เข้าสู่ระบบ![My Ex's Uncle Is My Husband[FILIPINO]](https://acfs1.goodnovel.com/dist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)
Miley’s POV.
ABOT TAINGA ang ngiti ko habang lulan ng elevator. May dala akong pizza at beer dahil susurpresahin ko si Jackson sa condo niya. Biglang sumama ang pakiramdam ko kaninang umaga kaya tumawag na lang ako sa opisina at nagpasabing hindi ako papasok then naisipan kong puntahan ang nobyo ko. Tamang-tama dahil alam kong nami-miss na niya ako at ganoon din ako sa kanya. Sobrang busy ko nitong mga nakaraang araw dahil magpapalit na ng management at kailangang ayusin ang mga papeles na dadalhin ng dati kong boss.
Sinipat ko pa ang hitsura ko sa repleksyon ko sa elevator. Siniguro kong nagpaganda ako bago pumunta dito. Ang hanggang balikat kong buhok ay pinalantsa ko para magkaroon naman iyon ng bagong itsura at nagpabango rin ako. Isang floral white dress na pinatungan ng cardigan ang suot ko dahil medyo nilalamig ako. Pero all-in-all ay maganda pa rin ako.
Nang bumaba ako sa elevator ay saktong natanawan ko si Chelsea at Jackson na papasok ng condo. Nagtatawanan sila at nakaakbay ang boyfriend ko sa bestfriend ko. Hindi naman ako nagtaka dahil ganoon talaga si Jackson sa mga babaeng nakakasama namin. Ang ipinagtataka ko lang ay bakit magkasama silang dalawa ngayon? Ang sabi ni Jackson ay may trabaho pa siyang tatapusin bago niya ako puntahan habang si Chelsea naman ay mamaya raw ako pupuntahan.
Nagmadali na ako sa paglalakad at sakto naman na naiwan nilang nakaawang ang pintuan. Papasok na sana ako para gulatin sila nang may marinig akong tunog na nanggagaling sa loob.
“Akala ko ba ay pupuntahan mo si Miley? Bakit pinapunta mo pa ako dito? Na-miss mo ‘ko?” humahagikgik na tanong ni Chelsea.
Sinubukan kong sumilip pero napasandal lang ako sa dingding dahil natakot akong baka makita nila ako. Sa sala ko naririnig ang mga boses nila.
“Pagkatapos na natin. Oo, na-miss kita. Masama ba ‘yon?” tugon ni Jackson.
Biglang nanikip ang lalamunan ko at lumakas ang kabog ng dibdib ko matapos kong marinig ang usapan nila. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Para akong ipinako sa kinatatayuan ko at hindi ko alam kung aalis ba ako o kokomprontahin sila. Ang alam ko lang para akong binuhusan ng malamig na tubig.
“Sasabihin mo na ba kay Miley—ohh,” hindi ko na narinig ang sasabihin ng matalik kong kaibigan dahil puro ungol na lang niya ang naririnig ko. Napahigpit ang kapit ko sa box ng pizza na bitbit ko. At lalo pa iyong humihigpit habang lumalakas ang ungol nila. Napalunok ako hanggang sa naging hikbi iyon. Bahagya akong umatras at naghanda na para umalis pero pagkilos ko ay hindi sinasadyang nalaglag ang beer in can na bitbit ko at naglikha iyon ng ingay.
Natigilan ako at natulala na lang habang tuloy-tuloy sa pag-agos ang luha sa pisngi ko. At sa ganoong posisyon ako naabutan ni Jackson. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ako.
“M-Millicent,” nauutal na tawag niya sa pangalan ko.
Mayamaya pa ay sumunod si Chelsea at gaya ni Jackson ay nanlaki rin ang mga mata niya. “A-anong ginagawa mo dito, Miley? A-akala ko ay may sakit ka?” tanong niya. Nakalihis pa ang white blazer niya at nakahantad sa harapan ko ang pink na bra niya.
