Compartir

My Favorite Bad Decision
My Favorite Bad Decision
Autor: Sunmaru

1

Autor: Sunmaru
last update Fecha de publicación: 2026-09-27 01:37:04

FLASHBACK

Malamig ang loob ng clinic.

Tahimik.

Tanging mahinang tunog ng aking kabadong pag hinga ang maririnig habang nakahiga ako sa examination bed, nakatingin sa kisame habang hinihintay ang doktor na matapos sa pagsusuri.

Mag-isa ako.

Wala si Caleb.

Hindi niya alam, wala siyang alam..

Ilang minuto pa ang lumipas bago ibinaba ng doktor ang ultrasound probe at tumingin sa monitor.

Tahimik siya.

Masyadong tahimik.

Napatingin ako sa kanya.

"Doctor...?"

Huminga siya nang malalim bago umupo sa harap ko.

"Avianna, I need to explain something to you."

Napalunok ako.

"What is it?"

Ibinaba niya ang hawak niyang folder.

"You have endometriosis."

Parang biglang nawala ang ingay sa paligid.

"What does that mean?"

"It's a condition where tissue similar to the lining of the uterus grows outside the uterus. In your case, there are signs that it has already caused inflammation and some adhesions."

Hindi ako agad nakasagot.

Ang tanging pumapasok sa isip ko ay isang tanong.

"Can I still have children?"

Tumingin siya sa akin nang diretso.

"Yes. Pregnancy is still possible."

Bahagyang gumaan ang dibdib ko.

Pero hindi pa tapos ang sinabi niya.

"However... it may be more difficult for you to conceive naturally."

Parang unti-unting bumigat ulit ang dibdib ko.

"How difficult?"

"We can't give you an exact percentage. Every woman is different. But your condition can reduce your chances of getting pregnant, especially if it progresses."

Napayuko ako.

"Does that mean... I might never have a baby?"

"Not necessarily."

Mahinahon ang boses niya.

"Having endometriosis does not mean you are infertile. It simply means conception may take longer, and you may need treatment or assistance in the future."

Tumango ako kahit parang hindi ko talaga naririnig ang kalahati ng sinasabi niya.

Ang nasa isip ko lang ay si Caleb.

Ang mga pangarap namin.

Ang pamilyang gusto naming mabuo.

At ang takot na baka ako mismo ang maging dahilan kung bakit hindi iyon mangyayari.

I silently placed my hand over my stomach.

There was nothing there.

And for the first time, I was terrified that there might never be.

Pinayuhan ako ng doctor sa surgery..

Dumating ang araw noon na nagpaopera Ako..

Hindi alam ni Caleb.

Hindi rin alam ng pamilya ko.

Noong araw na iyon, mag-isa akong nakaupo sa malamig na waiting area ng ospital, mahigpit na nakakapit sa maliit na bag na dala ko.

Walang kasama.

Walang nakakaalam kung nasaan ako.

At higit sa lahat, walang nakakaalam kung bakit ako naroon.

Ilang oras lang ang lumipas, at nasa loob na ako ng operating room.

Lihim kong ipinagawa ang surgery para sa endometriosis at mga adhesions na nakita ng doktor.

Hindi dahil gusto kong itago ito kay Caleb.

Kundi dahil ayokong makita niya kung gaano ako kasabik na magkaroon na kami ng anak.

Ayokong makita niya akong umaasa.

At pagkatapos ay mabibigo na naman.

Pagkalipas ng ilang linggo, bumalik ako sa clinic para sa follow-up.

Tinitigan ko ang doktor habang binabasa niya ang resulta ng pagsusuri.

"How is it, Doctor?"

"Your recovery is going well."

Napangiti ako nang kaunti.

"So... does that mean I can get pregnant now?"

Hindi siya agad sumagot.

"Your chances may improve after treatment, Avianna. But I can't promise a pregnancy."

Dahan-dahang nawala ang ngiti ko.

"So there's still a chance?"

"Yes."

A chance.

Iyon lang ang kinapitan ko.

Kaya bumalik ako kay Caleb.

Ngumiti ako.

Nagpanggap na walang nangyari.

