Share

2

Penulis: Allecorianna
last update Tanggal publikasi: 2026-10-03 22:49:31

MARIPOSA

TATLONG ARAW ang lumipas mula nang unang dumalaw sa bahay namin si Ninong Daxton. Hindi ko na siya masyadong inisip pagkatapos ng araw na iyon. Dahil mas marami akong kailangang asikasuhin sa bahay at sa pag-aaral. Bukod sa mga gawaing bahay, kailangan ko ring tapusin ang mga assignment ko bago ako matuloh. Ayokong pumasok na hindi handa. Wala rin naman akong ibang mapagkakaabalahan. Kapag hindi ako nag-aaral, tumutulong ako kay Mama o kaya naman ay naghahanap ng paraan para makatulong sa mga kapatid ko. Kahit paano, gusto kong maibsan ang mga problema niya. Dahil alam kong hindi na rin niya alam kung saan kukuha ng pera para sa pang-araw-araw naming pangangailangan.

Noong gabing iyon, nakaupo ako sa isang sulok ng sala habang nakapatong sa maliit na mesa ang mga notebook at libro ko. Tahimik akong nagsusulat habang pinipilit intindihin ang assignment na matagal ko nang ginagawa nang marinig ko ang malakas na boses ni Papa mula sa labas. May kausap siya at hindi ko na kailangang hulaan kung sino iyon dahil pamilyar na sa akin ang boses ng taong kasama niya. Napatingin ako sa pintuan nang marinig ko ang mahinang pagtawa ni Papa.

“Pare, akala ko hindi ka na darating ulit dito. Mabuti naman at napadaan ka,” masayang sabi ni Papa.

“Napadaan lang talaga ako. May inasikaso ako malapit dito kaya naisip kong dumaan,” sagot ni ninong Daxton.

Hindi ko na sila pinansin at ibinalik ko ang tingin ko sa notebook. Naririnig ko ang pagkukuwentuhan nila tungkol sa mga kakilala ni Papa at kung anu-anong bagay na hindi ko naman naiintindihan. Paminsan-minsan ay tumatawa si Papa, samantalang tahimik lang si Daxton bago sumagot. Hindi ko alam kung bakit napapansin ko ang boses niya. Siguro dahil ilang araw pa lang mula nang una ko siyang makilala. Kaya sariwa pa sa isip ko ang mukha niya at ang paraan ng pakikipag-usap niya.

Mayamaya, narinig kong tumigil ang usapan nila. Ilang segundo lamang ang lumipas bago may mga yabag na papalapit sa akin. Hindi ko na kailangang tumingala para malaman kung sino iyon. Pero ginawa ko pa rin nang tuluyan siyang huminto sa tabi ng mesa ko.

“Busy ka?” tanong niya.

Napatingin ako sa kanya bago bahagyang ngumiti.

“Medpo. Ginagawa ko po ang ssignment ko.”

Tumango siya at sumilip sa notebook ko. “Anong grade ka na?”

“Grade 12 po. Senior highschool,” sagot ko.

“Akala ko bata ka pa. I mean…akala ko junior highschool ka lang.”

Napangiti ako nang kaunti. “Twenty one years old na nga po ako. Hindi nga ako agad nakapag-aral kaya grade 12 pa lang ako. Mukha po kasi akong bata?”

“Oo…at napakaganda mong bata.”

Tila nag-init ang pisngi ko sa sinabi niya. Napayuko ako at ipinagpatuloy ang pagsusulat.

“Ah ganoon po ba? Salamat po sa papuri,” nahihiyang sabi ko.

“Hindi mo naman kailangang mahiya sa akin. Ninong mo ako.”

Umupo siya sa kabilang bahagi ng sala habang ako naman ay patuloy na nagsusulat. Ilang segundo kaming tahimik hanggang sa muli siyang nagsalita.

“Ano pa ang pinagkakaabalahan mo bukod sa pag-aaral?”

“Actually, naghahanap po ako ng part-time job. Kaso mahirap din po kasi may klase ako. Kailangan ko iyong puwedeng pagsabayin sa schedule ko.”

Tumango siya habang nakatingin sa akin. “Bakit kailangan mo ng trabaho?”

