Share

My Ex Is My Demanding Husband
My Ex Is My Demanding Husband
Author: Thegirlmakesyouhappy

1

Jhiya's Point of view..

''Tulala kana naman?'' tinig sa likuran ko na agad kong ikinalingon.

Si Kris, ang bestfriend ko na nakakaalam ng lahat ng tungkol samin ni Derex. Ang taong minahal ko ng husto at minahal ako ng buong puso.

''Siya na naman ano? Hanggang ngayon ba nagsisisi ka na nakipag hiwalay ka

kay derex? Anim na taon na ang nakalipas Jhiya baka nga may asawa na si Derex at mga anak. Kaya pwede ba Jhiya kalimutan mo na si Derex at sagutin mo na lang si Drio, mayaman ito at tiyak na kayang kaya nitong isurvive yung kumpanya ninyo at pati narin ang mansyon nyo.'' suggest nito na inilingan ko.

''Paano ko papakasalan ang lalaking yon kung ang mahal ko pa rin ay si Derex?'' tanong ko dito na hindi na nito sinagot pa.

Kaya naman napaisip na naman ako at saka ko naalala ang nakaraan.

Flashback...

''Ano kaba Derex, wag kang sumigaw, baka marinig ka ng yaya ko at ni Mang del. Baka isumbong ako kay daddy..'' kalabit ko kay derex na hindi ako pinapansin bagkos lalo pa niya akong niyakap at hinalikan na ikinalaki ng mga mata ko.

Firstkiss ko yon. 

anong pakiramdam?

Para akong nasa ulap at nakalutang sa sahig.

Kinakabahan man ako,

pero masaya talaga ako dahil mahal ko ito.

Tutol man si daddy Dito hindi ko ito inintindi, basta masaya ako.

Pero isang araw ng pumasok ako ay bigla akong natigilan.

nakita ko kasi si derex, lugmok na lugmok habang binubugbog ng mga tauhan ni daddy.

Agad akong tumakbo pasaklolo dito pero hindi ko nagawa pang makalapit dito dahil hinawakan na ako ng dalawa pang tao ni dad.

''bitiwan nyo ako, tigilan nyo si derex parang awa nyo na..'' sigaw ko pero bingi sila.

sige parin sila sa pagsuntok dito at pagpalo ng tubo.

Ang sakit makitang nasasaktan si derex dahil mahal ko ito. Alam ko kasing ako ang dahilan kung bakit ito binubugbog ng mga tao namin ang taong mahal na mahal ko.

Hanggang sa biglang sumigaw si daddy,

na nasa di kalayuan habang nakamasid lang.

''Tama na yan.'' sigaw ni daddy sa mga tao nya kaya agad na huminto ang mga ito. Agad akong kumawala sa daĺwang humahawak sakin at hinayaan naman ako ng mga ito kaya agad akong tumakbo patungo kay derex at niyakap ito.

Lalo akong napaiyak ng makita ko ang duguang mukha nito.

Pero kahit ganon ang sitwasyon nito, ngumiti lang ito at sinabing ayos lang ito at wag na akong mag alala para dito.

Nasa ganun kaming sitwasyon ng bigla nanamang magsalita si daddy. 

''mag usap kayo at ang gusto kong pag

usapan nyo ay kung Paano nyo tatapusin ang relasyon nyo.

dahil kung hindi hindi lang yan ang mararanasan ng lalakeng yan Jhiya.'' may bantang sabi ni daddy sa amin na ikinatingin ko kay Derex na agad hinawakan ang kamay ko saka sabay sabing.

''Mahal ko po ang anak nyo. Ipaglalaban ko po siya kahit anong mangyari, magsisikap po ako mag aaral ng mabuti para umunlad ako. Basta pakiusap po hayaan ninyo na po kami.'' may pakiusap na sabi ni Derex kay dad pero tinalikuran lang ito ni dad at iniwan kami.

Sumakay ito ng kotse at isinara. Nakita ko ang pagbagsak ng balikat ni Derex ng hindi ito pansinin ni daddy.

Nang tuluyan nang umalis sina daddy ay mahigpit kong niyakap si Derex. Kasabay ng isang desisyon na sana ay wag kong pagsisihan sa bandang huli.

''Wag ka nang mag alala sa akin kaya ko ito, iiinom ko lang ito ng gamot okay na ako.  Wag ka nang umiyak.'' alo nito sa akin. 

''Ako pa talaga ang inalala mo? Ikaw nga itong nasaktan. Patawad.'' Pag hingi ko ng tawad dito na agad nitong pinatigil.

