Share

My Godmother's Son
My Godmother's Son
Author: Mara

Chapter 1

Oh My God! What time is it? Malelate na ko sa flight ko. Bulalas ni Alexa o Alexandria Nicole Mondragon ng magising siya hindi niya namalayan na may katabi pala siya. Muntik na siyang mapasigaw ng mapansin niyang hubo't hubad siya at may katabing lalaki sa kama. Dahan dahan siyang bumangon at hinanap ang mga damit niya at dali-daling lumabas ng silid na hindi man lang pinansin kung sino man ang lalaki.

Kakatapos lang ng graduation nila sa college nagkayayaan silang magkaibigan na pumunta ng Club upang ipagdiwang ang kanilang pagtatapos at natatakdang pag alis ni Alexandria. Apat silang magbabarkada si Coleen at Alexa. Fashion Designer ang kurso nila. Samantalang Business Administration naman ang kurso ni Sophia at Angel. Magkakaibigan na sila mula pa ng highschool. Naging masunurin si Alexa eskwelahan at bahay lamang paminsan minsan sumama siya sa kanyang kaibigan sa mall. Habang siya ay nasa Pilipinas lola niya ang kasama dahil ang kanyang mga magulang at kapatid ay nasa New York. Napagkasunduan nila na pagkatapos ng kanyang pag-aaral ng kolehiyo ay saka lamang siya susunod sa mga magulang at kapatid.

Habang nasa flight siya patungong New York pilit niyang inaalala ang mga pangyayari ng nagdaang gabi ang huling naalala niya ay muntik na siyang matumba ngunit may sumalo sa kanya.

"Alexa"! Tawag ni Sophia. Tara bar naman tayo ipagdiwang natin ang graduation natin Farewell party mo na rin. Oo nga sang ayon naman nina Collen at Angel. Ah! Ehh alam niyo naman na hindi ako mahilig sa mga ganyan saad naman ni Alexa. Sige na napaka KJ mo naman eh last na natin tong pagbobonding dahil aalis kana bukas di ba? "Sige na sumama ka na!" pamimilit naman ni Coleen. Walang nagawa si Alexa kundi sumama sa mga ito.

Kinagabihan nagkita kita sila sa club na napagkasunduan nila "Bachelor's Club". Suot ang pulang dress na hapit na hapit sa katawan niya pumasok si Alexa kasama ang mga kaibigan niya. Marami na rin ang nagpaparty sa bar kaagad na umorder ng ladies drink ang grupo nila Alexa at umupo sila sa pinakasulok na parte ng club.

"Coleen!" tara sayaw tayo yaya ni Sophia. Halika na tayo na jan! sabi nman sabi naman ni Angel kay Alexa. Ayoko kayo nalang dito lang ako. Sagot ni Alexa. Sa kanilang apat siya ang pinaka mahiyain hindi mahilig pumarty at hindi pala boyfriend samantalang ang mga kaibigan niya ay nakakailang boyfriend na. "Alexa naman ngayon na lang tayo huling magkakasama ang KJ mo parin." Sige na sama kana samin pangungulit ni Sophia. Habang nasa dance floor pinilit sabayan ni Alexa ang mga kaibigan nya. Hindi sinasadyang nabangga siya ng mga bagong dating na grupo ng kalalakihan ngunit hindi nya ito pinansin. Maya maya ay nagyaya na siya umupo ngunit ayaw pang paawat ng mga kaibigan niya kaya siya na lamang ang umupo.

Sa kabilang banda hindi maalis sa isip ni Drake ang nabangga niyang dalaga hindi man lang siya nito pinansin o pinagalitan. Sinusundan niya lang ito ng tingin hanggang sa napansin niya ito na umupo sa tabi. Tahimik lang ang dalaga napapansin niya na parang mahiyain ito. Maya maya pa ay may lumapit na isang lalaki dito at mukhang pinipilit nito ang dalaga na sumama sa kanya. Pilit tumatanggi ang dalaga. Maya maya pa ay umalis ang lalaki at pumunta ng bar para humingi ng alak sa waiter. Bumalik ito sa dalaga at binigay ang inumin. Nakita niyang umayaw ang dalaga ngunit kalaunan ay uminom din ito. Umalis ang lalaki at bumalik sa mga kasama nito.

Nakaramdam ng pagkahilo si Alexa pagkatapos niyang inumin ang binigay sa kanya ng lalaki kaya napagpasyahan niyang mag cr muna habang naglalakad siya papuntang cr ay biglang may humarang sa kanya at yun ay ang lalaki na nagbigay sa kanya ng inumin. Pinipilit siya nitong yapusin at halikan. Maya maya ay bumulagta ang lalaki sinuntok ito ng kung sino hindi na namukhaan ni Alexa ang lalaki dahil madilim sa bandang kinaruruunan niya. Miss okay ka lang? Tanong nito. Umiikot na ang paningin ni Alexa kaya hindi na siya tumuloy pa sa cr. Maraming salamat sayo. Sige aalis na ako! Bumalik siya at hinanap ang kanyang mga kaibigan para yayain ang mga ito para umuwi na. Ngunit hindi na niya makita ang mga ito kaya napagpasyahan niyang umuwi na lang. Habang nag aantay siya ng masasakyan ay muntik na diyang matumba buti na lang at may sumalo sa kanya.

Papalabas ng bar sila Drake napansin niya ang dalagang nabangga niya at tinulungan niya sa mapagsamantalang lalaki. Medyo lasing na din siya pero napansin niyang matutumba ang dalaga kaya kagaad niya itong dinaluhan. Mga pare mauuna na ako sainyo may ihahatid lang ako paalam niya sa mga kaibigan. Nagulat naman sila Aaron, Spencer at Clinton sa kanya. Pare kilala mo ba yan? Mukhang tinamaan ka na jan ah! Biro ni Spencer. Kawawa naman yan pare kung pababayaan lang natin baka bastusin lang ulit ng kung sino yan. Sige na nga ikaw na ang bahala jan wika naman ni Aaron. Lasing na rin kami eh at may pasok pa tayo kinabukasan. Ingatan mo yan pare ha? Biro pa nang mga ito bago umalis.

Samantalang hindi alam ni Drake kung saan niya ihahatid ang dalaga kaya napagpasyahan niyang dalhin ito sa condo niya. Dahan dahan niyang nilapag ang dalaga upang hindi magising dahil nakatulog na ito habang nasa biyahe. Pagkatapos ay pumasok na siya sa banyo naligo at nagbihis. Doon siya natulog sa couch dahil nandoon ang dalaga sa kanyang kama. Maya maya pa ay kinumutan niya ang dalaga ngunit bigla siya nitong hinila at bumagsak siya rito. Nakaramdam siya ng init ng dumampi yung balat niya dito. Hindi niya inaasahan na bigla siyang yayapusin at hahalikan nito. Hindi niya napigilan ang kanyang sarili na tugunin ang mga halik nito dahil na rin sa kalasingan at iba ang reaksiyon ng katawan niya dito. Kaya nagpaubaya na rin siya dito.

Gabi na nang lumapag ang sinaksakyang eroplano ni Alexa sa New York kaagad siyang sinalubong ng mga magulang niya.

"Anak! Miss na miss ka na namin." Kumusta ang biyahe mo? Tanong ni Nicola ang mama ni Alexa. Okay naman po mama mejo nahihilo lang po ako. Tara na anak umuwi na tayo at nang makapagpahinga ka na wika naman ni Alejandro ang ama ni Alexa.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status