Share

My Hot Billionaire Husband
My Hot Billionaire Husband
Author: Maria Angela Gonzales

Chapter 1 Ang Pagpapakasal ng Tatay ni Liam

"I'M getting married!" Malakas na sabi ng boses na kilalang-kilala ni Liam kaya napahinto siya sa pagpirma sa mga papeles. Tapos ay namilog ang kanyang mga mata. Hindi lang dahil sa nabigla siyang makita si William Arguelles Jr. sa loob ng kanyang opisina kundi dahil sa sinabi nito. Mistulan iyong granada na sumabog sa kanyang pandinig. 

Siya naman si William 'Liam' Arguelles III, ang nag-iisang anak ng lalaking nasa kanyang harapan pero sa hitsura nito ngayon ay dinaig pa ang teenager. 

"What?" Manghang bulalas niya. 

Bigla itong tumawa na parang kinikiliti ng mga duwende bago inulit ang sinabi. "Magpapakasal na ako," marahang-marahan pang sabi nito na parang gustong itaktak pa sa kanyang isipan ang sinabi. 

Hindi agad siya nakakibo. Kahit kasi pangalawang beses na niyang narinig iyon buhat sa bibig ng kanyang ama, parang hindi pa rin niya kayang paniwalaan iyon. Una, 60 years old na ang kanyang ama. Pangalawa, mahal na mahal nito ang kanyang ina. Kaya, gusto niyang isipin na nagpapapansin lang ang kanyang ama. 

Sa rami kasi ng responsibilidad niya bilang CEO, hindi na sila nagkakaroon ng bonding time na mag-ama. 

"Hindi ka pwedeng magpakasal," mariing sabi nito sa matigas na boses. "Paano naman ang Mama?"

"Matagal ng wala ang ina mo," mariing sabi ng kanyang ama. "Baka nakaligtaan mong 15 years ago pa siyang nag-goodbye sa mundong ito."

Malalim na buntunghininga ang kanyang pinawalan pagkaraan. Tama naman kasi ang kanyang Papa. Namatay ang kanyang Mama sanhi ng brain cancer at hanggang ngayon ay sobra pa rin siyang nasasaktan. Mahal na mahal kasi niya ang kanyang ina at mahal na mahal din ng Mama niya ang kanyang Papa. Pinapangako pa nga siya ng kanyang ina na huwag niyang hahayaang magpakasal ang kanyang ama. 

"Hindi ka pwedeng magpakasal," mariing sabi niya. Kasabay kasi noon ay biglang nag-flashback sa kanyang isipan ang nagmamakaawang anyo ng kanyang ina. Sinabi rin nito sa kanya na kung mag-aasawa muli ang kanyang ama ay magkakaroon pa siya ng kahati sa yaman nila. 

"Bakit, magpapakasal ka na ba?" Excited nitong tanong. 

"No way!" Mangha niyang sabi sa mataas na boses na parang diring-diri. 

Hindi ang tipo niya ang magagawang magpatali sa iisang babae, ngunit hindi rin naman siya tulad ng iba na nambababae. Ang nais lamang niya ay magkaroon ng maraming-maraming pera at magagawa lang niya iyon kung magnenegosyo siya nang magnenegosyo. 

Sa ngayon nga ay isang napakalaking Mall ang kanyang pag-aari. Ito ang WilMar Mall. Pinaghalong pangalan ng kanyang mga magulang. Maria kasi ang pangalan ng yumao niyang ina. 

Marahas na buntunghiniinga ang pinawalan nito na para bang na-disappoint sa kanyang sinabi. "Eh di walang dahilan para pigilan mo ako sa gusto kong gawin. Hindi naman pala tayo magsu-sukob, eh."

"Sino naman ang babaeng ito?" Walang kainteres-interes na tanong niya pero kailangan niyang malaman ang pangalan ng babaeng kinalolokohan ng kanyang ama. Ibig niya siyempreng makilala ito at masabihan itong kailangan nitong layuan ang kanyang ama. 

"Her name is Yvette Villafuerte." Ngiting-ngiti ng sabi ng kanyang ama. Hindi lang ang labi nito ang nakangiti, pati na rin ang mga mata nito. 

Ngayon pa lang tuloy ay nakaramdam na siya ng inis sa babaeng iyon. Hindi naman kasi ganoon ang reaksyon ng kanyang ama kapag may babaeng nagkakagusto rito. Sabi nga nito noon sa kanya, wala na itong babaeng mamahalin pa kundi ang kanyang Mama pero ngayon ay umaasta itong parang teenager. Dinaig pa ang teenager na ngayon lang nagbibinata. 

"Bakit ba ganyan ang suot mo, Papa?"  Tanong niya rito pagkaraan ng ilang sandali. Kung kanina ay nakatuon lang ang pansin niya sa mukha nito ngayon naman ay hinagod niyang muli ang kabuuan ng hitsura ng ama. Nakaputing t shirt ito na pinatungan ng itim na leather jacket, ang maong pants nito ay butas-butas pa at naka rubber shoes pa. Kaya naman mapagkakamalan itong goons kundi pakakatitigan ng mabuti at masusuring puro signature clothes ang suot nito. Ang rubber shoes nga nito ay Air Jordan 1 pa. 

