ANG goal ni Liam ay huwag magpakasal ang ama sa sinumang babae, tulad ng ipinangako niya sa kanyang ina. Kaya naman ang ibig niya ay makilala niya ng husto ang babaeng kinalolokohan ng ama.
Si Yvette Villafuerte.
Ayaw niyang maniwala na kaya nito pakakasalan ang kanyang ama ay dahil mahal nito ang kanyang Papa. Tiyak niyang pera ang dahilan kaya pumayag itong magpakasal sa lalaking halos lolo na nito. Kaya't sabi niya sa sarili, kailangan niya itong kilalanin ng husto.
Dahil nga sa limpak-limpak na pera na mayroon siya ay mabilis niyang nakuha ang resulta na gusto niya. Kumunot lang ang noo niya nang malaman niyang galing din ito sa mayamang pamilya at nag-iisang tagapagmana. Ngunit hindi lang iyon ang di niya napaghandaan. Hindi niya kasi talaga inasahan na ang babae palang gusto ng kanyang ama ay napakaganda. Mala-Diyosa. Hindi tuloy niya magawang alisin ang tingin dito.
Sabi niya sa sarili, walang sinumang babae ang kukuha ng kanyang atensyon pero nagawa ni Yvette Villafuerte. Hindi rin niya napigilang magmura dahil ang babaeng iyon ay iyong nagugustuhan pa ng kanyang ama. Marahas na buntunghininga ang kanyang pinawalan nang itama niya kung ano ang kanyang naiisip. Ang babaeng iyon pala ang pakakasalan ng kanyang ama.
No way!
Hindi niya talaga ito gugustuhing maging stepmother kaya naisip niyang kailangan niyang kumilos para hadlangan ang kagustuhan ng kanyang ama na pakasalan ito ngunit hindi na dahil lang sa nangako siya sa ina na di niya hahayaan na magpakasal ang kanyang ama kundi dahil…
Shit, bakit kailangang ito pa ang kanyang magustuhan?
Nang mga sumunod na araw ay daig pa niya ang stalker na laging nakasunod kay Yvette. Doon niya nalaman na may boyfriend pala ito kaya hindi niya naiwasang makaramdam ng galit. Sa isip niya kasi ay niloloko lang nito ang kanyang ama. Nakatakda na itong ikasal sa kanyang ama pero mayroon pa palang kasintahan.
Dapat sana ay sabihin niya iyon sa kanyang Papa pero ewan niya kung bakit hindi niya ginawa. Parang mas gusto niyang sundan ito lalo na nu'ng panahon na nakita niya itong umiiyak habang tumatakbo palabas sa isang gusali. Ayon nga sa report sa kanya, doon nakatira ang boyfriend nito.
Sa tingin niya ay naghiwalay na ang dalawa nu'ng araw na iyon kaya ngayon ay nasa bar ito at umiinom. Marahil dahil pinili na ni Yvette ang kanyang ama. Paano ba naman kasi nito hindi gagawin iyon kung tiba-tiba na ito kapag naging asawa ito ng kanyang ama.
Hindi siya papayag! Mariin niyang sabi.
Sa tingin niya kasi ay magiging kawawa lang ang kanyang ama kapag nagpakasal sa babaeng iba naman talaga ang mahal. Kaya, nais niyang kumbinsihin ito na huwag ituloy ang pagpapakasal sa kanyang ama.
Ngunit, papaano?
Habang pinagmamasdan niya itong tumutungga ng alak, lalong nag-iinit ang kanyang pakiramdam. Para kasing lalo itong gumaganda sa kanyang paningin. Namumula kasi ang mukha nito na para bang malapit ng labasan.
Shit! Bulalas niya dahil para siyang nagiging manyak ng mga sandaling iyon. Dapat sana ay iiwas na niya ang tingin dito pero di niya magawa. Sa halip tumayo siya sa kinauupuan at naglakad palapit dito. Siguro nakatakda siyang maging pakialamero ng mga sandaling iyon kaya't inawat niya ang pag-inim nito. Nakahanda naman siyang tanggapin ang galit nito pero iba ang reaksyon nito nang makita siya at matitigan.
Bigla tuloy siyang napamura. Ayaw niya kasing isipin na nakikita nuto sa kanyang mukha ang mukha ng kanyang ama. Marahas na buntunghininga lang ang kanyang pinawalan nang maisip niyang ang ina niya ang kanyang ka-lookalike. Muli lang siyang napamura nang mag-landing ang kamay nito sa kanyang dyunyor.
Dahil wala pa naman siyang nagiging girlfriend talaga, biglang nag-react ang kanyang katawan. Noon lang kasi may nakahawak sa kanya sa parteng iyon kaya parang gustong magwala ng kanyang pagkalalaki.
Lalo pang nag-init ang kanyang pakiramdam sa sinabi nito, parang gusto pa rin niyang magtimpi. Pumasok kasi sa isipan niya ang kanyang ama ngunit nang sabihin ng babae na magpapaangkin ito sa sinumang lalaki, bigla siyang nag-panic.