At umaasa akong balang araw, may dalawang guhit sa pregnancy test na bubura sa lahat ng takot ko.

Pero lumipas ang mga buwan.

Isang taon.

Dalawa.

Tatlo.

Apat.

Lima.

Wala.

Walang baby.

Walang himala.

At habang patuloy na lumilipas ang panahon, lalo kong nararamdaman ang bigat ng konsensiya ko.

Alam kong mahal ako ni Caleb.

Alam kong hindi niya ako kailanman sinisi.

Pero alam ko rin ang pangarap niya.

Isang malaking pamilya.

Limang anak.

At ako?

Hindi ko man lang maibigay kahit isa lang.

Kaya isang gabi, gumawa ako ng pinakamahirap na desisyon sa buhay ko.

Pinili kong maging kontrabida sa sarili kong kuwento.

Sinabi kong may iba na akong mahal.

Sinabi kong ayoko na.

At hinayaan kong isipin ni Caleb na pinili ko ang ibang lalaki kaysa sa kanya.

Hindi niya alam ang totoo.

Walang ibang lalaki.

Walang bagong pag-ibig.

Mayroon lamang isang babaeng natatakot na baka habang buhay niyang ipagkait sa lalaking mahal niya ang pamilyang pinapangarap nito.

Kaya ako ang umalis.

Dahil minsan, mas madaling magpanggap na hindi mo na mahal ang isang tao...

kaysa aminin na mahal na mahal mo siya, pero natatakot kang hindi mo maibigay ang buhay na gusto niya.

Kasalukuyan...

Nabasag ang katahimikan nang tumunog ang cellphone ko. 

Malakas.. Parang sadyang gusto akong gisingin mula sa panaginip na ayaw kong iwan.

Napadilat ako. Umayos ng upo. 

Si Ayumi yung kakambal ko.

Agad kong sinagot.

"Omg, Avianna!" bungad niya, sobrang nag aalala. "Nakita mo ba 'yung bagong girlfriend ni Caleb?!"

Napalunok ako.

Tatlong taon na. 

Tatlong taon nang hiwalay. 

Tatlong taon nang pinaninindigan ko ang kasinungalingan na ako mismo ang gumawa.

Pinaikot ko ang lahat mga kaibigan, kakilala, maging si Caleb sa isang kasinungalingan. Sinabi kong may iba na ako. Sinabi kong okay na ako. Sinabi kong nakamove-on na ako.

Pero ang totoo... 

Wala akong ibang lalaki. 

Wala akong ibang minahal. 

Si Caleb lang. Palagi.

Ayokong habambuhay siyang maghintay sa isang bagay na baka hindi ko kayang ibigay. Ayokong matali siya sa isang babaeng maaaring kailanman ay hindi makakapagpadama sa kanya ng pagiging ama.

Naalala ko pa ang ngiti niya noon nang mapatingin siya sa panganay ni liam na si Cassmira, at ibinulong sakin kung wala parin ba??

Umiling lang ako noon at malungkot na humawak ng mahigpit sa kamay niya, humawak rin siya pabalik... 

"It's okay, marami naman tayong pagkakataon bumuo," sabi niya, "gusto ko puro lalaki." 

Napangiti pa siya, para bang napakadaling abutin ang pangarap na iyon.

Pero kahit isa... 

Kahit isa lang... 

Hindi ko man lang maibigay.

Napapikit ako nang mariin. 

Tatlong taon na ang lumipas, pero ang sakit... hindi pa rin gumagaling. Parang sugat na binubuksan ulit tuwing may bumabanggit ng pangalan niya.

At ngayong may bagong girlfriend na siya... 

Siguro oras na para tanggapin kong tama ang isinakripisyo ko.

Kahit masakit. 

Kahit ako ang naiwang duguan at nag-iisa. 

Kahit hanggang ngayon... 

si Caleb pa rin ang tanging laman ng puso ko.

"Hoy, girl di kana nakasagot don't tell me Inlove ka parin sa ex mo..."

Pwede ba ayumi, three years na noh wala na...". sagot ko dito sa pilit na pinapasigla ang boses..

