LOGINPagpasok nila sa bahay, agad na napansin ni Riza ang kalinisan at aliwalas nito. Napansin din niya ang mga mamahaling mga gamit. Napakagara ng loob nito. Napakalinis na parang may katulong na naglilinis dito.
“Wow… simple pero ang ganda pala dito sa loob. Mahal suguro ang renta dito.” bulong niya habang nag-iikot.
Ngumiti lang si Kenneth, pilit itinatago ang inis sa tauhan, “Oo, ganyan kasi kabait ang boss ko sa mga empleyado niya. Gusto niya the best at komportable kami."
Lumapit si Riza sa sofa at pabagsak na umupo sabay tanong. “So… gaano ka na katagal na mekaniko?”
“Ah… ilang taon na rin.” sagot ni Kenneth, malamig at maikling paliwanag.
“Ah, dapat alagaan mo ang trabaho mo. Ang swerte mo sa boss mo. Siguro ang laki ng sweldo mo. Mukha ka kasing mayaman. Ang bango-bango mo hindi ka amoy, mekaniko.” patuloy ni Riza, halatang curious.
“Uh… perks lang. Galing sa kumpanya,” sagot ni Kenneth, bahagyang napangiti. “Salamat sa papuri."
Habang nagkukwentuhan, hindi mapigilan ni Riza ang magtanong pa.
“Eh… kapag nagka-problema ang kotse, nagre-repair ka rin ba sa bahay ng kliyente mo? Mas mahal siguro kapag home service.”
“Uh… minsan,” sagot ni Kenneth, mabilis at maikli, pilit itinatago ang totoo. “Depende. Kapag may ngiting kasama, may discount.”
“Umupo ka lang diyan, ako na ang magluluto,” sabi ni Riza habang nagsusuot ng apron na may design na “Kiss the Cook.”
Napatingin si Kenneth at bahagyang natawa. “Sigurado ka bang marunong ka?”
“Excuse me,” nakataas ang kilay ni Riza. “Baka nakakalimutan mong waitress ako sa karinderya. Sanay akong magluto kahit tulog.”
“Ah ganun ba?” ngumisi si Kenneth. “Baka kasi tulog ka rin habang nagluluto.”
Napahampas si Riza sa braso nito. “Ang yabang mo! Sige, hintayin mo, magugulat ka sa sarap.”
Sumumod si Kenneth at naupo sa may counter, pinagmamasdan si Riza habang naghihiwa ng bawang. Tahimik, pero ramdam niya ang kakaibang lambing sa bawat kilos nito—parang ang gaan ng loob ng niya dito bigla. Habang piniprito ang bawang at sibuyas, biglang tumalsik ang mantika.
“Ay!” sigaw ni Riza.
Agad siyang nilapitan ni Kenneth at hinawakan ang kamay nito. “Nasaktan ka ba?”
“Hindi naman… maliit lang ‘to,” sagot ni Riza, pero hindi niya maiwasang mapatitig sa kaharap.
Sandaling natahimik ang paligid. Nakatitig lang si Kenneth sa mga mata ni Riza, at para bang nakalimutan niya kung sino siya—hindi bilang CEO, kundi bilang lalaking ngayon lang muling tinablan ng emosyon.
“Hindi ka dapat clumsy, ingatan mo lagi ang sarili mo.” bulong ni Kenneth, habang hawak pa rin ang kamay niya.
Ngumiti si Riza, pilit itinatago ang kilig.
“Ang sweet mo rin pala minsan, Mr. Mekaniko.”
“Hindi ako sweet,” mabilis na depensa ni Kenneth.
“Ah ganun?” biro ni Riza. “Eh bakit hawak mo pa ‘yung kamay ko?”
Nagkatinginan sila. Walang nagsalita. Tila tumigil ang oras, at tanging amoy ng nilulutong adobo ang bumalot sa hangin.
Napalunok si Kenneth at bahagyang umatras. “A-ano… baka masunog.”
“Baka ikaw ang masunog,” natatawang sabi ni Riza.
Nang matapos magluto, sabay silang kumain sa maliit na mesa. Tahimik si Kenneth, pero lihim siyang napapangiti habang pinapanood si Riza kumain. Ganito pala ‘yung pakiramdam… may kasama sa simpleng hapag.
“Masarap?” tanong ni Riza, nakangiting parang batang naghihintay ng papuri.
“Pwede na,” sagot ni Kenneth, kunwari’y walang gana.
“Pwede na?” reklamo ni Riza. “Hindi ba pwedeng sobrang sarap?"
Ngumiti si Kenneth. “Okay fine… sobrang sarap. Tulad mo.”
Biglang natahimik si Riza, napakagat sa labi, sabay iwas ng tingin. At si Kenneth? Napangiti nang totoo isang ngiting matagal nang hindi niya nagagawa. Masayang natapos ang gabi para kay Riza. Ngayon lang ulit siya tumawa nang ganun—‘yung tawa na galing sa puso, hindi sa pang-aasar. Habang nakahiga, hindi niya maiwasang isipin ang ngiti ni Kenneth.
Grabe, bakit parang iba ‘yung kilig kapag siya ang kasama ko.
