Ilang araw ng iniiwasan ni Summer, si Spade. Magreresign na din siya, ipapasa niya ang resignation letter ngayong hapon bago siya umuwi. Pinag-isipan niya rin ng maigi ang desisyon niya. Hindi na siya safe sa lugar na ito kailangan niyang lumipat sa ibang lugar dahil alam na ng tiyuhin niya kung saan siya nagtatrabaho.
"Good morning, Ma'am. Magreresign na ako sa trabaho ko," magalang niyang wika. Inabot niya ang resignation letter sa hr. "Bakit, Sum? May problema kaba sa katrabaho mo?" tanong nito. "Wala po, personal reason ang dahilan," sagot niya. Tumango tango ito at nagpaalam na siyang uuwi na. Bukas maghahanap na siya ng bago niyang lilipatan. Para tuloy siyang criminal tago nang tago. Nag-aabang na siya ng jeep nang biglang umulan, tumakbo siya para sumilong muna. Muntik na siyang madulas mabuti na lang may humawak sa kanya. Matinding kaba ang nararamdaman niya napahawak siya sa tiyan niya, mapapahamak pa ang kambal niya dahil hindi siya nag-iingat. "Mag-ingat ka Summer. Ayokong may mangyari sainyo ng masama ng mga anak ko." Napatingala siya sa nagsalita, hindi siya makapag salita dahil ang lakas nang tibok ng puso niya. Sinuot sa kanya ni Spade ang coat nito, inakay siya nito pasakay sa kotse nito. Hindi dapat siya sumama kay Spade, sinubukan niyang buksan ang pinto subalit nailock na ni Spade. "Bababa ako," aniya. "Hindi," madiin na sabi ni Spade. "Tinanong mo ba ako kung gusto ko sumama sa iyo?" masungit niyang sabi. "Hindi na kita kailangan pang tanungin dahil nakita kitang nababasa ng ulan. Kung hindi kita nahawakan kanina nadulas kana. Ako na nga ang nagmamagandang loob na tulungan ka parang ako pa ang may mali," naiinis din na sabi ni Spade. "Hindi ko naman sinabi na tulungan mo ako!" Dahil siguro buntis siya kaya ang bilis niyang magalit. Naiirita din siya kapag nakikita niya si Spade, ayaw niyang isipin na pinaglilihian niya ito. Batid niyang tama naman ito ngunit nangingibabaw ang pag kainis niya sa binata. "Ano ang gusto mo hayaan kitang madulas? Summer, nag-aalala lang ako sa iyo," seryosong sabi nito. "Hindi ko kailangan ang pag-aalala mo. Maari bang huwag kana lumapit sa akin dahil tuwing nakikita kita naiinis ako sa iyo." Inismiran niya ito. Sumimangot siya pinapahalata niyang ayaw niya itong kausap. "Childish," mahinang saad ni Spade. Hindi na siya nito pinatulan, pinaandar na lang nito ang sasakyan hindi niya alam kung saan sila papunta. "Kailangan natin mag-usap, hindi ka magreresign. Simula bukas secretary na kita." Uminit na naman ang ulo niya. Makapagdesisyon si Spade parang hawak nito ang buhay niya. "Wala tayong dapat pag-usapan, Spade. Gusto ko magresign period!" "Bigyan mo ko ng dahilan para pumayag ako na magresign ka. Wala ka maibigay kasi ang totoo gusto mo lang akong iwasan, tama di ba? Hindi ako manhid Summer, alam kong iniiwasan mo ako." "Oo tama ka pero may iba pa akong dahilan at hindi mo iyon maaaring malaman. Unawain mo naman ako." "Dahil ba sa lalaking kausap mo noong nakaraan?" tanong nito. Umiwas siya ng tingin kay Spade, hindi nito maaaring malaman ang tungkol sa kanila ng tiyuhin niya. "Bakit hindi ka sumagot, Sum? Handa akong tumulong sa iyo kung may problema ka." Hininto na nito ang sasakyan, nasa tapat sila ng mansion. Hindi niya napansin na pumasok na sila sa gate. Hindi na siya magtatanong kung sino ang may-ari ng mansion dahil batid niyang si Spade. Nakakalula ang laki at ganda ng mansion. "Bakit mo ako dinala dito?" tanong niya. "Sagutin mo muna ang tanong ko, Sum." "Ano ba ang gusto mong malaman? Kung may problema ako labas kana doon hindi mo ako obligasyon na tulungan," aniya. "Obligasyon na kita simula noong ginawa natin ang kambal. Hindi kita pababayaan kahit anong mangyari." Hindi niya mabasa si Spade, hindi niya alam kung nagsasabi ito ng totoo. Ang hirap maniwala dahil hindi niya pa ito lubos na kilala. Batid niyang dahil lang sa kambal