Mag-log inNang makaalis na si Riza, agad nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Kenneth. Mula sa ngiti, naging seryoso ang mukha niya, parang may switch na na-turn off. Ilang sandali pa, sinulyapan niya ang direksyong tinahak ni Riza, saka niya sinenyasan ang driver na kanina’y muntik na niyang mapagalitan. Agad itong lumapit at pinarada ang mamahaling SUV sa harapan ni Kenneth.
“Sir, pasensya na po. Akala ko—”
“Next time,” malamig niyang putol, “Kapag kasama ko ang babaeng iyon, wag kang lalapit. Huwag kang tatawag ng sir, huwag mo akong titignan, huwag kang magpapakita. Maliwanag ba?”
Tumango agad ang driver, pawis na pawis sa takot “Opo, Sir Kenneth.”
Sumakay na siya sa likurang upuan. Kinuha niya ang cellphone at tinawagan ang assistant niyang si Leo, ang pinakamatapat at pinakakabado niyang empleyado.
“Leo, maghanap ka ng simpleng bahay sa area na ito,” malamig niyang utos. “Gusto ko ‘yung pang-mekaniko lang, maliit, pero malinis. Sabihin mong rush.”
“Sir? Simpleng bahay po? Sino ang titira?”
“Just do it Leo! Wala ng madaming tanong.”
“O-opo, sir. Kaagad po.”
Ibinaba niya ang telepono at huminga nang malalim. Sa isip niya, gusto kong patunayan na hindi ka gold digger, kailangan kong magpanggap hanggang dulo.
-------
Pagdating sa opisina ng KS Luxe Holding, ibang Kenneth na naman ang humarap sa mundo. Pagbukas ng pintuan ng sasakyan, bumungad ang mga guwardiya at empleyadong agad yumuko at nagbigay galang sa pagdating ng CEO ng KS Luxe Holdings
Ang dating mekanikong amoy mantika ay ngayo’y naka-itim na suit, makintab ang sapatos at mamahalin. Matikas siyang bumaba ng sasakyan na parang eksena sa slow motion movie. Ang bawat hakbang niya ay sinasabayan ng paglayo ng mga empleyado na tila takot dumikit sa kanya.
“Good morning, Mr. Sy.”
“Good morning, sir.”
Ngunit kahit sino pa ang bumati ay wala kang makukuhang sagot o kahit sulayp mula kay Kenneth. Walang sumusubok na sabayan ang lakad niya na tila ba ipinagbabawal siyang masapawan sa camera.
Sa lobby, nang may nagkamaling pumasok sa elevator kung nasaan siya papasok. Napatingin lang si Kenneth — isang titig na parang sinampal ng hangin ang empleyado.
“Next elevator,” malamig niyang sabi.
Agad lumabas ang empleyado, namumutla. Kahit ito ang nauna. Bawal sabayan si Kenneth ng pangkaraniwang empleyado ng kanyang kumpanya. Pagpasok niya sa opisina sa pinakamataas na palapag, sinalubong siya ni Leo dala ang laptop at kape.
“Sir, eto po ‘yung mga meeting schedules n’yo, tapos nagtanong po si Madam tungkol sa date na sinet up niya kagabi…”
Tumigil si Kenneth, napabuntong-hininga.
“Sabihin mong hindi ako interesado. At huwag kang mag uupdate sa kanya kung ano ang ginagawa ko sa bawat araw."“Opo, sir. Yung bahay po—nakahanap na rin ako.”
“Good. Bukas, ipakita mo sa akin bago ko puntahan si Riza.”
Tahimik sandali si Leo, saka napangiti.
“Sir, kung pwede lang po akong magtanong… Sino po si Riza? Siya po ba ‘yung dahilan kung bakit nag-mekaniko costume kayo kahapon?”
Tumaas ang kilay ni Kenneth, tinapunan ito ng matalim na tingin. “Curiosity killed the cat, Leo.”
