Share

My Hot Ninong Daks (SPG)
My Hot Ninong Daks (SPG)
Penulis: Allecorianna

1

Penulis: Allecorianna
last update Tanggal publikasi: 2026-10-03 21:52:19

MARIPOSA RIVERA

"TANG1NA NAMAN! Ano ito? Tuyo na naman ang ulam natin?!" sigaw ni papa nang makita ang ulam namin ngayong gabi.

Napalunok ng laway si mama sa malakas na sigaw ni papa. Sa totoo lang hirap na hirap na rin kami sa buhay. Tatlo kaming magkakapatid at ako ang panganay. Sa totoo lang, hindi naman sana magiging ganito kahirap ang buhay namin kung nagtatrabaho lang ng maayos si papa. At kung hindi siya nagsusugal at nagbibisyo. Masyado siyang malakas uminom at mas malakas pa siyang gumastos sa alak kaysa sa amin na pamilya niya.

“Rodel, wala ka namang binigay na pera sa akin. Ano ang ipang bibili ko ng ulam kung wala ka namang binibigay? Mas inuuna mo pang bumili ng alak at libre ang mga kainuman mo kaysa sa amin ng pamilya mo,” mahinahong saad ni mama.

Matalim siyang tiningnan ni papa na para bang sasaktan niya ito ano mang oras.

“Anong sinabi mo? Bakit? At ano bang pakialam mo kung gumastos ako sa mga tropa ko? Anong pakialam mo kung pumasok ako ng malaki sa alak? Ikaw nga, wala kang silbi! Naghihintay ka lang ng ibibigay kong pera sa iyo! Ano ba ang kaya mong gawin ha? Ang maglaba? Tapos kakarampot lang din ang kikitain? Eh di maglaba ka o kung ano pa ang gusto mong gawin! Wala naman akong pakialam. Para hindi ka hingi nang hingin sa akin!”

Hindi ko na kinaya pa ang sinabi ni papa kaya naman lumapit na ako sa kanila.

“Papa grabe ka naman kung makapagsalita kay mama. Hindi mo alam kung ano ang hirap na dinadanas ni mama sa pag-aalaga sa amin. At isa pa…hindi ba dapat na talaga ang nagbibigay ka ng pera kay mama dahil mga anak mo kami?”

“At talagang sumasagot ka pa? Eh isa ka rin namang walang kwenta? Dapat kasi hindi ka na nag-enroll! Bakit kasi nag-enroll ka pa ng putanginang college na iyan? Ano ba ang akala mo sa sarili mo makakapagtapos ka ng pag-aaral? Akala mo ba kapag nakapagtapos ka ng pag-aaral magkakaroon ka ng magandang trabaho? Bobo! Walang ganoon dahil maraming nakapagtapos ng pag-aaral na hindi naman maganda ang trabaho at maliit pa ang sahod! Kaya dapat ang ginawa mo na lang ay nagtrabaho ka na lang kaysa nag-enroll ka pa ngayong taon! Tapos sisisihin mo pa ako kung bakit kayo nagugutuman? Eh ‘di gumawa ka ng paraan para magkaroon ka ng baon! Pati na ang mga kapatid mo! Sawang-sawa na ako sa inyong lahat dahil inasa niyo na lang sa akin ang lahat!”

Matapos niyang sabihin iyon ay lumabas na siya ng bahay. Sigurado akong pupunta na naman siya sa kanyang barkada at doon magpapalipas ng ilang oras. Madalas siyang umuuwi ng madaling araw na. Bihirang-bihira na siyang umuwi ng gabi. Isang taon na rin ang lumipas simula ng magbago si papa. At iyon ay dahil sa napabarkada siya sa ngayong mga tao.

“Anak…”

Napatingin ako kay mama na umaagos ang luha sa mga mata. Kahit ang mga kapatid ko ay naiiyak na. Tumingala ako upang pigilan ang luha ko. Kung may magagawa nga lang sana ako, matagal ko nang ginawa pero…ang balak ko talaga kasi ay makapagtapos man lang na kahit senior highschool. Para naman maganda-ganda ang trabaho ang makukuha ko.

KINABUKASAN, abala ako sa paglilinis ng bahay nang mapatingin ako sa labas ng bahay. Huminto ang isang mamahaling sasakyan sa tapat ng bahay namin. At pagkatapos, bumusina ito.

“Putcha! Nandiyan na yata ang kumpare kong mayaman!” bulalas ni papa nang lumabas siya ng kuwarto nila ni mama.

Napatayo si mama na nakaupo sa sala bago tumingin sa akin. Sumilip ako mula sa bintana at nakita ko ang isang guwapong lalaki. Sa suot pa lang niya, halatang mayaman siya. Lumapit sa akin si mama at saka sumilip din mula sa bintana.

“Mama…sino po ang lalaking iyon? Narinig ko na kumpare daw ni papa,” tanong ko.

“Si ninong Daxton Romanov mo.”

Namilog ang mga mata ko.

“Ninong?”

