Share

Chapter 2 Ang Pagkadurog ng Puso ni Yvette

ITO na lang ang paraan, mararahas na buntunghininga ang pinawalan ni Yvette bago siya bumaba sa taxi at umakyat sa condo unit beng kanyang pinakamamahal na boyfriend. 

Yes, mahal na mahal niya ang kasintahang si Henry Falcon kaya lahat at gagawin niya para maipaglaban ang kanilang pag-iibigan. Unang kita pa lamang niya rito ay parang tinadyakan na ng kabayo ang kanyang puso, pumintig iyon nang mabilis na mabilis. Napakaguwapo naman kasi nito. Mala–Piolo Pascual. 

Sabi kasi ng Mama niya nu'ng nabubuhay pal ove at first sight daw ang naramdaman nito sa kanyang Papa kaya naman kita niya hanggang sa huling hibla ng hininga ng kanyang Mommy ay wala na itong ibang mahal kundi ang kanyang Papa. At alam niyang ganoon din ang nararamdaman ng ama niyang si Alfredo Villafuerte dahil kahit na sampung taon ng patay ang kanyang Mommy na si Amanda, hindi pa rin ito magawang palitan ng kanyang ama. 

Kapag sinasabi niya ritong okay lang sa kanyang magkaroon ito ng pangalawang asawa, tinatawanan lang siya nito at sasabihing masaya na ito sa alaala ng kanyang ina. Kapag naririnig niya ang salitang iyon ng kanyang Papa, hindi niya mapigilan ang mangarap na ganoon din sila ni Henry. Maging happy kahit na puti na ang kanilang buhok. Ngunit, parang may sumasampal sa kanya kapag itinuloy na ng ama ang susunod na sasabihin. Makukuntento na lang daw itong mag-alaga ng magiging anak nila ni William. 

Si William Arguelles ang lalaking nais ipakasal sa kanya ng ama na labis niyang tinututulan dahil sa mga sumusunod na dahilan. Una, dahil nakaprograma na sa utak niyang si Henry ang kanyang Prince Charming at ito ang kanyang pakakasalan. Pangalawa, kailanman ay hindi pa niya nakikita ang na iyon kaya paano niya masasabing may forever sila. 

Malalim na buntunghininga ang kanyang pinawalan. Kung minsan tuloy ay gusto niyang isipin na kulang ang pagmamahal sa kanya ng sariling ama. Kunsabagay, wala naman itong inatupag kundi ang kanilang negosyo.

Pag-aari nila ang Villafuerte Corporation – lahat ng inumin ay kanilang sinu-supply – mineral water, flavored water, juice, softdrinks at mga alak. 

Dahil sa nag-iisa siyang ni Alfredo Villafuerte, alam niyang hindi madali na makahanap siya ng lalaking mamahalin ngunit hindi niya mapigilan ang sariling mahalin si Henry. Saka, sabi naman nito ay wala itong pakialam sa kanyang yaman. Ang tanging mahalaga lang rito ay siya at pinaniwalaan niya iyon. 

Hindi naman kasi matatawag na mahirap si Henry para isipin niyang tina-target nito ang kanyang mana. May kumpanya rin naman ito. Napangiwi lang siya nang maisip niyang hindi nga pala matatawag na kumpanya ang flower shop na pag-aari nito. 

"Oh my…," gilalas na bulalas niya nang makapasok siya sa unit ni Henry. Nagkalat kasi ang damit nito sa salas kaya ilang sandali siyang natulala. Hindi naman kasi ugali ni Henry ang maging makalat. Ang ibig nga nito ay organisado lahat tulad ng mga bulaklak na inaayos nito. 

Kumunot lang ang noo niya nang mapagtanto niyang hindi lang damit ng nobyo ang nagkalat sa sahig. Mayroon ding blouse at skirt.

Bigla tuloy siyang napahawak sa kanyang dibdib. Para kasing may ideya na siya kung bakit may nagkalat na damit doon. Iyon ba ang dahilan kaya hindi niya ma-contact si Henry. 