Agad natahimik ang assistant. “Noted po, sir.”
Humilig si Kenneth sa swivel chair, tinakpan ng kamay ang mukha at napangiti nang bahagya.“Fake boyfriend, ha…” bulong niya. “Let’s see kung hanggang saan ka, tatagal Miss Riza Gomez.
-------
“Tadaaa!”
Masiglang itinaas ni Riza ang hawak niyang resume sa harap ng best friend niyang si Nerissa, habang kumakain sila ng pancit canton sa kanilang maliit na apartment.
“Tingnan mo ‘to, Neri! Aplikante na ang lola mo!”
Napakunot ang noo ni Nerissa. “Wait lang, saan ka ba mag-aapply?”
“Sa KS Luxe Hotel!” proud na sabi ni Riza. “Janitor muna. Stepping stone ‘yan para makapasok ako sa loob. Who knows, baka someday, maging front desk staff ako!”
“KS Luxe?” napalunok si Nerissa. “Akala ko ba galit ka sa mga tao roon? ‘Di ba iyan ‘yung kumpanyang may convoy na nakabasa sa’yo?”
“E, oo nga,” sagot ni Riza habang kumakain. “Pero hello, Neri, Nandoon lahat ng magagandang opportunity. Huwag natin iwasan! Baka destiny ko ‘yon!”
“Destiny o disaster?” pang-aasar ni Nerissa.
“Bahala na! Basta makapagtrabaho ako, makabayad ng renta, at may pambili ng shampoo na hindi pang-dishwashing liquid masaya na ako.” natatawang sabi ni Riza. “’Yan ang tunay na goal sa buhay!”
Kinabukasan, nakasuot siya ng simpleng blouse at itim na slacks. Inayos pa niya ang buhok, kahit medyo kabado.
“Good luck, future janitress!” sigaw ni Nerissa habang kumakaway.
------
Sa KS Luxe Hotel.
Pagdating niya sa lobby ng KS Luxe Hotel, napanganga siya. Ang mga chandelier ay parang ginto, ang sahig ay kintab na parang salamin, at ang amoy ng hangin—parang imported!
“Grabe, kahit kalat ko dito, baka mag-sparkle,” bulong niya sa sarili.
Lumapit siya sa receptionist para magsumite ng resume. “Good morning po, for janitorial position.”
Ngumiti ang staff. “Please wait here, Miss Gomez.”
Habang naghihintay siya, napatingin si Riza sa dulo ng hallway. May dumaan—isang lalaking naka-itim na coat, matikas, pamilyar ang tindig.
“Parang… si Kenneth?” bulong niya, sabay iling. “Hindi, imposible. Mekaniko ‘yon, hindi corporate daddy.”
Ngunit nang lumingon siya ulit para tiyakin ay wala na. “Ang bilis naman niyang maglakad. Eh kung siya nga? Eh di mayaman siya?”
Napailing ulit si Riza. “Hindi. Hindi pwedeng siya ‘yon. Hindi marunong ngumiti ‘yon, pero cute.”
Napangiti siya mag-isa, sabay pigil sa sarili. “Stop it, Riza! “
Samantala, sa kabilang gusali, naglalakad si Kenneth Sy papunta sa meeting room kasama si Leo, hawak ang tablet.
“Sir, eto po ‘yung shortlist ng mga aplikante sa hotel branch.”
“Hmm,” sabi ni Kenneth habang binubuklat iyon, hanggang sa mapansin ang isang pamilyar na pangalan.
“Riza… Gomez?” Napatingin siya kay Leo. “Anong posisyon niya?”
“Ah, janitor po, sir.”
“Janitor?” tumaas ng kilay si Kenneth, pero may halong ngiti sa labi.
Tahimik sandali si Leo, saka nagtanong, “Sir, kilala n’yo po ba siya?”
“Hmm. In a way,” malamig pero may bahid ng ngiti ang tono ni Kenneth. “Bakit, curious ka?”
