Sinamantala ni Sabrina ang hindi agad pagsagot ni Seth kung pakakasalan pa ba siya nito at tumalilis palabas pero napatigil siya nang makitang nakaparada ang sasakyan ni Adrian sa labas. Nakasandal ang batang professor sa sasakyan nito. Hinuha ni Sabrina ay kanina pa ito nandoon. Kaya siguro hindi pumasok ay dahil narinig nito ang nagtaasang boses nila ni Seth.
Sa naisip saka pa lang siya natauhan na magkaibigan pala ang dalawa. Mabuting magkaibigan at parehong nakatira sa apartment na ‘yon. Nakaramdam siya ng kaunting pagsisisi dahil sa nangyari. Nakaramdam siya ng pagkapahiya nang nagkasalubong ang mga tingin nila ni Adrian. ‘Nangyari na ang nangyari.’ Kausap niya sa sarili at muling iniwas ang tingin kay Adrian. Plano niyang umalis na nang pinigilan siya ni Seth sa pamamagitan ng paghawak nito sa kanyang braso. Hindi niya namalayang sumunod pala ito sa kanya sa labas. Muling pumasok si Adrian sa sasakyan nito. Nanatili lang ito doon na parang walang nakita o walang alam sa nangyayari. Sa inakto ng binata, nakaramdam ng paghihimagsik ang kalooban ni Sabrina. Para sa kanya, napaka-unfair ni Adrian. Nagawa niyang balewalain na parang walang nangyari sa pagitan nila gayong naligayahan din naman ito sa kanilang ginawa. Pero bakit hinayaan siyang solohin ang kahihiyan at iwanang napapahiya dahil sa nangyari? Naikuyom ni Sabrina ang mga kamay sa magkahalong paghihimagsik, inis, at galit para sa sarili, kay Adrian, kay Seth at Pia. “Ano? May napala ka sa ginawa mo?” Bahagyang napapitlag si Sabrina nang magsalita si Seth sa kanyang tabi na hawak pa rin ang kanyang braso. Pareho silang nakaharap sa kalsada kung saan naroroon pa rin ang sasakyan ni Adrian. Akamang sasagutin ni Sabrina si Seth nang marinig nila ang busina ng sasakyan ni Adrian sabay dungaw nito sa bintana. “Ihahatid na kita, Sabrina,” seryosong wika nito. Walang reaksyon na nanggaling kay Seth kaya pabaklas na hinila ni Sabrina ang braso mula rito at naglakad na papunta sa sasakyan ni Adrian. Agad niyang binuksan ang pintuan sa passenger seat katabi ni Adrian at sumakay. Gusto niyang tanungin si Adrian tungkol sa larawang ipinakita ni Seth sa kanya pero wala siyang lakas ng loob dahil alam niyang hindi naman sya sasagutin nito. Isang walang emosyong tingin lang ang isasagot nito kaya pinili niya na lang na huwag umimik katabi nito. Alam niyang insulto lang ang aabutin niya kung magtanong pa siya. ‘Hindi ka nga nahiya sa ginawa mo tapos mahiya kang ipagkalat ang pictures’, umalingawngaw ito sa isipan ni Sabrina kaya nanahimik na lamang siya. Nabalot ng katahimikan ang kanilang biyahe pero biglang naisip ni Sabrina na sekretong i-text ang kaibigang si Alex na kasalukuyang nasa eskwelahan kung saan nagtatrabaho si Adrian. “Alex, nakita mo ba ang mga kaibigan ni Adrian diyan sa school?” ang text niya sa kaibigan. Napahinga siya ng maluwag nang natanggap ang sagot ni Alex. Mga larawan ng mga kaibigan ni Adrian na tila mga wala namang alam sa isyung kinasasangkutan niya at Adrian. Sabagay bihira nga rin silang magkita ni Adrian kahit pa kaibigan ito ni Seth, lalo na ang mga kaibigan ng mga ito na hindi naman siya kilala ng personal, eh hindi pa rin siya makikilala nv mga ito kahit pa makita nila ang larawan. Malamlam ang ilaw sa silid at hindi naman siya nakaharap sa kuha nito. “Teka Adrian, hindi ito ang daan pauwi sa tinutuluyan ko ah?” Puna ni Sabrina nang mapansing ibang direksyon ang tinatahak ng sasakyan ni Adrian. “Bakit parang takot ka? Di ba ito naman ang gusto mo? Ang makasama ako?” May halong pang-iinsultong tugon ni Adrian. Lubog na ang araw kaya kumakalat na ang dilim sa kapaligiran. Nakasindi na rin ang mga ilaw sa kalsada na siyang nagbibigay liwanag sa mga dumadaang sasakyan. Ipinarada ni Adrian ang sasakyan sa isang may kadilimang bahagi ng parke na kanilang nadaanan. “Anong gagawin natin dito?” usisa ni Sabrina na nakaramdam ng pagkaasiwa sa kasama. Tinanggal ni Adrian ang safety belt nito sabay