Hilaw akong ngumiti. “O-oo nga. Pero kahit masama ang pakiramdam ko ay pilit akong tumayo para sorpresahin ang BOYFRIEND KO na nami-miss na raw ako. But guess what? Ako pala ang masosorpresa sa makikita kong ginagawa niyo!” Pinilit kong magmukhang galit pero ipinagkanulo ako ng boses kong pumipiyok dahil sa sakit na nararamdaman ko sa dibdib.
Para akong sinasaksak ng paulit-ulit. Ni hindi ko maramdaman ang mga palad ko sa mga oras na ‘to. Nanginginig, nangangatal, at para bang pagod na pagod ang pakiramdam ko.
“L-let me explain, Millicent,” sabi ni Jackson. Pero isang malakas na sampal lang ang ibinigay ko sa kanya.
“We’ve been seeing each other for a while now, Miley!” agap naman ni Chelsea at gaya ni Jackson ay isang sampal din ang iginawad ko sa kanya.
“H-hindi ko alam kung ano ang mas masakit. Ang panloloko sa ‘kin ng boyfriend ko ng apat na taon o ang panggagago sa ‘kin ng pinakamatalik kong kaibigan?” napasigok-sigok ako at ni hindi ko magawang pigilan ang paghikbi ko na pakiramdam ko ay mawawalan na ako ng hininga.
Binitawan ko ang mga bitbit ko at tuloy-tuloy na lumabas ng condo unit ni Jackson habang walang patid ang luha ko sa pagtulo. Sinapo ko ang dibdib ko dahil pakiramdam ko ay aatakihin ako sa puso sa sobrang bigat. Ni sa hinagap hindi ko naisip na gagawin nila sa ‘kin ‘to dahil silang dalawa ang pinakamahalagang tao sa buhay ko. Lumaki akong ulila at ang taong nagpalaki sa ‘kin ay walang ginawa kundi saktan ako kaya nang makilala ko sila ay tuwang-tuwa ako. Pero it turns out na ang taong nagdala ng saya sa buhay ko ay siya rin palang magdadala ng sobrang pananakit sa ‘kin.
“Millicent, let me explain. Listen to me, please?” tumatakbong pakiusap ni Jackson nang maabutan ako sa harap ng elevator.
“Wala na tayong d-dapat pag-usapan,” napailing ako at marahas na ipinikit ang mga mata ko. “H-hiwalay na tayo Jackson. S-sana ay maging masaya kayo ni Chelsea,” marahas kong pinindot ng paulit-ulit ang elevator at nang magbukas ‘yon ay dali-dali akong sumakay.
“C’mon, Milli, ikaw ang mahal ko. N-naghanap lang ako ng atensyon d-dahil palagi kang abala, please?” sinubukan pa niyang magpaliwanag pero lalo lang nagpupuyos ang dibdib ko sa galit.
“So, past time mo lang ako? Gano’n ba Jackson?” dumadagundong ang boses ni Chelsea. Pero wala na akong pakialam pa kung magtalo sila. Nagpasalamat na lang ako nang magsara na ang lift. Sumandal ako at patuloy na umiyak.
Mahal ko si Jackson at noong kami pa ay magkasama naming pinlano ang magiging future namin. Ang kasal, kung ilang anak, at kung saan kami titira. Mayaman ang pamilya nila at hindi nila ako tanggap pero kahit gano’n ay ipinaglaban ako ni Jackson kaya labis ang saya ko na siya ang naging nobyo ko. Pakiramdam ko ay ako na ang pinakamaswerteng babae sa munod dahil na sa ‘kin siya. Pero bangungot lang pala at nagising rin ako.
Buong akala ko hindi ko kakayanin kapag nawala siya. Akala ko matatanggap ko kapag nagloko siya basta sa ‘kin pa rin siya babalik pero hindi pala. Pinukpok ko ang dibdib ko dahil hindi ako makahinga at nagmamadali akong lumabas ng elevator para dumiretso sa kotse ko sa basement parking lot.