“Ah, hindi naman po, sir. Pero gusto n’yo po bang ipa-fast track ang application?”
“Hindi. I-hire mo lang. Pero wag mong ipapaalam na ako ang nag-utos.”
Good morning everyone!” simula ni Kenneth. “Marami ang nagtatanong sa akin tungkol sa personal na buhay ko. Kaya naman ngayon, gusto ko pong i-confirm na hindi na po ako isang bachelor. May asawa na ako…” Huminto siya ng kaunti, tila tinitiyak ang bigat ng salita bago ituloy.Napatingin si Riza sa TV, hindi makapaniwala. Ang kanyang puso ay mabilis na tumitibok. “Wait… ano?” bulong niya sa sarili.“…at ang aking asawa, si Riza Gomez, isang ordinaryong babae at siya ay nagdadalang-tao sa aming anak. Ang magiging tagapagmana ng aking mga ari-arian At bilang karagdagan, inihahanda na rin namin ang aming muling pagpapakasal sa simbahan, at lahat kayo ay iniimbitahan ko upang masaksihan ang espesyal na okasyon na iyon sa aming buhay." pagtatapos ni Kenneth, nakatingin sa camera nang seryoso ngunit may halong pagmamahal.Hindi makapaniwala si Riza, halos mahulog ang baso ng kape sa kamay niya. “Alexa… t-t-tama ba ang napanood ko… sinabi niya lahat?” tanong niya, nanginginig ang tinig.
“Ahhh?! Riza! Ano—?” napahinto si Kenneth sa sorpresa niya.“Ikaw! Akala ko, napaano ka na! Sabi ni Leo, nasa ospital ka!” galit na sabi ni Riza, na hindi na napigilan ang sarili na mapaiyak.Si Leo naman, nakatayo sa gilid, parang wala sa sarili sa kakatawa. “Ma’am… I’m so sorry. Wala po talaga akong maisip na paraan para maisama po kayo rito kundi… magsinungaling po ako!”Napabuntong-hininga si Riza, halatang nagagalit at nagulat sa parehong pagkakataon. “Leo! Pinaniwala mo ako na may nangyari kay Kenneth? Hindi mo ba alam na halos mamatay ako sa biyahe sa kakaisip."“Hindi ko po sinasadya! Eh… alam niyo po, Ma’am, wala po akong ibang paraan para masiguro na makakapag-date kayo… special date po ito! Promise po!” paliwanag ni Leo, parang nag-aalay ng buong puso at utak sa pagpapaliwanag.Napatingin si Riza sa gitna ng restaurant, nakita ang violinist, ang soft lights, at si Kenneth na parang nakalimot na sa sakit, sa lungkot, sa lahat ng mundo maliban sa kanya. Sa kabila ng init ng g
Malungkot na nakaupo si Riza sa gilid ng kama sa kanyang silid. Hawak niya ang cellphone, paulit-ulit na tinitingnan ang screen kahit alam niyang wala pa ring bagong mensahe. Isang linggo na. Isang buong linggo na mula nang makalabas siya ng ospital, at ni isang text o tawag mula kay Kenneth—wala.Tahimik ang kwarto, pero maingay ang isip niya. "Business trip."Iyon lang ang huling impormasyong alam niya. Iyon lang din ang paulit-ulit niyang inuusal sa sarili, kahit mas masakit ang tanong na pilit niyang iniiwasan. "Talaga bang mas importante iyon kaysa sa akin? Ang kanyang trabaho?"Huminga siya nang malalim, pilit nilulunok ang bigat sa dibdib. Alam niyang hindi dapat siya mag-isip ng masama, pero paano kung ganoon na lang kadali para kay Kenneth na iwan siya? Paano kung nagbago na talaga ang lahat mula nang malaman nitong buntis siya noon? Paano kung—Napapikit siya, pinipigilan ang pagpatak ng luha. Ayaw niyang maging mahina. Ayaw niyang maging babae na palaging naghihintay.Samant