"Kung wala na bakit ayaw mong umuwi three years kana diyan sa Switzerland.."

"Busy ako sa trabaho dito," sagot ko habang pinipilit na huwag manginig ang boses ko. 

Hawak ko ang European branch ng Severino Luxury Hotels and Resorts sa Switzerland, isa sa mga hiningi ko kay lolo Azrael makalayo lang sa pilipinas..

Bumugtong hininga Ako..

"Ayumi. Hindi ganoon kadaling iwanan lang basta-basta ang operations, lalo na't kasalukuyan ang expansion natin sa Alpine chalets."

Tahimik sa kabilang linya. Ramdam ko ang pag-duda ng kakambal ko, pero hindi ako pwedeng magpadala.

"Avianna, alam kong masipag ka at napakalaki ng naisulong mo sa mga hotel natin diyan sa Zurich, pero kilala kita. Ginagawa mong dahilan ang trabaho para magtago. Tatlong taon ka nang tumatakbo."

Napapikit ako nang mariin at napasandal sa malambot na couch. Malamig ang hangin mula sa labas ng bintana rito sa Switzerland, pero mas malamig ang nararamdaman ko sa loob ng dibdib ko.

Araw-araw, ang trabaho ko ay siguraduhing komportable at masaya ang mga pamilya at mag-asawang nagbabakasyon sa aming mga luxury suite at private chalets. Binibigyan ko sila ng perpektong lugar para sa kanilang mga pangarap habang ang sarili kong pangarap na makabuo ng sariling pamilya ay tuluyan nang nadurog.

"Hindi ako nagtatago,"

pagsisinungaling ko ulit. Iyon naman ang kasinungalingan kong ginagawa sa loob ng limang taon ang magsinungaling para lang protektahan ang lahat, kahit ang sarili ko ang unti-unting nadudurog.

"Kung hindi ka nagtatago, bakit ayaw mong umuwi kahit para sa bakasyon man lang?" hirit pa niya.

"Magkakaibigan pa rin kami ng barkada, Avianna. Nakikita ko si Caleb. Nakikita ko kung paano siya dahan-dahang nakabangon mula noong iniwan mo siya nang walang malinaw na dahilan. At ngayon... may kasama na siyang iba. Masaya na siya, napakaalaga niya kay lea."

Bawat salita ni Ayumi ay parang minutong paulit-ulit na sumasaksak sa akin.

Masaya na siya.

Iyon naman ang gusto ko, 'di ba? Iyon ang dahilan kung bakit tinanggap ko ang lahat ng galit at poot niya noon. 

Mas pinili kong kapootan niya ako bilang isang babaeng taksil at walang kwenta, kaysa maging dahilan ng habambuhay niyang kapansanan sa pangarap niyang maging ama.

"Mabuti kung ganun," mahinang pigil-hininga kong sagot. Inilayo ko nang kaunti ang telepono para hindi niya marinig ang panginginig ng paghinga ko. 

"I'm happy for him. Deserve niyang maging masaya."

"Avianna..."

"Sige na, Ayumi. May board meeting pa ako para sa bagong resort branch," mabilis kong putol sa pag-uusap bago pa tuluyang bumagsak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

Hindi ko na hinintay ang sagot niya. Pinatay ko ang tawag at Nanginginig Ang kamay na inilapag ang Cellphone sa mesa.

Nakatingin ako Sa paligid..

Sa gitna ng tahimik at malamig na silid na iyon sa Switzerland, tuluyan nang bumuhos ang mga luhang tatlong taon kong pinipilit na itinago.

Muli kong naalala ang huling tingin ni Caleb sa akin noong gabi na sinabi kong ayoko na sa kanya-ang galit, ang pagtataka, at ang labis na sakit sa kanyang mga mata.

Ngayon, may iba na siyang hahawakan. May iba na siyang tatawaging pamilya. At marahil, balang araw, ibibigay ng babaeng iyon ang limang anak na pangarap niya... mga anak na kailanman ay hindi ko naisilang para sa kanya.

Ipinikit ko ang aking mga mata at ibinulong sa hangin ang panalangin na kailanman ay hindi na niya maririnig:

Masaya ako para sa'yo, Caleb. Kahit na hanggang sa huling hininga ko, ikaw at ikaw pa rin talaga.

