Share

CHAPTER 3

Author: Michelle Vito
last update publish date: 2026-08-27 13:27:04

ILANG beses nang kinuskos ni Margaux ang kanyang mga labi, baka sakaling mabura sa mga alaala niya ang maiinit na mga labing iyon niya Rico na nakapaghatid sa kanya ng kakaibang pakiramdam na tila baga nanuot na sa kanyang kalamnan at hirap na hirap siyang iwaksi iyon sa kanyang sistema. 

“Self-centered talaga ha? Hindi mo ko kilala para husgahan ang pagkatao ko,” gigil na gigil siya and yet bakit parang bago sa pakiramdam niya ang mga labing iyon ni Rico?

Oo, marami na siyang naging boyfriends, ngunit sa dalawang tao lang siya nagpahalik. Kay Marco at duon sa first boyfriend niya. Tiniyak rin niyang hanggang labi lang siya matitikman ng dalawang iyon. Iningatan niya ang kanyang sarili, naglagay siya ng wall sa pagitan ng mga binoboyfriend niya sa takot na matulad siya sa kanyang ina na naging buwang sa pag ibig. Alam niyang sa paningin ng marami, hindi na siya virgin. Iba kasi ang persona na ipinapakita niya. Mabuti nang makilala siya ng mga ito na matapang. Kapag naging mahina siya gaya ng mommy niya, pagsasamantalahan lamang siya. Ilang beses na ba niyang nakita na umiiyak ang mommy niya ng dahil sa pag-ibig? Sobra sobra kasi ito kung magmahal. Walang itinitira para sa sarili. Kahit nagmumukha ng tanga. Kahit mapabayaan pa ang sarili. Kaya ayun, palaging napagsasamantalahan. Palaging iniiwan.  Naalala niya nuong hindi na sinasagot ng daddy niya ang mga tawag nito. Nakita niya kung paanong umiyak ang mommy niya. Halos hindi na nga bumangon sa higaan. Pati paliligo kinatamaran na. Then one time, hinila ito sa banyo ng lola niya para magising sa katotohanan. After niyon, nagpasya nang ituloy ng mommy niya ang pagtratrabaho sa Japan. One year pa lang ito nang mabalitaan niyang may bago na itong jowa, filipino rin, bokalista sa banda. Pero gaya ng daddy niya, pamilyado rin ito kaya di naman nagtagal ang relasyon nito sa lalaking iyon.

Then nang umuwi ang mommy niya galing Japan, may bitbit itong hapon. Pagmamalaki pa ng mommy niya, ito na raw ang end game nito. Nakita niya kung gaano kasaya ang mommy niya sa hapon na iyon. Akala rin niya, natagpuan na ng mommy niya ang forever. Pero wala yata talagang happy ending ang love story ng mommy niya. After one year ay naging iba na ang pakikitungo ng hapon sa mommy niya. Hanggang mabalitaan na lang nito na may nililigawang manikurista at batang batang tsiks ang hapon na iyon. Sinugod pa nga ng mommy niya ang manikurista pero hindi rin napahinuhod ng mommy niya ang hapong boyfriend nito. Bumalik ito sa Japan, kasama ng manikurista. At naiwan na namang broken hearted ang mommy niya. Pero wala nga yatang kadala dala ang mommy niya. Nang bumalik ito sa Japan, may nakilala na naman. This time ay amerikano. Pagmamalaki pa nito sa kanya, naglevel up na raw ito. Nangako pa raw ang lalaki sa kanya na papakasalan ito at dadalhin sa Amerika. Pero gaya ng mga nauna nitong nakarelasyon, magaling lang sa umpisa. Nang tumagal ay nagsawa rin ang kano sa mommy niya. 

Sobra ang depression ng mommy niya sa kanong iyon. Sa lahat raw kasi ng nakarelasyon nito, dito ito umasa ng todo lalo pa at nagpropose na ang lalaking iyon sa mommy niya. Kaya nga kahit siya, umasa rin na sa wakas, magiging ganap nang maligaya ang mommy niya. Nakita meet pa nga niya ito dahil isinama ito ng mommy niya sa Pilipinas para mamanhikan sa kanila ng lola niya. 

