Share

Chapter 3

Tulala lang habang nakakatitig si Drake sa kisame isang Linggo na rin siyang nagbabakasakali na bumalik ulit ang dalaga sa club ngunit ni anino nito ay hindi niya na nakita pa. Babalik pa kaya siya dito? Makikita ko pa kaya siya? Tanong niya sa kanyang sarili. Siguro hindi kami para sa isa't-isa. Yun na lang ang itinatak niya sa isip niya para tuluyan na niyang makalimutan ang dalaga. Pilit niyang iwinaglit ito sa kanyang isip upang bumalik na sa kanyang trabaho.

Hapon na nang makatanggap siya ng tawag mula kay Spencer. "Hello pare Bar naman tayo mamaya matagal na tayong hindi nagkikita kita ah! Wika nito. Sige pare 8pm sa club natin. Pagsang-ayon ni Drake. Nagiging busy silang magkakaibigan dahil sa kanya kanyang negosyo kaya matagal din silang hindi nagkita.

Kinagabihan sabay na dumating sila Aaron at Clinton sa Club kasunod lang nila si Drake. Ilang minuto na din sila sa loob ng dumating si Spencer na may kasamang babae at bago na naman ito.

Pare! Ba't ngayon ka lang ikaw yung nagyaya tapos ikaw yung late sita ni Aaron. Pasensiya na mga dude! Dinaan ko pa kasi si Sophia sa kanila. Hinging paumanhin nito. Sophia nga pala girlfriend ko nagkatinginan silang tatlo. Nung huling pagkikita nila ay iba ang ipinakilala nito. Hi! Nahihiyang bati ni Sophia sa kanilang tatlo. Hi! Ganting bati ni Clinton na makikipagkamay sana kay Sophia ngunit hinarang ito ni Spencer. Wow! Pare makikipagkamay lang naman ako. Reklamo ni Clinton. "No Touch Policy!" pare sabi nito. Napakaseloso naman nito. Biro ni Drake. Tara na at pumasok sa loob baka magkasuntukan pa kayo. Kahit may VIP room sila sa club ay pinili nilang umupo sa ordinaryong mesa kasama ng mga umiinom sa club. Pare saan ba ang mga chix nyo para may kausap naman si Sophia. Maya maya wika ni Spencer. Aba! Hindi naman namin alam na dadalhin mo ang girlfriend mo dito. Reklamo ni Clinton si Sandy ay nasa ibang bansa panu ko siya isasama at sino naman ang dadalhin nitong dalawa si Aaron kakaheartbroken lang kaya bagay talaga sa kanya ang magcelebrate at nakalaya na siya. Ito namang si Drake ay hindi pa rin nakakamove on dun sa naka one night stand nya. Dagdag pa nito. Pare naman masyado ng personal yang sinasabi mo ha? seryosong wika ni Aaron. Pasensiya na pare nagbibiro lang naman ako hinging paumanhin nito. Oh! Sa mga tindig niyong yan madali lang humanap ng babae. Ayan oh marami sa paligid biro ni Sophia. Lalo na ikaw Drake gwapo ka naman at maganda ang pangangatawan so imposibleng walang magkagusto sayo. Babe naman! pinapaselos mo naman ako niyan eh! Nagtatampong wika ni Spencer. Saktong tumunog ang cellphone nito.

Hello! Alex kumusta ka na? Bakit ngayon ka lang tumawag. Miss na kitang bruha ka. Anong balita sayo? Bakit mo kami iniwan noon sa club? Sunod-sunod na tanong ni Sophia kay Alexa. Kayo nga itong nang iwan sakin eh! Nagcr lang ako pagbalik ko wala na kayo. Nagtatampong wika ni Alexa. Bakit ba ang ingay jan nasaan ka ba? nagtatakang tanong nito. Nasa bar pa ako babe! Wait lang tawagan kita later pag-uwi ko madami akong chika sayo. Sige bye! Agad na paalam nito. Bumalik na si Sophia sa table nila.

Babe, sino yung Alex? Bakit kailangan mo pang lumayo habang kausap mo siya ?tunog selos na tanong ni Spencer. Ah si Alex kaibigan ko siya since highschool nasa New York na siya ngayon she's a girl no! Alexandria Nicole yun ang boung pangalan niya. Napakaseloso mo naman that's why I like you! Paglalambing pa ni Sophia. Asus! Tigilan niyo ngang dalawa yan nang-iinggit pa kayo. Reklamo ni Clinton. Haha! Tawa ni Spencer maghanap na kasi kayo at nang hindi kayo naiingit samin. Oo nga naman dagdag ni Sophia. Anung drinks ang gusto mo babe ikuha na kita. Vodka na lang Babe! request ni Sophia. Maya maya pa bumalik na si Spencer at may dalang whiskey at vodka. Tara umpisahan na natin. Yaya nito. Habang nag iinuman sila ay pinag uusapan nila ang pagtatayo ng bagong branch ng club nila. Mejo na out of place si Sophia kaya nagpaalam ito na mauna na. Pinayagan naman ito ni Spencer.

Pagdating sa unit niya ay tinawagan niya si Alexa. Yes! Sophie nakauwi ka na? So ano ang latest? May bago na naman ba? Biro ni Alexa. Yes na yes babe! Ang gwapo nung papa Spencer ko ang hot din. Tapos yung mga kaibigan bigatin puro business man at mga hunk din kinikilig na wika ni Sophia. So ano pala ang nangyari sayo at bigla kang nawala nun sa Bachelor's Club? Iniwanan niyo ko muntik na kung mabastos no? Buti na lang tinulungan ako nung guy. Nagtatampong wika ni Alexa. Oh! Sorry so ano gwapo yung guy nakilala mo ba? excited na tanong nito. Yun nga eh hindi ko namukhaan at hindi ko nakilala ang matindi may nangyari sa amin. What? Bulalas niya. Hindi mo kilala at hindi mo namukhaan tapos may nangyari sainyo? Anung kalokohan yun Alexa? I think may drugs yung pinainom sakin dun sa club may guy kasi na lumapit sakin at kinukulit ako kaya ininom ko nalang and then nung nahilo ako. Pumunta ako ng cr tapos may humarang sakin pinilit akong yakapin at halikan. Tapos bigla na lang may sumapak dun sa guy ayun bumulagta kaya hindi na ko tumuloy dun sa cr. Pagbalik ko hinanap ko kayo ngunit di ko na kayo nakita kaya nagdesisyon na ko umuwi. Tapos nung nag-aabang ako ng masasakyan muntik na kung matumba. Doon may sumalo sa akin. Hindi ko na namukhaan kasi nakatulog na ko. Tapos pagkagising ko kinabukasan nakahubo't hubad na ko may katabing lalaki sa takot at hiya ko dali-dali na kong umalis. Pagkukuwento ni Alexa. Ano ka ba naman Alex hindi mo man lang pinagalitan yung guy sinampal o sinabunutan? First time mo tas ganun ang nangyari sayo. Paano kung mabuntis ka? Eh di lalaki yang anak mo ng walang ama tapos ang bata bata mo pa. Pangagaral ni Sophia. Sophie anak agad? Pwede bang natakot lang ako at saka baka mapahiya lang ako dun sa guy. Paano kung itanggi niya ko at ipagtabuyan edi nagmukha akong katawa tawa. Di bale na. Eh panu nga kung mabuntis ka? Okay lang kaya sa mga magulang mo na walang ama ang anak mo?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status