Continúa leyendo este libro gratis
Escanea el código para descargar la App
Comentarios (1)
goodnovel comment avatar
Rizza Macaraig
so sad naman avianna
VER TODOS LOS COMENTARIOS

Último capítulo

  • My Favorite Bad Decision    19

    Third's POV Tahimik at nakasandal sa sofa ang mga kalalakihan ng pamilya Severino habang malayang nag-uusap sa malawak na sala ng mansyon."Tsk, lupit din, 'no? Kung ako kay Caleb... at mahal niya pa pala si Avianna, dapat binuntis na niya," komento ni Ariz habang nakasuot pa ng kanyang coat. Dito siya diretso na pumunta nang malaman ang gulong nangyari sa Zenith Lounge kagabi.Matapos kasi nitong manggaling sa resort na pinamamahalaan niya ay agad siyang umuwi rito."Ewan ko ba kay Caleb, tsk, mahina," dagdag naman ni Blaze na nakangisi habang umiinom mula sa kanyang baso."Kung sa akin 'yun... kulong na agad 'yun sa mga bisig ko," natatawang sabi ni Ariz habang patuloy na napapangisi.Saktong pumasok si Avianna sa sala. Bitbit niya ang brown folder na naglalaman ng dokumentong pinarmahan ni Caleb, balak na pumasok sa study room ng kanyang lolo upang iabot ito. Agad na nanahimik sina Ariz at Blaze nang mapansin ang kanyang pagpasok, ngunit hindi nawala ang mga pilyong ngisi sa kani

  • My Favorite Bad Decision    18

    Avianna's POV Ilang minuto lang matapos tuluyang tumalikod at umalis si Caleb, nagpasya na rin akong umuwi.Hindi na pinansin ang mga may magtanong.Ayokong ipaliwanag kung bakit ako umiiyak. Ayokong marinig ang kahit anong tanong tungkol sa nangyari.Paglapit ni Ayumi sa akin, agad akong umiwas ng tingin."Not now, Ayumi..."Nanginginig ang boses ko habang pilit kong pinipigilan ang patuloy na pagbuhos ng aking mga luha.Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin niya. Mabilis akong tumakbo palabas ng Zenith Lounge, hanggang sa marating ko ang kalsada at mabilis na pumara ng dumaang taxi.Pagkasakay na pagkasakay ko, agad kong sinabi ang address sa driver. Nang makarating sa bahay, pumasok ako nang halos patakbo hanggang sa marating ang kwarto ko.Diretso ako sa loob.Pagkasara at pagkalock ko ng pinto, doon na tuluyang bumigay ang lahat.Napahawak ako sa dibdib ko habang sunod-sunod na pumapatak ang mga luha sa aking mga pisngi.Tahimik akong humagulgol.Wala nang kailangang magtanong.

  • My Favorite Bad Decision    17

    Avianna's POV Napaatras ako dahil sa lakas ng hila ni Caleb sa braso ko, halos mawalan ako ng balanse bago tuluyang naisandal ang katawan ko sa dibdib niya. Nanginginig ang buong katawan ko sa halo-halong galit, gulat, at takot habang nakatitig sa duguang labi ni Morris na pilit na bumabangon mula sa pagkakasubsob sa mesa."Caleb! Nababaliw ka na ba?!" hysterical kong sigaw sabay padyak at pilit na kumawala sa higpit ng hawak niya.Pero mas lalo lamang niyang hinigpitan ang kapit sa pulso ko, parang bakal na nakakulong sa kamay niya habang nananatiling pader ang tindig at halos dumidilim ang buong aura niya.Nagsimula nang manood Ang ibang taong nasa paligid. Ang mga tao sa VIP area ay napahinto sa pagsasayaw at pag-inom, habang ang mga Severino girls at ang mga Ashwood boys gaya nina Dustin at Liam ay agad na pumagitna upang harangan ang posibleng ganti ni Morris."Bro, kalma!" hawak ni Liam sa balikat ni Caleb, pero halos hindi man lang ito nagalaw sa kinaroroonan niya.Bumangon si