Pero nadiskubre ng mommy niya na hindi lang pala ito ang pinangakuan ng kasal. Gagamitin lang pala nito ang mommy niyang drug mule. Parang pinagbagsakan ng langit ang mommy niya. Kasama ng lola niya, isinuplong nito ang amerikano sa authority. Naipakulong ito ng mommy niya. Ngunit kasama niyon ang unti-unting pagkamatay ng puso ng mommy niya. After ng insidenteng iyon ay hindi na niya ito pinayagang bumalik sa Japan. Mabuti naman at nakinig ito sa kanya. Pero hindi maipagsisinungaling ang lungkot sa mga mata nito. Alam niyang sinisisi nito ng husto ang sarili sa mga nangyaring kabiguan sa buhay nito. Palagi pa nga nitong sinasabi sa kanya na, 'I'm sorry anak sa lahat ng kahihiyang binibigay ko saiyo. I'm sorry kung hindi ako pumili ng maayos na magiging tatay mo. I'm sorry kung paulit-ulit kitang binibigo."

"Mommy, ano ba, huwag mo na pong paulit ulit sisihin ang sarili mo. Nagmahal ka lang naman po."

"Sa maling lalaki kaya heto, bastardo ka," malungkot na sabi ng ina, "Kaya huwag kang gumaya sa akin. Maging matalino ka pagdating sa pag ibig."

"Ma, hinding hindi ko gagamitin ang puso ko. At hinding hindi ako magpapakabaliw sa mga lalaki. There is more to life than that." Paniniyak pa niya sa ina.

Muli ay naalala niya si Rico, ang mayabang na si Rico Villamor. Hah, ano bang tingin nito sa sarili? Masyadong ma-ere. Akala mo naman ay napaka perfect!  

“DAMN” sabi ni Rico sa sarili habang nakatingin sa salamin. Naalala niya ang ginawang paghalik sa kanya ni Margaux. 

Ngunit maya maya ay napangisi siya. Hindi naman niya maipagkakaila na nasarapan siya sa halik na iyon ng dalaga. But what do you expect? Ilang lalaki na ba ang nahalikan nito kaya siguro expert na. 

Dumilim ang kanyang mukha. Napapailing siya at pilit na lamang iwinaksi sa kanyang isipan ang babaeng iyon.

She’s just a waste of time!

Lumabas na siya ng kanyang kuwarto. Umagang umaga ay narinig na naman niya ang kanyang mga magulang na nagtatalo tungkol sa kanyang nakakatandang kapatid.

MAAGANG gumising si Margaux ng araw na iyon dahil birthday niya. Magsisimba sila ng mommy at lola niya bago siya pumasok sa school.

Nagulat siya ng paglabas niya ng kusina ay makita ang cake sa mesa, may sindi iyong kandila. “Happy 18th birthday, anak,” nakangiting bati ng mommy niya, iniabot nito ang bagong tahing bestida nito para sa kanya, “Yan ang susuotin mo ngayon.” 

Pero hindi pa pala iyon ang sorpresa ng mga ito. Mula sa kwarto ng mommy niya ay lumabas si Bernadette, “Happy birthday bestfriend. Talagang inagahan ko ang gising para lang isa ako sa unang gi greet saiyo,” niyakap siya nito nang mahigpit at iniabot ang maliit na regalong binalot sa dyaryo, “Pasensya na, ito lang ang nakayanan ko.”

“Thank you,” maluha luhang sabi niya dito, binuksan niya ang regalo nito. Isang second-hand book ng favorite niyang author, “Wow, tagal ko nang hinahanap ito. Thank you talaga.”

“Siya, hipan mo na ang candle and make a wish para makapag simba na tayo,” anang lola niya.

Pumikit siya at nag wish. For eleven years, iisa naman ang wini wish nya kada birthday niya. Iyong maalala siya ng daddy niya at mabalik sa dati ang relasyon nila. Kahit masama ang loob niya dito, deep inside ay nanduon pa rin ang pangungulila niya sa ama.