kaya naghahabol sa kanya si Spade, kung walang bata na nabuo impossible na kulitin siya nito. "Spade, hindi mo alam ang sinasabi mo. Ayokong pati ikaw guluhin ng tiyuhin ko, may problema ako sa pamilya ko at ayaw kitang madamay," malungkot na saad niya. Sana naman maintindihan siya nito dahil pagod na siya makipagtalo sa binata. "Lumayas lang ako sa bahay namin dahil ipapakasal ako sa lalaking hindi ko gusto. Kabayaran ako sa utang ng tiyuhin ko." Naiyak siya bigla, para siyang bata na nagsusumbong kay Spade. "Babayaran ko ang utang niya ngunit sa isang kondisyon sa akin ka magpapakasal." Napatingin siya kay Spade, mapait siyang ngumiti. Nabuhay lang siguro siya sa mundo para pakasalan ang lalaking di niya mahal. "Handa ako maghintay Sum, hindi kita mamadaliin." "Pero Spa------" "Magtiwala ka lang sa akin. Pinapangako ko sa iyo hindi ka nila malalapitan at simula sa araw na ito dito kana titira sa mansion ko," sabi nito. Niyakap siya nito, nagdadalawang isip siya kung tatanggapin niya ang tulong nito pero ang kapalit ay kasal. Bumaba na sila ng sasakyan, pumasok na sila sa loob ng mansion. Pagod na rin ang utak niya mag isip. "Spade, sinasabi ng utak ko huwag magtiwala sa iyo ngunit pagod na ko. Sana ang pinapakita mong kabutihan sa akin ay totoo," aniya. "Honey, kung ano ang pinapakita ko sa iyo ako na iyon. Mahalaga ka sa akin kaya ginagawa ko ang lahat para maprotektahan at maalagaan ka." H******n siya nito, gumanti siya sa halik nito. Bahala na kung magkamali siya sa desisyon niya, hindi niya na itatanggi sa sarili na si Spade ang pag-asa niya para tumigil na ang tiyuhin niya kakapilit sa kanya na ipakasal siya. Si Spade ang sagot sa lahat ng problema niya ngunit nakokonsensya siya dahil parang lumalabas na sinasamantala niya ang kabaitan nito.Nakaalis na si Summer pero nakatingin pa rin si Spade sa labas ng restaurant. Xerox copy talaga ng dalaga si Summer Suarez ngunit magkaiba ang ugali ng dalawa. Napangiti ng mapait si Spade, batid niyang hindi friendly si Summer Suarez. Subalit, may bahagi ng puso niya na umaasa na si Summer Suarez at ang nakilala niyang babae ay iisa."Spade, matutunaw na ang pinto kakatingin mo," wika ni Aaron na kakarating lang."Sorry, may iniisip lang ako," seryoso niyang saad."Ang iniisip mo ba iyong babaeng kamukha ni Summer at kapangalan niya?" tanong ni Aaron"Oo, siya nga. Buong akala ko lasing lang ako kagabi pero nang muli ko siyang makita napatunayan kong para silang pinagbiyak na bunga," wika niya."Spade, huwag kang umasa na siya iyon dahil alam natin dalawa na wala na sa mundo si Summer.""Aaron, hindi ko pa rin matanggap na wala na siya. Kasalan ko ang lahat ng nangyari," malungkot niyang saad. Napakuyom ang kamao niya dahil sinisisi niya ang sarili."Pero kailangan mong tanggapin," n
After 1 yearDalawang buwan ng nasa Pilipinas si Summer, nauna siyang umuwi. Namimiss niya ang buhay sa ibang bansa dahil palagi siyang may kasama doon. Sa probinsya siya dumiretso sa bahay bakasyonan nila dahil iyon ang gusto ng ina niyang si Stella Mondragon. Pinagbabawalan siya nitong pumunta ng Manila at lumabas na walang kasama."Hello, Mom," wika niya. Tinawagan niya ito dahil nababagot siya. "Kailan ka ba uuwi dito?""Sa susunod na linggo nandiyan na ko. Mamamasyal tayong dalawa pagdating ko. Sige na may online meeting pa ako," saad ng mommy niya.Napabuntong hininga siya. Bawal siyang lumabas pero wala naman itong oras sa kanya. Wala naman bago palagi naman busy sa negosyo nila ang ina niya. Nagkaroon lang ito ng oras sa kanya noon naaksidente siya. Dinala siya nito sa ibang bansa para doon magpagaling.Gusto niya magswimming para matanggal ang pagkabagot niya. Nag-search siya sa google ng five stars hotel and resort lumabas ang S-Cards Hotel and Resort. Ang problema malayo a
