Share

Chapter 6 Ang Kasal nina Liam at Yvette

"ANONG kalokohan ang sinasabi mo?" Manghang tanong ni Yvette sa lalaki. Hindi niya alam kung sino ito pero kilalang-kilala ito ng kanyang katawan. Hindi nga niya napigilan ang mapalunok ng kung ilang ulit dahil may alaalang nagpupumilit sumiksik sa kanyang utak. 

"Hindi ka pa ba napapagod?" Humahagikgik na tanong ni Yvette. Gumagala kasi ulit ang kamay nito sa kanyang katawan. Napa-shucks naman siya dahil nagsimula na namang mag-init ang kanyang katawan. 

"Nope," wika nitong pinapungay pa ang mga mata. Sa tingin niya ay sinadya nitong gawin iyon para mapasunod siya sa gusto nito. Ang mga mata kasi nito ay parang nangungusap na sundin niya ang gusto nito. 

"Pagod na ko," kunwa'y sabi niya. Hindi naman kasi maaaring mag-yes na lang siya palagi. Kailangan din namang magpakipot siya. 

Ngumisi ito. "I will let you rest for a while."

Ngunit kahit sinasabi ng katawan niyang gusto niyang magpahinga, parang hindi pa rin niya kaya. Ang nais lang niya maramdaman ang presensiya ng lalaki sa kanyang tabi. Nagsumiksik siya rito 

"Talagang susulitin mo ang dose oras," sarkastiko niyang sabi rito. Makaraan lang kasi ang ilang minuto ay kung saan-saan na naman gumagala ang kamay nito. 

"Hindi lang dose oras. Aaraw-arawin kita."

"Kalokohan," buong diin niyang sabi. 

"Seryoso ako."

"Ikakasal na ako," mabilis niyang sabi. Para lang gusto niyang humagulgol dahil sigurado siyang masisira ang kanyang buhay kapag nagpakasal siya sa lalaking hindi naman nilalaman ng kanyang puso. 

"Mahal mo ba?" 

Marahang tawa ang pinawalan niya pero nakuha pa rin niyang sagutin ang tanong nito. "No."

Nakita niyang nagtangis ang bagang nito saka nagsalita. "Marry me instead," wika nito. 

"Pinapirma mo nga pala ako ng kung anong mga papeles," wika niya. 

Kung hindi niya magawang malasing kapag umiinom ng alak gaano man ito karami, mistulan naman siyang bangag kapag antok na antok siya. At dahil nga sa masyado siyang pagod ay ayaw na sana niyang maistorbo pero ayaw siyang tigilan ng lalaki sa kakakulit nito kaya sinunod niya ang gusto nito kahit hindi niya lubos na nauunawaan ang gusto nitong mangyari.

"Sa tingin mo ba maloloko mo ko, anak?" Buong diin na sabi ng matandang lalaki. Napakatiim ng titig nito sa estranghwro na nakasiping niya. 

Pero, bigla siyang natigilan sa sinabi nito. 

"Anak?" Gilalas pa niyang tanong. 

"Yes," sabay pang sabi ng mga ito. 

"He is my father."

"He is my son."

"Hindi pwede ito," sabi naman ng kanyang ama. 

Dito tuloy nabaling ang tingin niya pagkaraan. Natural lang na makaramdam ito ng disappointment pero may kakaiba siyang naaaninag sa boses nito. Galit? Disappointment? O excitement? 

Umiling siya dahil parang napakaimposible na ang huli niyang naisip.

Ang mga katanungan na nasa kanyang isipan ay inagaw nang marahas na pagbuntunghininga ng estrangherong kanyang nakasiping niya. Nang lingunin niya ito'y bahagya lang siya nitong sinulyapan tapos humakbang palapit sa matandang dapat ay pakakasalan niya. Inabot dito ang isang brown envelope. "'Yan ang makapagpapatunay na kasal kami ni Yvette." 

Agad namang kinuha ito ng matandang lalaki at tiningnan ang dokumento. Kunot na kunot ang noo nito habang binabasa ang nakasulat doon. Pagkaraan ay tumango-tango ito na parang nasisiyahan sa nabasa. Pagkatapos ay inabot nito ang dokumento sa kanyang ama. 

