MasukNapangiti si Kenneth. “OO, gusto kong makita kung paano siya magtrabaho. And Leo…”
“Sir?”
“Walang makakaalam na konektado siya sa’kin. Lalo na si Lola.”
“Yes, sir!” sagot ni Leo, halos mag-salute sa kaba.
Habang naglalakad si Kenneth, nakatingin siya sa bintana ng opisina. Mula ro’n, tanaw niya ang gusali ng KS Luxe Hotel.
Napangiti siya, halos pabulong, "Let’s see, Miss Janitress. Kung paano mo tatakbuhan ang destiny mo papunta pa sa akin.”
______
Unang araw ni Riza bilang janitress sa KS Luxe Hotel. Bitbit niya ang mop, tabo, at balde ng tubig habang humihinga nang malalim.
“Okay, Riza Gomez,” bulong niya sa sarili. “Ito na ‘to. Linisin mo iyan parang nililinis mo ang love life mong puro kalat!” Habang nagmamop, hindi niya napansin na basa na pala ang sahig sa harapan niya. “Ayyyyy!” Bago pa siya tuluyang bumagsak, may dalawang kamay na mabilis na sumalo sa kanya. Mainit, matatag, at amoy mamahaling pabango. Pag-angat ng ulo niya ay napatigil siya. “Hindi na talaga mawawala ang tubig sa pagitan natin, ano?” Si Kenneth. Nakasuot ito ng dark coat, crisp white shirt, at black slacks parang galing sa fashion magazine, hindi sa talyer. Nasa bisig pa rin niya si Riza, halos magkadikit na ang kanilang mukha. Pareho silang napatingin sa isa’t isa, sandaling tumigil ang oras. Mabilis na kumabog ang dibdib ni Riza. “Uh… pwede mo na akong ibaba…” bulong niya, namumula. “Sigurado ka? Baka madulas ka ulit,” sagot ni Kenneth na may pilyong ngiti. “Ay hindi na! Kakapit na lang ako sa mop ko!” sabi niya sabay tulak ng marahan sa dibdib nito, kahit halatang nahihiya. Pagkatayo niya, nagulat siya lalo. “KENNETH! Ikaw nga?!” halos pasigaw si Riza, napapikit sa gulat. “Anong ginagawa mo dito?” Medyo natawa si Kenneth, pero agad nagpalusot. “Inutusan ako ng boss ko. May pinapaayos na sasakyan sa KS Luxe fleet.” “Ha? Pero bakit… naka-coat ka?” taas-kilay ni Riza. “Ganito na ba ka-sosyal ang mekaniko ngayon?” “Ah… bigay ng kumpanya,” mabilis na sagot ni Kenneth. “Big client kasi ‘to. Kailangang pormal, baka isipin nila cheap kami.” “Ahhh…” tango ni Riza, medyo convinced. “Ang sosyal naman ng kumpanya niyo. Dapat pala doon ako nag-apply!” Habang nagkukwentuhan pa sila, lumapit si Leo dala ang clipboard. “Sir—uh, Kenneth! Nandito na po ‘yung—” Napatigil si Leo nang makita si Riza, agad siyang tinapik ni Kenneth sa balikat. “Boss ko nga pala,” sabi ni Kenneth sabay kindat kay Leo. “Si Boss Leo nga pala Riza.” “Ah, boss mo pala!” ngumiti si Riza. “Ang bait naman! Mukhang mabait at approachable!” Halos malaglag ang panga ni Leo. “A-ah—oo! Sobrang bait ko nga, miss!” Nagtawanan silang tatlo sandali bago nagpaalam si Riza. “Sige, balik na ako sa sahig bago ako mawalan ng sahod sa unang araw. Salamat sa pagsalo, ha!” “Walang anuman,” sagot ni Kenneth, nakangiti. “Next time, ‘wag mong kalabanin ang gravity.” “Ha-ha, very funny,” sabay irap pero may ngiti si Riza bago umalis. Pagkaalis ni Riza, agad nagbago ang