Share

Chapter 4 Ang Masunuring Anak 

PAKIRAMDAM ni Yvette ay para siyang nagkaroon ng amnesia. Agad niyang nakalimutan ang sakit na nararamdaman dahil sa 'ginawa' niya kasama ang estranghero na iyon. 

Shucks, wika niya. Oo nga nagawa niyang makalimutan agad si Henry pero hindi naman mabura-bura sa kanyang isipan ang nangyari sa kanila ng estranghero na iyon. 

Mga nangyari, pagtatama pa niya sa kanyang sarili.

Hindi lang kasi isang beses may nangyari sa kanila. Kung dati'y takot na takot siyang mabuntis kung may mamamagitan sa kanila ni Henry, ngayon naman ay para pang tagprice na nakatambay sa kanyang isipan ang lahat ng nangyari sa kanila estranghero na ito. 

Basta ang alam niya nagàwa siya nitong paakyatin sa langit. Hindi nga niya tiyak kung normal  nga ang kanyang mga mata dahil parang walang ginawa iyon kundi tumirik habang hinahalikan nito ang bawat parte ng kanyang katawan. Nananakit din ang kanyang lalamunan dahil panay ang sigaw at ungol niya habang pinaliligaya siya nito. 

Ang lakas tuloy ng pagsinghap niya pagkaraan. Nag-init na naman kasi ang pakiramdam niya nang maalala niya ang lalaking iyon. Napakaguwapo naman kasi niya at napakagaling sa kama. 

Natakpan niya ng kanyang palad ang kanyang mukha. Sabi ng marami ay masakit daw ang first time. Talaga namang nasaktan siya ng mag-isa na ang kanilang katawan pero ang sakit ay unti-unting napawi makaraan ang ilang sandali. 

Marahas na paghinga tuloy ang pinawalan niya  sabay balikwas nang bangon. Para kasing gusto niyang magsisi na iniwanan ang lalaking himbing na natutulog pa sa condo nito. 

Shucks, inis niyang sabi sa sarili. Pakiramdam niya'y gusto pa rin niyang matikman ang tamis ng halik nito, nais pa rin niyang maramdaman mahigpit nitong yakap at malasap ang langit sa piling nito. 

My Goodness! Nahihirapang sabi niya sa sa sarili kaya naman nasabunutan niya ang sarili. Talaga kasing hindi niya nagugustuhan ang nararamdaman niya. Pakiwari niya kasi ay masyado siyang manyak kaya nagagawa pa niyang i-replay sa kanyang isipan ang mga nangyari sa kanila. 

Forget him, inis niyang sabi sa kanyang sarili. Iyon kasi ang dapat niyang gawin dahil napagdesisyunan na niyang maging mabuting anak. Sundin ang gusto ng kanyang ama kahit hindi niya alam ang buhay niya kapag nagpakasal siya kay William Arguelles. 

TAMA ba ang gagawin niya? Kabadong tanong ni Yvette sa kanyang sarili. 

Marahas na buntunghininga tuloy ang kanyang pinawalan. Tuwang-tuwa ang Papa niya nang sabihin niyang pumapayag na siyang magpakasal sa William Arguelles na iyon pero parang may umaawat sa kanya na gawin iyon. 

Ang alaala ba ng lalaking iyon? Tanong pa niya sa sarili. 

Gusto niyang magsabi ng 'yes' para masiyahan ang kanyang Papa. Alam niya kasi na iyon ang makapagpapaligaya rito. 

Nang sabihin nga niya na pumapayag na siyang nagpakasal sa William Arguelles na iyon ay sobrang kasiyahan ang nakita niyang nakapaskil sa mukha nito. Daig pa nito ang nanalo sa lotto. 

Kung magpapakasal ka ay siguraduhin mong sa taong mahal na mahal mo, wika ng kanyang ina sa kanyang panaginip. Ilang oras na siyang gising pero malinaw na malinaw pa rin iyon sa kanyang isipan. 

Malalim na buntunghininga pa nga ang pinawalan nito kaya alam niyang hindi ito kumporme sa kanyang desisyon. 

Sa loob ng isang linggo ay hindi iilang beses na tumawag sa kanya si Henry kaya lalo siyang nakaramdam ng galit dito. Naisip niya kasing kung talagang nais nitong makuha ang kanyang kapatawaran ay pupuntahan siya nito at personal na hihingi ng tawad sa kanya. Ngunit dahil sa kaduwagan nito, hindi ito nagtatangkang magpakita sa kanya. Gayunpaman, buo na ang desisyon niyang hindi na ito bigyan pa ng second chance kahit na maglumuhod pa ito sa kanyang harapan. Nawala na ang tiwala at respeto niya rito. At hindi na niya iyon maibabalik pa, gaya ng virginity niya na nawala. 