Sumisiklab na ang apoy sa katawan niya nang magsimula nang haplusin ni Spade ang hita niya ngunit biglang huminto si Spade at tumayo."Magkano ang kailangan mo para tumigil kana kakasunod sa akin?" Para siyang sinampal ng sampung beses sa tanong ni Spade."Hindi matutumbasan ng pera ang kailangan ko dahil ikaw ang kailangan ko," sagot niya. Napahiya siya dahil buong akala niya mauulit ang nangyari noong una niyang nakilala si Spade. Huminga muna siya ng malalim bago nagsalita ulit. "Hindi mo ba talaga ako maalala? Ipapaalala ko sa iyo ang lahat. Nakilala kita sa bar at may nangyari sa ating dalawa. Pangalawang pagkikita natin dito mismo sa pag aari mong resort at may anak tayo. Buong akala ko nga eh hindi ko sinabi sa iyo ang pangalan ko. Pinilit ko alalahanin ang lahat ng nangyari para maipaalala ko sa iyo," umiiyak niyang wika.Ang sakit makita ang reaction ni Spade parang hindi ito naniniwala sa kanya. Naiintindihan niya naman ito pero masakit na ayaw nitong maniwala."Ang galing m
Magdamag umiiyak si Summer dahil hindi siya maalala ni Spade. Ayaw niyang maniwala na may amesia si Spade pero iyon ang sabi ng Tita Karen niya. Umaga na pero hindi pa rin siya natutulog."Sum," sambit ng tiyahin niya sa pangalan niya. Hindi niya napansin na nakatayo ang tiyahin niya sa may pintuan ng kuwarto niya."Tita, nandiyan ka pala. Pasok ka po," wika niya."Tulog pa ba ang mga bata?" tanong nito."Opo," magalang niyang sagot. Umupo sa tabi niya ang tiyahin walang imik na niyakap siya nito. Tahimik siyang umiiyak. Inabot ng tiyahin niya ang cellphone nito, pinanood niya ang balita tungkol kay Spade. Totoo ngang nagka-amesia si Spade."Alam kong mahirap paniwalaan pero iyan ang totoo. Mahirap tanggapin na may amesia siya.""Ang sakit Tita Karen na hindi niya ako maalala," umiiyak na wika niya."Iiyak mo lang ang sakit na nararamdaman mo," wika ng tiyahin niya. Hindi niya kayang tanggapin ang lahat ng nangyayari. Gagawa siya ng paraan para maalala siya ni Spade."Tita, maaari ko
Ilang araw ng nasa hospital si Spade ngunit hindi pa rin ito nagigising. Tuwing nakikita niya ang hitsura nito napapaluha siya. Pinagsisihan niya ang lahat ng sinabi niya kay Spade, kung maibabalik niya lang ang oras hindi niya papaalisin si Spade."Spade, mahal kita at pinapatawad na kita. Magpapakasal na ako sa iyo, gumising kana," malungkot niyang saad. Sunod sunod pumatak ang luha niya at araw araw din siyang umiiyak. Tuwing gabi hindi siya makatulog dahil inuusig siya ng konsensya at sinisisi niya ang sarili."Sum, umuwi ka muna. Wala kapang tulog," wika ni Aaron na kakapasok lang sa kuwarto."Dito lang ako sa tabi ni Spade," umiiyak na wika niya."Sum, hindi matutuwa si Spade na hindi ka nagpapahinga. Kailangan ka din ng mga anak mo. Sige na umuwi kana muna ako na bahala dito. Bumalik kana lang bukas," wika nito."Sige," mahinang saad niya.Nasa bahay na siya pero ang isip niya nasa hospital pa din. Kahit anong gawin niya hindi siya makatulog dahil nag-aalala siya kay Spade. Tin
Madalas umaalis si Summer, sinasama niya ang kambal kahit nahihirapan siya dahil wala siyang tiwala kay Spade. Nagta-trabaho siya sa convenience store, pumayag ang may-ari na isama niya ang kambal dahil batid nito na walang magbabantay."Sir Roy, out na po ako," aniya."Ihatid ko na kayo ng mga anak mo. Mahirap pa naman makasakay ng ganitong oras. Sana pala hindi kita pinayagan mag-overtime para nakauwi kayo ng maaga," wika ni Roy."Sir Roy, kailangan ko mag-overtime dahil kailangan ko ng pera.""Sum, ang sabi ko sa iyo Roy na lang itawag mo sa akin kapag tayong dalawa lang ang nag-uusap," seryosong sabi nito. Matagal ng nanliligaw sa kanya si Roy subalit hindi niya ito magustuhan dahil kaibigan lang ang tingin niya sa lalaki. Sinabi niya na noong una pa lang na wala itong pag-asa ngunit patuloy pa rin si Roy sa panliligaw sa kanya."Okay, sorry. Sige, ihatid mo na kami." Matagal na siyang hinahatid ni Roy pero minsan tinatanggihan niya ito. Pumayag siya ngayon dahil sobrang pagod siy