Share

Chapter 6

Kinaumagahan nagising si Alexa na mabigat ang pakiramdam niya. Pinilit parin niyang bumangon at maligo para pumasok ng opisina. Pagkatapos niyang magbihis ay bumaba na siya para mag almusal habang pababa siya ng hagdan ay naamoy niya ang niluluto ng kanyang ina sa kusina pakiramdam niya ay parang binabaligtad ang sikmura niya kaya dali-dali siyang bumalik sa kuwarto niya diretso sa palikuran. pagkatapos niyang magsuka ay humarap siya sa salamin. "Ano bang nangyayari sa'kin?" Dati gusto ko naman ang amoy ng bawang ah! Hindi kaya buntis na ako? Tanong niya sa sarili. Hindi naman siguro baka masama lang talaga pakiramdam ko. Pagkatapos niyang ayusin ang sarili niya ay bumaba na siya at nagpaalam sa ina. "Ma aalis na po ako!" sabi niya sa ina. "Hindi ka na ba kakain anak?" Tanong ng ina niya. "Hindi na po ma sa office na lang." Sagot niya.

Naisipan niyang dumaan sa pharmacia upang bumili ng Pregnancy Test Kit. Pagdating niya sa opisina ay iilan pa lang ang mga kasamahan niya ang nandoon. "Good morning Alexa! Bakit ang blooming mo yata ngayon? " Biro ni Sheena. "Good morning! Ikaw talaga masyado kang mapagbiro." Sagot ni Alexa. "Totoo nga Alexa parang lalo kang gumaganda mukhang may napupusuan ka na dito sa opisina ah!" Dagdag biro pa nito. "Kung anu-ano ang naiisip mo Sheena. " Sige na nga doon ka na sa desk mo maya-maya nandito na ang boss natin." Pagtataboy niya dito.

Pagdating ng tanghalian ay nakaramdam ng gutom si Alexa dahil hindi siya nakakain ng almusal at wala siyang gana kaya bumaba na siya ng kantina habang padaan siya ng opisina ng boss niya ay napansin niyang papasok ang maintenance na kausap ni Lyka natigilan siya dahil naalala niya ang pag-uusap ng dalawa.

"Magandang tanghali po sir!" Bati ni Alfred kay Raden. "Magandang tanghali ikaw ba yung pinadala na mekaniko?" Tanong ni Raden. "Opo ako nga po sir!" sagot nito. Sige pakitignan na lng kung ano ubg sira ng gripo sa banyo ko. Utos ni Raden dito. Opo sir! sagot agad nito bago umalis

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Joan Marie Brian
tagal naman po ng update
goodnovel comment avatar
Joan Marie Brian
kelan po ulit ang next chapter???
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status