LOGIN
Nasa kuwarto si Summer pero naririnig niya ang sigaw ng Tito Karl niya. Batid niyang lasing ito, natalo na naman siguro sa casino ang tiyuhin niya. Tuwing natatalo kasi sa sugal ang Tito Karl niya pumupunta ito sa bahay ng lola niya kung saan siya nakatira. Palagi siya nitong pinagsasalitaan ng masama ngunit hindi siya sumasagot. Narinig niyang pinapaalis na ito ng Tita Karen niya subalit patuloy pa rin nitong sinisigaw ang pangalan niya.
"Summer! Lumabas ka diyan. Wala kang pakinabang na babae ka! Nabubuhay ka lang sa naiwan na pera ni Mama," sigaw nito. Hindi na siya nakatiis lumabas na siya ng kuwarto para tumigil na kakasigaw ang tiyuhin niya. Masakit na rin kasi sa tainga pakinggan ang boses nito. "Tito Karl, ano po ang kailangan mo sa akin?" magalang niyang tanong. "Mabuti naman lumabas ka na! Pupunta bukas dito si Henry para mamanhikan, papakasalan mo siya sa ayaw at sa gusto mo! Nalulugi na ang negosyo na naiwan ni Mama, ang tanging makakatulong sa atin si Henry at malaki rin ang utang ko sa kanya. Ikaw ang gustong kabayaran niya!" tugon ng tiyuhin niya sa mala-demonyong ngiti. Nanghina si Summer, hindi niya lubos maisip na ginawa siyang pambayad utang sa matandang lalaki. Kilala niya ang tinutukoy nitong Henry, biyudo na ito at malapit na kaibigan ng tiyuhin niya. Sa pagkakaalam niya palaging nangungutang ng pera ang Tito Karl niya sa matanda tuwing natatalo sa sugal. "Hindi ako papayag sa gusto mo, Tito Karl. Wala kang karapatan na magdesisyon sa buhay ko!" galit niyang wika. Malakas siyang sinampal ng tiyuhin niya parang matatanggal na ang pisngi niya sa sakit. "Wala kang utang na loob pagkatapos ka palakihin ni Mama ganyan ang isasagot mo! Ako pa rin ang masusunod Summer. Pumasok ka sa kuwarto mo, simula ngayong gabi bawal ka lumabas!" sabi ng tiyuhin niya. Kinaladkad siya nito papasok sa kuwarto. Hindi ito mapigilan ng Tita Karen niya. Umiiyak na siya sa sobrang takot dahil nilock nito ang pinto, kinulong siya sa kuwarto. Kailangan niya makagawa ng paraan para makatakas siya. Dumaan siya sa bintana para makalabas siya ng bahay. Matinding takot ang nararamdaman niya habang papalayo siya. Dinala si Summer ng paa niya sa night club, crowded sa loob at maingay rin. Masakit sa mata ang neon lights, naghalo ang amoy ng alak at vape. "Everybody make some noise! Put your hands up!" sigaw ng Dj. Malungkot at masaya ang nararamdaman niya. First time niya makapasok sa club, nakikita niya kung gaano kasaya ang mga tao habang sumasayaw sana ganyan din siya kasaya. Nakakalungkot isipin na napadpad siya sa night club para uminom dahil may problema siya. "Excuse me, Ma'am. May I take your order?" tanong ng bartender. "Two gin and tonics, please." Uminom siya hanggang sa malasing siya. Sana kahit ngayong gabi lang hindi niya maramdaman ang sakit, hinanakit at sama ng loob sa pamilya niya. Maharot siyang sumayaw sa dance floor wala siya pakialam sa mga taong nakapaligid sa kanya. Habang sumasayaw siya may nabangga siyang lalaki. She smile seductively and she put her two hands on his shoulder. Nagsexy dance siya sa harapan nito, sinasadya niyang idikit ang dibdib niya sa matipunong katawan ng lalaki. "Darling, wala kabang kasama ngayong gabi? Sasama ako sa iyo kahit saan. Gawin mo lahat ng gusto mong gawin sa akin." Sinira na ng tiyuhin niya ang buhay niya kaya wala na siyang pakialam kung tama o mali ang ginagawa niya "Are you sure?" tanong ng lalaki. Lasing siya pero hindi nakaligtas sa mata niya ang kaguwapohan na taglay nito. Ang husky ng boses