Share

Chapter 25

UMAGA na, nagising si Olive na katabi ang natutulog pang si Nickson. Hindi man lang siya nagising ng dumating ito. Dahil siguro sa kanyang mga pag-iyak at sa pagod dahil sa sama ng loob ay nakatulog siya ng mahimbing.

Pinagmamasdan niya ang guwapong mukha ng asawa. "Bakit mo ako sinasaktan, mahal ko? Mahal naman kita pero sobra na. Hindi ko na alam pa ang gagawin ko. Kung magstay pa ba ako sa relasyon nating ito?" umiiyak na naman na sabi ni Olive sa isipan.

Napakislot si Nickson. Agad na pinunasan ni Olive ang kanyang mga luha. Saka nagmamadaling tumayo at pumunta ng banyo.

Napahagulhol na naman nang iyak si Olive sa loob ng banyo. Hindi na yata niya makakaya ang sakit na nararamdaman. Napakapit siya sa lababo. Para siyang matitimbuwang at nanghihina na siya sa sobrang sakit

Narinig niya ang mga katok ni Nickson.

"Asawa ko, andiyan ka ba sa loob?" marahang mga katok na tanong ni Nickson.

"O-Oo," utal na sagot ni Olive.

"Can you just please open this door?"

"Hindi pa ako tapos. May ka
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status