Agad napaangat at umupo ng maayos si Adrian at bahagyang ibinaba ang bintana ng sasakyan.
“Bakit boss?” Gwardiya ng parke ang nasa labas ng sasakyan na nag-iikot tuwing gabi dahil sa iilang insidente ng bukas-kotse. “Sinisiguro ko lang Sir kung may tao. Sige pasensiya na sa abala,” tugon ng gwardiya bago umalis. Napansin ni Sabrina na iilan lamang ang sasakyang nakaparada roon at sila lamang ang nakaparada sa may kadilimang bahagi ng parking lot. Pagkatapos maisara ang bintana ng sasakyan ay agad kinabig ni Adrian si Sabrina at marahas na inangkin ang mga labi nito. Ang kamay ay mabilis na ipinasok sa kanyang panloob at nilaro ang kanyang pagkababae. Walang nagawa si Sabrina kungdi napakapit sa leeg ng binata na tila sarap na sarap sa ginagawa. Salitan nitong inangkin ang kanyang dibdib at labas-masok ang mga daliri sa kanyang pagkababae. “Adrian, please.” Hindi malaman ni Sabrina kung ano ang gusto, ang alam niyang higit pa sa ginagawa ni Adrian ang hanap ng kanyang katawan. Napasabunot sya sa buhok ng binata nang ibinaba nito ang mukha sa pagitan ng kanyang mga hita at inangkin ng kanyang naglalagablab na mga labi ang hiwa ng kanyang pagkakabae. Hindi naramdaman ni Sabrina kung paano na siya nakahiga sa upuan ng sasakyan. Hindi nito naramdaman kung paano nagawang i-recline ni Adrian ang upuan dahil nilamon na ng matinding pagnanasa ang kanyang katinuan. Nang magsawa ang mga labi sa kanyang pagkababae, iniangat ni Adrian ang katawan at ibinaba ang suot na pantalon at kinubabawan si Sabrina. “You won’t regret this Sabrina. I will give you what you want. I will give what Seth missed to give you,” wika nito habang hawak ang naghuhumindig na pagkalalaki at walang-salitang ipinasok ito sa pagkakababae ni Sabrina. Napahiyaw si Sabrina nang isinagad agad ito ni Adrian. Pangalawang pagkakataong inangkin siya ng binata pero nasaktan pa rin siya dahil sa laki ng k*****a nito. Pabiling-biling ang ulo ni Sabrina sa magkahalong sakit at sensasyong dulot ng bawat ulos ni Adrian. Natagpuan ng kanyang kamay ang seatbelt sa gilid ng upuan at doon kumapit habang pabilis nang pabilis ang paglabas-masok ng binata sa kanyang pagkababae. “Adrian. . .” halos maibaon ni Sabrina ang mga kuko sa likod ng binata nang kapwa nila maabot ang r***k ng pagnanasa. Hinihingal at pawisang umalis si Adrian sa ibabaw ni Sabrina at bumalik ito ng upo sa driver’s seat. “Ayusin mo ang sarili mo at makakaalis ka na,” wika ni Adrian habang ibinubutones ang suot na polo na hindi niya namalayan kung paanong natanggal iyon ng dalaga. Lihim na nasaktan si Sabrina dahil sa binata kaya ang akmang pagbangon mula sa pagkakahiga ay saglit na naituloy. Pakiramdam niya ay pinaglalaruan lamang siya ni Adrian na pagkatapos gamitin ay itapon na lamang. ‘Ano ba ang inaasahan mo ha?’ Tahimik niyang pinagalitan ang sarili. Agad din naman siyang nakabawi, bumangon at hinarap si Adrian. “Gano’n lang? Hindi mo man lang ako babayaran?” Nakangising tugon ni Sabrina kay Adrian. Sinakyan niya kung ano man ang iniisip sa kanya ng lalaki. Napatawa ng pagak si Adrian dahil sa narinig sa dalaga. “It is not what you think, Sabrina. Ikaw ang lumapit at ibinigay ang sarili sa ‘kin, why should I am obliged to give you money?” Halos manliit si Sabrina sa winika ni Adrian pero ngumiti siya ng nakakaakit dito at inilapit ang mukha sa binata. “Kahit cellphone ayaw mong magbigay? Maraming ganyan, gadget ang kapalit ng kaligayang ibinigay, Professor.” Panggigiit pa ni Sabrina na idinantay ang daliri sa mga labi ng binata pero agad ding hinawakan ni Adrian ang kanyang braso para pigilan siya sa pang-aakit dito. “Get out!” Mahina pero ma-otoridad na muling wika ni Adrian. “I don’t like you and I will never love you Sabrina, kaya makakaalis ka na,” dagdag pa nito. “Ang sakit mo namang magsalita, Adrian. Nagpakasasa ka naman sa katawan ko ah.” Wala nang pakialam si Sabrina kung nagmukha siyang kaawa-awa o mumurahing babae sa harapan ni Adrian pero hindi na niya naitago pa ang sakit dahil sa mga sinabi nito. “Leave!” Halos pasigaw na wika ni Adrian. Hindi na tumugon pa si Sabrina. Binuksan nito ang pintuan ng kotse at lumabas pero bago pa man niya isara ang pinto ng kotse ay muli siyang yumuko paharap sa binata. Medyo may kababaan ang neckline ng suot niyang blouse kaya lumantad ang makinis at mayaman niyang dibdib na kanina lang ay pinagyaman ng mga kamay ng binata. Iniwas ni Adrian ang tingin kay Sabrina. Inaamin niya sa sarili na maganda si Sabrina, sexy, pero para sa kanya, hindi si Sabrina ang babaeng magugustuhan niya. Maaring kaakit-akit siya para sa iba pero para sa kanya, walang kakaiba sa dalaga. Hindi ito ang tipo niya lalo na sa ginawa nitong pakipagsiping sa kanya. “Aalis lang ako pero sa isang kondisyon,” wika ni Sabrina. Kanina lang ay bakas sa boses nito ang sakit dahil sa mga winika ni Adrian pero biglang nagbago ang tono nito. “Anong kondisyon?” Magkasalubong ang kilay na muling nilingon ni Adrian si Sabriba na lalo pang inilantad ang dibdib sa harap ng binata. “Your discovery?” “What?!” Gulat na may halong pagtataka sa mukha ni Adrian dahil sa sagot ni Sabrina. Nakakunot ang nito dahil hindi maisip kung ano ang ibig sabihin ng huli. “Hydcine!” Maikling tugon ni Sabrina habang nakaguhit ang maoanuksong ngiti sa kanyang mga labi. Hydcine, ito ang gamot na makatulong sa mga taong may kanser na si Adrian at ang team nito ang nakatuklas. Isa si Adrian sa mga nagpapakadalubhasa sa larangan ng medisina at ang pagkatuklas ng hydcine ang pinakauna niyang proyekto kasama ang iba pang eksperto sa ibang bansa. “Is this the reason why you tried to get close to me kahit pa masira ang relasyon niyo ni Seth?” Ang pagtataka ay napalitan ng inis sa ekspresyon ng binata nang makuha kung ano ang gusto ni Sabrina. “Yes, for that medicine. Pero ‘no’ na ito ang dahilan kaya nasira ang relasyon namin. I’m maybe stupid to sleep with you pero I am not dumb para magbulag-bulagan sa kung anong meron sila ni Pia. He cared so much of his kababata and forget about me and my feelings.” mahabang tugon ni Sabrina na naikuyom pa ang mga palad. Nasaktan siya sa desisyong hiwalayan si Seth dahil mahal niya ito pero hindi niya kayang magmukhang tanga sa patuloy na pakikipaglokohan nito kasama ang kababata. Natahimik si Adrian kaya sinamantala iyon ni Sabrina at muling nagsalita. “Alam kong wala akong halaga sa ‘yo pero kahit ilang box lang.” “Take this card and leave. Nakalagay dito ang address kung saan mo makuha ang hinihingi mo. Don’t bother me anymore, that’s my payment for two nights with you. That’s more than enough!”