nito, natuturn-on siya sa tono. "Yes, Mr. Handsome," malandi niyang sagot. Dinilaan ni Summer ang labi ng lalaki bago niya hinalikan ito. Parang tumigil ang orasan sa ginawa niya. Pakiramdam niya nasa ulap siya, sobrang bilis ng tibok ng puso niya. Parang ayaw niya nang bumitaw sa halik, ganito pala ang pakiramdam nang nahahalikan. Nanlambot ang tuhod niya pero hindi niya pinahalata, nakakapanghina pala ang unang halik. Gusto niya sanang itanong ang pangalan nito ngunit hindi niya na naitanong dahil nag-iinit na ang katawan niya. "You don't know how to kiss. I'll teach you," he whispered. Hinapit nito ang baywang niya, mapusok siyang hinalikan nito at bawat galaw ng labi ng lalaki ginagaya ni Summer. Painit nang painit ang halikan nilang dalawa subalit biglang huminto ito. "Bakit?" tanong niya. "Alam nating dalawa kung saan patungo ang ginagawa natin. Sa mga oras na ito gusto na kitang angkinin ngunit lasing ka. Ayaw kong isipin mo na sinamantala ko ang kalasingan mo." Halos hindi na maintindihan ni Summer ang sinasabi ng lalaki dahil ang tainga niya nakafocus sa mapang-akit na boses nito. Hinaplos niya ang pisngi nito, pinapahiwatig niyang handa siya sa kahit anong mangyari. Inaamin niyang kinakabahan siya ngunit buo na ang desisyon niya, wala nang atrasan. Hindi niya kayang tanggihan ang lalaki dahil segundo pa lang na hindi maglapat ang mga labi nila hinahanap hanap niya na. "Darling, alam ko ang ginagawa ko pero kung ayaw mo sa akin maghahanap na lang ako ng ibang lalaki na gusto ako pasayahin," aniya. "Wala kanang ibang lalaki na mahahanap dito dahil ako lang ang may kakayahan na pasayahin ka," malambing nitong saad. Hindi niya alam kung namalikmata siya parang nakita niyang ngumiti ang lalaki. Siya ang nang-aakit pero siya ang naaakit sa ngiti nito pero biglang naging seryoso ito. Siguro nasobrahan na siya sa alak kaya naiimagine niya nang ngumingiti ito. "Patunayan mo sa akin iyang sinasabi mo. Ayoko ng puro salita lang," saad niya. "Bago ko patunayan iyan, maaari ko ba malaman ang pangalan mo magandang binibini?" tanong nito. "Summer Suarez, ang babaeng magpapasaya sa iyo ngayong gabi," nakangiting sagot niya. Gagawin niya ang lahat para mabola niya ang lalaki pero tingin niya hindi ito madaling bolahin. Idadaan niya na lang sa ganda at alindog para bumagsak sa kamay niya ito. Hindi siya nito maaaring tanggihan dahil nakuha na nito ang atensyon niya. Gusto niya maging masaya kahit ngayong gabi lang. Hinila na siya nito palabas ng night club, nagtungo na sila sa hotel. Nag-mamadali sila pumasok sa hotel room, batid niyang parehas ng nag-aapoy ang katawan nila. Sa bawat haplos at halik nito sa iba't ibang parte ng katawan niya napapaungol siya sa sarap. Nagugustuhan niya ang ginagawa nitong pag-hagod. "Ugh, you're so tight baby. Is this your first time?" "Ughhh hmmm yeah. Ohh! Please fuck me harder." Sabay nila inabot ang rurok ng kaligayahan. Kinabukasan, hindi na nagulat si Summer na may katabi siyang n*******d na lalaki, nakadapa ito kaya hindi niya nakita ang mukha. Bumangon na siya, pinulot niya ang nahulog na calling card. ”Spade Adams CEO of S-Cards Hotel and Resort," mahina niyang sambit. Nabitawan niya ang calling card, napalunok siya ng ilang beses. Batid niyang sobrang yaman nito dahil CEO, nagmamadali siyang umalis ng hotel bago pa magising ito. Ililihim niya lahat ng nangyari sa kanila at huli na rin ang pagkikita nila."Nalulungkot ako sa nalaman ko, Attorney Cruz, pero huwag kang mag-alala. Hindi ako magpapakita sa kanya," aniya. Kinuha niya