“Happy birthday Margaux,” narinig niyang sabi ng ibon niyang si Roxanne.

“Thank you Roxanne.”

Inulit ni Roxanne ang sinabi, “Happy Birthday Margaux.” 

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • My Favorite Mistake   CHAPTER 130:

    ”IT’S ALWAYS BEEN YOU, CARLY,” sabi ni Marlo kay Carly habang tinititigan niya ito sa mga mata. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwalang kasama niya ang babaeng buong buhay niya ay minahal na niya. “Kaya nga siguro palagi akong nagpapansin saiyo noon. Gustong gusto kitang inaasar kasi sa ganoong paraan mo lang ako napapansin. Alam ko kasing si Rico ang gusto mo.””Diyan ka nagkakamali,” sagot ni Carly sa kanya, “Ang totoo, ikaw ang una kong naging crush. Pero unti unting nauwi sa pagkamuhi ang pagkagusto ko saiyo dahil wala ka ng ginawa kundi paiyakin ako. Kaya siguro nabaling kay Rico ang pagtingin ko. Iyong ultimatum is nong makita ko kayo ni Grace na. . .” Tila nahihiya itong ituloy ang sasabihin, “Very traumatic para sa aking makita ang crush mo na. . .that time hindi ko pa gaanong naiintindihan kung ano talaga ang ginagawa nyo pero nasaktan ako.”Namula ang mukha ni Marlo, “That was so embarassing,” aniya dito.Tiningnan siya ng matiim ni Carly, “Minahal mo ba tslaga s

  • My Favorite Mistake   CHAPTER 129:

    ALAM ni Boyet na kahit na ano pa ang gawin niya ay hindi na magbabago pa ang nararamdaman ni Carly. Nakita niya ang kakaibang ningning sa mga mata nito nang makita si Marlo. Bagay na kailanman ay hindi niya naramdaman kay Carly kapag siya ang kasama nito. Kaya kahit masakit sa kanya ang katotohanan ay kailangan na niyang tanggapin na hindi na siya mahal ng babae. O minahal nga ba siya nitong talaga in the first place? Siguro ay hindi na mahalaga pang malaman ang sagot sa tanong niyang iyon. Malungkot na tinapik niya sa balikat si Marlo, "Alagaan mo sya pare at wag mo sanang sasaktan," sabi niya dito pagkatapos ay si Carly naman ang nilapitan niya. "Pwede bang mayakap kita ng mahigpit sa huling pagkakataon?" May pait sa mga labing tanong niya dito. Hindi naman siya pinagdamutan ni Carly. Niyakap siya nito nang mahigpit. Ngayon niya nabatid na mahal talaga niya ito pero sadyang hindi ito nakatadhana para sa kanya. Sabi nga nito sa kanya kanina, pag ukulan na lang niya ng pagmamahal ang

  • My Favorite Mistake   CHAPTER 128:

    WARING natauhan si Marlo sa sinabing iyon ng kanyang ina. May katwiran ito. Dapat mag usap sila ng masinsinan ni Carly, hindi ganitong tinatakbuhan niya ang problema.”Okay Ma, uuwi ako ng Pilipinas,” sabi niya sa ina. Mabilis na mabilis lang ang kanyang naging desisyon. Ang totoo ay miss na miss na rin niya si Carly. Baka nga tama ang ina niya. “Mabuti.”Nang araw ring iyon ay bumili siya ng ticket pauwi sa Pilipinas. Binilinan lamang niya ang kanyang virtual assistant sa mga dapat nitong gawin. Ipinaalam rin niyang pauwi siya ng Pilipinas at hindi ganoon kalakas ang signal doon. At kung mawawala siya ng matagal, ibig sabihin ay nasa Isla Berde siya. Anyway, very proficient naman ang kanyang mga tauhan. Kahit nga hindi niya regular na mamonitor iyon ay maayos tumatakbo ang kanyang mga online businesses lalo pa at konektado naman sa laptop at phone niya ang lahat ng mga nangyayaring transaction kaya walang makakapandaya sa kanya.HINDI mapakali si Carly. Noong isang araw ay tinawagan

