Share

CHAPTER 4

Author: Michelle Vito
last update publish date: 2026-08-28 11:33:02

HUMAHANGOS na pumasok si Margaux sa pinagtratrabahuhang five star hotel.  Isa ito sa mga part time job niya.  Kapag Sabado at Linggo naman ay private tutor siya ng dalawang batang chinese sa isang mamahaling condominium sa Makati.  Halos wala na siyang pahinga pero kailangan niyang gawin ito dahil ayaw na niyang bumalik pa ang ina sa pagtratrabaho sa Japan.  Isinuot niya ang kanyang uniform saka face mask at itinabi ang kanyang mga gamit sa locker.  Sumakay siya sa elevator at pinindot ang 11th floor para linisin ang buong kuwarto duon.  Siya ang nakatoka sa 11th floor ngayon.  Paglabas na paglabas niya sa elevator ay parang tumigil sandali sa pag-ikot ang mundo niya.  Nakita niya ang kanyang daddy, kasama ng asawa nito.  Hinding-hindi siya maaring magkamali.  Tumanda lang ito pero ang pananamit nito, ang boses, ang tindig, tiyak na tiyak niyang daddy niya ito.  Ramdam niya ang pag-iinit ng kanyang mga mata.  May bahagi sa utak niya ang sumisigaw para lapitan ito at magpakilala.  Ngunit pinigilan niya ang kanyang sarili at naglakad na lamang patungo sa kwartong lilinisin niya.

"Tonta, bulag ka ba?" Singhal sa kanya ng dalagang kasunod ng mga ito. Hindi kasi niya sinasadyang bahagya niya itong natabig.

"Im sorry," halos paanas lang na sabi nito. May sasabihin pa sana ito sa kanya ngunit tinawag na ito ng daddy niya na naghihintay dito sa elevator."

"Juliette, anak, halika na."

Nagmamadali nang sumakay ng elevator ang babae pero masama pa rin ang tingin sa kanya.

Pero wala naman duon ang atensyon niya. Nakatingin siya sa ama. God, ilang taon lang ba siya nang huli niya itong nakita.

Parang may nagbubulong sa kanya na magpakilala dito, "Daddy, si Margaux ito, hindi nyo na po ba ako naalala?" Gustong gusto na niyang isigaw ngunit tinalo siya ng samut saring emosyon na nararamdaman ng mga sandaling iyon.

“Daddy,” iyon lamang ang nasabi niya habang nag iinit ang sulok ng kanyang mga mata.

Hindi niya napigilan ang pagpatak ng kanyang mga luha nang wala ng nakakakita sa kanya.  Nandito pa rin ang sakit.  Para pa ring binibiyak ang dibdib niya sa sobrang sakit.  Akala niya ay tuluyan na niyang nakalimutan ang ama.  Akala niya ay galit na lamang ang nararamdaman niya para dito.  Nandito pa rin pala ang pangungulila niya sa ama.  Miss na miss pa rin pala niya ang kanyang daddy.  Miss na miss niya ang pagmamahal nito.  Iyong mga pag-aalala nito sa kanya, iyong excitement sa mga mata nito sa tuwing kakargahin siya nito.

Hanggang ngayon, hindi pa rin niya alam kung bakit bigla itong nagbago sa kanya.  Kung bakit bigla na lamang siya nitong binura sa buhay nito.

Nang gabi ring iyong ay nalaman niyang sa hotel na iyon idadaos ang 18th birthday ng bunso nitong anak na sa legal nitong asawa.  Halos kaedaran lamang pala niya ito.  si Juliette.  May naramdaman siyang bahagyang inggit at selos.  Hindi dahil sa marangyang pamumuhay ng mga kapatid niya kundi sa atensyong ibinibigay ng daddy niya dito.  Alam kaya ng daddy niya na last month ay nag-celebrate siya ng kanyang 18th birthday?

Alam kaya nito na kahit na paano ay umasa siyang biglang susulpot ang kanyang ama para ipagdiwang niya ang mahalagang araw na iyon?

