'yan umamin lang ako sa iyo  naiyak kana? Talaga bang ganyan mo ako kaayaw na.'' agad kong pinigilan ang iba pang sasabihin nito at tinawid ang isang dangkal lang atang layo namin sa isat isa.

Tama hinalikan ko ito. Sobra ang galak sa puso ko ng malaman kong mahal pa rin ako nito.

Buong buhay ko ito na ang pinakamasayang araw sa buhay ko. Ang marinig muli dito ang salitang mahal parin ako nito...

Derex Point of view...

Nagulat talaga ako ng bigla nalang akong halikan ni Jhiya at yakapin nito ng mahigpit.

Pero sandali lang 'yon dahil gaya ng ginawa nito niyakap ko din ito ng mahigpit.

Buong akala ko 'di ko na ito mayayakap pa. Akala ko nga puno na ng galit ang puso ko pero nagkamali ako nawala ang lahat ng galit ko at pagkamuhi dito nang hindi ko namamalayan. Hanggang sa 'di ko namamalayan na ang galit noon napalitan ng kagustuhang maging akin muli ito sa pamamagitan ng pagpapakasal dito. Mahirap sakin kausapin ang daddy nito na buong buhay ko ay nasa isip kong gagantihan ko ito. Pero hindi 'yon ang nangyari muli nakiusap ako dito para lang sabihing mahal ko pa rin si Jhiya. At handa akong gawin ang lahat para lang pumayag ito na sakin ito makasal.

Naramdaman ko ang pagkalas ng yakap nito sa akin saka nakipagtitigan.

''Mahal din kita derex. Nagsisisi talaga ako noon ng iwan ka. Pero maniwala ka hindi kita nagawang kalimutan. Kaya nga ng malaman kong gusto mo akong pakasalan kahit pa alam kong galit lang ang dahilan ng pagpapakasal mo sa akin. Hindi ako nag dalawang isip na pumayag dahil ang totoo n'yan pangarap ko na ikaw na ang makasama ko habang buhay.

Kaya nga sobra din akong nahihirapan na baka isang araw iwan mo ako at sabihin mo nalang sa akin na nagsisisi kang pinakasalan mo ako.'' mahabang sabi nito na matamang ko lang pinakinggan. Masaya akong marinig na handa itong magsakripisyo makasama lang ako.

''Alam mo bang pumapalakpak ang tenga ko ngayon?'' nakangiti kong sabi dito na ikina kunot ng noo ko.

''Sobrang saya ko na malaman ko rin na mahal mo din ako.'' sabi ko.

''Hindi yon nawala kahit konti Derex.'' sabi pa nito sa akin saka ako muling hinalikan.

''Teka...'' awat ko dito na halatang ipinagtaka nito.

''Bakit?''

''Kanina ka pa eh. Ako naman.'' sabi ko pa dito saka ko ito kinabig at ako naman ang humalik dito.

Matagal ang halik namin na iyon hanggang sa maubos na ata ang hangin sa katawan namin bago kami tumigil.

Kapwa kami hingal ng magkatitigan kami. Saka kami sabay na nagkatawanan dalawa.

Napuno ng tawanan ang tahimik na gabi. Hanggang sa binuhat ko ito na halatang ikinagulat nito.

Hindi naman ito pumalag ng buhatin ko ito

Sa sala palang hindi kona napigilan pang ilapag ito sa sofa ay halikan..

''Teka lang baka makita tayo ni manang...'' sabi pa nito na hindi ko pinansin basta pinagpatuloy ko lang ang paghalik dito...

''ano kaba sabi ng baka makita tayo ni manang eh.'' sabi muli nito na ikinabuntong hininga ko.

''Hindi tayo non makikita, sinabihan ko kasi kanina si manang na mag day off siya muna kasi sosolohin kita ngayong gabi. Kaya kahit mag ingay tayo ng mag ingay walang makakarinig at makakakita sa atin.

Pwera lang sa ating dalawa parehas nating makikita ang isat isa at maririnig ang isat isa kaya wag ka nang mag alala pa d'yan okay?'' sabi ko dito na halatang ikinagulat nito.

''Ibig sabihin n'yan naka-plano na ang lahat ng ito?'' tanong nanaman nito.

''Oo dalawang linggo yata akong nagpipigil sa sarili ko na 'wag ka munang biglain. Pero wala eh. Hindi ako gumagawa ng move mas lalo ka naman. Kaya naisip ko kung hindi pa ako ang gagawa ng move sa ating dalawa walang mangyayari sa ating dalawa.'' sabi ko muli dito habang pinapaliguan ko ito ng halik sa mukha. Magsasalita pa sana muĺi ito pero agad ko na itong hinalikan para 'di na ito makapag salita pa.

Nagtagumpay naman ako dahil parehas na kaming natangay sa init ng isat isa.

To be continued...

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status