“Adrian?!”Hinabol ni Sabrina si Adrian na mabilis naglakad palabas ng bulwagan. May mga bisitang nakaharang sa kanyang daraan pero mabilis naman niya naiwasan ito. Pagdating sa labas ay agad niyakap ni Sabrina si Adrian mula sa likuran nang maabutan niya itong nakatayo sa harapan.“Adrian, huwag ka ng magalit. Hayaan mo muna akong magpaliwanag,” pakiusap ni Sabrina sa binata at niyakap lalo ito nang mahigpit.“Bitiwan mo ako Sabrina.” Madiin nitong wika. “Wala ka na bang natitirang pagpapahalaga sa pagkababae?”“Adrian, please don’t get me wrong.” May mga dumadaan ng mga tao kaya nag-alala si Adrian na baka maintriga sila dahil ang alam nilang lahat ay wala siyang kasintahan at mailap siya sa mga babae. Baka maging tampulan pa sila ng tsismis. Dinala ni Adrian si Sabrina sa isang maliit na garden sa bandang gilid ng gusali kung saan idinadaos ang okasyon. Madalang ang tao roon kaya makakapag-usap sila ng maayos at walang inaalala si Adrian na maaring may makakita sa kanila at pagm
Kinakabahan si Sabrina sa pakikipagharap kay Mr. Black pero sinisikap niyang mawala ito alang-alang sa kapatid niya. Mas pinangibabaw niya ang determinasyong makita ito para naman hindi masayang ang kanyang pagpunta sa lupang banyaga. Marami na siyang pinagdaanan at ayaw niyang umuwing bigo sa paghahanap dito. Matagal na ang panahong lumipas mula nang malugi ang kanilang negosyo at matanggal sa listahan ng mga elites pero may katiting pa namang naalala at natutunan si Sabrina sa pakikihalo muli sa mga ito kagaya nitong magarang salo-salo pagkatapos ng pormal na pagbibigay-pugay sa mga awardees. “Ayon si Mr. Black, ikaw na ang bahala dumiskarte kung paano mo siya malapitan at makuha ang iyong pakay,” pabulong na sabi ni Adrian kay Sabrina. Pareho silang nakaupo sa bar stools sa isang sulok ng bulwagan. “Kinakabahan ako pero kakayanin ko.” “Do it like how you did it to me before.” Hindi tumitingin kay Sabrina na nagwika ang binata. “Is it necessary to remind me what I did before?”
Kinabukasan, maagang nagising sina Adrian at Sabrina para magpaalam sa mga kasamahan nilang mauunang uuwi. Naiintindihan naman ng mga ito kung bakit maiwan si Sabrina at nakisimpatya sa nangyari sa kanya at nagbigay ng suporta at panalangin na sana matagpuan niya ang kanyang kapatid. “So, you’re going home with Prof. Reyes?” Tanong ni Bernard nang mapagsolo sila ni Sabrina sa isang tabi habang abala pa ang iba sa pag-checkout. “Yes! Pakisabi kay Alex na wala akong pasalubong. Alam naman niya ang nangyari sa akin,” tugon ni Sabrina. “Huwag mag-alala si Alex pa ba kukulangin ng pag-unawa sa ‘yo?” Mahinang napatawa si Sabrina. Totoo nga naman ang sinabi nito tungkol sa kanyang kaibigan. Si Alex na yata ang kaibigang hindi niya kayang ipagpalit o mawala. Mula nang magkakilala silang dalawa, ni minsan hindi sila nag-away na ikakasira ng kanilang samahan. Nagtatalo sila sa ibang bagay pero naayos din naman kaagad lalo na kung tungkol sa kanyang lovelife. “Oh, Bernard. Tapos ka na ba?”