May pait sa mga labing napatawa siya.  Bakit hindi pa niya matanggap na burado na siya sa alaala ng kanyang daddy?

Erase. Erase. Erase. Pero ang sakit. Pakiramdam niya ay may mga hollow blocks na isa-isang ipinapatong sa dibdib niya. Dapat ay manhid na siya. Itinakwil na nga siya nito, hindi ba?

Hindi ko dapat pinag-aaksayahan ng panahon ang taong ayaw naman sa akin.  Hindi ko pipilitin ang sarili ko, kung ayaw mo na ako, eh di huwag!  Basta magpapayaman ako.  Lahat ay gagawin ko para magtagumpay ako. . .sarili ko na lang ang iisipin ko, saka si lola at si mommy.   Hindi ko dapat iniiyakan ang taong kinalimutan na ako.  Mas lalong hindi ako magbubuhos ng emotions ko.

Paulit-ulit niya iyong sinasabi sa kanyang sarili habang nagpapalit ng bed sheet sa kamang ginamit ng guest sa kwartong iyon.

Naninikip ang dibdib niya habang naiisip ang ama.  Kahit ba sandali ay naalala pa siya nito?  Iniisip ba nito kung kumusta na siya? Kung kumakain ba siya sa tama? Kung nakakapag-aral pa ba siya? Kung hindi ba siya nahihirapan sa tuwing binabaha ang daan pauwi sa bahay? 

Bakit kinalimutan na siya ng daddy niya?

Huminga siya ng malalim, akala niya ay luluwag ang dibdib niya kapag ginawa niya iyon.  Hindi pala.  Ramdam na ramdam pa rin niya ang sakit kahit na paulit-ulit niyang sinasabi sa kanyang sarili na dapat na niyang kalimutan ang ama. Pero kinabukasan, pagkatapos na pagkatapos niyang mag-tutor sa mga bata ay kaagad siyang nagtungo sa hotel para masilip ang birthday celebration ni Juliette. Maraming mga kilalang tao sa mundo ng politics at showbizness ang present sa birthday ng kapatid.  Nakakasilaw ang karangyaang umaalingawngaw sa kwartong iyon, na para bang gustong-gusto silang sampalin ng katotohan  kung gaano sila kamaralita.  Nakita niya ang kanyang daddy na masayang-masaya habang isinasayaw si Juliette.   Parang may matatalas na punyal na gumuguhit sa dibdib niya habang pinapanuod ang mga ito.  Natigilan siya nang mula sa sulok ng kanyang mga mata ay masulyapan niya si Rico Villamor.  Nandito rin si Rico? Sabagay, bakit ba siya magugulat pa?  Hindi naman kaila sa kanya na nagmula sa isang napakayamang pamilya ni Rico, at napakaliit lang ng papulasyon ng upper class dito sa Pilipinas kaya mostly ay magkakakilala ang mga ito.  Ramdam niya ang pangingilid ng kanyang mga luha sa sulok ng kanyang mga mata.  Bakit ba hindi niya magawang tuluyang kasuklaman ang ama?  Ang totoo, miss na miss na niya ito.  Para ngang natutukso na siyang tumakbo dito at yakapin ito ng mahigpit.  Kaya bago pa siya tuluyang makalimot ay tumalikod na siya at mabilis na nagtungo sa banyo.  Pumasok siya sa loob ng cubicle para pakawalan ang damdaming kanina pa niya pinipigilan.

Parang gripo sa pag-agos ang kanyang mga luha.  Ang sakit-sakit.

"My gosh, nakita mo ba kung paano dikitan ni Juliette si Rico Villamor? Kulang na lang lagyan niya ito ng tag at sabihing 'Rico is mine na.' 

Natigilan siya nang marinig ang sinabing iyon ng babaeng kakapasok lang sa banyo sa kausap nito.  Tahimik siyang nakinig sa usapan ng mga ito.

"Kainis nga eh.  Masyadong assuming.  Gusto ko ngang sampalin ang babaeng iyon. Kuu, kung hindi lang niya birthday, hindi ako makikipagplastikan sa kanya.  Sa totoo lang, I'm prettier than her.  Nakita mo ba nang sulyapan ako ni Rico?"

