MasukMARIPOSA
Makalipas ang ilang minuto, tuluyan na rin akong kumalma. Dahan-dahan kong inalis ang mga kamay ko sa katawan ni Ninong Daxton. At mabilis na pinunasan ang mga luha sa pisngi ko. Nahihiya akong napayuko dahil hindi ko rin alam kung gaano katagal akong nakayakap sa kanya. Ang tigas ng dibdib ni Ninong. At ang sarap niyang yumakap. Ngayon lang ako niyakap ng isang lalaking hindi ko naman kadugo. “Pasensya na po, Ninong. Hindi ko po talaga alam kung bakit ako biglang umiyak nang ganoon, siguro dahil naipon lang talaga lahat ng nangyari sa bahay. At kanina ko lang napakawalan,” mahina kong sabi habang pinupunasan ang pisngi ko. “Wala kang kailangang ikahingi ng tawad sa akin. Kung may problema ka at kailangan mong ilabas, hindi mo kailangang pigilan ang sarili mo sa harap ko,” sagot niya bago bahagyang umatras. Tumango ako at huminga ng malalim. Hindi na niya ako tinanong pa tungkol sa nangyari. At nagpapasalamat ako roon dahil ayoko munang pag-usapan nang detalyado ang tungkol kay Papa habang nasa trabaho ako. Bumalik ako sa loob ng Romanov Privé at ipinagpatuloy ang trabaho ko. Hindi na rin ako masyadong kinausap ni Bea tungkol sa pag-iyak ko, marahil ay napansin niyang ayoko munang pag-usapan iyon, kaya mas naging abala na lang kami sa mga customer. Lumipas ang mga oras at hindi ko namalayang malapit na pala akong matapos sa shift ko. Alas-dose na ng gabi nang tingnan ko ang orasan sa may staff area. Hindi pa naman nagsasara ang Romanov Privé dahil hanggang alas-tres ng madaling-araw ang operasyon nito, pero alas-dose lamang ang napagkasunduang oras ng part-time shift ko dahil kailangan ko pang pumasok sa school kinabukasan. “Mariposa, alas-dose na. Tapos na ang shift mo kaya puwede ka nang mag-ayos at umuwi. Ako, hanggang closing pa dahil regular employee ako rito,” sabi ni Bea habang inaayos ang ilang gamit sa counter. “Okay, Bea. Salamat talaga sa pagtulong mo sa akin ngayong first day ko. Akala ko mahihirapan ako nang sobra, pero dahil lagi kang nasa tabi ko at tinuturuan mo ako, kahit paano ay naging madali para sa akin ang trabaho,” nakangiti kong sagot. “Walang problema. Bukas ulit, ha? Huwag kang biglang mawawala dahil kailangan ko ng kasama rito. At saka kailangan ko ng makakausap kapag wala nang ginagawa, dahil hanggang alas-tres pa ako rito mamaya,” natatawang sabi niya. Napatawa ako. “Hindi ako mawawala. Babalik ako bukas pagkatapos ng klase ko. Kailangan ko rin talaga itong trabaho dahil malaking tulong sa akin ang kinikita ko.” “Good! Basta huwag kang magpapalate at huwag mong kalimutang magpahinga rin. Estudyante ka pa, baka bukas sa klase ay nakakatulog ka na habang nagtuturo ang professor mo,” biro niya. “Hindi naman siguro. Kaya ko pa.” Tumawa siya at saka ako tinapik sa balikat. “Sige na, magpalit ka na. Ako na ang bahala rito. Mag-ingat ka sa pag-uwi.” “Opo. Good night, Bea.” “Good night, Mariposa. Kita tayo bukas.” Tumango ako bago tuluyang pumunta sa staff area para magpalit ng damit. PAGLABAS ko, agad kong napansin ang isang itim na sasakyan na nakaparada malapit sa entrance. Pamilyar sa akin ang sasakyang iyon dahil ilang beses ko na itong nakita. Kay Ninong Daxton iyon. Napahinto ako sandali at napatingin sa sasakyan. Hindi ko alam kung bakit naroon siya dahil hindi ko naman sinabi sa kanya kung anong oras matatapos ang shift ko. Maya-maya ay bumaba ang bintana sa driver's side at nakita ko ang mukha niya. “Mariposa, sakay ka na. Ihahatid na kita pauwi dahil