“Oo…sa pagkakatanda ko, magkaklase sila simula college hanggang highschool. Sa totoo lang, may kaya naman ang pamilya ng papa mo. Pasaway lang kasi talaga siya kaya hindi na siya sinuportahan ng mga magulang niya. At ako pa nga ang sinisisi niya kaya siya minamalas.”

“Mama, huwag mong sabihin iyan. Hanggang ngayon naman, pasaway pa rin siya eh. At saka hindi ko nga kinakaya ang mga sinasabi niya. Napakasakit niya kung magsalita! Siya na nga itong may kasalanan sa atin!” inis kong sambit.

Ilang sandali pa, pumasok na ang sinasabi ni mama na ninong ko. Nagulat ako dahil ang daming dalang box ni papa at sa tingin ko, marami itong lamang pagkain.

“Oh siya! Dumating na ang kumpare kong mayaman!” proud na sabi ni papa.

Napailing ito at saka natawa ng mahina. At nang mapatingin siya sa akin, napalunok siya ng laway. Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa bago lumunok ng laway.

“Daxton, ito na nga pala ang inaanak mong si Mariposa,” saad ni papa sabay ngiti.

Alanganin akong ngumiti.

“He-Hello po,” halos mautal kong sabi.

Nagkatitigan kami ng ilang segundo bago siya muling napalunok ng laway. Hanggang sa mapansin kong dumako ang tingin niya sa hinaharap ko. Kung saan napagtanto kong nabasa pala ang damit ko, kaya bumakat ang suot kong bra.

“Dalaga na pala ang inaanak ko. Magandang araw sa iyo, Mariposa.”

Naglahad siya ng kamay. Ilang segundo ko siyang tiningnan bago tinanggap iyon. At nanlaki ang mga mata ko dahil tila may kuryenteng dumaloy sa katawan ko mula sa palad niya. Bahagya niyang pinisil ang kamay ko. Habang ako naman ay mabilis na binawi iyon.

“Isabelle! Asikasuhin mo na ang mga bigay ni kumpare! Ayusin mo ito nang may silbi ka naman!”

Mabilis na kumilos si mama. Tumulong na rin ako pati na ang mga kapatid ko. Naiwan sa sala si papa at si ninong Daxton. At nang mapatingin ako sa kinaroroonan niya, nagtamang muli ang mga mata namin. At sa pagkakataong iyon, nangilabot ako sa paraan ng titig niya sa akin.

Ewan ko ba pero parang ang lagkit ng titig niya. Na para bang hinuhubáran ako.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • My Hot Ninong Daks (SPG)   24

    MARIPOSATAHIMIK ANG BUONG BIYAHE namin pauwi sa mansiyon. Nakaupo ako sa passenger seat habang paminsan-minsang sumusulyap kay ninong Daxton na abala sa pagmamaneho. Kanina pa siya walang imik at hindi man lang ako kinakausap. Iba ang mukha niya ngayon kumpara sa nakasanayan ko. Wala ang karaniwan niyang ngisi at tila may mabigat na iniisip.Hindi ko tuloy maiwasang makaramdam ng pagkailang.Ano ba ang problema niya? Kanina sa bar, bigla na lang siyang sumingit sa usapan namin ni Harris at mariing sinabi na hindi ako puwedeng sumama rito. Pagkatapos, hindi na niya ako kinausap nang maayos. Nang magpaalam ako sa mga kasama ko sa trabaho, sinabi lang niyang ihahatid niya ako pauwi.Napatingin ako sa kaniya. Nakasentro ang atensiyon niya sa kalsada at mahigpit ang pagkakahawak sa manibela."Ninong...""Hmm?""Okay ka lang ba?"Hindi siya agad sumagot. Ilang segundo muna ang lumipas bago siya nagsalita."Okay lang ako."Napakunot ang noo ko. Hindi naman ganoon ang itsura niya. Kung okay

  • My Hot Ninong Daks (SPG)   23

    MARIPOSA HABANG NASA KLASE ako, ilang beses kong sinubukang ituon ang atensiyon ko sa leksiyon ng professor namin. Nakabukas ang notebook ko at hawak ko ang ballpen, pero kahit anong pilit kong makinig, hindi ko maintindihan ang mga sinasabi niya. Parang lumilipad lang sa hangin ang bawat salitang naririnig ko. Ang totoo, may ibang bagay na gumugulo sa isip ko. Hindi mawala-wala sa alaala ko ang sinabi ni ninong kagabi. Lalo na ang malanding pagkakakindat niya habang sinasabi niyang handa niya akong pasayahin sa kahit anong paraan na gusto ko. Napapikit ako sandali at napailing. “Ano ba naman kasi iyon? Bakit kailangan pa niyang magsalita nang ganoon? Hindi ba niya alam na hindi ganoon kadaling balewalain ang mga sinasabi niya? Ang landi ni ninong!” inis kong sambit. Minsan, parang sinasadya niyang guluhin ang isip ko. Hindi ko tuloy malaman kung nagbibiro lang ba siya o may ibang ibig sabihin ang mga sinasabi niya. "Mariposa, ano ka ba?" bulong ko sa sarili habang kunot-noo na

