Share

Chapter 22

"OLIVE, malapit na ang graduation ng asawa mo. Anong plano mo?" tanong ni Ashley. Nasa canteen sila ng University. Dalawang linggo na ang lumipas, bigla ang pagbabago ni Nickson sa kanya. Palaging gabing-gabi na ito umuuwi. Minsan pa nga ay inuumaga nang umuwi ng bahay. Hindi naman siya nagtatanong dahil natatakot siyang malaman na niloloko na naman siya ng asawa niya.

"Hindi ko pa alam. Hindi ko pa nakakausap ang asawa ko tungkol diyan," malungkot na sagot ni Olive.

"Huh? Akala ko ba nagkaaminan na kayo. Anong nangyari?" nagtatakang tanong ni Yza.

Parang kailan lang ay masayang-masaya ang kaibigan niya na nagkukuwento. Ang saya sa labi nito ay halos walang pagsidlan.

Nagbabadya ang luha ni Olive sa tinanong ng kaibigan. "Akala ko nga rin magiging okay na ang pagsasama namin ngayon na inamin namin ang nararamdaman. Pero ramdam ko na ngayon ang panlalamig ni Nickson. Hindi ko alam kung bakit," mangiyak-ngiyak na sagot ni Olive.

Nasasaktan siya sa mga pinaggagawa ni Nickson sa kanya nga
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status