"Para bumagay kami ni Yvette," wika nito sabay tawa. 

Sumama na naman ang kanyang pakiramdam nang marinig ang pangalan na iyon. "How young is she?" 

"Twenty-five," nagmamalaki pang sabi ng kanyang ama. 

Hindi niya tuloy napigilang paluin ang mesa sa sobrang asar niya. Ang agad kasing pumasok sa utak nita ay gold digger ang babaeng iyon. Walang matinong babae na papatol sa kaedad na halos ng lolo nito. Naningkit lang ang kanyang mga mata nang maisip niya ang posibleng dahilan kaya napagtitiyagaan ng babaeng iyon ang kanyang ama. Dahil sa kanilang kayamanan. 

Ang pamilya niya ay hindi lang milyonaryo kundi bilyunaryo. Hindi lang naman kasi sa bansang ito ang kanilang negosyo, pati na rin sa ibang bansa. Kaya hindi kataka-taka na maraming babae ang tina-target siya para maging asawa. 

Well, sorry sa mga ito dahil hindi siya interesado sa mga babaeng mukhang pera. Bakit, naniniwala pa ba siya sa pag-ibig?

"DAMN," bulalas na naman niya habang nakatitig siya sa larawan ni Yvette Villafuerte. Ngayon ay nasagot na niya ang kanyang katanungan kung bakit parang nawawala sa sarili ang kanyang Papa dahil sa babaeng iyon. 

Dalawang araw na ang nakakalipas mula ng malaman niya ang pangalan nito at hindi na siya nag-aksaya pa ng panahon para kilalanin ito. 

"Pinapunta mo lang ba ako rito para marinig ko ang mga mura mo?" Natatawang tanong sa kanya ni Nico, bestfriend niya mula pa noong kindergarten sila. 

Marahas na buntunghininga ang pinawalan niya saka ipinakita sa kanyang matalik na kaibigan ang picture na hawak. "Ito ang babaeng kinalolokohan ngayon ng magaling kong ama."

"Ang Tito Will?" Parang hindi makapaniwalang tanong nito. 

Kumunot ng todo ang kanyang noo nang mapansin siyang hindi inaalis ni Nico ang tingin sa larawan ng babae. Muli siyang napamura dahil hindi naman kataka-taka kung bakit ganoon ang tingin ni Nico sa babae. 

Napakaganda naman kasi ng babae. Mistulan itong anghel na naligaw sa lupa. 

Ayaw sana niya itong purihin pero maamo ang mukha nito kaya parang hindi nito kayang gumawa ng anumang kalokohan, ang bilugan nitong mga mata ay kulay asul pa kaya sa pagkakatitig niya rito'y para rin niyang nakikita angbkulay ng karagatan, matangos din ang ilong nito at ang labi nitong mapupula at maninipis ay parang nangangako ng langit kapag hinalikan niya. Sa isang larawan nito ay kita niya ang malapad nitong ngiti kaya naman kita niya ang mapuputi at pantay-pantay nitong mga ngipin. Alun-alon din ang buhok nitong kulay mais. Ewan nga lang niya kung natural lang ba iyon o baka naman nagpakulay lang pero para talagang natural lang ang hitsura nito dahil pantay naman kulay ng buhok nito. Marahil may lahi itong Australian. 

Ang kagandahan nito ay hindi lamang nagtatapos sa mukha nito, maging ang katawan nito ay may maipagmamalaki. Kung hindi siya nagkakamali ay 38-24-38 ang vital statistic nito tapos tantiya niya ay 5'6" ito. 

"Shit!" Hindi niya napigilang ibulalas dahil parang ang isang parte ng kanyang katawan ay biglang nanigas dahil sa pagkakatitig niya rito. 

Biglang humalakhak si Nico. 

"What?" inis niyang tanong dito. 

"You like her."

"No," gilalas niyang sabi pero ewan niya kung kay Nico nga ba niya sinasabi iyon o sa kanyang sarili. 

"Hindi mo nga pala siya maaaring magustuhan dahil fiancee siya ni Tito," wika ni Nico na obyus na obyus na tinutudyo siya. 

"Hindi ako papayag na pakasalan 'yan ni Papa."

"Why?" Kunwa'y painosenteng tanong nito. 

"Dahil pera lang ng papa ang habol niya," sigurado niyang sabi. 

Hindi agad kumibo si Nico. Ang inaasahan pa naman niya ay tutudyuhin siya nito ng husto. 

"So, ayaw mong pakasalan ni Tito ang Diyosa na 'yan?"

Matalim na tingin ang ibinigay niya kay Nico bilang sagot sa tanong nito. "Nangako ako sa Mama na hindi ko hahayaang magpakasal ang Papa." 

"May paraan naman para hindi sila magpakasal," wika ni Nico pagkaraan ng ilang sandali. 

Napangisi siya sa sinabi ng matalik na kaibigan. Talagang hindi siya nagkamali na tinawagan ito. Alam niya kasing mga ganitong pagkakataon ay maaasahan nito ito. 

"Ano?" Excited pa niyang tanong. 

"Ligawan mo," mariing sabi ni Nico.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jewiljen
Kakaiba ung plot. Napapaisip tuloy ako sa next chapters haha
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status