Share

CHAPTER 128:

Author: Michelle Vito
last update publish date: 2026-10-26 11:25:38

WARING natauhan si Marlo sa sinabing iyon ng kanyang ina. May katwiran ito. Dapat mag usap sila ng masinsinan ni Carly, hindi ganitong tinatakbuhan niya ang problema.

”Okay Ma, uuwi ako ng Pilipinas,” sabi niya sa ina. Mabilis na mabilis lang ang kanyang naging desisyon. Ang totoo ay miss na miss na rin niya si Carly. Baka nga tama ang ina niya.

“Mabuti.”

Nang araw ring iyon ay bumili siya ng ticket pauwi sa Pilipinas. Binilinan lamang niya ang kanyang virtual assistant sa mga dapat nitong gaw
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • My Favorite Mistake   CHAPTER 130:

    ”IT’S ALWAYS BEEN YOU, CARLY,” sabi ni Marlo kay Carly habang tinititigan niya ito sa mga mata. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwalang kasama niya ang babaeng buong buhay niya ay minahal na niya. “Kaya nga siguro palagi akong nagpapansin saiyo noon. Gustong gusto kitang inaasar kasi sa ganoong paraan mo lang ako napapansin. Alam ko kasing si Rico ang gusto mo.””Diyan ka nagkakamali,” sagot ni Carly sa kanya, “Ang totoo, ikaw ang una kong naging crush. Pero unti unting nauwi sa pagkamuhi ang pagkagusto ko saiyo dahil wala ka ng ginawa kundi paiyakin ako. Kaya siguro nabaling kay Rico ang pagtingin ko. Iyong ultimatum is nong makita ko kayo ni Grace na. . .” Tila nahihiya itong ituloy ang sasabihin, “Very traumatic para sa aking makita ang crush mo na. . .that time hindi ko pa gaanong naiintindihan kung ano talaga ang ginagawa nyo pero nasaktan ako.”Namula ang mukha ni Marlo, “That was so embarassing,” aniya dito.Tiningnan siya ng matiim ni Carly, “Minahal mo ba tslaga s

  • My Favorite Mistake   CHAPTER 129:

    ALAM ni Boyet na kahit na ano pa ang gawin niya ay hindi na magbabago pa ang nararamdaman ni Carly. Nakita niya ang kakaibang ningning sa mga mata nito nang makita si Marlo. Bagay na kailanman ay hindi niya naramdaman kay Carly kapag siya ang kasama nito. Kaya kahit masakit sa kanya ang katotohanan ay kailangan na niyang tanggapin na hindi na siya mahal ng babae. O minahal nga ba siya nitong talaga in the first place? Siguro ay hindi na mahalaga pang malaman ang sagot sa tanong niyang iyon. Malungkot na tinapik niya sa balikat si Marlo, "Alagaan mo sya pare at wag mo sanang sasaktan," sabi niya dito pagkatapos ay si Carly naman ang nilapitan niya. "Pwede bang mayakap kita ng mahigpit sa huling pagkakataon?" May pait sa mga labing tanong niya dito. Hindi naman siya pinagdamutan ni Carly. Niyakap siya nito nang mahigpit. Ngayon niya nabatid na mahal talaga niya ito pero sadyang hindi ito nakatadhana para sa kanya. Sabi nga nito sa kanya kanina, pag ukulan na lang niya ng pagmamahal ang

  • My Favorite Mistake   CHAPTER 128:

    WARING natauhan si Marlo sa sinabing iyon ng kanyang ina. May katwiran ito. Dapat mag usap sila ng masinsinan ni Carly, hindi ganitong tinatakbuhan niya ang problema.”Okay Ma, uuwi ako ng Pilipinas,” sabi niya sa ina. Mabilis na mabilis lang ang kanyang naging desisyon. Ang totoo ay miss na miss na rin niya si Carly. Baka nga tama ang ina niya. “Mabuti.”Nang araw ring iyon ay bumili siya ng ticket pauwi sa Pilipinas. Binilinan lamang niya ang kanyang virtual assistant sa mga dapat nitong gawin. Ipinaalam rin niyang pauwi siya ng Pilipinas at hindi ganoon kalakas ang signal doon. At kung mawawala siya ng matagal, ibig sabihin ay nasa Isla Berde siya. Anyway, very proficient naman ang kanyang mga tauhan. Kahit nga hindi niya regular na mamonitor iyon ay maayos tumatakbo ang kanyang mga online businesses lalo pa at konektado naman sa laptop at phone niya ang lahat ng mga nangyayaring transaction kaya walang makakapandaya sa kanya.HINDI mapakali si Carly. Noong isang araw ay tinawagan