Iyon ang kauna-unahang pagkakataon na nakaramdam siya ng panic sa hindi niya malamang dahilan. Basta sabi ng isip niya ay hindi niya maaaring pabayaan ang babae.
Damn! Galit niyang sabi sa sarili habang nakatitig siya sa hubad nitong katawan. Para siyang biglang nagka-amnesia at nakalimutan niyang fiancee nga pala ito ng kanyang ama. Mas dumoble pa ang guilt na kanyang nararamdaman nu'ng una siya nitong angkinin. Virgin ito!
"Thank you," wika nito pagkaraan. Namumungay ang mga mata nito pero alam niyang hindi iyon dahil sa kalasingan. Marahil dahil sa pagod. Hindi na niya alam kung ilang beses niya itong inangkin. Basta ang alam niya ay hindi siya gumamit ng proteksyon.
What? Manghang tanong niya sa sarili.
"At least, gusto ko ang lalaking una kong naka-sex," wika nitong bagamat nakangiti ay may lungkot naman siyang naaaninag sa mga mata nito.
Hindi niya napigilan ang sarili na abutin ang maganda nitong mukha at bahagya iyong himas-himasin na para bang mabubura noon ang sakit na nararamdaman nito. Ngunit, nang maiproseso niya sa kanyang isipan ang sinabi nito, uminit ang kanyang ulo.
"At may plano ka pang magkaroon ng pangalawang lalaki?" Galit pa niyang tanong dito pero pagkaraan ay natigilan siya nang maisip niya kung sino ito at kung bakit niya ito nakilala.
Bahagya itong tumawa na lalo niyang ikinairita. "Magpapakasal na ako."
"Mahal mo ba siya?"
"Ang lalaking mahal ako, nahuli kong may kasiping na iba at mortal ko pang kaaway ang kasama niya. Traydor!"
"Anong dahilan at magpapakasal ka sa hindi mo mahal?"
"Susundin ko lang ang gusto ng Papa ko. Baka kasi tama siyang pakasalan ko ang William Argulles na iyon kahit hindi ko pa nakikita," mahinang sabi nito pero dinig na dinig pa rin niya.
"Hindi puwede!" Mariin niyang sabi. Ngayon pa langbkasi ay para na siyang binubugbog sa kaisipang magiging madrasta niya ito.
"Sleep muna ako," sabi nito sa halip ayunan ang kanyang sinabi.
Ngunit kahit pagod din siya ng mga oras na iyon ay hindi siya papayag na mawala ito sa kanya. Lahat ay gagawin niya para manatili lang ito sa kanyang piling. Sana lang ay mapatawad siya ng ama sa kanyang gagawin dahil paninindigan lang niya ang nangyari sa kanila ni Yvette Villafuerte.
Hindi nga nagbibiro si Liam nang sabihin nito sa kanya na marami ngang style na maaaring gawin para masiyahan sila sa kanilang ‘pag iisa’, napagtanto ni Yvette. Marami kasi itong tinuturo sa kanya na talagang nakakapagpamangha sa kanya. Biruin mo ba naman pati aso, baka at dragon ay nadamay sa mga istilong kanilang ginagawa. Ngunit, kahit ganoon ay enjoy na enjoy naman siya. Pakiramdam niya kulang ang araw niya kapag hindi nila gagawin ang bonding na ito. Parte na kasi ito ng pang araw araw nila. “Enjoy?” Tanong sa kanya ni Liam.“Sobra.” Dumukwang pa ito sa kanya para mapagmasdan ang kanyang itsura. Alam niyang nagniningning ang kanyang mga mata ng mga sandaling iyon kaya hindi na rin niya binalak itago kung anong ang kanyang nararamdaman. Basta nagagawa niyang ipakita sa kanyang asawa kung gaano siyang kasaya sa piling nito. “Kaya mo bang manirahan dito nang matagal?” tanong nito sa kanya. “Kahit habambuhay. Basta ikaw ang kasama ko,” walang pag-aalinlangang sabi niya. Talaga na
Dahil sa pareho na naman silang nag- I love you ni Liam sa isa’t isa, gustong isipin ni Yvette na the end na ang kanilang love story. Ibig sabihin ay magiging happily ever after na sila tulad ng istorya nina Snow White at Prince Charming, subalit, ang kanilang lovestory ay hindi magiging ganoon kadali lalo na at nasa tunay na buhay sila. Malalim na buntunghininga ang kanyang pinawalan. Ewan niya kung bakit nakakaramdam na naman siya ng negative vibes. Hindi niya kasi maiwasang isipin na tulad ng mga lovestory, mayroon ding mga kontrabida na nakapaligid sa kanila. Isa na roon si Janiz at kahit na wala silang komunikasyon ni Henry ay nakapagitan pa riin ito sa kanila ni Liam. Chapter 49 Ang Pag iibigan nina Liam at YvetteAng nais niya ay mag-concentrate na lamang kay Liam tutal ito naman ang kanyang asawa kaya natural na dito niya ibigay ang buo niyang tiwala, respeto at pagmamahal. “Liam…?” Mangha niya bulalas nang imulat niya ang kanyang mga mata. Naging pagbigla ang pagdilat niya