Sandali akong nag-isip bago sumagot. “Para po may sarili akong pera. Ayoko namang palagi akong humihingi kay Mama. Alam ko rin naman na hirap na hirap kami ngayon.”

Hindi na ako nagdagdag pa. Ayokong magmukhang nagrereklamo tungkol sa pamilya namin, lalo na at bisita siya ni Papa. Pero mukhang naintindihan naman niya ang ibig kong sabihin dahil hindi na siya nagtanong tungkol sa pera.

“Actually, kulang kami ng waitress sa bar ko,” sabi niya.

“May bar po kayo?”

“Oo. High-end bar iyon. Exclusive ang mga customer at maayos ang buong lugar. Marami akong security personnel at mahigpit ang security, kaya siguradong ligtas ka roon. May mga rules din ako na mahigpit na sinusunod ng lahat. Walang customer ang puwedeng mambastos o gumawa ng anumang hindi kanais-nais sa mga waitress at iba pang staff.”

Napatingin ako sa kanya nang mabuti. “Waitress po?”

“Oo. Part-time lang naman kung ayaw mong full-time. Maaari nating ayusin ang schedule mo depende sa klase mo.”

Hindi ako agad nakasagot. Naisip ko agad ang posibilidad na magkaroon ako ng sariling pera. Hindi ko na kailangang humingi kay Mama kapag may kailangan ako sa school. Maaari rin akong makatulong kahit kaunti sa mga kapatid ko. Kahit hindi kalakihan ang kikitain ko, malaking bagay na iyon para sa akin.

Bahagya akong napangiti. “Safe po talaga?”

“Oo. Bakit naman kita ilalagay sa lugar na hindi ligtas?”

Hindi ko alam kung bakit, pero nakaramdam ako ng kaunting ginhawa sa sinabi niya. Sa totoo lang, iyon din ang dahilan kung bakit matagal akong nagdalawang-isip na maghanap ng trabaho. Marami akong naririnig na kuwento tungkol sa mga waitress na minamaliit o minamanyak ng mga customer. Ayokong mapunta sa ganoong sitwasyon.

“Gaano po katagal ang shift?”

“Pwede kang magsimula ng apat o limang oras pagkatapos ng klase mo. Ikaw ang pipili depende sa schedule mo. Kung may exam ka o kailangan mong mag-aral, sabihin mo lang sa manager.”

Muli akong tumingin sa notebook ko. Hindi ko alam kung pagkakataon lang ba talaga ang pagdating niya ngayong gabi, pero parang sakto naman sa pangangailangan ko ang alok niya.

“Magkano po ang sahod?”

Napangiti siya nang bahagya. “Interested ka na?”

Napahiya ako at bahagyang natawa. “Nagtatanong lang po.”

“Malalaman mo kapag kinausap mo ang manager. Pero siguradong may daily rate ka at may tips din. Kung gusto mong subukan, bukas pwede kitang dalhin doon para makita mo muna ang lugar.”

Sandali akong natahimik bago tumango.

“Okay po. Gusto ko pong subukan.”

“Sigurado ka?”

“Opo. Kailangan ko rin po talaga ng trabaho.”

Tumango siya. “Sige. Bukas pagkatapos ng klase mo, sunduin kita.”

“Hindi na po kailangan. Kaya ko naman pong pumunta roon.”

“Hindi mo pa alam kung saan iyon.”

Napakamot ako sa ulo at napangiti. “Tama po.”

Bahagya siyang natawa. “Kaya ako na ang susundo sa iyo. Mas madali.”

“Okay po.”

Ipinagpatuloy ko ang pagsusulat ko habang nanatili siya sa sala. Paminsan-minsan ay may itinatanong siya tungkol sa pag-aaral ko at sinasagot ko naman nang maayos. Nalaman niyang gusto kong makatapos dahil gusto kong magkaroon ng maayos na trabaho balang araw. Hindi ko naman sinabi sa kanya ang lahat ng problema namin sa bahay, pero nang tanungin niya kung bakit kailangan kong magtrabaho agad, sinabi kong gusto kong makatulong kay Mama.

“Masipag ka pala,” komento niya.

“Wala naman po akong choice.”

Napatingin siya sa akin. “Mayroon pero pinipili mong tumulong.”

Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko kaya ngumiti na lang ako. Pagkatapos ay muling bumalik ang tingin ko sa assignment ko.