ang inabot nitong shades at sombrero.Pumasok siya sa restaurant at pasimpleng umupo sa kabilang mesa. Kunwari ay tumitingin siya sa menu habang palihim na sinisilip ang tiyahin niya. Ibang-iba ang awra nito ngayon kumpara noon."Mahihirapan tayong bawiin si Summer kay Spade. Sinabi ko na kasi sa iyo na itago mo ng mabuti si Summer," iritadong wika ng tiyahin niya.Gusto niyang takpan ang mga tainga niya. Hindi siya makapaniwala sa narinig. Humigpit ang hawak niya sa menu. Buong akala niya ay mabuting tao ang tiyahin niya, ngunit may tinatago pala itong galit sa kanya."Karen, matigas ang ulo ng pamangkin mo. Kahit ikulong ko siya, gumagawa siya ng paraan para makatakas. Wala ka dapat problemahin kasi may amnesia pa si Summer. Mabibilog pa natin ang ulo niya."Hindi siya nagkakamali. Si Stella Mondragon ang kausap ng tiyahin niya. Kahit hindi siya lumingon, kil
Gusto niyang tumayo ngunit hindi siya makabangon dahil mahigpit na nakapulupot ang mga braso ni Spade sa baywang niya. Huminga siya nang malalim bago marahang hinaplos ang buhok nito."Honey, hindi ka ba nangangalay?" malambing niyang tanong."Hindi," maikling sagot ni Spade.Nanggigigil talaga siya sa asawa niya."Bumangon na tayo," aniya."Ayoko," saad ni Spade habang lalo pa siyang niyayakap."Magagalit ako sa iyo kapag hindi tayo bumangon," banta niya.Umangat ang tingin nito sa kanya. "Sanay na ako sa iyo. Palagi ka namang galit, dati pa."Natigilan siya sa sinabi nito. Nahahalata na ba ni Spade na bumalik na ang alaala niya? Napansin niya rin kasi na hindi na siya ganoon kalambing sa asawa niya. Nahihirapan siyang ibalik ang dating lambing niya dahil hindi na siya si Summer Mondragon."Honey, ngayon lang ako nagalit dahil pumunta sa office mo ang malanding si Ara," nakaismid niyang wika."Honey, naipaliwanag ko na iyan sa iyo. Kapag nagpapaliwanag ako, ayaw mo kasing makinig," s
Inaya niya si Lily uminom pero parang siya lang ang nakakaubos ng alak."Summer, ano ang problema?" nag-aalalang tanong ni Lily."Wala, Lily. Gusto ko lang uminom," sagot niya. Ayaw niyang magkuwento dahil lalo siyang maiinis. Sanay siyang hindi nagsasabi ng problema sa iba. "Lily, order ka ng male models."Nanlaki ang mata ni Lily. "Nilalagnat ka ba, Summer? Alam mo ba ang sinasabi mo? Huwag kana nga uminom kahit anu-ano na ang lumalabas sa bibig mo." Sinalat pa nito ang noo niya.Napatawa siya nang mahina. "Wala naman masama sa sinabi ko. Gusto ko lang naman makakita ng male models ngayong gabi." Para sa kanya normal lang iyon dahil tititigan niya lang naman."Masama iyang sinasabi mo dahil may asawa ka. Kapag nalaman iyan ni Spade, magagalit siya. Mas pogi pa ang asawa mo sa mga male model dito."Biglang nawala ang ngiti niya nang marinig ang pangalan ni Spade. Bakit siya hindi puwedeng tumingin sa iba? pero si Spade puwedeng makipaglandian kay Ara. Unfair naman iyon dapat kung ano
Sa totoo lang, hindi niya alam kung saan hahanapin si Attorney Cruz. Kaya napagpasyahan niyang puntahan ang dati nilang bahay.Nanikip ang dibdib niya nang makita ang dating magandang tahanan na ngayon ay wasak na wasak na. Tila bawat sirang pader at sunog na kahoy ay may kasamang alaala ng nakaraan. Hindi niya napigilang mapaluha.Dahan-dahan siyang lumapit sa gate. Nanginginig ang kamay niyang itinulak iyon.Papasok na sana siya upang tingnan ang loob ng bahay nang bigla niyang maramdaman na may ibang taong naroon."Summer, ikaw ba iyan?" Natigilan siya, mabilis siyang lumingon at agad na lumiwanag ang mukha niya nang makita kung sino iyon."Attorney Cruz!" gulat niyang sambit."Buhay ka, Summer." Maluha-luhang wika ni Attorney Cruz. "Akala ko tuluyan ka nang namatay sa sunog. Mabuti na lang at napadaan ako rito ngayong araw. Palagi akong nagsisindi ng kandila sa tapat ng bahay ninyo."Mahigpit niya itong niyakap at tuluyan siyang humagulhol nang iyak."Attorney, kailangan nating ma