  • My Favorite Bad Decision    16

    Avianna's POV"This is a public lounge, Caleb," malamig kong sagot habang tuluyan akong lumingon sa kanya. Pilit kong ipinaparamdam na wala siyang karapatang magtanong sa akin."Nandito ako para mag-enjoy kasama ang mga pinsan ko. At wala akong kailangang ipaliwanag sa'yo."Bahagyang sumandal si Caleb sa upuan. Isang braso niya ang nakapatong sa sandalan ng upuan ko mismo, habang nanatiling malamig ang ekspresyon niya.Saglit na bumaba ang tingin niya sa suot ko bago muling bumalik sa mga mata ko."In this dress? With this crowd?" mababa niyang tanong.May diin ang bawat salita.At kahit maingay ang musika sa paligid, sapat ang lalim ng boses niya para marinig ko iyon nang malinaw.Bago pa ako makasagot, naramdaman ko ang malamig din na tingin ni Morris kay Calebkunot-noo siya.Nagtitigan sila ni Caleb."Who's he?" tanong ni Morris, halatang nagtataka pero may yabang.Mabilis kong inilipat ang tingin ko kay Morris."Someone from the past," diretso kong sagot.Saglit akong tumingin ka

  • My Favorite Bad Decision    15

    Avianna's POV "Girl, mag-night out naman tayo mamaya! Minsan lang naman 'to, 'noh..." masayang panimula ni Zerine habang nakahiga sa couch at nag-uunat."Sa Billionaire's Playground tayo?" tanong naman ni Eula, tila excited na sa plano."Ewww... mahal do'n! One hundred thousand ang entrance! Tapos tambayan pa nila kuya, wala tayong kalayaan girls!!" agad na reklamo ni Zerine, sabay simangot.Inirapan lang siya ni Brittany at hindi na nag-abala pang sumagot. Nakatuon lang ang pansin nito sa sarili niyang mga kuko.Si Ayumi naman, na kanina pa tahimik, ay biglang napangisi habang mabilis na nag-scroll sa cellphone niya.."Look oh," pambubuyo niya sa aming lahat, sabay harap ng screen ng cellphone niya sa gitna ng sala para ipakita ang isang larawang kakapost lang sa social media.Isang litrato iyon mula sa Ashwood mansion mismong ngayong umaga lang kinuha.Pasimple akong sumilip habang nagpapanggap na walang pakialam.Sa larawan, nakaupo si Caleb sa sofa ng kanilang sala. Naka-side pro

  • My Favorite Bad Decision    14

    Avianna's POVLumipas ang gabi at dumating ang kinabukasan.Kompleto pa rin kaming lahat na Severino girls dito sa mansyon ni Lolo. Walang gustong umalis agad dahil bihirang-bihira ang mga pagkakataong ganitong kumpleto at nagkakasama-sama kaming lahat sa iisang bubong.Inilibot ko ang paningin ko sa buong paligid.Bawat isa ay busy at may kanya-kanyang ginagawa may mga nag-uusap sa living area, may nagkakape sa veranda, at ang iba naman ay nagtatawanan lang. Ngunit sa gitna ng katahimikan ng umaga, halos sabay-sabay na tumunog at nag-vibrate ang mga cellphone naming lahat.Isang Group Chat Announcement ang ipinadala ni Tita Ara sa group.Isang Hiking at Treasure Hunting Event daw ang gaganapin sa itaas ng bundok, at eksklusibo lang ito para sa mga magkakapareha o couples na gustong sumali.Nang buksan ko ang mensahe para tingnan ang opisyal na listahan ng mga kalahok, nanlamig ang mga daliri ko sa huling pangalang nabasa ko:Exodus / BlytheRaze / JamaicaKristine / SinnerAvery / Ma

Más capítulos
Explora y lee buenas novelas gratis
Acceso gratuito a una gran cantidad de buenas novelas en la app GoodNovel. Descarga los libros que te gusten y léelos donde y cuando quieras.
Lee libros gratis en la app
ESCANEA EL CÓDIGO PARA LEER EN LA APP
DMCA.com Protection Status