Share

Chapter 4

Naging maayos ang unang liggo ni Alexa sa trabaho niya. Mabait ang mga katrabaho niya kaya mabilis niyang nakapagpalagayan ng loob ang mga ito. Maliban na lang kay Lyka na parang ang init lagi ng ulo nito sa kanya. Laging masama ang tingin tuwing nakikita siya. Dahil siguro sa mabait ang boss niyang si Raden Montemayor sa kanya. Wala namang pinapakitang pagkagusto sa kanya sadyang mabait lang ito. Si Lyka ay halatang may gusto kay Raden ngunit wala itong pagtingin sa kanya.

Habang nag-aantay ng oras ng uwian ay bumalik sa isip ni Alexa ang sinabi ni Sophia sa kanya. "Paano kung mabuntis ka? Matatanggap kaya ng mga magulang mo na magkaroon ka ng anak na walang ama? " siguro hindi naman isang beses lang naman nangyari sa amin yun. Wika ng isip ni Alexa.

Alas singko na ng hapon kaya uwian na nila. Nag-aantay ng masasakyan si Alexa ng madaanan siya ni Raden. "Alexa, sumabay ka na hatid na kita sainyo sabi nito." Naku huwag na po sir! Maaabala ko pa po kayo. Tanggi ni Alexa. Naku! Okay lang naman may dadaanan din naman ako malapit sainyu sige na sumabay ka na. Walang nagawa si Alexa kundi ang sumakay sa kotse nito.

Pagdating sa kanila ay bumaba na si Alexa. Maraming salamat po sir! Wika nito. Walang anuman iyon. Wag mo na akong tawagin na sir Raden na lang sa opisina mo nalang ako tawagin niyan. Sige Raden mag-iingat ka. Salamat ulit.

Hindi namalayan ni Alexa na nakatingin ang mama niya sa bintana habang pababa siya ng kotse ni Raden pagkapasok niya ng pinto ay nagulat siya dito. Sino yun anak? Bungad ng ina ni Alexa. "Ma! ginulat niyo naman po ako." Si Raden po yun ang boss ko sinabay na po niya ako dahil may pupuntahan din daw po siya malapit dito sa atin. Ganun ba anak? Akala ko boyfriend mo na. Biro ng ina nito. Ma naman bago lang po ako rito hindi ko pa po masyadong kilala ang mga tao rito.

Sige na magbihis ka na at nang makakain na tayo. Opo, ma. Maya maya pa ay tumawag ang kuya niya na hindi ito makakauwi ng maaga dahil nagkayayaan silang magbarkada.

Ma kung sakali bang mabuntis ako ng maaga at walang ama matatanggap niyo pa ba ako? Biglang natanong ni Alexa. "Alexandria! Ano bang klaseng biro yan ha? " Galit na tanong ng kanyang ama. Muntik na itong mabulunan dahil sa sinabi ni Alexa. Pa, nagbibiro lang naman ako gusto ko lang malaman ang magiging reaksiyon nyo. Tatawa tawang wika ni Alexa. "Alexandria, umayos ka ha? Hindi nakakatawa ang biro mo." Kung anu-anong kalokohan ang naiisip mo. Sabi naman ng ina nito.

Pagkatapos nilang kumain ay hindi mawala sa isip ng ina ni Alexa ang sinabi niya kaya sinundan niya ito sa kuwarto niya. " Alexa, meron ka bang hindi sinasabi sa amin ha? Tanong ng ina nito. Natatakot si Alexa na aminin sa ina nito ang totoo kaya wala itong sinabi. Wala po mama. Sige po magpahinga na po kayo. Good night po Ma! At humalik ito sa kanyang ina.

Kinabukasan ay maagang pumasok si Alexa sa opisina nila. Dahil maaga siya nagkuwentuhan muna sila ng mga kadepartamento niya. Alexa! Tawag ni Sheena dito. Oh! Bakit? Tanong ni Alexa. Ano ang score sainyo ni sir Raden? Hoy! Ano ka ba naman? Baka mamaya marinig ka ng mga kasamahan natin. Walang namamagitan sa amin. Sagot ni Alexa. Eh bakit ka niya hinatid kahapon? Maang na tanong ni Sheena may pagkatsismosa ito pero mabait din naman sadyang mabilis lang ang mga mata nito madaming nakikita. Wala sinabay lang niya ako dahil may pinuntahan siya malapit sa amin. Hi Ms. Lyka! Bati dito ni Alexa nang mapansin niya itong padaan. Ngunit parang wala lang narinig si Lyka dire-diretso lang ito sa paglalakad.

Sa opisina ni Raden. "Raden anu ba nakita mo kay Alexa na wala sakin ha?" May pahatid-hatid ka pa sa kanya. Sigaw ni Lyka. Ano bang problema mo ha Lyka? Anong karapatan mo na sigawan ako at pakialaman ang buhay ko ha? Wala ka ng pakialam kung ano man ang meron sa aming dalawa ni Alexa. Singhal ni Raden dito. Dalawang taon na akong nag hihintay sayo Raden hindi mo man lang ba nararamdaman ang pagmamahal ko sayo? Lahat ng gusto mo sinunod ko ngunit ito lang ang igaganti mo sakin? Umiiyak na wika ni Lyka. Di ba sinabi ko na sayo wala akong gusto sayo. Alin bang hindi mo maintindihan dun? At tandaan mo na boss mo parin ako nasa kumpanya kita. Ginawa kitang manager dahil sa magandang performance mo ngunit hindi ko inaasahan na mas higit pa pala duon ang gusto mo. Sagot ni Raden.

Narinig ni Alexa ang pagtatalo ng dalawa kaya bumalik na lamang siya sa kanyang mesa. Mamaya ko na lamang ipapacheck tong mga designs ko mukhang wala sa mood si sir Raden ngayon nasabi niya sa sarili. Siya ang isa sa pinakamagaling na designer sa kumpanya nila kung kaya naman agad siyang nagustuhan ng boss niya. Pagkatapos ng tanghalian ay sinubukan niyang puntahan si Raden upang ipakita ang mga bagong desinyo niya. Nakatatlong katok na siya ngunit walang sumasagot. Sinubukan niyang buksan ang pinto at bukas naman ito ng makapasok siya sa loob ay napansin niyang malalim ang iniisip ni Boss niya. Gwapo si Raden matangkad nasa 6 feet ang height. Maganda din ang build ng katawan nito. Malinis itong tao at napakaorganized pagdating sa mga gamit. Masarap kaya si Sir naisip ni Alexa. Hay naku Alexa! Kung anu-ano ang naiisip mo. Saway niya sa sarili. Sir Raden! Tawag niya rito. Ayy! Tili ni Raden. Nagulat si Alexa sa reaksiyon nito. Pasensiya ka na. Ikaw naman kasi ginulat mo ako. Sabi ni Raden. Ah eh pasensiya na din po kayo sir kanina pa po kasi ako kumakatok sa pinto niyo wala pong sumasagot kaya akala ko po anu na ang nangyari sa inyo. Ito na po pala yung mga bagong designs ko papacheck ko lang po kung okay na sa inyo. Sige akin na ipapatawag na lang kita mamaya pag natapos ko na itong tingnan. Okay po sir aalis na po ako. Paalam ni Alexa.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status