Biglang-bigla pa rin siya sa nangyayari kaya hindi niya makuhang makakilos. Napapitlag pa siya nang maramdamang mula sa kanyang braso ay gumapang ang kamay ng lalaki tapos mabilis nitong pinagsalikop ang kanilang mga palad. Pakiramdam.nga niya ay sinasasabi nitong hindi na siya makakawala pa. 

Bakit, may balak ba siyang kumawala?

Nang maisip niyang ito lamang ang makapagliligtas sa kasal niya sa matandang lalaki, humigpit ang hawak niya sa kamay nito. Kung hindi nga lang niya napigilan ang sarili, napasinghap na siya ng ubod lakas dahil naramdaman niyang parang may kuryenteng dumaloy sa kanyang katawan. 

"Bakit kayo nagpakasal?" Tanong ng matandang lalaki. Matalim na matalim ang tingin sa anak. 

"Nagmamahalan kasi kami," wika ng 'anak'. 

Bigla tuloy siyang napalingon dito. Alam na alam naman kasi niyang isa iyong malaking kasinungalingan.  

Marahas na buntunghininga ang pinawalan ng matandang lalaki. "O, baka naman gusto mo lang akong hadlangan?" Sarkastikong tanong ni William Arguelles. 

Bigla tuloy siyang napatingin sa lalaki. Iyon ba ang dahilan kaya siya nito pinakasalan? Ewan niya kung bakit parang gusto niyang isipin na kaya siya nito pinakasalan ay dahil na-realize nitong maaaring mauwi sa pag-ibig ang pagnanasang naramdaman nila para sa isa't isa. 

"You know me, father, hindi mo ako mapipilit sa taong ayaw ko."

Bigla tuloy siyang napatingin dito para kasing sinasabi nito na talagang gusto siya. Dahil doon, parang gusto niyang umiyak. Ang sakit na naramdaman niya kanina ay biglang napawi. Naisip niyang hindi naman pala napilitan lang ang lalaki na siya'y yakapin, halikan at angkinin. Kungsabagay, ramdam naman niyang hindi ito napipilitan lang. Ang higpit kaya ng yakap nito, mapupusok ang halik nito at mariin ang bawat pag-ulos. 

Sa mga alaalang iyon, dagling nag-init ang kanyang pakiramdam. Kung maglalagay nga siya ng thermometer sa bibig, siguradong aabot ng kuwarenta ang kanyang 'lagnat'. 

"So, talagang gusto mo si Yvette?" Duda pa ring tanong nito. 

"Yes," wika ng lalaki. 

"Good," nakangising sabi ngayon ng matandang lalaki. 

Siya man ay napatitig dito. Abot tenga kasi ang ngiti nito ngayon na para bang nasisiyahan ngblubos sa sinabi ng anak. Siyempre, sobra siyang nagtataka roon. Hindi ba dapat ay magalit ito? Nakatakda silang magpakasal ni William Arguelles pero ang anak nito ang pinakasalan niya. 

Pinakasalan nga ba niya? Nagtataka niyang tanong. Alright, may papeles silang pinirmahan pero wala namang nagkasal sa kanila. Kaya, hindi niya napigilang magduda kung tunay ba ang dokumento na iyon o hindi. 

Buong pagkalito tuloy silang nagpalitan ng tingin ng lalaki habang ang mga magulang nila ay nagkatawanan na para bang tuwang-tuwa sa nangyari. 

"Akala mo ba ikaw ang nakaisa, anak ko," tuwang-tuwang tanong mo.

"What?"

"Sa tingin mo ba talaga ay ipagpapalit ko ang mama mo sa halos apo ko na. Sinabi ko lang iyon para hanapin mo si Yvette, ang babaeng gusto kong mapangasawa mo."

"What?" Inis nitong tanong. Bigla tuloy binitawan ng lalaki angg kanyang kamay. 

"Kilala mo ba kung sino ang pinakasalan mo?" Tanong naman ng kanyang ama. 

Gusto sana niyang sumagot sa kanyang Papa kundi nga lang niya naalalang hindi niya alam ang pangalan ng lalaki. Hindi naman kasi siya nagtanong. 

"Siya si William Arguelles III, short for Liam."

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jewiljen
Haha. It's a trap!
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status