“Alam mo…hindi ko akalain na lalaki kang maganda at sexy. Huling kita ko sa iyo, bata ka pa,” aniya bago tumingin sa labi ko.

Bigla akong kinilabutan sa sinabi niya at sa paraan niya ng pagtingin sa labi ko. Pero hindi ko alam kung bakit tila may apoy na gumapang sa loob ko.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Komen (2)
goodnovel comment avatar
Allecorianna
salamat sa suporta
goodnovel comment avatar
Epimaco Guiyab-Talosig Lugo Lalantan
Ganda ng story
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • My Hot Ninong Daks (SPG)   24

    MARIPOSATAHIMIK ANG BUONG BIYAHE namin pauwi sa mansiyon. Nakaupo ako sa passenger seat habang paminsan-minsang sumusulyap kay ninong Daxton na abala sa pagmamaneho. Kanina pa siya walang imik at hindi man lang ako kinakausap. Iba ang mukha niya ngayon kumpara sa nakasanayan ko. Wala ang karaniwan niyang ngisi at tila may mabigat na iniisip.Hindi ko tuloy maiwasang makaramdam ng pagkailang.Ano ba ang problema niya? Kanina sa bar, bigla na lang siyang sumingit sa usapan namin ni Harris at mariing sinabi na hindi ako puwedeng sumama rito. Pagkatapos, hindi na niya ako kinausap nang maayos. Nang magpaalam ako sa mga kasama ko sa trabaho, sinabi lang niyang ihahatid niya ako pauwi.Napatingin ako sa kaniya. Nakasentro ang atensiyon niya sa kalsada at mahigpit ang pagkakahawak sa manibela."Ninong...""Hmm?""Okay ka lang ba?"Hindi siya agad sumagot. Ilang segundo muna ang lumipas bago siya nagsalita."Okay lang ako."Napakunot ang noo ko. Hindi naman ganoon ang itsura niya. Kung okay

  • My Hot Ninong Daks (SPG)   23

    MARIPOSA HABANG NASA KLASE ako, ilang beses kong sinubukang ituon ang atensiyon ko sa leksiyon ng professor namin. Nakabukas ang notebook ko at hawak ko ang ballpen, pero kahit anong pilit kong makinig, hindi ko maintindihan ang mga sinasabi niya. Parang lumilipad lang sa hangin ang bawat salitang naririnig ko. Ang totoo, may ibang bagay na gumugulo sa isip ko. Hindi mawala-wala sa alaala ko ang sinabi ni ninong kagabi. Lalo na ang malanding pagkakakindat niya habang sinasabi niyang handa niya akong pasayahin sa kahit anong paraan na gusto ko. Napapikit ako sandali at napailing. “Ano ba naman kasi iyon? Bakit kailangan pa niyang magsalita nang ganoon? Hindi ba niya alam na hindi ganoon kadaling balewalain ang mga sinasabi niya? Ang landi ni ninong!” inis kong sambit. Minsan, parang sinasadya niyang guluhin ang isip ko. Hindi ko tuloy malaman kung nagbibiro lang ba siya o may ibang ibig sabihin ang mga sinasabi niya. "Mariposa, ano ka ba?" bulong ko sa sarili habang kunot-noo na

  • My Hot Ninong Daks (SPG)   22

    DAXTON NAPASABUNOT AKO nang maalala ko ang sinabi ko kay Mariposa habang kumakain kami. Tanginang kalibugán ito! Pati inaanak ko, minamanyák ko na! Bakit ba kasi napakaganda at sexy niya?Tinuon ko na lang ang tingin ko sa mesa. Narito ako ngayon sa mansyon, sa loob ng mini office ko habang pinag-aaralan ang nabili kong lupa. Magtatayo ulit ako ng panibangong club. Ilang sandali pa, may kumatok na kasambahay. Narito raw ang pinsan kong si Denver. Tumango ako at saka sinabing papuntahin na lang. Kaya ilang sandali pa, dumating na ang pinsan kong sira ulo rin.“Ano ka na, insan? Binibira mo na ba ang inaanak mo?” aniya bago humalakhak.Hindi ko tuloy napigilang matawa sabay iling.“Tangina mo! Nabanggit ko lang sa iyo ang tungkol kay Mariposa tapos ganiyan na agad ang nasa isip mo? Tangina mo talaga ano?”Muli siyang tumawa ng malakas bago hinila ang upuan at naupo sa harapan ko. “Eh tangina mo rin kasi! Manyakis kang hayôp ka. Kung sino-sino nga ang tinitira mo!”“At kasalanan ko

