Share

2

Drio's Point of view...

Nandito ako ngayon sa club habang hinihintay ang bising busy kong kaibigan.

Pinakiusapan ko itong puntahan ako at samahan akong mag inom.

Hindi naman ako nag dalawang salita dito dahil maya maya lang nakita ko na itong parating.

Luminga linga ito kaya kumaway na ako upang madali niya akong makita na agad namang nangyari dahil ngumiti ito at agad na lumapit sa akin.

''Pasensya na medyo trapik kaya ngayon lang ako nakarating.'' sabi nito na agad kong tinanguan.

''Ayos lang kakaumpisa ko palang naman. Tara upo kana.'' alok ko dito saka ako muling kumaway para tawagin ang waiter na agad namang lumapit.

''Bigyan mo pa kami ng beer dito at pulutan narin.'' sabi ko dito na agad naman nitong sinunod.

Maya maya hinarap kona si Derex na kasalukuyang nakatulala.

''Oi pare, mukhang ang lalim ng iniisip mo huh? Kaya ba kita agad naaya dito dahil sa may problema ka rin?'' tanong ko dito na kinatawa nito ng mahina saka ako tinapik sa balikat.

''Parang sinasabi mo naman na nagpapakita lang ako sayo pag may problema. Pero pare ang totoo n'yan may problema talaga ako. Nakita ko ang ex ko sa mall.'' naka pilit na ngiti nitong sabi sa akin..

''Dyuzko naman Derex, ano namang bago? Sa dami ng mga naging girlfriends mo. Hindi na nakakapagtaka kung may nakasalubong ka at bigla nalang sampalin.'' sabi ko dito na ikinailing nito.

''Sira.'' tanging naisagot lang nito saka sabay inom. Buntong hininga ko at saka muling lumagok sa bote.

''Teka nga pare, malamang hindi ordinaryong ex mo lang ang nakita mo. Sabihin mo nga sakin nabuntis mo daw ba?'' tanong ko dito na agad nitong kinailing.

''Hindi, ano kaba? Teka wag na nga nating syang pag usapan. Ikaw nalang. Bakit ka nagpapakalasing? Akala ko ba masaya ka dahil ipinakakasal sayo ang babaeng gustong gusto mo?'' tanong nito na ikinaseryoso ko nanaman.

''Oo tama ka. Pero halata kasi dito na ayaw nya sakin. Malamang nga nyan may boyfriend ito kaya nitong mga nakaraan ay malungkot ito.

Hindi naman nya ako pinagtatarayan o kaya binabastos.

Basta civil lang ito.

Gaya ngayon pinilit ni uncle na makipagkita ito sa akin.

Umoo naman ito Pero hanggang ngayon wala parin ito.

Maganda ito at mabait, hindi tumututol kahit pa labag sa loob nito ang pinapagawa sa kanya ni uncle. Pati na yung pagpilit nito dito na magpakasal sa akin kapalit ng utang nito kay dad.

Kung ako lang ang masusunod hindi ko ito pipilitin na magpakasal sa akin. basta tutulungan ko nalang ito pero dahil si daddy parin ang may hawak ng lahat ng shares ng kumpanya. Ay ito ang nagpapasya kung ano ang mainam na gawin ko.'' naiïling kong kwento dito.

''So pabagsak na pala ang kumpanya ng fiancee mo? Bakit pa nya naisip na ipakasal ka sa babae na yon kung wala naman pala kayong mapapala?'' tanong nito sa akin na hindi ko makuhang sagutin dahil hindi ko naman alam ang sagot.

''Pero pare umamin ka. Mahal mo ba yung babae?'' biglang tanong nito na agad ko namang tinanguan..

.

''Oo mahal ko ito, yun nga lang, hindi niya ako gusto, may mahal na daw siyang iba.'' sagot ko dito na tinanguan lang nito.  

Lumipas ang ilang minuto ng biglang tumayo si Derex at nagpaalam na mag rerestroom lang daw. Tumango naman ako.

Mayamaya pag alis nito napatingin ako sa relos ko at nakita ko pasado alas dyes na. 

Malamang hindi na ito pupunta. Bulong ko sa sarili ko nang bigla nalang may lumapit sa akin. Pag tingin ko....

''Oh Jhiya, akala ko di kana pupunta eh.'' sabi ko dito na sinuklian nito ng pilit na ngiti.

''Bakit ko naman gagawin yon? Nangako ako sayo na pupunta dito diba? Medyo na trapik lang ako kaya naman nahirapan ako agad makapunta dito. By the way pasensya na kung natagalan ako. Nainip ba kita?'' tanong nito sa akin na nginitian ko sabay iling.

''Hindi naman, ang totoo nga niyan may kasama ako.'' sabi ko dito sasagot sana ito pero bigla itong natigilan ng tila may nakilala sa loob. Kaya agad ako napatingin sa tinititigan nito. 

Nakita ko si Derex na palapit sa amin na tila may pagtatakang nakatingin sa amin ni Jhiya. 