mukha ni Kenneth—mula sa ngiti, naging seryoso. “Leo,” tawag niya, habang pinapanood si Riza sa salamin. “Yes, sir?” “Tandaan mo kapag nandiyan siya, ako si Kenneth, hindi si Kenneth Sy.” “Yes, sir. Pero... bakit niyo po ‘to ginagawa?” Tahimik si Kenneth saglit. Tumingin siya sa direksyon ni Riza na masayang nagmop ng sahig, habang nagpe-play sa isip niya ang eksenang kanina, ang pagkadulas nito sa kanyang mga bisig. “Gusto kong makilala siya… nang hindi dahil sa kung anong meron ako.” Napangiti si Leo, halos kiligin. “Sir, baka ma-in love kayo ha.” Tiningnan siya ni Kenneth ng malamig na tingin. “Focus on your job, Leo.” Ngunit pagtalikod nito, bahagyang ngumiti si Kenneth. “Pero kung ma-in love man ako… hindi ko siya tatakbuhan.” Paglabas ni Riza sa kumpanya ay agad niyang nakita si Kenneth na nakasandal sa poste. Nakapamulsa ito at tila kanina pa naghihintay. “Anong ginagawa mo rito?” tanong niya habang naglalakad palapit. Ngumiti lang ito. “Ihahatid kita. Baka madulas ka ulit, mahirap na.” Namilog ang mata ni Riza at napahampas sa braso nito. “Hmph! Isang beses lang iyon!” Tumawa lang si Kenneth at binuksan ang pinto ng kotse. “Sakay na.” Napatingin si Riza sa sasakyan. “Wow, may sasakyan ka. Akala ko ba mekaniko ka lang?” “Company service ‘to. Inutusan ako ng boss ko, kailangang mag-repair ng sasakyan sa Luxe Group, kaya nagamit ko.” paliwanag nito sabay ngiti. “Teka, bakit naka-coat ka pa din? Mukhang mamahalin pa!” “Hindi pa ako umuuwi mula pa kanina.” Napangiti siya. “Ahh, ganun ba. Ang galing mo rin palang magdala ng sarili mo ano.” “Sanay lang,” sagot ni Kenneth, pero lihim na natatawa sa loob. Tahimik silang bumiyahe. Paminsan-minsan ay palihim siyang sinusulyapan ni Kenneth. Pagdating nila sa isang subdivision ay huminto ang kotse. “Dito ka nakatira?” gulat na tanong ni Riza nang makita ang bahay. Simple pero parang model house—malinis, maaliwalas, at mamahalin. Tinignan ni Kenneth ang tinext na address ni Leo. Tama naman pero masayadong magara ang bahay. Hindi bagay sa isang mekaniko. Napasimangot si Kenneth at agad tinawagan si Leo. “Leo, diba sabi ko simpleng bahay pang mekaniko ang pinahanap ko. Ano to? Bakit sa subdivision?” “Boss, ‘yan na po ang pinakamura sa area,” sagot ng nasa kabilang linya. Hindi ko naman po kayo maaring ihanap sa skwater. Gusto niyo tanggalin ko ‘yung chandelier at mga gamit?” Napapikit si Kenneth. “Huwag na. Baka mapansin pa lalo." inis na pinatay ang tawag. Pagharap niya kay Riza ay pilit siyang ngumiti. “Pasensya na ha. Nagtext kasi iyong Boss ko kaya tinawagan ko. Company housing lang ‘to. Pansamantala lang habang sa kanila ako nagtratrabaho.” “Grabe, kung ganito kaganda ang pansamantala mo, paano pa kaya ‘yung totoo?” biro ni Riza sabay tawa. Ngumiti rin si Kenneth. “Kung gusto mo, pwede kang tumambay dito minsan. Libre kape.” “Kape lang? Baka may bayad pag may tinapay na!" "Tara pasok tayo!"Pagpasok nila sa bahay, agad na napansin ni Riza ang kalinisan at aliwalas nito. Napansin din niya ang mga mamahaling mga gamit. Napakagara ng loob nito. Napakalinis na parang may katulong na naglilinis dito.