Pinagsisihan ba niya iyon? Tanong niya sa sarili. 

Gusto sana niyang sabihing 'oo' pero hindi iyon ang nararamdaman niya. Pakiramdam pa nga niya ay iyon ang pinakatamang nagawa niya sa kanyang buhay. Ang ipagkaloob ang kanyang sarili sa estranghero na iyon. 

At least sa kanyang buhay ay naramdaman niya talaga kung gaano kasarap ang 'sex'. Ngunit, ewan niya kung bakit parang nais niyang tumutol na sex lang ang naganap sa kanila ng estranghero na iyon. Marahil, dahil gusto niyang isipin na ipinagkaloob niya ang sarili sa taong mahal na mahal niya. 

Si Henry?

Yes, minahal naman niya si Henry pero ayaw niyang isipin na ito ang naiisip niya habang nagtatalik sila ng estranghero dahil hindi naman talaga. Hanggang ngayon nga ay ang lalaking iyon pa rin ang kanyang isipan. 

"Mabuti naman at bumaba ka na," wika ng kanyang ama. 

Malapad na malapad ang ngiti nito sa kanya kaya biglang siyang naumid. Ang gusto niya kasi ay bawiin ang sinabi niyang magpapakasal siya kay William Arguelles dahil isang malaking pagkakamali iyon. Nagpapakasal lang ang dalawang tao dahil sila ay nagmamahalan. Kaya nga lang, paano niya magagawa iyon kung hindi niya gustong mabura ang ngiti sa labi ng kanyang ama. 

Mahal niya ang kanyang ama kaya gusto sana niyang laging masaya ito. Napabuntunghininga lang siya ng makaramdam siya ng pagrerebelde nu'ng sabihin nitong ipakakasal siya nito kay William Arguelles. Pakiramdam niya kasi, hindi nito inisip ang nararamdaman niya. Alam naman ng ama niya na mayroon siyang kasintahan pero pinilit pa rin nitong ipagkasundo siya sa taong hindi pa naman niya nakikita. 

"Gusto ko sana kayong makausap," lakas loob niyang sabi. 

Oh no! Wika niya nang unti-unting mawala ang ngiti sa labi nito. Kumunot pa ang noo nito pagkaraan. 

"About what?" 

"Napanaginipan ko ang  Mama," wika niya sa halip sabihin na nagbago na ang isip niyang pakasalan ang lalaking sinasabi nito. Oh, para tuloy gusto niyang batukan ang kanyang sarili. "Sabi niya…"

"Mamaya ka na magkuwento at mayroon kang bisita," nakangiting sabi ng kanyang ama. 

"Si Henry?" Gulat pa niyang tanong. 

Kumunot ang noo nito. "Hiwalay na kayo ng manlolokong…" wika nitong biglang natigilan. 

Siya naman ay nagtaka kung bakit parang may ideya ang kanyang ama sa nangyari sa kanila ni Henry gayung wala naman siyang ikinukuwento rito. "Sa sobrang pagmamahal mo sa lalaking iyon tiyak na hindi kayo basta maghihiwalay kung hindi ka niya niloko," matigas nitong sabi. "Si William Arguelles ang tinutukoy kong bisita mo."

"Hi, Babes!" Wika ng boses ng lalaking parang katimbre ng estranghero na iyon.

KAHIT naman may duda na si Yvette na hindi niya magugustuhan ang lalaking inirereto sa kanya ng ama, para pa ring gusto niyang umiyak ng mga sandaling iyon dahil talaga ngang hindi niya gusto ang sinasabi ng ama niya na magiging asawa raw niya. 

Alright, guwapo nga si William Arguelles dahil mistulan itong Hari kung umasta. Ngunit, napakalayo ng agwat ng kanilang edad. Sa tingin niya ay mas matanda pa ito sa kanyang ama. 

"Magandang Umaga sa'yo aking reyna," wika pa nito ng abutin nito ang kanyang kamay at dalhin sa labi nito. 

Ang gusto sana niya ay bawiin ang kanyang kamay pero ayaw naman niyang mapahiya ito kaya hindi niya magawa. Gayunman, hindi lumapat sa likod ng palad niya ang labi nito dahil sa isang boses na biglang umagaw sa kanilang atensyon. 

"Hindi mo siya magiging reyna dahil asawa ko na si Yvette," mariing sabi ng boses na pamilyar na pamilyar sa kanya – ang estrangherong hindi mawala-wala sa kanyang isipan. 

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Iyah Yhang
at the right moment si liam
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status