Nang makalapit ito sa amin ay halata dito ang pagtataka ganun din si Jhiya.

''Magkakilala ba kayo?'' tanong ko sa mga ito dahilan para magkatinginan ang mga ito.

Medyo matagal bago sumagot si Derex ng...

''Naku hindi, nagtataka lang ako bakit may kasama ka.'' sabi ni Derex saka ngumiti sa akin.

''Ahh akala ko magkakilala kayo, nga pala pare siya nga pala ang sinasabi ko sayo na girlfriend ko.'' sabi ko dito na ikinakunot ng noo nito..

''Bakit para kang nakakain ng suka d'yan? Alam kong maganda itong si Jhiya pare pero taken na siya.'' biro ko dito saka ko tinignan si Jhiya at kinindatan.

''Diba Jhiya?'' tanong ko dito na alanganing tinanguan nito.

''Ahh upo ka Jhiya, masaya talaga ako at nag punta ka. Pasensya na nga pala kung medyo lasing na ako.'' sabi ko dito.

''Okay lang kaya rin naman ako nagpunta dito para uminom. Pwede naman diba?'' tanong nito na tinanguan ko.

Alam kong marami itong problema, alam ko din na napipilitan lang itong ngumiti at ipakita sa akin na masaya ito, dahil iyon ang utos sa kanya ng daddy niya..

Derex's Point of view..

Tahimik lang akong nakamasid kay Jhiya habang nakikipag kwentuhan ito kay Drio,  mukhang masaya naman siya, bakit ang sabi ni drio ayaw nito sa kanya? Gayong mukhang enjoy na enjoy nga ito sa pakikipag kwentuhan dito.

Nasa ganung pag iisip ako ng makita kong tumayo si Jhiya at nag paalam na mag restroom lang..

Nakita kong pumayag si Drio kaya ang diretso na ito nang lakad papuntang restroom.Napatingin ako kay Drio nang marinig kong nagsalita ito.

''Mukhang napaparami ka ng inom huh? Talaga bang problemado ka sa ex mo?'' tanong nito sa  akin na hindi kona nasagot dahil dumating din agad si Jhiya.

Medyo mabuay ang lakad nito na halatang tinamaan na sa alak na nainom.  

Maya Maya pa tila nawalan ito ng balanse na agad inagapan ni Drio.

Sinalo nito ang likod ni Jhiya at saka kinabig palapit sa dibdib nito.

Tsii.... Naisa tinig ko ng bigla akong kalabitin napatingin ako at nakita ko si Diane.

Napatingin muna ako kina Drio na kasalukuyang binibigyan ng malamig na tubig si Jhiya. 

Kaya naman hindi na ako nagpaalam pa sa dalawa basta tumayo nalang ako at inaya si Diane sa dance floor at doon kami nagsayaw.

Maganda talaga si Diane at maganda din ang hubog ng katawan na bumagay sa taas nito na 5 flat lang.

Malikot itong sumayaw at talaga namang madadala ka. Pero kahit ganun pasimple parin akong tumitingin sa table namin para tingnan si Drio.

Si Drio ba o si Jhiya ang nakikita kong nakatingin sa akin na may lungkot sa mga mata.

Imposible.

Agad kong binawi ang tingin kay Jhiya at sumabay sa malikot sayaw ni Diane.

Maya maya pa laking gulat ko ng biglang may bumunggo sa aking likuran, pag tingin ko si Jhiya sumasayaw din kasama si Drio.

''Ooopps..... Sorry...'' sabi ni Jhiya habang nakatingin sa aking mga mata.

Agad din naman nitong inalis ang tingin sa akin at saka humarap kay Drio at saka sumabay sa malikot na tugtog ng DJ.

''Wag kang masyadong malikot sumayaw Jhiya, mahihilo ka n'yan.'' paalala ni Drio kay Jhiya na tila hindi pinansin ng dalaga..

Mayamaya pa nakita kong tila naduwal si Jhiya. Lalapit sana ako pero mas naunang lumapit si Drio dito.

''Ayos ka lang ba?'' tanong ni Drio na inilingan ni Jhiya.

''Hindi ako ayos, nasasaktan ako.'' sabi nito kay Drio sabay tabig sa kamay nito. Halata sa mukha ni Drio ang pagtataka pero wala na rin itong nagawa ng magpaalam ito.

''Pupunta lang ako ng CR.'' sabi nito, sasama sana si Drio pero agad na umalma si Jhiya.

'' Wag na! kaya ko ng mag isa. Hintayin mo nalang ako dito.'' sabi nito kay Drio na ikina buntong hininga nito bago tumango.

Pero bago ito tuluyang umalis tumingin at umirap muna ito sa akin at kay Diane...

''Tsiiïï...... Hindi kayo bagay. '' dinig kong sabi ni Jhiya sa amin ni Diane, bago ito tuluyang lumayo at nagtungo sa CR.

To be continued....

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status