Rhian's Point of ViewNarito ako ngayon sa harapan ng resthouse ni Logan kung saan niya ako dinala noon.Hindi ko alam kung bakit dito ako dinala ng aking mga paa. Umaasa akong naririto ang lalaki. Malaki ang hinala kong tinatago lamang siya ng kanyang mga pinsan.Nilibot ko ang aking paningin sa paligid, napansin kong maraming mga taong nakabantay doon. Mas lalo akong nagduda na naririto lamang ang lalaki.Maya-maya pa'y lumapit na sa akin ang guard. Marahil ay nagtataka ito kung bakit ako naroroon.Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan bago ako tuluyang bumaba ng aking sasakyan."Miss, anong ginagawa mo rito? Bawal hong tumambay diyan.""Hindi ho ako magtatagal, manong. Nagpunta ho lamang ako dito dahil gusto ko sanang malaman kung nandiyan si.. L-Logan Montereal."Sinuri naman akong mabuti ng guwardiya pagkatapos ay umiling-iling ito sa akin."Pasensiya na ho, wala dito ang hinahanap mo. Makakaalis ka na, miss.""Si manang Dulce na lamang ho, manong. Pakisabi gusto
Rhian's Point of View"Manang, anong ginagawa niya dito? Paalisin mo iyan." Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa sa sinabing iyon ni Logan. Parang gusto ko na lamang matunaw dahil sa malamig na pagtrato sa akin ng binata.Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at bahagyang tumingala upang hindi tuluyang bumagsak ang aking mga luha."Pero iho, gusto ka niyang maka-usap." Tugon ni Manang Dulce. Nag-alalang napalingon sa akin ang matanda nang hindi nagbago ang madilim na awra ng lalaki. Alam nitong nasaktan ako sa malamig na pakikitungo ng kanyang alaga."Wala akong panahon humarap sa bisita, manang. Maaari na kayong lumabas ng aking kwarto. Gusto ko hong magpahinga."Malungkot na tumango si manang Dulce sa lalaki. "Halika na, iha. Bumalik ka na lamang sa ibang araw."Tila napako naman ako sa aking kinatatayuan, nanatiling lamang akong nakatayo roon. "Ano pang ginagawa mo diyan, umalis ka na." Malamig ang boses na saad ni Logan.Parang may tumutusok na libo-libong karayom sa aking
Rhian's Point of View"You may now kiss the bride." Saad ng pari matapos ang mahabang seremonya.Malapad akong napangiti nang maghalikan na ang bagong kasal, pagkatapos ay narinig ko ang malakas na palakpakan ng mga taong naroroon."Congratulations sa inyong dalawa." Nakangiti kong saad nang lapitan ko ang bagong kasal. Masaya ako para kay Blake ngunit hindi ko maiwasan na malungkot dahil alam kong mawawalan na ito nang oras sa amin, lalo na sa aking anak. Subalit naiintindihan ko naman ang lalaki dahil wala naman siyang responsibilidad sa amin ng aking anak, nasanay lamang kaming nandiyan siya palagi sa aming tabi."Thank you, Rhian. Siguradong ikaw na ang susunod na ikakasal." Nakangiting tugon naman ni Atasha. "Huwag mong madaliin ang pag-aasawa, Rhian. Magpokus ka muna sa iyong anak." Sabat naman ni Blake. Hindi naman sa pinipigilan ng lalaki na mag-asawa siya, dahil alam nito ang mga naging paghihirap ng dalaga noong nagbubuntis pa lamang ito. "Siguraduhin mong mahal ka talaga
Rhian's Point of ViewNakangiti kong pinagmamasdan si Zane habang masaya itong naglalaro sa buhanginan kasama ang tito Cedrick niya. Nandito kami ngayon sa Resort. Sina Cedrick at Alisha pa lamang ang naririto ngayon, ang ibang mga pinsan nito ay parating pa lamang.Tatlong buwan na ang nakaraan simula noong huli kaming magkita ni Logan. Wala na akong balita tungkol sa kanya. Hindi ko na siya muling pinuntahan pa. Hindi na rin muling nagtagpo ang aming landas ni Vera. Balita ko'y hinahanap pa rin nito si Logan.Hindi na rin hinahanap o nagtatanong si Zane tungkol sa kanyang daddy. Mabuti na lamang nandiyan ang kanyang mga tito upang kahit paano ay malibang ang bata.Sa tuwing pinag-uusapan nila Cedrick at Alisha si Logan ay kusa akong lumalayo sa kanila. Sa ngayon ayaw ko munang makarinig ng tungkol sa kanya.Lumapit sa akin ang aking anak, kasunod na rin nito si Cedrick."Mommy, look what I found." Masayang ipinakita sa akin ni Zane ang hawak-hawak nitong malaking starfish.Napangiti