humarap kay Sabrina na halos gapulgada na lang ang layo ng kanilang mga mukha. “Ayaw mo na kay Seth ‘di ba?” Ramdam ni Sabrina ang pagdampi ng init ng hininga ng binata nang ito’y magsalita. Hindi alam ni Sabrina kung dahil sa kaba kaya kumakabog ang kanyang dibdib o sa sobrang lapit nilang dalawa. “Oh, bakit parang natatakot ka? Hindi ba’t ito naman ang gusto mo?” Tanong ni Adrian na pinagapang ang isang kamay mula sa beywang ni Sabrina pababa sa kanyang mga hita. Lalo pa nitong inilapit ang mukha at sinasadyang idampi ang mga labi sa pisngi ni Sabrina pababa sa kanyang leeg. Napasinghap si Sabrina sa sensasyong dulot ng mumunting galaw ni Adrian. Nilalamon na rin siya ng kanyang katinuan dala ng natural na amoy ng lalaki. “Adrian!” Sinubukan niyang pigilan si Adrian pero lalo lamang itong nagpursige. Kinagat-kagat nito ang kanyang tenga habang ang kamay ay ipinasok sa kanyang blusa. Napaigtad si Sabrina nang maramdaman ang mainit na palad ng binata na humaplos sa kanyang tiyan pataas sa kanyang dibdib. Habang hindi pa tuluyang nilamon ng kanyang katinuan, itinukod ni Sabrina ang kamay sa dibdib ng binata para pigilan ito. “Adrian, please.” “Please what?” Tugon nito na hindi inaalis ang mga kamay na ngayo’y nakapatong na sa dibdib ng dalaga. “I didn’t see or feel your resistance, Sabrina. Bakit hindi mo ba naranasan ito kay Seth? Sa loob ng sasakyan? Aren’t you happy that I will let you do this with me?” Wika ni Adrian na hindi na hinintay ang tugon ni Sabrina. Mula sa leeg ng dalaga ay ibinaba ni Adrian ang mga labi at marahas na inangkin ang dibdib ng dalaga. Wala ng magawa si Sabrina kungdi ang magpakawala ng ungol dahil sa nakaliliyong sensasyon dulot ng mga mapaglarong mga labi ng binata at maiinit na palad nitong tinutumbok ang nasa pagitan ng kanyang bilugang mga hita. Akmang ipasok ni Adrian ang kamay sa panloob ni Sabrina nang may kumatok sa bintana ng sasakyan..Na-sorpresa si Sabrina sa pagdating ni Bernard pero taliwas ang ekspresyong pinakita ni Adrian. Mukhang hindi nito nagustuhan ang pagdating ni Bernard.“Nalaman kasi ni Alex na nasa ospital si Sabrina kaya napag-utusan akong ihatid itong pinabibigay niyang mga prutas at bumili rin ako ng bulaklak,” paliwanag ni Bernard bilang tugon sa tanong ni Adrian kung bakit siya napadalaw.“Maraming salamat sa paghatid,” wika naman ni Sabrina.“Kung malapit nga lang daw sana ay siya mismo ang dadalaw sa ‘yo kaya nakiusap na lang siya sa ‘kin,” muling wika ni Bernard. Napatingin ito kay Adrian kaya alam niya na sa uri ng tingin nito sa kanya ay hindi nito nagustuhan ang kanyang pagdalaw.“Ah, Sabrina aalis din pala ako agad kasi may gagawin pa ako sa meeting,” sabi ni Bernard para hindi na siya pilitin ni Sabrina na manatili sa ospital. “She needs to recover kaya hindi siya pwedeng mapagod. Kailangan magpahinga muna,” wika ni Adrian. Kinuha rin niya sa mga kamay ni Bernard ang mga bulaklak at isa
Habang nasa ospital si Sabrina, hindi nawawala sa tabi niya si Adrian. Pinanindigan nito ang sinabing kasintahan niya ang dalaga kaya dapat lang na andon siya para bantayan ito. Inaalalayan niya ang dalaga sa pagpunta sa palikuran o kahit sa paglinis ng katawan hanggang sa pagbihis. Nahihiya man si Sabrina pero wala siyang magawa dahil hindi siya maaring magkikilos kahit sa pag-upo dahil baka bumukas ang tahi ng kanyang operasyon.Hapon nang mapasilip sa bintana ng kanyang silid si Sabrina. Kitang-kita mula roon ang hilera ng mga stalls ng nagbebenta ng mga pagkain sa bakuran ng ospital. Napalunok siya nang maamoy ang mga nilulutong pagkain. Nakaramdam siya ng gutom dahil mula paglabas niya ng operating room ay hindi pa siya nakakain. “Hayaan mo, kapag naghilom na ang sugat mo, ililibre kita ng marami at masasarap na pagkain,” wika ni Adrian na ikinalingon ni Sabrina sa kanya. Nagkibit-balikat lamang ang binata habang nakataas ang isang kilay na parang nagpapahiwatig na kita at ramd