''Para saan? Okay lang naman ako.'' sabi nito na inilingan ko.

''Paano ka magiging okay? Tignan mo nga yang itsura mo? Puro ka na sugat at dugo. Tama si daddy itigil na natin ito.''   yukong sabi ko kay Derex na agad nitong inalmahan.

''Hindi Jhiya, kaya ko ito. Wag kang mag alala. Mas hindi ko kayang mawala ka.

Kaya ko ang sakit ng katawan. Dahil alam ko pagdating ng panahon matatanggap din tayo ng daddy mo. Kaya pakiusap wag kang mag isip na hiwalayan ako.'' sabi nito na inilingan ko.

''Hindi mo kilala si daddy Derex kaya ka nyang ipapatay siraan pati na ang pamilya mo.''sabi ko dito na inilingan na naman nito

''Alam mong wala na akong pamilya, . Wala ring mawawala sakin kung sakaling magalit ang dad mo. ikaw nalang ang meron sakin Pakiusap bawiin mo ang sinabi mo. Hindi mo ako iiwan. Mahal kita, mahal na mahal.'' pakiusap ni Derex sa akin na inilingan ko. Disidido na akong lumayo dito para na rin sa kapakanan nito.

mahal na mahal ko ito, at mas gusto kong lumayo dito kesa naman may gawing masama si dad dito at baka yon ang di ko kayanin kung sakali.

''Kung ganun sumama ka sa akin, kaya kitang buhayin. Magsisikap ako. Mamahalin kita ng higit pa sa buhay ko.

Basta sumama ka lang sakin hindi ko hahayaan na mahirapan ka pangako.'' sabi nito na ikinaiyak ko habang umiiling.

''Hindi na, kilala ko si dad hindi siya titigil hanggat hindi niya tayo nakikita...'' sabi ko dito saka ako dahang dahang tumayo.

''Patawad Derex pero ito ang tama.'' sabi ko na inilingan nito habang pinipigilan ang kamay ko. Pero naging bingi na ako dahil kahit na pinipigilan ako ni Derex ay lumakad parin ako palayo dito.

Hanggang sa narinig kong sumigaw ito.

''Maghihintay ako sa park kung saan mo ako sinagot, maghihintay ako kahit anong mangyari Jhiya.'' sigaw nito na ikinapikit ko ng mariin. Saka ako muling lumakad palayo dito.

End of flashback...

Nasa ganun akong pag iisip ng kalabitin ako ni Kris, nasa isang mall kasi kami dahil nagpasama itong bumili ng ilang mga libro na ipapamigay nito sa mga batang tinuturuan nito.

''Ang lalim ng iniisip mo kasing lalim ng kunot ng noo mo. Kung ako sayo Jhiya mag enjoy tayo, ngayon na nga lang kita ulit naayang lumabas sa lungga mo tapos ganyan kapa.'' sabi na naman nito na kinibit balikat ko nalang. 

Siguro nga dapat na muna akong mag enjoy. Saka ko nalang iisipin ang mga Pangungulit ni dad na ipakasal ako kay Drio Para maisalba ang pagkakalubog namin sa bangko.

Nang biglang may matanaw akong isang pigura na kilalang kilala ko.Kahit anim na taon na kaming di nagkikita kilala ko parin ito.

Nakita kong nag tama ang mga mata namin pero tila hindi man lang ako nito nakilala.

Lalapit sana ako pero may biglang lumapit dito na isang matangkad na babae at humalik sa labi.

Matagal akong napatayo at napatingin dito ng biglang sikuhin nanaman ako ni Kris.

''Ano kaba naman para ka namang nakakita ng multo. Kanina Para kang timang sa lalim ng iniisip ngayon naman para kang nakakita ng multo.'' sabi ni Kris sabay tingin sa tinitignan ko.

''Te~ teka, si Derex yan diba? Anong ginagawa niya dito?'' tanong nito pero di na ako sumagot. Basta ang gusto ko na lang ay lumapit dito. Pero ng palapit na ako dito ay bigla akong hinawakan ni Kris sa braso na ikinahinto ko.

''San ka pupunta? Kay Derex? Nababaliw kana ba? Nakita mong may kasama siyang babae oh. Mamaya nyan asawa niya ito edi nagkagulo pa.'' sabi nito na ikinatingin ko dito.

Tama ito mukha ngang hindi na ako nito natatandaan base sa reaksyon nito.

Pero bakit parang ang sakit sa dibdib na tila balewala na ako dito?

To be continued...

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status