Yes! Mariing sabi ng isang bahagi ng kanyang isipan. Sabi niya sa kanyang sarili ay kailangan na niyang umalis dahil kapag nanatili siya roon ay masasaktan lang siya ngunit may bahagi ng isipan niya ang tumututol kaya humakbang siya papunta sa kuwarto ng pinakamamahal na nobyo at biglang binuksan iyon dahil bigla niyang naalala ang paborito niyang motto to see is to believe. 

"LIFE is sooo unfairrrr," wika ni Yvette matapos ubusin ang laman ng kopita saka muling binalingan ang bartender na nagsasalin ng alak. "Isa… pa!"

Hindi na niya mabilang kung nakakailang tungga na siya pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala ang sakit na nasa kanyang dibdib. Hindi pa rin mabura sa kanyang isipan ang hitsura ni Henry habang nakapatong kay Ma-an, sa mortal pa niyang kaaway. 

Alright, nataranta si Henry nang makita siya. Sinubukan nga nitong magpaliwanag sa kanya. Ngunit, hindi na siya interesadong pakinggan ito. Sapat nang makita niya ang kataksilan ni Henry. 

"Magaling kasi ako sa kama," wika naman ng malditang si Ma-An. Obviously, wala man lang siyang nakitang pagsisi sa hitsura nito. Para pa ngang proud na proud itong ipinakikita sa kanya na ikinatutuwa nitong makita siyang nasasaktan. 

Sa alaalang iyon ay mas nakaramdam siya nang panggigigil kaya naman muli siyang nagtungga ng alak at humirit pa siya ng isa pa. Pakiramdam naman kasi niya ay hindi pa siya nalalasing dahil malinaw pa ang kanyang isipan. 

"Marami na po kayong naiinom," wika nito. 

Namumungay ang kanyang mga mata nang harapin niya ito. Sa lahat kasi ng ayaw niya ay iyong kinokontra. "And so…? Hik. Kahit ubusinnn kongg… lahat… ng alak… dito sa bar na ito, kaya kong bayaran. Ang hindi ko kayang bilhin, ang kaligayahan ko. Bullshit na life ito…isa pa."

Maingay man ang paligid niya, wala siyang pakialam kaya nga ang lakas lakas din ng kanyang pagsasalita. Ngunit, hindi dahilan iyon para mawala ang sakit na kanyang nararamdaman. 

Kahit naman kasi uminom siya nang uminom ay nananatili pa ring malinaw ang kanyang isipan na labis niyang ipinagtataka. Ah, siguro dahil malakas ang alcohol tolerance niya. Pero kahit hindi siya lasing, parang gusto niyang magpanggap na nalalasing siya. 

"Tama na 'yan," wika ng isang boses bago inagaw sa kanya ng kopita na hawak niya. Muli sana siyang tutungga dahil sinunod ng bartender ang sinabi niyang lagyan pa niya iyon ng alak ngunit hindi nasunod ang gusto niyang gawin dahil sa may nakialam sa kanya. Kaya, nakaramdam siya ng sobrang panggigigil. 

"At sino ka para…" hindi na niya naituloy ang sasabihin nang tumayo siya para harapin sana ang pakialamerong lalaki at pagsalitaan ng kung anu ano. Sa lahat kasi ng ayaw niya ay iyong inaawat siya sa gusto niyang gawin. Ngunit, hindi na niya nagawang dugtungan ang sasabihin dahil natitigan niya ito ng husto. 

Ewan lang niya kung dahil sa nakainom lang siya pero ang tingin niya sa lalaki ay pinakaguwapong lalaki sa buong mundo. Mistulan kasi itong foreigner. Hindi lang basta foreigner, pwede pang ihanay sa mga Hollywood actor ang kaguwapuhan nito. Light brown pa ang kulay ng mga mata nito. Hindi tuloy niya napigilan ang mapangiti pagkaraan ay walang pag-aalinlangan niya itong tinanong ng, "Can you… take me…tonight?" 

At hindi na niya hinintay pang sumagot ang lalaki dahil walang pag-aalinlangan niyang inangkin ang labi nito. 

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Iyah Yhang
next please
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status