  • My Hot Ninong Daks (SPG)   22

    DAXTON NAPASABUNOT AKO nang maalala ko ang sinabi ko kay Mariposa habang kumakain kami. Tanginang kalibugán ito! Pati inaanak ko, minamanyák ko na! Bakit ba kasi napakaganda at sexy niya?Tinuon ko na lang ang tingin ko sa mesa. Narito ako ngayon sa mansyon, sa loob ng mini office ko habang pinag-aaralan ang nabili kong lupa. Magtatayo ulit ako ng panibangong club. Ilang sandali pa, may kumatok na kasambahay. Narito raw ang pinsan kong si Denver. Tumango ako at saka sinabing papuntahin na lang. Kaya ilang sandali pa, dumating na ang pinsan kong sira ulo rin.“Ano ka na, insan? Binibira mo na ba ang inaanak mo?” aniya bago humalakhak.Hindi ko tuloy napigilang matawa sabay iling.“Tangina mo! Nabanggit ko lang sa iyo ang tungkol kay Mariposa tapos ganiyan na agad ang nasa isip mo? Tangina mo talaga ano?”Muli siyang tumawa ng malakas bago hinila ang upuan at naupo sa harapan ko. “Eh tangina mo rin kasi! Manyakis kang hayôp ka. Kung sino-sino nga ang tinitira mo!”“At kasalanan ko

  • My Hot Ninong Daks (SPG)   21

    MARIPOSAKINABUKASAN, nagising ako na mabigat ang ulo at parang may pumipitik sa magkabilang sentido ko. Napapikit ako at napahawak sa noo habang dahan-dahang bumabangon sa kama. Grabe! Parang gusto kong sumabog ng ulo ko sa sakit. Mabuti na lang at wala akong pasok sa school ngayon kaya hindi ko kailangang magmadaling bumangon. Nang tingnan ko ang orasan sa tabi ng kama, halos tanghali na pala.“Aray ko…” mahina kong daing.Ilang sandali akong nakaupo habang sinusubukang alalahanin ang mga nangyari kagabi. Ang huling natatandaan ko ay nag-iinuman kami ni ninong sa Romanov Privé. Ikinuwento ko sa kaniya ang problema ko kay Papa at hindi ko namalayan na naparami na pala ang nainom ko. Pero paano ako nakarating dito sa kuwarto? Ang alam ko, nahihilo na ako at hindi na halos makatayo nang maayos.Si ninong kaya ang nagdala sa akin?Napatingin ako sa pinto bago muling napahawak sa sentido. Unti-unti kong naalala ang mga sumunod na pangyayari. Nasa kama na ako nang tawagin ko siya. Lumapit

  • My Hot Ninong Daks (SPG)   20

    MARIPOSAKinabukasan, mas maaga akong pumasok sa Romanov Privé. Hindi ko na muna inisip ang nangyari sa bahay dahil ayokong masira ang buong araw ko kakaisip sa walang kwentang tatay ko. Sa halip, ibinuhos ko ang lahat ng atensiyon ko sa trabaho. Abala ako sa pag-aayos ng mga mesa, pag-check ng mga paninda at pag-asikaso sa mga customer. Kahit may pagkakataong puwede akong magpahinga, hindi ko iyon ginagawa.Gusto kong maging abala para hindi ko na maalala ang lahat ng problema sa bahay."Mariposa."Napalingon ako nang marinig ang boses ni ninong. Nakatayo siya sa likuran ko habang nakatingin sa mga basong inaayos ko sa counter."Yes po, ninong?""Kanina ka pa nagtatrabaho. Hindi ka pa ba nagpapahinga?"Umiling ako at nagpatuloy sa ginagawa. "Ayos lang po ako. Marami pa po akong kailangang gawin.""May mga empleyado naman dito na puwedeng gumawa niyan. Hindi mo kailangang akuin lahat.""Okay lang po. Gusto ko lang maging abala."Sandali niya akong pinagmasdan bago lumapit sa counter.

  • My Hot Ninong Daks (SPG)   19

    MARIPOSA Mabilis na lumipas ang isang linggo. Sa mga sumunod na araw, naging abala ako sa pag-aaral at pagtatrabaho sa Romanov Privé. Kahit madalas ay inaabot ako ng pagod, tiniis ko iyon dahil alam kong may naghihintay sa akin sa bahay. Kailangan kong kumita para sa pang-araw-araw naming gastusin at para na rin sa pag-aaral ko.Nang matanggap ko ang sahod ko, agad akong umuwi at ibinigay kay Mama ang perang kinita ko. Hindi ko na iyon inintindi kung magkano ang matitira sa akin dahil mas mahalaga sa akin na may magamit siya para sa mga pangangailangan namin. Pagkatapos, dumaan ako sa grocery at bumili ng bigas, de-lata, gulay, karne, gatas at iba pang kailangan sa bahay. Sinigurado kong sapat ang mga iyon para hindi na muna kami mamroblema sa pagkain sa mga susunod na araw.Masaya ako nang makita kong may laman na ulit ang aming kusina. Kahit papaano, hindi na kailangang mag-isip ni Mama kung saan kukuha ng ipangluluto namin. Ganoon na lang din ang pasasalamat niya sa akin, pero sin

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status