  • My Favorite Mistake   CHAPTER 127:

    “BUNTIS ka? Madaragdagan na ang apo namin,” Masayang masaya si Mylene nang tawagan siya ni Carly at ipaalam sa kanya na nagdadalantao ito, “Mas lalong hindi dapat ma file ang inyong annulment. Kakausapin ko si Marlo.””Tita, huwag nyo na pong pilitin si Marlo,” pakiusap ni Carly sa kanya, “Kung pakikisamahan lang niya ako dahil sa bata, wag na lang. Pwede naman naming palakihin ng maayos ang bata nang hindi namin kailangang magsama sa iisang bubong,” paliwanag nito sa kanya, “Gusto ko namang pahalagahan ngayon ang sarili ko, Tita. Sana po maintindihan ninyo.”Napahinga siya ng malalim, “Okay. Bahala ka pero gusto kong tumigil ka na sa pagtratrabaho at ako ng bahala sa lahat ng mga pangangailangan ninyo!” Giit niya rito.”Tita, kaya ko pa naman pong magtrabaho.””Hey Carly, ano bang nangyayari saiyo? Ano ba talaga ang gusto mong patinayan? Bakit lahat na lang ng tulong na gusto naming ibigay saiyo, tinatanggihan mo na? Ganyan ba katindi ang galit mo sa anak ko, ha?” Sita niya rito, “Sa

  • My Favorite Mistake   CHAPTER 126:

    BAHAGYANG natigilan si Carly nang maisip na dalawang buwan na siyang hindi dinadatnan. Bago niya ipaalam sa kanyang mga magulang ang kanyang hinala ay bumili muna siya ng kit para makasigurado. At para siyang napapaiyak nang makumpirma na nagdadalang tao nga siya."Ma, Pa, buntis po ako," umiiyak na sabi niya sa mga ito habang hawak ang resulta ng ginawa niyang test. Hindi niya alam kung luha ba ito ng kasiyahan or kalungkutan. Nag uumpisa na siya sa kanyang trabaho bilang kahera sa isang department store. Sa gabi naman ay nag aaral siya. May maliit rin silang talyer na pinamamahalaan ng Papa niya at ang Mama naman niya ay abala sa pagtitinda ng mga halaman. Every Sunday naman ay may extra work siya bilang virtual assistant sa itinayong kompanya nina Rico at Margaux. Ngunit ngayong buntis siya, paano pa niya magagampanan ng maayos ang lahat ng ito?Iniisip rin niya kung kailangan ba niya itong ipaalam kay Marlo at sa pamilya nito.Napatingin siya sa mga magulang. Kita niya sa mukha ng

  • My Favorite Mistake   CHAPTER 125:

    SA KUWARTO ni Marlo nagpalipas ng gabi si Carly ngunit hindi siya dalawin ng antok dahil paulit ulit niyang pinagmamasdan ang mga photo albums ni Marlo na nakita niya sa cabinet nito. Noon lamang niya napansin na marami pala silang pictures na magkasama. He was always there to protect her pero bakit ba inakala niyang wala itong pakialam sa kanya? Napaiyak na naman siya lalo na nang marealize niya kung gaano kasama ang ginawa niya. Pinagtaksilan niya ito kaya nagalit ito nang husto sa kanya.Hindi niya alam na minahal rin pala siya nito. Maibabalik pa kaya niya ang dating pagtingin nito sa kanya?Kung kailan napagtanto niya na mahal pala niya ito matagal na, saka naman ito nakipaghiwalay sa kanya. Naalalala na naman niya nang makita niya ito kayakap si Lovely.Baka kaya ito nag file ng divorce ay dahil interesado ito sa babaeng iyon?Parang may kung ano na namang kumukurot sa dibdib niya nang pinong pino.PILIT na binubura ni Marlo sa utak niya si Carly. Kakarating pa lamang niya sa Am

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status