“Ayaw mo ng bag mo?”Magkasalubong ang kilay na tanong ni Adrian kay Sabrina. Kahit ang mga pulis na naghatid ng kanyang bag ay napailing na lamang.“I mean, huwag mo na akong bayaran kasi hindi naman ikaw ang dahilan kaya nawala ang mga ‘yon. Ang unfair naman na ikaw ang mag-compensate sa mga bagay na hindi mo naman kinuha.” paliwanag ni Sabrina.“Just take it as a gift.”“Adrian, huwag na. If this happens for a reason, then let it be. Okay lang kung hindi ko mahanap ang kapatid ko,” tugon ni Sabrina na nanghihinayang sa perang nawala sa kanya“Speaking of your brother, may dadaluhan akong forum at pwede kitang isama roon.”Sasagot na sana si Sabrina nang muling lumapit ang dalawang pulis para magpaalam na sa kanila.“Are eveything fine now, Sir?”“Yes, Sir! Thank you so much for your help.”“No worries, Sir!” tugon ng dalawang pulis. “We have to go.” paalam pa ng mga ito.Pagkaalis ng mga pulis ay kinausap ni Sabrina si Adrian.“So, hindi ka sasabay ng uwi sa iba?”“Hindi! Extended
“Two hours?” Parang nabigla pang ulit ni Adrian ng naging tugon ni Sabrina sa kanya. “Hmm. . .” Tumango lamang ang dalaga para kumpirmahin sa binata na hindi ito nagkamali ng dinig. “Tumawag ako kay Alex para humingi ng tulong. Kailangan ko ng passport para hindi ako mahuli dito kapag lalabas ako.” dagdag pa ni Sabrina. “Hoping that the authorities will retrieve your belongings from those gangsters. Kung bakit kasi nakipagmatigasan ka pa sa kanila? Kung kusa mong ibinigay kahit ‘yung pera na lang, eh hindi sana umabot sa ganito,” saad ni Adrian na walang ekspresyon ng kung anong emosyon ang kanyang mukha. “Sinisisi mo ba ako? Eh, nandon nga ang passport ko at ang perang gagamitin ko sa paghahanap ng kapatid ko,” tugon ng dalaga na bumalatay ang lungkot sa mukha. “Hindi naman sa sinisisi kita pero kapag ganoong sitwasyon mas mahalaga pa rin ang buhay natin. Mabuti na lang at nandoon ako. Paano kung wala?”“Gaya nga ng sabi ko passport at pera ko ang laman ng bag kaya ayaw kong ibig
Passport at lahat ng perang pinaghirapang ipunin ni Sabrina ang laman ng bag kaya nang marinig ang sinabi ng isa sa mga naka-motorsiklo ay niyakap niya ang bag para hindi makuha ng mga ito mula sa kanya. Panay pa rebolusyon ng mga ito ng motor habang pinaiikutan si Sabrina kaya nakadagdag ito ng takot sa dalaga. Bagay na nagdulot ng pagkahilo sa dalaga na humigpit ang pagyakap sa bag na tila doon kumukuha ng lakas.“Dude, look at her, she seems not willing to give the bag,” wika ng isa sa mga lalaki na kinausap ang nasa kanan nito. Nagtawanan ang mga ito kasama ang iba pa. Palingon-lingon naman si Sabrina sa pagbabakasakaling may isa sa mga dumadaan na tutulong sa kanya para sawayin ang mga kalalakihan pero ni isa wala yatang may balak na gawin iyon. Umiwas pa nga ang mga ito at tila ayaw nang makialam sa nangyayari. Nang makitang walang balak ang mga kalalakihan na umalis, ibinaba ni Sabrina ang isang kamay sa bahagi ng kanyang tiyan kung saan hindi pa tuluyang naghilom ang kanyang