  • My Favorite Mistake   CHAPTER 127:

    “BUNTIS ka? Madaragdagan na ang apo namin,” Masayang masaya si Mylene nang tawagan siya ni Carly at ipaalam sa kanya na nagdadalantao ito, “Mas lalong hindi dapat ma file ang inyong annulment. Kakausapin ko si Marlo.””Tita, huwag nyo na pong pilitin si Marlo,” pakiusap ni Carly sa kanya, “Kung pakikisamahan lang niya ako dahil sa bata, wag na lang. Pwede naman naming palakihin ng maayos ang bata nang hindi namin kailangang magsama sa iisang bubong,” paliwanag nito sa kanya, “Gusto ko namang pahalagahan ngayon ang sarili ko, Tita. Sana po maintindihan ninyo.”Napahinga siya ng malalim, “Okay. Bahala ka pero gusto kong tumigil ka na sa pagtratrabaho at ako ng bahala sa lahat ng mga pangangailangan ninyo!” Giit niya rito.”Tita, kaya ko pa naman pong magtrabaho.””Hey Carly, ano bang nangyayari saiyo? Ano ba talaga ang gusto mong patinayan? Bakit lahat na lang ng tulong na gusto naming ibigay saiyo, tinatanggihan mo na? Ganyan ba katindi ang galit mo sa anak ko, ha?” Sita niya rito, “Sa

  • My Favorite Mistake   CHAPTER 126:

    BAHAGYANG natigilan si Carly nang maisip na dalawang buwan na siyang hindi dinadatnan. Bago niya ipaalam sa kanyang mga magulang ang kanyang hinala ay bumili muna siya ng kit para makasigurado. At para siyang napapaiyak nang makumpirma na nagdadalang tao nga siya."Ma, Pa, buntis po ako," umiiyak na sabi niya sa mga ito habang hawak ang resulta ng ginawa niyang test. Hindi niya alam kung luha ba ito ng kasiyahan or kalungkutan. Nag uumpisa na siya sa kanyang trabaho bilang kahera sa isang department store. Sa gabi naman ay nag aaral siya. May maliit rin silang talyer na pinamamahalaan ng Papa niya at ang Mama naman niya ay abala sa pagtitinda ng mga halaman. Every Sunday naman ay may extra work siya bilang virtual assistant sa itinayong kompanya nina Rico at Margaux. Ngunit ngayong buntis siya, paano pa niya magagampanan ng maayos ang lahat ng ito?Iniisip rin niya kung kailangan ba niya itong ipaalam kay Marlo at sa pamilya nito.Napatingin siya sa mga magulang. Kita niya sa mukha ng

  • My Favorite Mistake   CHAPTER 125:

    SA KUWARTO ni Marlo nagpalipas ng gabi si Carly ngunit hindi siya dalawin ng antok dahil paulit ulit niyang pinagmamasdan ang mga photo albums ni Marlo na nakita niya sa cabinet nito. Noon lamang niya napansin na marami pala silang pictures na magkasama. He was always there to protect her pero bakit ba inakala niyang wala itong pakialam sa kanya? Napaiyak na naman siya lalo na nang marealize niya kung gaano kasama ang ginawa niya. Pinagtaksilan niya ito kaya nagalit ito nang husto sa kanya.Hindi niya alam na minahal rin pala siya nito. Maibabalik pa kaya niya ang dating pagtingin nito sa kanya?Kung kailan napagtanto niya na mahal pala niya ito matagal na, saka naman ito nakipaghiwalay sa kanya. Naalalala na naman niya nang makita niya ito kayakap si Lovely.Baka kaya ito nag file ng divorce ay dahil interesado ito sa babaeng iyon?Parang may kung ano na namang kumukurot sa dibdib niya nang pinong pino.PILIT na binubura ni Marlo sa utak niya si Carly. Kakarating pa lamang niya sa Am

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status