alas-dose na at hindi ligtas na mag-isa kang umuwi sa ganitong oras,” sabi niya habang nakatingin sa akin. “Hindi na po kailangan, Ninong. Kaya ko naman pong mag-book ng sasakyan pauwi. At ayokong makaabala pa sa inyo dahil baka may kailangan pa kayong gawin,” sagot ko. “Hindi ka nakakaabala sa akin. Nandito ako dahil gusto kong siguraduhing makakauwi ka nang maayos, kaya huwag ka nang mag-alala at sumakay ka na para hindi na tayo magtagal dito sa labas,” sagot niya. Napatingin ako sa paligid. Tahimik na ang lugar at iilan na lamang ang mga sasakyang dumadaan. Wala rin akong ibang kasama dahil nauna nang umalis ang ibang staff, kaya wala na rin akong dahilan para tumanggi. “Opo. Salamat po, Ninong.” Binuksan ko ang passenger door at sumakay sa tabi niya. Inilagay ko ang bag ko sa kandungan ko bago ko isara ang p***o. Tumingin siya sa akin at saka malawak na ngumiti. Ewan ko ba pero sa paraan ng pagngiti niya, biglang bumilis ang tibok ng puso ko.MARIPOSATAHIMIK ANG BUONG BIYAHE namin pauwi sa mansiyon. Nakaupo ako sa passenger seat habang paminsan-minsang sumusulyap kay ninong Daxton na abala sa pagmamaneho. Kanina pa siya walang imik at hindi man lang ako kinakausap. Iba ang mukha niya ngayon kumpara sa nakasanayan ko. Wala ang karaniwan niyang ngisi at tila may mabigat na iniisip.Hindi ko tuloy maiwasang makaramdam ng pagkailang.Ano ba ang problema niya? Kanina sa bar, bigla na lang siyang sumingit sa usapan namin ni Harris at mariing sinabi na hindi ako puwedeng sumama rito. Pagkatapos, hindi na niya ako kinausap nang maayos. Nang magpaalam ako sa mga kasama ko sa trabaho, sinabi lang niyang ihahatid niya ako pauwi.Napatingin ako sa kaniya. Nakasentro ang atensiyon niya sa kalsada at mahigpit ang pagkakahawak sa manibela."Ninong...""Hmm?""Okay ka lang ba?"Hindi siya agad sumagot. Ilang segundo muna ang lumipas bago siya nagsalita."Okay lang ako."Napakunot ang noo ko. Hindi naman ganoon ang itsura niya. Kung okay
MARIPOSA HABANG NASA KLASE ako, ilang beses kong sinubukang ituon ang atensiyon ko sa leksiyon ng professor namin. Nakabukas ang notebook ko at hawak ko ang ballpen, pero kahit anong pilit kong makinig, hindi ko maintindihan ang mga sinasabi niya. Parang lumilipad lang sa hangin ang bawat salitang naririnig ko. Ang totoo, may ibang bagay na gumugulo sa isip ko. Hindi mawala-wala sa alaala ko ang sinabi ni ninong kagabi. Lalo na ang malanding pagkakakindat niya habang sinasabi niyang handa niya akong pasayahin sa kahit anong paraan na gusto ko. Napapikit ako sandali at napailing. “Ano ba naman kasi iyon? Bakit kailangan pa niyang magsalita nang ganoon? Hindi ba niya alam na hindi ganoon kadaling balewalain ang mga sinasabi niya? Ang landi ni ninong!” inis kong sambit. Minsan, parang sinasadya niyang guluhin ang isip ko. Hindi ko tuloy malaman kung nagbibiro lang ba siya o may ibang ibig sabihin ang mga sinasabi niya. "Mariposa, ano ka ba?" bulong ko sa sarili habang kunot-noo na
DAXTON NAPASABUNOT AKO nang maalala ko ang sinabi ko kay Mariposa habang kumakain kami. Tanginang kalibugán ito! Pati inaanak ko, minamanyák ko na! Bakit ba kasi napakaganda at sexy niya?Tinuon ko na lang ang tingin ko sa mesa. Narito ako ngayon sa mansyon, sa loob ng mini office ko habang pinag-aaralan ang nabili kong lupa. Magtatayo ulit ako ng panibangong club. Ilang sandali pa, may kumatok na kasambahay. Narito raw ang pinsan kong si Denver. Tumango ako at saka sinabing papuntahin na lang. Kaya ilang sandali pa, dumating na ang pinsan kong sira ulo rin.“Ano ka na, insan? Binibira mo na ba ang inaanak mo?” aniya bago humalakhak.Hindi ko tuloy napigilang matawa sabay iling.“Tangina mo! Nabanggit ko lang sa iyo ang tungkol kay Mariposa tapos ganiyan na agad ang nasa isip mo? Tangina mo talaga ano?”Muli siyang tumawa ng malakas bago hinila ang upuan at naupo sa harapan ko. “Eh tangina mo rin kasi! Manyakis kang hayôp ka. Kung sino-sino nga ang tinitira mo!”“At kasalanan ko