“Wow… simple pero ang ganda pala dito sa loob. Mahal suguro ang renta dito.” bulong niya habang nag-iikot.Ngumiti lang si Kenneth, pilit itinatago ang inis sa tauhan, “Oo, ganyan kasi kabait ang boss ko sa mga empleyado niya. Gusto niya the best at komportable kami."Lumapit si Riza sa sofa at pabagsak na umupo sabay tanong. “So… gaano ka na katagal na mekaniko?”“Ah… ilang taon na rin.” sagot ni Kenneth, malamig at maikling paliwanag.“Ah, dapat alagaan mo ang trabaho mo. Ang swerte mo sa boss mo. Siguro ang laki ng sweldo mo. Mukha ka kasing mayaman. Ang bango-bango mo hindi ka amoy, mekaniko.” patuloy ni Riza, halatang curious.“Uh… perks lang. Galing sa kumpanya,” sagot ni Kenneth, bahagyang napangiti. “Salamat sa papuri."Habang nagkukwentuhan, hindi mapigilan ni Riza ang m
Nataranta si Leo. “Sir, janitor tutulungan mo?”Napangiti si Kenneth. “OO, gusto kong makita kung paano siya magtrabaho. And Leo…”“Sir?”“Walang makakaalam na konektado siya sa’kin. Lalo na si Lola.”“Yes, sir!” sagot ni Leo, halos mag-salute sa kaba.Habang naglalakad si Kenneth, nakatingin siya sa bintana ng opisina. Mula ro’n, tanaw niya ang gusali ng KS Luxe Hotel.Napangiti siya, halos pabulong, "Let’s see, Miss Janitress. Kung paano mo tatakbuhan ang destiny mo papunta pa sa akin.” ______Unang araw ni Riza bilang janitress sa KS Luxe Hotel. Bitbit niya ang mop, tabo, at balde ng tubig habang humihinga nang malalim.“Okay, Riza Gomez,” bulong niya sa sarili. “Ito na ‘to. Linisin mo iyan parang nililinis mo ang love life mong puro kalat!”Habang nagmamop, hindi niya napansin na basa na pala ang sahig sa harapan niya.“Ayyyyy!”Bago pa siya tuluyang bumagsak, may dalawang kamay na mabilis na sumalo sa kanya. Mainit, matatag, at amoy mamahaling pabango. Pag-angat ng ulo niya ay n
Nang makaalis na si Riza, agad nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Kenneth. Mula sa ngiti, naging seryoso ang mukha niya, parang may switch na na-turn off. Ilang sandali pa, sinulyapan niya ang direksyong tinahak ni Riza, saka niya sinenyasan ang driver na kanina’y muntik na niyang mapagalitan. Agad itong lumapit at pinarada ang mamahaling SUV sa harapan ni Kenneth.“Sir, pasensya na po. Akala ko—”“Next time,” malamig niyang putol, “Kapag kasama ko ang babaeng iyon, wag kang lalapit. Huwag kang tatawag ng sir, huwag mo akong titignan, huwag kang magpapakita. Maliwanag ba?”Tumango agad ang driver, pawis na pawis sa takot “Opo, Sir Kenneth.”Sumakay na siya sa likurang upuan. Kinuha niya ang cellphone at tinawagan ang assistant niyang si Leo, ang pinakamatapat at pinakakabado niyang empleyado.“Leo, maghanap ka ng simpleng bahay sa area na ito,” malamig niyang utos. “Gusto ko ‘yung pang-mekaniko lang, maliit, pero malinis. Sabihin mong rush.”“Sir? Simpleng bahay po? Sino ang titira?”