  • My Hot Ninong Daks (SPG)   21

    MARIPOSAKINABUKASAN, nagising ako na mabigat ang ulo at parang may pumipitik sa magkabilang sentido ko. Napapikit ako at napahawak sa noo habang dahan-dahang bumabangon sa kama. Grabe! Parang gusto kong sumabog ng ulo ko sa sakit. Mabuti na lang at wala akong pasok sa school ngayon kaya hindi ko kailangang magmadaling bumangon. Nang tingnan ko ang orasan sa tabi ng kama, halos tanghali na pala.“Aray ko…” mahina kong daing.Ilang sandali akong nakaupo habang sinusubukang alalahanin ang mga nangyari kagabi. Ang huling natatandaan ko ay nag-iinuman kami ni ninong sa Romanov Privé. Ikinuwento ko sa kaniya ang problema ko kay Papa at hindi ko namalayan na naparami na pala ang nainom ko. Pero paano ako nakarating dito sa kuwarto? Ang alam ko, nahihilo na ako at hindi na halos makatayo nang maayos.Si ninong kaya ang nagdala sa akin?Napatingin ako sa pinto bago muling napahawak sa sentido. Unti-unti kong naalala ang mga sumunod na pangyayari. Nasa kama na ako nang tawagin ko siya. Lumapit

  • My Hot Ninong Daks (SPG)   20

    MARIPOSAKinabukasan, mas maaga akong pumasok sa Romanov Privé. Hindi ko na muna inisip ang nangyari sa bahay dahil ayokong masira ang buong araw ko kakaisip sa walang kwentang tatay ko. Sa halip, ibinuhos ko ang lahat ng atensiyon ko sa trabaho. Abala ako sa pag-aayos ng mga mesa, pag-check ng mga paninda at pag-asikaso sa mga customer. Kahit may pagkakataong puwede akong magpahinga, hindi ko iyon ginagawa.Gusto kong maging abala para hindi ko na maalala ang lahat ng problema sa bahay."Mariposa."Napalingon ako nang marinig ang boses ni ninong. Nakatayo siya sa likuran ko habang nakatingin sa mga basong inaayos ko sa counter."Yes po, ninong?""Kanina ka pa nagtatrabaho. Hindi ka pa ba nagpapahinga?"Umiling ako at nagpatuloy sa ginagawa. "Ayos lang po ako. Marami pa po akong kailangang gawin.""May mga empleyado naman dito na puwedeng gumawa niyan. Hindi mo kailangang akuin lahat.""Okay lang po. Gusto ko lang maging abala."Sandali niya akong pinagmasdan bago lumapit sa counter.

  • My Hot Ninong Daks (SPG)   19

    MARIPOSA Mabilis na lumipas ang isang linggo. Sa mga sumunod na araw, naging abala ako sa pag-aaral at pagtatrabaho sa Romanov Privé. Kahit madalas ay inaabot ako ng pagod, tiniis ko iyon dahil alam kong may naghihintay sa akin sa bahay. Kailangan kong kumita para sa pang-araw-araw naming gastusin at para na rin sa pag-aaral ko.Nang matanggap ko ang sahod ko, agad akong umuwi at ibinigay kay Mama ang perang kinita ko. Hindi ko na iyon inintindi kung magkano ang matitira sa akin dahil mas mahalaga sa akin na may magamit siya para sa mga pangangailangan namin. Pagkatapos, dumaan ako sa grocery at bumili ng bigas, de-lata, gulay, karne, gatas at iba pang kailangan sa bahay. Sinigurado kong sapat ang mga iyon para hindi na muna kami mamroblema sa pagkain sa mga susunod na araw.Masaya ako nang makita kong may laman na ulit ang aming kusina. Kahit papaano, hindi na kailangang mag-isip ni Mama kung saan kukuha ng ipangluluto namin. Ganoon na lang din ang pasasalamat niya sa akin, pero sin

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status