Share

Chapter 5

Dalawang buwan ang lumipas. Nagkaroon na ng ibang Branch ang Bachelor's Club. Ngayon ang araw na magbubukas ang pang anim na branch ng Club nila Drake sa Makati. Masaya sila sa magandang takbo ng Club nila. Congratulations sainyong apat bati ni Sophia. Kasama siya ng apat sa pamamahala sa kanilang club. Dahil sa related ang kurso niya dito isa na rin siya sa naging manager nito. Naging seryoso na si Spencer sa pagkakataong ito sa loob ng dalawang buwan na magkakilala sila ni Sophia ay nagpropose na ito sa kanya. Kung kaya engage na silang dalawa. Si Drake ay patuloy lang sa pagtutok ng Negosyo nila. Hindi pa rin nawawala sa isip niya ang dalagang naka one night stand niya ang malalambot na labi nito. Ngunit hindi niya ito pinapahalata sa mga kaibigan niya dahil tutuksuhin lang siya ng mga ito. Maraming gustong makipagrelasyon sa kanya ngunit hindi niya magawa dahil hindi niya makalimutan ang babaeng pinakaunang nakatalik niya. Kumusta na kaya siya ngayon naiisip din kaya niya ako? Tanong niya sa sarili. Drake dude! Spacing out ka na naman. Tama ng kakaisip ng trabaho mag unwind ka naman paminsan minsan. Wika ni Aaron. Masaya lang ako pare unti-unti nang natutupad ang mga pangarap natin. So kelan mo balak mag asawa? Biro naman ni Clinton. Pare naman 23 palang ako wala pa akong balak magpatali no? Ganting biro naman ni Drake. Tara na nga sa loob at mag uumpisa na ang party. Yaya naman ni Spencer. Naging maayos ang pagdiriwang ng pagbubukas ng Club nila.

Kinabukasan ay walang pasok si Drake sa opisina kaya napagpasyahan nitong kumustahin ang pinsan niyang si Raden. Ate kumusta kana? Biro ni Drake sa pinsan. Tanging siya alang ang nakakaalam ng totoong pagkatao nito. Nalaman niyang bakla ito nung minsan nahuli niyang may kasama itong lalaki. Ayaw pa sana umamin ng pinsan ngunit dahil sa kakulitan niya ay napaamin niya ito. "Drake ano ka ba wag ka ngang maingay jan mamaya may marinig ka nila tita eh magtaka pa kung sino ang tinatawag mong ate." Sabi ni Raden. Namiss ko lang ang napakaganda kung pinsan. So kumusta ka na at ang kumpanya? Okay lang naman ako dito Drake. Mejo naiinis lang ako sa isang tauhan ko dahil kung anu-ano ang dinadala sakin na pagkain. Naku! Si Lyka? eh walang balak sumuko yan eh! Sabihin mo nalang sa kanya ang totoo para tigilan ka na niya. Suhestiyon ni Drake. Ano? Diyos ko naman Drake gusto mo bang pagtawanan nila ako dito sa opisina ha? " Ang makisig at matipunong anak ni Mr. at Mrs. Montemayor bakla pala!" Litanya pa nito. Gusto mo bang atakihin sa puso si Mommy at tuluyan na akong itakwil ni Daddy? Hindi naman siguro magagawa nila tita yun mahal ka nila at matatanggap ka nila dahil sa anak ka nila. Sabi ni Drake. Sana nga insan tama ang sinabi mo. Aamin din naman ako kila Mommy at Daddy eh pero hindi pa ako handa sa ngayon. Sige na babye na ikamusta mo nalang ako sa kanila tito at tita. I Love You! Pahabol pa nito. Ang corny mo, Ikaw ang bahala basta mag-iingat ka lagi jan ha? Wag sumama kung kani- kaninung lalaki. Paalala ni Drake sa kanya.