Nang makapasok ako sa loob ng sasakyan ko ay doon ako humagulgol. Iyak na kailanman ay hindi ko inakalang gagawin ko ulit. Ang unang beses na umiyak ako ng ganito ay noong namatay ang Papa ko at ngayon ang pangalawa.
Pinulot ko ang bottled water na nasa passenger seat at ininom ‘to para gumaan kahit papaano ang nararamdaman ko. Pero gaya kanina pinaluwag lang nito ang dibdibb ko para punuin na naman ng sakit. Isinubsob ko ang mukha ko sa manibela at nagpalipas ng sama ng loob. Hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog na ako.
Nang magising ako ay madilim na kaya in-start ko na ang kotse ko at nagmaneho pauwi sa inuupahan kong apartment sa Bulacan.
Clifford’s POV.Agad kong tinawagan ang numero ni Chanda sa Pilipinas matapos kong matanggap ang mga mensahe nil ani Gustav. Pero sa tuwina ay busy tone ang naririnig ko mula sa kabilang linya. Matapos iyon ay ang numero naman ni Gustav ang sinubukan ko.Makalipas ang ilang sandali sa wakas ay may sumagot na rin.“Hello, Gustav? Where are you and Chanda right now? Are you safe?” sunod-sunod na tanong ko.“Yes, boss. We are safe… for now. Pero hindi ko alam kung gaano katagal pa kaming makakapagtago bago kami matunton ng mga tauhan ni Aurelius. We are running out of money and we don’t know where else should we hide…”Kahit papaano ay nakahinga siya ng maluwag sa sinabi nito. Pero naroon pa rin ang pag-aalala para sa kaligtasan ng mga ito.“Don’t worry, I will send someone to pick you up. I’m going to send you your new identities too. Just hang on a little longer…”“Thank you, boss. But I don’t think Chanda can still travel that far—" panandalian itong tumigil.“W-Why? What happened to
Clifford’s POV.Kinabukasan ay tuloy lang ang trabaho ko sa farm habang ang mag-ina ko ay naiwan sa bahay. Hangga’t maaari ay ayaw naming magpaapekto sa nalaman namin. Pero hindi ko ikakaila na magdamag akong nag-isip kung nasaan ang dati kong tauhan at kung totoo ba na may nakakaalam na ng totoo naming pagkatao.“Why are you still doing that?” Napalingon ako sa pinanggalingan ng tinig at nakita ko si Mr. Johnson na lulan ng kabayo niya at diretsong nakatitig sa ‘kin. Kasalukuyan akong nagpapakain ng mga alagang hayop.“What do you mean?” Kunot ang noong tanong ko. Hindi ko alam kung anong ibig niyang ipakahulugan pero iba ang paraan ng pagtitig niya sa ‘kin ngayon. Tila bai bang tao na ang kaharap ko.Mayamaya pa ay bumaba siya at hinubad ang gloves niya saka ngumiti. The usual reaction everytime I see him. His usually warm and welcoming.“You should look for new farmhands. I know you can hire one or two if you want. You shouldn’t do that. It’s not like you…”Lalong lumalim ang gatla
Clifford’s POV.Lumipas ang ilang araw na hindi nagparamdam sa farm si Mike. At aaminin kong mas maginhawa na nawala siya dahil ibig sabihin lang no’n ay matatahimik na kami. Ngayon ay naghahanap ako ng bagong makakasama sa farm para tumulong sa pag-aalaga ng mga hayop. Nasa tatlong ektarya ang lupang nabili ko rito sa Austin, hindi birong asikasuhin ng mag-isa. Idagdag pa na tinutulungan ko si Miley sa pag-aalaga sa aming anak na nagsisimula nang maging malikot.Oras na ng pananghalian at lulan ng kabayo ay tinahak ko ang daan pauwi. Kakaunti lang ang taong nakatira sa komunidad na tinitirahan namin bukod pa roon ay layo-layo ang mga kabahayan kaya’t tahimik at payapa ang buhay.Walang nakakakilala sa tunay na pagkatao namin. Ang tanging alam ng mga tao ay kami si Joe at Anastasia na galing sa Pinas at pinamanahan ng lupain ng isang matandang amerikano.Malapit na ako nang matanawan ko ang komosyon sa bakuran kaya’t nagmamadali kong pinatakbo ang kabayo. Nakita ko si Mr. Johnson na