Tumayo siya at idinikit sa p***o ng cubicle ang kanyang mga tenga upang malinaw niyang marinig ang pinag uusapan ng dalawang babae.

Si Rico Villamor?

May gusto si Juliette kay Rico Villamor?

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • My Favorite Mistake   CHAPTER 130:

    ”IT’S ALWAYS BEEN YOU, CARLY,” sabi ni Marlo kay Carly habang tinititigan niya ito sa mga mata. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwalang kasama niya ang babaeng buong buhay niya ay minahal na niya. “Kaya nga siguro palagi akong nagpapansin saiyo noon. Gustong gusto kitang inaasar kasi sa ganoong paraan mo lang ako napapansin. Alam ko kasing si Rico ang gusto mo.””Diyan ka nagkakamali,” sagot ni Carly sa kanya, “Ang totoo, ikaw ang una kong naging crush. Pero unti unting nauwi sa pagkamuhi ang pagkagusto ko saiyo dahil wala ka ng ginawa kundi paiyakin ako. Kaya siguro nabaling kay Rico ang pagtingin ko. Iyong ultimatum is nong makita ko kayo ni Grace na. . .” Tila nahihiya itong ituloy ang sasabihin, “Very traumatic para sa aking makita ang crush mo na. . .that time hindi ko pa gaanong naiintindihan kung ano talaga ang ginagawa nyo pero nasaktan ako.”Namula ang mukha ni Marlo, “That was so embarassing,” aniya dito.Tiningnan siya ng matiim ni Carly, “Minahal mo ba tslaga s

  • My Favorite Mistake   CHAPTER 129:

    ALAM ni Boyet na kahit na ano pa ang gawin niya ay hindi na magbabago pa ang nararamdaman ni Carly. Nakita niya ang kakaibang ningning sa mga mata nito nang makita si Marlo. Bagay na kailanman ay hindi niya naramdaman kay Carly kapag siya ang kasama nito. Kaya kahit masakit sa kanya ang katotohanan ay kailangan na niyang tanggapin na hindi na siya mahal ng babae. O minahal nga ba siya nitong talaga in the first place? Siguro ay hindi na mahalaga pang malaman ang sagot sa tanong niyang iyon. Malungkot na tinapik niya sa balikat si Marlo, "Alagaan mo sya pare at wag mo sanang sasaktan," sabi niya dito pagkatapos ay si Carly naman ang nilapitan niya. "Pwede bang mayakap kita ng mahigpit sa huling pagkakataon?" May pait sa mga labing tanong niya dito. Hindi naman siya pinagdamutan ni Carly. Niyakap siya nito nang mahigpit. Ngayon niya nabatid na mahal talaga niya ito pero sadyang hindi ito nakatadhana para sa kanya. Sabi nga nito sa kanya kanina, pag ukulan na lang niya ng pagmamahal ang

  • My Favorite Mistake   CHAPTER 128:

    WARING natauhan si Marlo sa sinabing iyon ng kanyang ina. May katwiran ito. Dapat mag usap sila ng masinsinan ni Carly, hindi ganitong tinatakbuhan niya ang problema.”Okay Ma, uuwi ako ng Pilipinas,” sabi niya sa ina. Mabilis na mabilis lang ang kanyang naging desisyon. Ang totoo ay miss na miss na rin niya si Carly. Baka nga tama ang ina niya. “Mabuti.”Nang araw ring iyon ay bumili siya ng ticket pauwi sa Pilipinas. Binilinan lamang niya ang kanyang virtual assistant sa mga dapat nitong gawin. Ipinaalam rin niyang pauwi siya ng Pilipinas at hindi ganoon kalakas ang signal doon. At kung mawawala siya ng matagal, ibig sabihin ay nasa Isla Berde siya. Anyway, very proficient naman ang kanyang mga tauhan. Kahit nga hindi niya regular na mamonitor iyon ay maayos tumatakbo ang kanyang mga online businesses lalo pa at konektado naman sa laptop at phone niya ang lahat ng mga nangyayaring transaction kaya walang makakapandaya sa kanya.HINDI mapakali si Carly. Noong isang araw ay tinawagan