“I’m sorry! Nakalimutan kong takot ka pala sa dilim,” wika ni Adrian. Dahan-dahan niyang ibinalik sa higaan si Sabrina saka tumayo at hinawi ang kurtina para magkaroon ng liwanag ang silid. Napatakip naman saglit ng mukha si Sabrina dahil sa liwanag na bumaha sa loob ng silid. “Pero bakit ka umalis sa meeting niyo, eh hindi pa pala tapos?”“Wala naman kaming gaanong ginagawa kaya naisip kong tingnan ka dito. Malapit lang naman kaya anytime makakabalik ako kaagad.”Gumuhit ang guilt sa mukha ni Sabrina. “Pasensiya na kung nakaabala ako, Adrian.”“Girlfriend kita kaya sino pa ba ang magbabantay sa ‘yo dito gayong magkasama tayo?” seryosong tugon ni Adrian.Nagulat si Sabrina dahil sa naging tugon ni Adrian. Kailanman ay hindi niya itinuring ang sarili bilang girlfriend ng binata at lalong hindi niya hiniling na ituring siya nitong kasintahan. Nakapagtataka para sa kanya ang harap-harapang pagsabi ng binata na kasintahan siya nito pero wala siyang panahon o sa tamang huwisyo para mag-uu
Pagkatapos ipaliwanag ni Adrian kay Sabrina kung bakit kailangan niyang ilabas ang masamang hangin sa katawan ay pinilit naman ng huli kahit hirap at nahihiya siyang gawin sa mismong harapan ng binata. Halos kulay-kamatis ang kanyang mukha sa pamumula dahil sa mga bagay na hindi naman sana dapat nilang pag-usapan. “Kailangan mong maglakad para makatulong sa muscles mo at ma-i-push siya palabas,” mungkahi ni Adrian para matulungan ang dalaga. “Masakit na nga ang operasyon ko na nandito lang ako sa bed tapos paglalakarin mo pa ako?” reklamong muli ni Sabrina. “Sandali, tutulungan kita. Maghintay ka lang dito,” wika ni Adrian. Ilang saglit lang ay bumalik si adrian dala ang isang maliit na palanggana na hindi alam ni Sabrina kung saan niya kinuha. Ipinatong niya ito sa ibabaw ng maliit na sidetable at ibinabad doon saglit ang tuwalya hanggang mabasa at pinigaan. “Para saan ‘yan at saan nanggaling ang mga ‘yan?” usisa ng dalaga na walang ideya sa ginagawa ni Adrian. “Para mailabas mo
Unti-unting nawala ang galit at sama ng loob ni Sabrina kay Adrian. Hindi na rin namumula ang ilong niya sa kakaiyak dahil palaging nasa tabi niya ang binata para alalayan siya at tinutulungang malibang dahil sa mga kwento nito.“Sumasakit ba?” tanong ni Adrian nang makitang napangiwi ang dalaga. “Konting tiis lang. Nawala na ang bisa ng anesthesia kaya mararamdaman mo na siya ngayon. Mga dalawang araw lang naman at magiging okay na ang sugat mo,” dagdag pa ni Adrian.“Madali lang sa ‘yong sabihin ‘yan kasi hindi naman ikaw ang nakaranas ng ganitong operasyon.”Hindi na pinatulan ni Adrian ang mga sinasabi ni Sabrina dahil ayaw niyang maging dahilan para magkakomplikasyon ang sugat nito na dulot ng operasyon.Hindi naman mapalagay si Sabrina dahil sa biglang pagsulpot ng isang bagay sa kanyang isipan. “Adrian, nakita mo ba ang sugat ko sa operasyon? Malaki ba? Maayos ba ang pagkakatahi? Baka malaki ang maiwan nitong peklat sa tiyan ko,” wika ni Sabrina na napapangiwi sa isiping may pe
Kalagitnaan ng gabi, nagising si Sabrina dahil sa matinding pananakit ng tiyan, sa bandang puson. Sa pag-aakalang dumating ang kanyang buwanang-dalaw, kaya mbilis siyang bumangon at pumasok ng banyo para magpalit ng panloob pero malinis ito nang kanyang hinubad. Napabilang siya ng araw at pitong araw pa bago ito dumating base sa cycle nito. Isa pang pinagdududahan niya ay baka dahil sa pagkain na kinain niya sa hapunan kaya sumakit ang kanyang tiyan. Lalong tumitindi ang sakit kaya muli siyang nahiga at namilipit sa sakit. Tagaktak na rin ang kanyang pawis. Naisip niyang tumawag ng tulong pero nahihiya siyang estorbohin ang iba kaya wala siyang nagawa kungdi tawagan si Adrian.Kaagad na tinanggap ang kanyang tawag pero wala siyang narinig ni isang salita mula sa kabilang linya. Alam niyang andon lang si Adrian, makikinig ng sasabihin niya.“Adrian. . .ugh! Dalhin mo. . .ako sa ospital. . .Mga katagang nasambit ni Sabrina bago panawan ng ulirat dahil hindi na niya kinaya ang tindi n