"AALIS na naman tayo?" Hindi makapaniwalang tanong ni Yvette kay Liam. Maang na maang siya sa sinabi nito kaya hindi siya agad nakakilos. Kakarating lang kasi nila nu'ng isang araw galing sa bakasyon tapos ngayon ay aalis na naman sila. Wala namang problema sa kanya iyon dahil ang nais naman talaga niya ay makasama palagi si Liam. Ang inaalala lang naman niya ay ang mga responsibilidad nito. Bahagya lang kumakalmante ang kanyang kalooban kapag sinasabi nitong may ama ito na maaaring mag-take over sa WilMar Mall habang wala ito. "Honeymoon natin," wika ni Liam. "Palagi naman tayong nagha-honeymoon," bulalas niya. Hindi pa niya ito napigilang ngusuan.Napahagalpak nang tawa si Liam. Bigla tuloy siyang napatitig sa asawa. Iyon kasi ang kauna-unahang pagkakataon na tumawa nang ganoon kalutong ni Liam. Napangiti lang siya nang mapagtanto niyang malaki angbkinalaman niya sa kasiyahang nararamdaman nito. At ganoon din naman siya. Mahal niya si Liam at gusto niyang isipin na ganoon din ang
SHUCKS, wika ni Yvette. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na nasa simbahan na siya at naglalakad papunta sa may altar. Siyempre, kasabay niyang naglalakad ang kanyang ama tulad ng pangarap nito. Ang maihatid siya kay Liam, sa lalaking gusto nitong makatuluyan niya. Nang tanungin siya ni Liam ng, Will you marry me again? Agad siyang sumagot ng 'yes'. Siyempre, hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa dahil talagang gusto rin niyang pakasalan ulit si Liam. "Why?" Naalala din niyang tanong ni Liam. "Kasi mahal kita," walang pag-aalinlangan niyang sabi. Iyon naman kasi talaga ang nararamdaman niya kay Liam. So, wala ng dahilan para magkunwari pa siya. "Mahal mo ako?" Naniniguradong tanong nito. "Oo nga," mariin niyang sabi dito. "Mahal din kita.""Mahal mo ako?" Hindi makapaniwala niyang tanong. "Yayayain ba kita ng kasal kung hindi kita mahal?" Sarkastikong tanong nito sa kanya. Ayaw na niyang manghingi pa ng paliwanag kay Liam kung bakit siya nito mahal. Ang mahalag
KUNOT noong napabalikwas nang bangon si Yvette nang hindi na niya mahagilap sa kanyang tabi. Pakiramdam niya ay binalewala lang nito ang mga nangyari sa kanilang pagitan. Kung talaga kasing may kuwenta rito nangyari sa kanila, hindi ba dapat ay mamumulatan niya ito? Ang ibig niya siyempre ay magigising siyang nakaunan sa dibdib ni Liam. Gusto rin niyang maramdaman pa ang init na ibinubuga ng katawan nito pero hindi nangyari iyon kaya napabuntunghininga siya. Sobra siyang nakakaramdam ng inis. Gayunpaman, hindi niya mapigilan ang mapangiti dahil naaalala niya ang mga nangyari sa kanila. Ibig niyang makalimutan nito ang 'trauma' ni Liam sa malaking gagamba kaya ibig niyang ibaling nito ang atensyon sa ibang bagay –sa kanya, to be exact. Sa paliligo nila at sa kanilang sexcapades. Sa bawat halik, yakap at pag-angkin nito sa kanya ay naramdaman nga niyang sa kanya na ito naka-focus at hindi sa takot nito. Ngunit, ngayon ay hindi niya maiwasan ang makaramdam ng takot kaya hindi niya na
SA bawat araw na kasama niya si Liam, pakiramdam ni Yvette ay lagi siyang umaakyat sa langit. Paano ba naman kasi niya hindi mararamdaman iyon kung sa bawat sulok ng Isla na iyon ay ginagalugad talaga nila. Hindi lang dahil sa namamasyal sila kundi dahil sa mga pagtatalik nila. Gusto niyang isipin na mahal na siyang talaga ni Liam kaya inaangkin siya nito na para bang wala ng bukas. Ayaw naman niyang magtanong dahil ayaw niyang mapahiya kapag hindi niya nagustuhan ang sagot nito. Basta ang alam niya, ipinagkakaloob niya ang sarili dito ng paulit-ulit dahil mahal niya ito. "Kung saan-saan na naman naglalakbay ang utak mo," pansin ni Liam sa kanya. "Paano ka naman nakasiguro?" Tanong niya sa halip na sabihin kay Liam na walang ibang laman ang kanyang isip kundi ito lang. Oh, para tuloy gusto niyang mapangiwi sa mga salitang kanyang naiisip. Kasama na niya si Liam pero sa isip niya, ito pa rin ang laman. "Panay kasi ang ngiti mo riyan. Sino ba ang naiisip mo, ang ex mo?" Sarkastiko n