“Ha?“Let’s make a deal. Magpanggap kang girlfriend ko for a while.”“Ano?! Bakit ako?”“Dahil nakita kong magaling kang umarte. Lalo na sa halikan. Ang lola ko ay wala ng ginawa kundi i set up ako kung kani-kaninong babae. Kung malalaman niya na may gf na ako, titigilan na niya ako.”Namula si Riza. “H-hindi naman ako—”“Fake lang ‘to. Contractt girlfriend kita. At wag kang mag-alala, hindi ako mayaman. Kaya hindi ko kaialangan ng sosyal na babae.”“Okay,” sabi ni Riza, medyo nakahinga ng maluwag. “Ayoko sa mga mayayabang na mayaman.”Ngumiti si Kenneth. Kung alam mo lang, sabi ng isip niya. At sa likod ng ngiting iyon, unti-unti na niyang naisip: Maybe this “six-hundred-peso girlfriend” could be worth more than he expected.______"Pasensya na ha." sabi ni Riza habang naglalakad sila ni Kenneth. “Dito na lang tayo kumain. Wala akong budget para sa fancy restaurant mo."Tumingin si Kenneth sa karatula sa harap ng maliit na karinderya: "Aling Bebang’s Karinderya – Sulit sa Sarap!"Nap
“Bestie! Buksan mo ‘tong pinto bago ako magka-pneumonia!” Sigaw ni Riza habang kumakatok sa pintuan ng maliit nilang apartment.Basang-basa siya mula ulo hanggang paa, parang naligo sa kanal at sabay tinapon sa baha.Pagbukas ni Nerissa, agad nitong natigilan.“Girl... anong nangyari? Nilunod ka ba ng ex mo sa drama n’yong teleserye?”Napasinghap si Riza. “Mas masahol pa! Nahuli ko silang dalawa ni Tanya sa kama!”“WHAT?!” sabay hawak ni Nerissa sa dibdib. “As in, literal na kama?!”“Hindi nga ako makapaniwala, bestie. Akala ko scene lang sa mga pelikula ‘yung mahuhuli mo ang boyfriend mo na may iba — pero hindi pala! Live show, bestie, live show!” Umupo siya sa sofa, tumutulo pa ang tubig mula sa buhok.“Eh bakit ka basang sisiw?” tanong ni Nerissa habang pinupunasan ng tuwalya ang basa niyang ulo.“Habang naglalakad ako, pinagtatawanan ata ako ng tadhana. May convoy ng mamahaling sasakyan — siguro pagmamay-ari ng kung sinong mayaman, tapos tinalsikan ako ng tubig! Wala man lang sorry
Simple lang si Riza — nakaipit sa likod ang buhok, may lumang headband, at tanging ngiti lang ang kayamanang hindi niya kailangang bilhin. Sa murang edad, siya na ang tumayong haligi’t ilaw ng tahanan. Dahil matapos mamatay ng kanyang ina, siya na lang at ang kanyang Tatay Mario ang naiwan. Ngunit simula nang dumating si Veronica, ang bagong asawa ng kanyang ama, naging parang ulila uli si Riza. Kung ano ang meron siya, madalas ay si Tanya — anak ni Veronica ang nakikinabang.“Babe, bayaran mo na muna yung kuryente ha? Naputulan na naman ako eh…”Malambing na mensahe ni Nikko, ang boyfriend niyang tatlong taon na niyang sinusuportahan — emotionally at financially. “ Sige na love. Ibibigay ko mamaya pag sweldo ko.”Naiiling siyang napakamot ng ulo dahil alam ni Riza, hindi naman ito nagtatrabaho si Nikko. Sa totoo lang, mas madalas itong nasa gym kaysa sa trabaho. At kahit alam niyang babaero ito, pinipili pa rin niyang maniwala.“Baka magbago naman siya,” bulong niya sa sarili.______