“Boss… tayo ba ay babalik na sa ospital? Tumawag si Madam Cely, nagkamalay na daw po si Maam Riza” tanong ni Leo, habang pinapadala ang impormasyon sa mga tauhan na nagsasakay sa tatlo palayo.“Hindi pa. Siguraduhin mong maghihirap sila kung saan ko man sila ipapatapon. Ang leksyon na ito ay hindi nila makakalimutan,” sagot ni Kenneth, ang boses ay malamig ngunit punong-puno ng kontrol.Ang eksena ay malinaw na nagpapaalala sa lahat kung sino ang nakatayo sa harap nila—si Kenneth Sy, ang bilyonaryong asawa na hindi basta-basta, at ang lalaki na handang gawin ang lahat para sa kanyang asawa at pamilya.----------Mahina ang ilaw sa silid ng ospital. Ang tanging maririnig ay ang banayad na tunog ng makina na nagbabantay sa tibok ng puso ni Riza. Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata, parang may mabigat na ulap sa isip niya. Masakit ang ulo niya, at pakiramdam niya ay may kulang—parang may bahagi ng alaala na ayaw magpakita.“Gising ka na pala.”Isang pamilyar na boses ang pumasok sa
Sa labas, si Tanya, Veronica, at Nikko ay nagulat sa hindi inaasahang pagpasok ni Kenneth sa nag-aapoy na bodega. “Ano ‘yan? Bakit pumasok siya?!” galit na galit na sabi ni Tanya."Tara na! Hayaan mo na sila! Baka makita pa tayo ni Kenneth," aya ni Nikko na dala na ang maleta ng pera."May araw ka rin sa akin Riza. Sa susunod hindi ka na makakaligtaa." pagbabanta ni Tanya. Si Kenneth, ay buhay niya si Riza palabas ng bodega, hindi alintana ang panganib at init ng apoy. Ang huling tingin niya sa kidnapper ay nakita niyang paalis na ang sasakyan ng a mga ito at puno ng babala na sinundan niya ng tingin ang kotse. Ang apoy ay unti-unting kumakalat sa paligid, ngunit hindi niya alintana. Ang tanging mahalaga ay si Riza at ang kanilang baby.----------Tumatama ang liwanag sa bintana ng ospital. Dahan-dahan na nagising si Riza, ngunit ang kanyang isip ay malabo, puno ng kalituhan. Napansin niyang nakaupo sa tabi ng kanyang kama si Madam Cely, ang lola ni Kenneth, nakatitig sa kanya nang
Pagdating ng gabi, habang nakahiga sa kanyang kwarto, hindi agad nakatulog si Kenneth. Ang isip niya ay bumabalik sa nangyari sa mall, sa halik, at sa bawat cute moment nila ni Riza habang namimili. Hindi niya namalayan ay nakatulog na din siya.Sa kanyang panaginip, lumitaw si Riza sa harapan niya, nakangiti at may dalang ilang baby items, ngunit ang mga mata nito ay nakatuon sa kanya. Naglakad ito patungo sa kanya, at tila ba lumilitaw sa hangin ang kabuuan ng kanilang nakaraan—ang unang halik sa kalsada ng isang estranghera."Sakyan mo lang ako babayaran kita.” bulong ni Riza sa kanya.Tumango si Kenneth, ngunit sa panaginip, may ngiti sa labi at sabay hawak sa kamay niya si Riza. Nagpakita siya ng kabuuan ng intensyon noon—ang pagtanggap na maging peke nitong boyfriend upang paghigantihan sina Nikko at Tanya, ang kapatid ni Riza na taksil, at ang pagtatago ng tunay niyang pagkatao bilang bilyonaryo habang nagpanggap na mekaniko.Ngunit habang nagpapatuloy ang panaginip, unti-unti