Rhian's Point of ViewNaramdaman kong may malakas na brasong humapit sa aking baywang at hinila ako pataas.Ang nag-aalalang mukha ng binata ang aking nasilayan ng sandaling maimulat ko ang aking mga mata.'Logan.' Sigaw ng aking utak. Hindi ko inaasahan na siya ang sasagip sa akin.May mapait na ngiti ang sumilay sa aking mga labi. Kailangan ko pa bang mapahamak para lang lumapit at magpakita ito?Maraming tubig na ang nainom ko at sobrang nanghihina na ang aking katawan kaya tuluyan na akong nawalan nang malay.Hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari. Nagising na lamang ako nang marinig ko ang boses ng aking anak. Gusto kong imulat ang aking mga mata ngunit hindi ko magawa. Pakiramdam ko'y nawala ang lahat ng aking lakas."Tito Drew, bakit hindi pa po nagigising si mommy?"'Tito Drew? Bakit nandito si Drew? Nasaan ako? Si Drew ba ang nagligtas sa akin?' Nalilito kong tanong sa aking isipan.Ngunit hindi ako maaring magkamali, si Logan ang huli kong nakita. Si Logan ang sumagip
Rhian's Point of ViewSandaling namagitan sa aming dalawa ni Logan ang nakabibinging katahimikan.Malamig naman sa kwartong iyon ngunit pinagpapawisan ako dahil kaming dalawa lamang ng lalaki ang naroroon.Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa kanyang isip, matamang nakatitig lamang ito sa akin habang awang ang kanyang mga labi.Hindi ko magawang umiwas sa malalamig nitong mga titig. Ang kanyang kulay asul na mga mata ay punong-puno nang pananabik at pagnanasa.Sunod-sunod ang ginawa kong paglunok sa aking laway, nang bumaba ang tingin niya sa aking mga labi."I miss you, Rhian. Matagal ko nang gustong gawin sa'yo ito, simula noong pinuntahan mo ako sa Resthouse.""A-Anong gusto mong-"Hindi na pinatapos ni Logan ang aking sasabihin dahil mabilis itong yumuko sa akin upang maabot niya ang aking mga labi.Bahagyang umawang ang aking mga labi nang maramdaman ko ang malambot niyang mga labi. Nagkaroon naman nang pagkakataon ang lalaki na ipasok ang kanyang dila at halos sakupin na niya a
Rhian's Point of ViewNgayong araw ay lalabas na ako ng ospital. Maayos na ang pakiramdam ko at bumalik na muli ang aking lakas. "Rose, Okay na ba ang lahat?" Hindi na ako makapaghintay na makalanghap ng sariwang hangin. "Yes po ate, si Sir Logan na ho ang nag-ayos ng mga bayarin dito sa ospital. Pwede na ho tayong umuwi."Napatango lamang ako kay Rose. Kagabi pa umalis si Logan at hanggang ngayon ay hindi pa rin ito bumabalik. Nagkaroon na naman ng problema ang kanyang kumpanya sa Manila kaya napilitan itong lumuwas, ngunit nangako naman babalik ito agad.Napansin ko si Zane na abala naman ngayon sa kanyang cellphone. Kanina ay palakad-lakad ito sa loob ng kwarto."Zane, may problema ka ba?" Hindi ko mapigilang tanong ko dito. Maya't maya rin ito kung tumingin sa kanyang relo."Nothing, mommy." Tipid na tugon ni Zane. Lumapit naman sa akin si Rose saka bumulong. "Hinihintay niya ang kanyang daddy, Ate. Bago umalis si Sir Logan kagabi, nangako ito kay Zane na babalik siya bago ka
Rhian's Point of ViewSPG"Manang, nasaan ho ang mga gamit ko?"Tanong ko kay Manang Dulce nang hindi ko makita ang mga gamit ko sa kwarto ni Zane. Wala din iyon sa kwarto ni Rose. Naabutan kong abala sa paglilinis sa kusina ang matanda. Saglit naman itong tumigil sa kanyang ginagawa at saka niya ako hinarap."Aba'y nasa kwarto ni Senyorito Logan, Iha. Doon niya ipinalagay sa akin ang mga gamit mo." Nakangiti namang saad ni Manang Dulce. Lihim akong nainis kay Logan, hindi naman ako pumayag na sa kwarto niya ako matutulog."Ah ganun po ba, Manang. Salamat ho. Ililipat ko na lamang mamaya sa kwarto ng aking anak." Lumapit sa akin si Manang Dulce at marahang hinawakan ang aking mga kamay. Napatingin ako sa kanya. Bakas sa mukha nito ang kasiyahan. "Alam mo iha, ngayon ko lamang ulit nakitang masaya ang alaga ko. Sana'y maging maayos ang pagsasama ninyong dalawa."Napilitan naman akong ngumiti kay Manang Dulce. "Sana nga ho, Manang Dulce. Kahit para na lamang sa aming anak."Ngunit