Pero kinabukasan, iba na ang ihip ng hangin. Pagpasok ni Kenneth sa opisina, sinalubong siya ng boses na parang sirenang nawalan ng tono.
“Good morning, Kenneth!”
Si Trishia, isa sa mga department heads ng KS Luxe, at kilalang flirt ng kumpanya.
Nakapulupot ang buhok nito, suot ang mini skirt na halos opisina lang ang may lakas ng loob na tanggapin.
“Oh, Trishia,” malamig na bati ni Kenneth, hindi man lang tumingin.
Ngunit parang hindi alintana ng babae ang lamig ng boss.
“Coffee for you! Nilagyan ko ng two sugars—favorite mo, ‘di ba?” sabay abot ng tasa.
Tumaas ang kilay ni Kenneth. “Hindi ko favorite ‘yan.”
“Oh, really? Pero dati kasi—”
“Dati is past tense,” putol ni Kenneth sabay upo sa swivel chair niya.
Hindi pa rin tumigil si Trishia. “Pwede ba tayong mag-lunch later? Para makapag-bonding naman tayo. You’ve been too serious lately.”
Napabuntong-hininga si Kenneth, halatang inis. “Trishia, I’m serious every day. It’s my job.”
Habang nangyayari iyon, dumating si Riza sa lobby ng KS Luxe Hotel, hawak ang resume at nakauniform na pang-janitress.
Excited pa sana siya, pero nang pumasok siya sa HR office para pumirma ng kontrata—doon niya nakita ang eksena: si Kenneth, kasama ang babaeng parang gustong ipasok sa tasa ng kape niya. Biglang nag-iba ang mood ni Riza. So may girlfriend pala si Mr. Mekaniko, bulong niya sa isip. Tumalikod siya, pilit pinapakalma ang sarili. Hindi siya puwedeng magalit—wala naman silang relasyon, ‘di ba? Pero bakit parang gusto niyang itapon ‘yung mop sa mukha ni Trishia? Maya-maya, lumabas si Kenneth para uminom ng tubig, at doon niya nakita si Riza sa hallway
Ngumiti siya, “Hey, Riza—”
Pero iniwasan siya ng dalaga, dumiretso lang na parang walang narinig.
Napakunot-noo si Kenneth. “Ano’ng problema n’un?”
Narinig ni Leo na assistant niya. “Boss, baka napansin niya si Miss Trishia sa opisina niyo.”
“Trishia?” tumaas ang kilay ni Kenneth. “Wala naman ‘yun.”
“Eh boss, ‘yung wala minsan, ‘yun ang problema.”
Napakamot sa ulo si Kenneth. “Bakit ba ang hirap ng babae… pero bakit mas gusto ko ‘yung mahirap?”
“Ahhh?! Riza! Ano—?” napahinto si Kenneth sa sorpresa niya.“Ikaw! Akala ko, napaano ka na! Sabi ni Leo, nasa ospital ka!” galit na sabi ni Riza, na hindi na napigilan ang sarili na mapaiyak.Si Leo naman, nakatayo sa gilid, parang wala sa sarili sa kakatawa. “Ma’am… I’m so sorry. Wala po talaga akong maisip na paraan para maisama po kayo rito kundi… magsinungaling po ako!”Napabuntong-hininga si Riza, halatang nagagalit at nagulat sa parehong pagkakataon. “Leo! Pinaniwala mo ako na may nangyari kay Kenneth? Hindi mo ba alam na halos mamatay ako sa biyahe sa kakaisip."“Hindi ko po sinasadya! Eh… alam niyo po, Ma’am, wala po akong ibang paraan para masiguro na makakapag-date kayo… special date po ito! Promise po!” paliwanag ni Leo, parang nag-aalay ng buong puso at utak sa pagpapaliwanag.Napatingin si Riza sa gitna ng restaurant, nakita ang violinist, ang soft lights, at si Kenneth na parang nakalimot na sa sakit, sa lungkot, sa lahat ng mundo maliban sa kanya. Sa kabila ng init ng g
Malungkot na nakaupo si Riza sa gilid ng kama sa kanyang silid. Hawak niya ang cellphone, paulit-ulit na tinitingnan ang screen kahit alam niyang wala pa ring bagong mensahe. Isang linggo na. Isang buong linggo na mula nang makalabas siya ng ospital, at ni isang text o tawag mula kay Kenneth—wala.Tahimik ang kwarto, pero maingay ang isip niya. "Business trip."Iyon lang ang huling impormasyong alam niya. Iyon lang din ang paulit-ulit niyang inuusal sa sarili, kahit mas masakit ang tanong na pilit niyang iniiwasan. "Talaga bang mas importante iyon kaysa sa akin? Ang kanyang trabaho?"Huminga siya nang malalim, pilit nilulunok ang bigat sa dibdib. Alam niyang hindi dapat siya mag-isip ng masama, pero paano kung ganoon na lang kadali para kay Kenneth na iwan siya? Paano kung nagbago na talaga ang lahat mula nang malaman nitong buntis siya noon? Paano kung—Napapikit siya, pinipigilan ang pagpatak ng luha. Ayaw niyang maging mahina. Ayaw niyang maging babae na palaging naghihintay.Samant
