Share

Chapter 2

Nagising si Drake o Drake Cyrus Montemayor na masakit ang kanyang ulo. Dali-dali siyang bumangon dahil papasok pa siya sa opisina nila dahil may meeting sila ng mga kaibigan niya. Nakatapos na siyang maligo ng maalala niyang may dinala siyang babae sa condo niya kagabi. Hinanap niya ito ngunit hindi na niya ito makita tanging ang mantsa lamang ng pagkabirhen nito ang naiwan sa higaan niya.

Jesus! May nangyari ba samin? Pilit na inaalala ni Drake ang mga pangyayari nang nakaraang gabi. Naalala niyang niyakap siya at hinalikan ng babae. Habang papunta siya sa opisina ay naalala parin niya ang maganda at maamong mukha ng dalaga.

Pagdating niya sa opisina ay naghihintay na ang kanyang mga kaibigan upang pag-usapan ang tinayo nilang "Bachelor's Club". Itinayo nilang apat itong club kung saan silang apat ay stable na sa buhay at may kanya kanya ng negosyo. Si Drake ay mabait at masunuring anak. May pag kasuplado din minsan. Pagkatapos mag-aral mula sa US ay umuwi ng Pilipinas upang pamahalaan ang kompanyang tinayo ng kanyang ama dahil sa ito ay may sakit sa puso kaya kailangan ng magpahinga. Clothing Business ang negosyo nila Drake dahil sa maganda ang mga produkto nila nakakapagsupply na sila sa iba't ibang bansa.

Si Spencer naman ay anak ng Congressman sa lalawigan ng Batangas. Sila ay may Hotel Business sila ang may ari ng ibang mga Hotel dito sa Pilipinas. Mababait at Mapagkumbaba ang pamilya ni Spencer. Kaya malaki ang respeto ng mga tao sa kanila sa lugar nila. Sadyang hindi lang maiiwasan ang pagiging playboy nito dahil mataas na antas ng kanilang pamumuhay at sa tindig nito.

Si Clinton ang pinakamatanda sa kanilang apat siya ay 26 years old na galing din sa mayamang pamilya. Ang family business naman nila ay mga Restaurant. Siya ay nahilig sa barkada kaya nahinto siya ng pag- aaral halos dalawang taon ngunit ng namatay ang kanyang ama ay napagtanto niya na dapat ay magbago na siya.

Si Aaron na anak ng mag-asawang abogado at abogada. Tahimik din at mabait si Aaron dahil siya ay lumaki sa kanyang lolo at lola. Nakapagtapos siya na laging nangunguna sa klase. Pagkagraduate niya ng kolehiyo ay nagsimula na siyang magtrabaho at nang makaipon ay nagtayo na rin siya ng kanyang sariling negosyo ang Wine Distillery.

Sila Spencer, Drake at Aaron ay magkakabarkada simula palang nung elementarya sila hanggang mag highschool at nag kahiwa hiwalay ng magkolehiyo dahil sa iba't ibang kurso ang kanilang kinuha. Samantalang si Clinton ay nakilala nila sa club nang kamuntikan na nila itong makaaway at doon nagsimula ang kanilang pag kakaibigan.

Habang nagmemeeting sila ay nakatulala lang si Drake. Pare! Ang lalim naman yata ng iniisip mo? sita ni Spencer sa kanya. Ngunit parang wala itong narinig. Tinapik ni Aaron ang balikat nito. Dude! Ayos ka lang ba? Doon natauhan si Drake. Ah! Eh! Oo naman. Anu na nga ang pinag-uusapan natin? Pare naman kanina pa kami daldal ng daldal dito wala ka palang naintindihan sa pinag-uusapan natin? Reklamo ni Clinton. Pasensiya na mga pare medyo may hang over pa yata ako. Teka lang pare kumusta pala yung inuwi mong chix kagabi siya ba ang iniisip mo? Tanong ni Spencer may nangyari ba? Oo nga pare hindi ka naman dating ganyan tinamaan ka na ba sa kanya? Dagdag tanong ni Aaron. Pare magkwento ka naman diyan. Pangungulit ni Clinton. Oo mga pare pag-amin ni Drake ngunit pagkagising ko ay wala na siya. Hinanap ko sa buong condo ko hindi ko naman natagpuan. Hindi ko man lang alam ang pangalan niya at kung saan siya nakatira. Seriously pare? Mukhang matindi ang tama mo dun ah! Panu yan san mo siya hahanapin eh hindi mo naman alam kung sino siya at kung saan siya nkatira? Tanong ni Aaron. Napaisip din si Drake habang nakikinig sa tanong ng mga kaibigan nya. Mabuti pa pare kalimutan mo na yun tutal hindi mo naman yun kilala at malamang hindi yun interesado sayo dahil umalis na lang siya ng walang paalam. Saad ni Aaron. Mukhang may punto nga naman ang kaibigan nya. Sige balik na tayo sa meeting natin.

"Anak mukhang napakalalim naman yata ng iniisip mo at hindi mo nagagalaw yang pagkain mo?" Pansin ng mama ni Alexa sa kanya. Ah eh mukhang may jetlag pa po yata ako ma mejo hindi po maganda ang pakiramdam ko. Ganun ba anak sige pagkatapos mo kumain uminom ka na ng gamot at magpahinga. Baka naman inlove lang tong si bunso ma. Biro ng kuya niyang si Brent. Sampung taon ang tanda ng kuya niya kay Alexa ngunit masyado itong tutok sa negosyo kaya parang wala na itong balak mag-asawa. May girlfriend naman ito ngunit hindi ito gusto ng mga magulang nila dahil masyado itong matapobre at may pagkamaarte. Kuya naman eh! Alam mo namang NBSB (No boyfriend since birth) ako diba? Nagtatampong wika ni Alexa. Biro lang naman bunso wika ng kuya nito. Bakit kaya ikaw hnd pa mag asawa para may makukulit na dito sa bahay at may kalaro sila mama at papa? Balik pang-aasar ni Alexa. Hay naku! Wala pa akong balak mag-asawa no. Hindi ko pa naeenjoy masyado ang pagkabinata ko sagot naman nito. Tama na nga yang bangayan ninyong dalawa. Sita ng ama nila sa kanila. So ano na ang plano mo anak ngayong nakatapos ka na? Tutulungan mo ba yung kuya mo sa kompanya o mag-aaral ka pa? Maghahanap muna ako ng trabaho ma gusto kong matutunan kung paano makisama sa ibang tao bilang isang empleyado. O sige anak kung yan ang gusto mo pag-sang ayon ng mga magulang niya.

Pagtapos kumain ay umakyat na si Alexa sa kuwarto niya upang makapagpahinga na siya. Habang nakahiga siya ay doon sumagi sa isip niya ang estrangherong lalaki na nakakuha ng pagkabirhen niya. Sino kaya ang lalaking yun? At paanong may nangyari sa amin?Pilit niyang inaalala ang mga pangyayari ngunit wala talaga siyang matandaan. Naalala niya lang ang matipunong pangangatawan ng lalaki dahil hindi man lang niya nakita ang mukha nito sa takot na ito ay magising dali-dali siyang umalis. Hindi niya alam kung anong sasabihin niya dito.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status