  • My Favorite Mistake   CHAPTER 127:

    “BUNTIS ka? Madaragdagan na ang apo namin,” Masayang masaya si Mylene nang tawagan siya ni Carly at ipaalam sa kanya na nagdadalantao ito, “Mas lalong hindi dapat ma file ang inyong annulment. Kakausapin ko si Marlo.””Tita, huwag nyo na pong pilitin si Marlo,” pakiusap ni Carly sa kanya, “Kung pakikisamahan lang niya ako dahil sa bata, wag na lang. Pwede naman naming palakihin ng maayos ang bata nang hindi namin kailangang magsama sa iisang bubong,” paliwanag nito sa kanya, “Gusto ko namang pahalagahan ngayon ang sarili ko, Tita. Sana po maintindihan ninyo.”Napahinga siya ng malalim, “Okay. Bahala ka pero gusto kong tumigil ka na sa pagtratrabaho at ako ng bahala sa lahat ng mga pangangailangan ninyo!” Giit niya rito.”Tita, kaya ko pa naman pong magtrabaho.””Hey Carly, ano bang nangyayari saiyo? Ano ba talaga ang gusto mong patinayan? Bakit lahat na lang ng tulong na gusto naming ibigay saiyo, tinatanggihan mo na? Ganyan ba katindi ang galit mo sa anak ko, ha?” Sita niya rito, “Sa

  • My Favorite Mistake   CHAPTER 126:

    BAHAGYANG natigilan si Carly nang maisip na dalawang buwan na siyang hindi dinadatnan. Bago niya ipaalam sa kanyang mga magulang ang kanyang hinala ay bumili muna siya ng kit para makasigurado. At para siyang napapaiyak nang makumpirma na nagdadalang tao nga siya."Ma, Pa, buntis po ako," umiiyak na sabi niya sa mga ito habang hawak ang resulta ng ginawa niyang test. Hindi niya alam kung luha ba ito ng kasiyahan or kalungkutan. Nag uumpisa na siya sa kanyang trabaho bilang kahera sa isang department store. Sa gabi naman ay nag aaral siya. May maliit rin silang talyer na pinamamahalaan ng Papa niya at ang Mama naman niya ay abala sa pagtitinda ng mga halaman. Every Sunday naman ay may extra work siya bilang virtual assistant sa itinayong kompanya nina Rico at Margaux. Ngunit ngayong buntis siya, paano pa niya magagampanan ng maayos ang lahat ng ito?Iniisip rin niya kung kailangan ba niya itong ipaalam kay Marlo at sa pamilya nito.Napatingin siya sa mga magulang. Kita niya sa mukha ng

  • My Favorite Mistake   CHAPTER 125:

    SA KUWARTO ni Marlo nagpalipas ng gabi si Carly ngunit hindi siya dalawin ng antok dahil paulit ulit niyang pinagmamasdan ang mga photo albums ni Marlo na nakita niya sa cabinet nito. Noon lamang niya napansin na marami pala silang pictures na magkasama. He was always there to protect her pero bakit ba inakala niyang wala itong pakialam sa kanya? Napaiyak na naman siya lalo na nang marealize niya kung gaano kasama ang ginawa niya. Pinagtaksilan niya ito kaya nagalit ito nang husto sa kanya.Hindi niya alam na minahal rin pala siya nito. Maibabalik pa kaya niya ang dating pagtingin nito sa kanya?Kung kailan napagtanto niya na mahal pala niya ito matagal na, saka naman ito nakipaghiwalay sa kanya. Naalalala na naman niya nang makita niya ito kayakap si Lovely.Baka kaya ito nag file ng divorce ay dahil interesado ito sa babaeng iyon?Parang may kung ano na namang kumukurot sa dibdib niya nang pinong pino.PILIT na binubura ni Marlo sa utak niya si Carly. Kakarating pa lamang niya sa Am

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status