Hindi mawala sa isip ni Alexa ang tili ni Raden. Napaisip tuloy siya. Bakla kaya si Raden? Wala siyang nababalitaan na may nakadate itong babae. Ayon na rin kay Sheena masyado itong aloft sa mga babae. Ngunit bakit sa kanya hindi naman ito aloft? Ito pa nga ung lapit ng lapit sa kanya. Nasa ganoon siyang pag-iisip ng lumapit sa kanya si Lyka. "Alexa!" ayusin mo nga yan. Utos nito bago ilapag ang mga papeles sa mesa ni Alexa. Mainit ang ulo nito. Kaya naisip niyang manahimik na lamang. Siguro inaway na naman ito ni sir Raden. Wika ng kanyang isip. Nagkatinginan lang ang mga katrabaho niya. Opo Ma'am! masusunod po. Tunog pang-aasar na sagot nito. Ayusin mo yan pag natapos mo ibalik mo sakin at ako na ang magbibigay kay Raden. Pagkasabi ay dali-daling umalis. Ano bang problema nun sayo ha? Mukhang ang tindi naman yata ng galit nun sayo kung makasigaw akala mo siya ang may-ari ng kumpanya. Nagtatakang tanong ni Andrea kasamahan din niya ito sa departamento at kapareho niyang designer. Hayaan mo na lang siya siguro may monthly period kaya mainit ang ulo. Biro pa ni Alexa. Naiinggit lang yun kay Alexa kasi binibigyan siya ng pansin ni sir Raden samantalang siya ay hindi man lang pinapansin ang mga dinadala niyang pagkain kay sir. Sabi naman ni Sheena. Naku! Baka marinig ka nun ikaw na naman ang pag-initan. Sambit naman ni Joshua. Oh siya balik trabaho na tayo at nang hindi mapagalitan.

Habang binabasa ni Alexa ang pinapaayos sa kanyang papeles ni Lyka ay nakaramdam siya ng pagkahilo. Kaya ipinasya niyang itigil muna ang pagbabasa nito. Maya-maya pa ay nakaramdam siya ng gutom kaya kinain niya ang baon niyang biscuits ngunit hindi pa man niya nauubos ang kinakain niya ay para na siyang nasusuka kaya dali-dali siyang pumunta ng cr. Pagdating niya doon ay halos isuka niya lahat ng kinain niya. Pagkatapos niyang ayusin ang sarili niya ay bumalik na siya sa kanyang trabaho. Natapos niya naman ang pinapaayos sa kanya kaya ipinasya niyang ihatid na ito sa opisina ni Lyka. Kakatok na sana siya ngunit mukhang may kasama ito sa loob kaya natigilan siya. "Ano ba Andrew? Tigilan mo nga ako alam mo naman kung sino ang gusto ko di ba?" Pinatawag lang kita dahil may ipapagawa ako sayo tungkol kay Raden. Sinabi ko na sayo ang plano kaya alam mo na kung anong gagawin mo. Sabi pa nito. Nagkunwari si Alexa na papunta palang siya sa opisina ni Lyka nang makita niyang palabas na ang Maintenance na si Andrew. Hi Andrew! bati pa dito ni Alexa. May nasira ba sa office ni Ma'am Lyka? kunwaring tanong niya. Ah Oo eh! Sagot nito. Ano kaya ang binabalak gawin ng dalawang to? Napaisip si Alexa.

Kinagabihan pagdating ni Alexa sa bahay nila ay gutom na gutom na siya dahil sa isunuka niya lahat ng kinain nya kaninng umaga at hindi na rin siya nakakain ng tanghali dahil wala siyang gana. Gustong gusto niya ang amoy ng kare- kare na niluluto ng mama niya. Nagtataka siya at hindi naman niya gusto ito dati. Ngunit parang natatakam siya ngayon. "Magandang gabi po Ma!" Bati niya sa ina. Mukhang masarap ang niluluto niyong kare-kare ah! Natatakam na wika ni Alexa. Oo anak ito ang uulamin namin yung adobo na lang ang ulamin mo dahil hindi ka naman kumakain nito di ba? Wika ng ina nito. Ngunit gusto ko siyang tikman ma. Mukhang masarap ang pagkakaluto nyo eh! sabi pa ni Alexa. Sigurado ka ba anak? Nagtatakang tanong ng ina niya. Opo ma! Gusto ko po talaga siyang tikman. Maganang kumain si Alexa hindi rin siya makapaniwala na mapaparami ang kain niya. Kaya kahit ang Kuya at Papa niya ay nagtataka sa kanya dahil hindi naman siya kumakain ng kare-kare.

Sa tingin nyo guys? Buntis na kaya si Alexa???

Abangan🤔

Hope to read comments from you. Sana nagustuhan niyo ang kwento ko. Thank you!

-Mara

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Joan Marie Brian
i like your story ...️
goodnovel comment avatar
Joan Marie Brian
chapter 7 po plsss.
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status