Miley’s POV.Naalimpungatan ako nang maramdaman ko ang paglapat ng tela sa balat ko. Nang imulat ko ang mga mata ay nakita ko aang nakangiting mukha ni Clifford.“Nakatulog na pala ako. Kumain ka na ba? Ipaghahanda kita—”“No need. Katatapos ko lang. Hindi na kita ginising dahil ang sarap ng tulog niyo ni baby,” turan niya na ang atensyon ay nakatuon kay Levy na mahimbing na natutulog sa crib.Malapit ng dumilim sa labas at kararating lang niya galing sa farm. Magulo ang buhok niya at may bakas pa ng pawis sa noo. Inakbayan ko siya at tila awtomatiko naman na pumulupot ang braso niya sa baywang ko.“He looks peaceful,” aniya.“He is. Hindi niya pinasakit ang ulo ko at natulog lang siya maghapon,” tugon ko.“That’s good to hear.” Dahan-dahan niyang inilapit ang daliri niya sa maliliit na kamay ng sanggol hanggang sa magdikit sila.Hinayaan ko lang siyang gawin ‘yon at nagtungo ako sa walk in closet para ikuha siya ng pamalit na damit. Paglabas ay napamulagat ako nang makitang hawak na
Miley’s POV.One Year Later…“Clifford, where’s the baby’s milk?!” Sigaw ko mula sa sala ng bahay na tinutuluyan namin dito sa Austin, Texas.Hawak-hawak ko sa bisig ko ang one-month old baby na pinangalanan naming Levy na kasalukuyan kong pinapatahan sa pag-iyak.“Ito na malapit na!” Mayamaya pa ay lumabas na siya galing sa kusina bitbit ang feeding bottle na kasalukuyan niyang inaalog.Nangingitim ang ilalim ng mata niya dahil sa eyebags at gulo-gulo ang buhok. Nakasuot pa siya ng pajama at tshirt na nasukahan ng baby.Agad kong kinuha ang bote sa kamay niya, saglit itong inalog pagkaraan ay ibinigay na sa umiiyak na sanggol. Saka lang ito tumigil kaya nakahinga na kami ng maluwag.Nahahapong sumalampak sa couch si Clifford at ikinurap-kurap ang mga matang inaantok pa.“P’wede ka nang matulog ulit. Thank you sa pagtitimpla ng gatas ni Levy,” sabi ko sa halos pabulong na tinig.“What’s my name again?” tanong niya sa naniningkit na mga mata. Alam kong antok na antok pa siya dahil kala
Clifford’s POV.Nang makauwi kami ay nakatulog na si Miley marahil ay dala ng pagod sa maghapon naming pag-aasikaso sa mga kailangan. Hindi ko na siya ginising at hinayaan ko siyang magpahinga sa silid namin.Nagtungo ako sa study room at doon ay naabutan ko si Gustav at Chanda na naghihintay sa ‘kin.“How is she?” tanong ng huli.“She’s good. She’s sleeping now.”“May petsa na ba ang pag-alis niyo Boss?” pag-iiba ni Gustav ng paksa.Dumiretso ako sa mini bar at nagsalin ng alak sa baso at diretso itong nilagok. Ramdam ko ang pagguhit ng init sa lalamunan ko, it’s just what I needed right now.Muli akong nagsalin pero nilaro-laro ko lang ang likido na nasa loob ng baso. Pagkaraan ay hinarap ko silang dalawa. “Plano kong hindi na bumalik rito kapag nakaalis kami,” puno ng kaseryosohan na turan ko.“Whaaat?!” Just what I expected from her. Inisang lagok ko ulit ang alcohol pagkaraan ay sinalinan iyon ng bago.“Don’t tell me you are running away from the mafia? Why, Clifford? You will ta