Tulalang nakatitig si Summer sa kisame ng hospital. Naalala niya na ang lahat. Hindi siya si Summer Mondragon kundi si Summer Suarez.Sa kagustuhan niyang mailigtas ang kanyang mga anak, aksidente siyang nadulas at tumama ang ulo niya sa semento. Pagmulat ng mga mata niya, nasa hospital na siya walang maalala, walang kilalang tao. Nagpakilala sa kanya si Stella Mondragon bilang ina niya at agad siyang dinala nito sa abroad.Ngayon, malinaw na ang lahat. Napaiyak siya. Buhay pa kaya ang mga anak niya? Nasaan na ang kambal? Kumirot ang dibdib niya sa pag-aalala. Paano kung binawian na ng buhay ang mga ito? Kung hindi sana siya sumama kay Lily, kung hindi siya umalis baka kasama pa niya ngayon ang mga anak niya.Mabilis niyang pinahid ang luha nang marinig ang pagbukas ng pinto. Walang emosyon siyang napatingin kay Spade. Alam niya kung bakit hindi nito sinasabi ang tungkol sa amnesia niya. Pero hindi rin niya ipapaalam dito na bumalik na ang alaala niya."Honey, okay ka na ba? May masak
Kakausapin niya sana si Spade, ngunit pagdating niya sa loob ng kuwarto ay tulog na ito. Ang bilis naman nitong makatulog. Dahan dahan siyang lumapit sa asawa."Sorry," mahina niyang sambit.Dinampian niya nang halik si Spade bago siya nagtungo sa banyo upang maligo.Maghapon natulog si Spade. Nalungkot siya dahil nagluto pa naman siya ng pananghalian, ngunit mag-isa lang siyang kumain. Ayaw niya naman itong gisingin dahil batid niyang pagod ito. Isa pa, may kasalanan siya kay Spade. Ngunit paano kung hindi rin ito kumain?"Ipapasundo kita sa driver mamayang alas-siyete." Napaangat siya ng tingin. Nakabihis na si Spade."Bakit driver ang magsusundo sa akin?" tanong niya.Hindi sumagot si Spade. Para bang hindi siya nito narinig o sadyang pinili nitong huwag siyang pansinin. Diretso itong lumabas ng kuwarto. Ilang saglit pa ay narinig na lamang niya ang pag-andar ng sasakyan nito.Sa inis, naibato niya ang hawak na unan. Tumayo siya mula sa sofa at sinilip ang papaalis na sasakyan.Hin
Pinasakay siya ni Lily sa sasakyan nito at agad na ini-lock ang pinto. Kinabahan siya dahil ngayon niya lang nakilala ang babae, at baka nagpapanggap lamang ito na kilala si Summer Suarez. Siguro inutusan ng mommy niya ang babae para ibalik siya sa bahay nila."Inutusan ka ba ni Mommy?" matapang ni
Hatinggabi na ngunit gising pa rin si Summer. Paulit-ulit sa isipan niya ang mga nangyari sa coffee shop. Mga tanong na pilit humihingi ng kasagutan, ngunit wala siyang mapagtanungan. Hangga’t maaari, ayaw niyang itanong kay Spade. Sinulyapan niya ang asawa niyang mahimbing na natutulog sa tabi niy
Nakatitig si Summer kay Spade. Gusto sana niyang sabihin sa asawa na samahan siya nitong pumunta sa bahay nila, ngunit nagdadalawang-isip siya. Paano kung hindi magsabi ng totoo ang ina niya? Hindi talaga mawala sa isip niya si Summer Suarez. Huminga siya nang malalim, ipagpapaliban na muna niya an
Magdamag umiiyak si Summer dahil hindi siya maalala ni Spade. Ayaw niyang maniwala na may amesia si Spade pero iyon ang sabi ng Tita Karen niya. Umaga na pero hindi pa rin siya natutulog. "Sum," sambit ng tiyahin niya sa pangalan niya. Hindi niya napansin na nakatayo ang tiyahin niya sa may pintua