“Boss… tayo ba ay babalik na sa ospital? Tumawag si Madam Cely, nagkamalay na daw po si Maam Riza” tanong ni Leo, habang pinapadala ang impormasyon sa mga tauhan na nagsasakay sa tatlo palayo.“Hindi pa. Siguraduhin mong maghihirap sila kung saan ko man sila ipapatapon. Ang leksyon na ito ay hindi nila makakalimutan,” sagot ni Kenneth, ang boses ay malamig ngunit punong-puno ng kontrol.Ang eksena ay malinaw na nagpapaalala sa lahat kung sino ang nakatayo sa harap nila—si Kenneth Sy, ang bilyonaryong asawa na hindi basta-basta, at ang lalaki na handang gawin ang lahat para sa kanyang asawa at pamilya.----------Mahina ang ilaw sa silid ng ospital. Ang tanging maririnig ay ang banayad na tunog ng makina na nagbabantay sa tibok ng puso ni Riza. Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata, parang may mabigat na ulap sa isip niya. Masakit ang ulo niya, at pakiramdam niya ay may kulang—parang may bahagi ng alaala na ayaw magpakita.“Gising ka na pala.”Isang pamilyar na boses ang pumasok sa
Sa labas, si Tanya, Veronica, at Nikko ay nagulat sa hindi inaasahang pagpasok ni Kenneth sa nag-aapoy na bodega. “Ano ‘yan? Bakit pumasok siya?!” galit na galit na sabi ni Tanya."Tara na! Hayaan mo na sila! Baka makita pa tayo ni Kenneth," aya ni Nikko na dala na ang maleta ng pera."May araw ka rin sa akin Riza. Sa susunod hindi ka na makakaligtaa." pagbabanta ni Tanya. Si Kenneth, ay buhay niya si Riza palabas ng bodega, hindi alintana ang panganib at init ng apoy. Ang huling tingin niya sa kidnapper ay nakita niyang paalis na ang sasakyan ng a mga ito at puno ng babala na sinundan niya ng tingin ang kotse. Ang apoy ay unti-unting kumakalat sa paligid, ngunit hindi niya alintana. Ang tanging mahalaga ay si Riza at ang kanilang baby.----------Tumatama ang liwanag sa bintana ng ospital. Dahan-dahan na nagising si Riza, ngunit ang kanyang isip ay malabo, puno ng kalituhan. Napansin niyang nakaupo sa tabi ng kanyang kama si Madam Cely, ang lola ni Kenneth, nakatitig sa kanya nang
Pagdating ng gabi, habang nakahiga sa kanyang kwarto, hindi agad nakatulog si Kenneth. Ang isip niya ay bumabalik sa nangyari sa mall, sa halik, at sa bawat cute moment nila ni Riza habang namimili. Hindi niya namalayan ay nakatulog na din siya.Sa kanyang panaginip, lumitaw si Riza sa harapan niya, nakangiti at may dalang ilang baby items, ngunit ang mga mata nito ay nakatuon sa kanya. Naglakad ito patungo sa kanya, at tila ba lumilitaw sa hangin ang kabuuan ng kanilang nakaraan—ang unang halik sa kalsada ng isang estranghera."Sakyan mo lang ako babayaran kita.” bulong ni Riza sa kanya.Tumango si Kenneth, ngunit sa panaginip, may ngiti sa labi at sabay hawak sa kamay niya si Riza. Nagpakita siya ng kabuuan ng intensyon noon—ang pagtanggap na maging peke nitong boyfriend upang paghigantihan sina Nikko at Tanya, ang kapatid ni Riza na taksil, at ang pagtatago ng tunay niyang pagkatao bilang bilyonaryo habang nagpanggap na mekaniko.Ngunit habang nagpapatuloy ang panaginip, unti-unti
“W-Wow… ang dami designer brands… at ang ganda ng mga store!” bulong niya, halos mapailing sa kakatingala.Ngumiti si Kenneth sa kanya, sabay hawak ng braso ni Riza habang naglalakad. “Yes… I wanted it to be private. For you… and the baby. You’ll get anything you want.”“P-Pinaka… private po? First time ko lang maranasan na mamili na isasara ang mall. OMG!” sabu ni Riza, halos hindi makapaniwala.“Oo. Anything you want. Sa lahat ng brands… just pick,” sagot ni Kenneth, halatang seryoso at may halong pride.Napalingon si Leo, halatang natatawa sa mga reaction nila. “Ma’am Riza… Isa ka ng tunay na disney princess ngayo. Lahat ng gusto mo ay ibibigay ng fairy god father mo. Si Boss ang magbabayad sa lahat.”Nakangiti si Riza habang pinagmamasdan ang paligid. “Grabe lahat ng staff ay sumasalubong at nagbibigay galang sa atin."“Actually… Let them do they job,” sabi ni Kenneth, sabay titig kay Riza. Napalingon si Riza kay Leo at sabay tawa. “Sobrang dami talagang pera ng Boss mo Leo."H


![Just One Night [Tagalog]](https://acfs1.goodnovel.com/dist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)