MARIPOSAKINABUKASAN, nagising ako na mabigat ang ulo at parang may pumipitik sa magkabilang sentido ko. Napapikit ako at napahawak sa noo habang dahan-dahang bumabangon sa kama. Grabe! Parang gusto kong sumabog ng ulo ko sa sakit. Mabuti na lang at wala akong pasok sa school ngayon kaya hindi ko kailangang magmadaling bumangon. Nang tingnan ko ang orasan sa tabi ng kama, halos tanghali na pala.“Aray ko…” mahina kong daing.Ilang sandali akong nakaupo habang sinusubukang alalahanin ang mga nangyari kagabi. Ang huling natatandaan ko ay nag-iinuman kami ni ninong sa Romanov Privé. Ikinuwento ko sa kaniya ang problema ko kay Papa at hindi ko namalayan na naparami na pala ang nainom ko. Pero paano ako nakarating dito sa kuwarto? Ang alam ko, nahihilo na ako at hindi na halos makatayo nang maayos.Si ninong kaya ang nagdala sa akin?Napatingin ako sa pinto bago muling napahawak sa sentido. Unti-unti kong naalala ang mga sumunod na pangyayari. Nasa kama na ako nang tawagin ko siya. Lumapit
MARIPOSAKinabukasan, mas maaga akong pumasok sa Romanov Privé. Hindi ko na muna inisip ang nangyari sa bahay dahil ayokong masira ang buong araw ko kakaisip sa walang kwentang tatay ko. Sa halip, ibinuhos ko ang lahat ng atensiyon ko sa trabaho. Abala ako sa pag-aayos ng mga mesa, pag-check ng mga paninda at pag-asikaso sa mga customer. Kahit may pagkakataong puwede akong magpahinga, hindi ko iyon ginagawa.Gusto kong maging abala para hindi ko na maalala ang lahat ng problema sa bahay."Mariposa."Napalingon ako nang marinig ang boses ni ninong. Nakatayo siya sa likuran ko habang nakatingin sa mga basong inaayos ko sa counter."Yes po, ninong?""Kanina ka pa nagtatrabaho. Hindi ka pa ba nagpapahinga?"Umiling ako at nagpatuloy sa ginagawa. "Ayos lang po ako. Marami pa po akong kailangang gawin.""May mga empleyado naman dito na puwedeng gumawa niyan. Hindi mo kailangang akuin lahat.""Okay lang po. Gusto ko lang maging abala."Sandali niya akong pinagmasdan bago lumapit sa counter.
MARIPOSA Mabilis na lumipas ang isang linggo. Sa mga sumunod na araw, naging abala ako sa pag-aaral at pagtatrabaho sa Romanov Privé. Kahit madalas ay inaabot ako ng pagod, tiniis ko iyon dahil alam kong may naghihintay sa akin sa bahay. Kailangan kong kumita para sa pang-araw-araw naming gastusin at para na rin sa pag-aaral ko.Nang matanggap ko ang sahod ko, agad akong umuwi at ibinigay kay Mama ang perang kinita ko. Hindi ko na iyon inintindi kung magkano ang matitira sa akin dahil mas mahalaga sa akin na may magamit siya para sa mga pangangailangan namin. Pagkatapos, dumaan ako sa grocery at bumili ng bigas, de-lata, gulay, karne, gatas at iba pang kailangan sa bahay. Sinigurado kong sapat ang mga iyon para hindi na muna kami mamroblema sa pagkain sa mga susunod na araw.Masaya ako nang makita kong may laman na ulit ang aming kusina. Kahit papaano, hindi na kailangang mag-isip ni Mama kung saan kukuha ng ipangluluto namin. Ganoon na lang din ang pasasalamat niya sa akin, pero sin







