MasukMARIPOSA
Pagkauwi ko galing sa school, agad kong narinig ang malakas na boses ni Papa kahit hindi ko pa naibababa nang maayos ang bag ko sa balikat. Halos nanginginig ang mga bintana sa lakas ng sigaw niya at alam ko na agad na panibagong problema na naman ang kinakaharap namin. Pagod ako mula sa klase dahil sunod-sunod ang activities namin buong araw. Pero nang marinig ko ang boses niya ay tuluyan na akong napahinto sa may pintuan. At napatingin sa kusina kung saan naroon sina Mama at Papa. “Wala na naman bang ulam?” galit na tanong ni Papa habang nakatayo sa harap ng mesa. “Rodel, sinabi ko naman sa iyo na wala kang iniwang pera sa akin. Ano ang ipangbibili ko ng pagkain? Pinambili ko na ng gamot ng mga bata iyong natitirang pera natin kahapon,” mahinahong sagot ni Mama. “Palagi na lang ganiyan ang dahilan mo! Wala ka bang ibang alam gawin kundi humingi ng pera sa akin?” Napapikit ako sandali. Iyon na naman. Pareho na naman ang eksenang paulit-ulit kong nakikita sa bahay. Kapag walang pagkain, si Mama ang sinisisi. Kapag walang pambayad sa kuryente, si Mama ang sinisisi. Kapag may kailangan ang mga kapatid ko sa school, si Mama pa rin ang sinisisi. Samantalang ang perang dapat sana ay para sa amin ay nauuwi sa alak at sugal. “Hindi ako humihingi para sa sarili ko, Rodel. Para sa mga anak natin. Simula kahapon wala kang iniwang pera. Ano ang gusto mong gawin ko? Hindi naman ako makakapaghanda ng pagkain kung wala akong pambili.” “Kasalanan ko na naman?” “Hindi ko sinabing kasalanan mo lahat. Ang sinasabi ko, sana magbigay ka naman kahit kaunti para may maipakain tayo sa mga bata.” “Tumigil ka nga!” Malakas na hinampas ni Papa ang mesa kaya napaatras si Mama. Nagulat ang mga kapatid kong nasa kabilang bahagi ng sala at agad silang nagyakapan. Hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya mabilis akong lumapit sa kusina. “Papa, tama na.” Napalingon siya sa akin at matalim akong tinitigan. “Bakit? May sasabihin ka na naman?” “Hindi mo ba nakikita na natatakot na ang mga kapatid natin? At si Mama naman ang sinisisi mo dahil walang pagkain. Ikaw nga ang hindi nagbibigay ng pera sa bahay. Paano siya makakabili ng ulam?” “Mariposa, huwag kang makialam.” “Paano ako hindi makikialam? Anak mo ako! Tapos ginaganyan mo ang nanay namin na asawa mo!” “Sinabi kong huwag kang makialam!” “Pero totoo naman! Wala kang binibigay na pera kay Mama tapos kapag walang pagkain, ikaw pa ang galit. Saan mo gustong kumuha si Mama? Hindi naman puwedeng humugot siya ng pera kung wala ka namang ibinibigay!” Nanginginig na ang boses ko sa sobrang galit. Hindi ko na rin alam kung saan nanggagaling ang lakas ng loob kong sagutin siya, pero pagod na pagod na ako sa parehong problema. Pagod na akong makita si Mama na umiiyak. Pagod na akong makita ang mga kapatid kong natatakot kapag lasing si Papa. At higit sa lahat, pagod na akong makita siyang inuuna ang sariling bisyo kaysa sa amin. “Mariposa, tumigil ka na,” mahinang pakiusap ni Mama. Pero bago pa ako makasagot, biglang lumapit si Papa kay Mama. “Kung hindi ka sana puro reklamo, hindi tayo aabot sa ganito!” “Rodel, ano ba-” Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang bigla niyang itinulak si Mama. “Aah!” Napahandusay si Mama sa sahig at napaupo habang napahawak sa braso niya. Napasigaw ang mga kapatid ko at nagsimula silang umiyak. Agad akong lumapit kay Mama at inalalayan siyang makatayo. “Mama!” “Okay lang ako, anak,” mabilis niyang sabi kahit nangingilid na ang luha niya. “Huwag ka nang makipagtalo sa papa mo.” Pero hindi ko na kayang manahimik. “Tama na, Papa!” sigaw ko. “Wala ka talagang kwenta!” Napatigil ang buong bahay. Mabilis na bumaling sa akin si Papa. “Ano ang sinabi mo?” “Wala kang kwenta! Ikaw ang ama namin pero hindi ka man lang makapagbigay ng pera para sa pagkain. Kapag wala kaming makain, ikaw pa ang galit. Kapag may kailangan kami, wala kang maibigay. Pero kapag may alak at sugal, nakakahanap ka ng pera!” Nanlilisik ang mga mata niya habang papalapit sa akin. “Tumahimik ka.” “Hindi! Simula nang magbisyo ka, kami ang nagsa-suffer. Si Mama ang nagtitiis. Kami ang nagtitiis. Tapos ikaw pa ang may lakas ng loob na saktan siya dahil lang walang ulam?” Bigla niyang dinuro ang mukha ko. “Nagkatrabaho ka lang, yumabang ka na!” Napaatras ako nang bahagya ngunit hindi ko inalis ang tingin ko sa kanya. “Hindi ako nagyayabang. Nagsasabi lang ako ng totoo.” “Akala mo kung sino ka na dahil may trabaho ka na!” “Trabaho lang naman ang mayroon ako, Papa. Hindi ko naman sinabi na mas mataas ako sa iyo.” “Tumigil ka! Putanginá mo!” Hindi na ako sumagot. Kinuha niya ang susi niya sa ibabaw ng mesa at mabilis na lumabas ng bahay. Malakas pa niyang isinara ang p***o kaya napaiyak nang tuluyan ang mga kapatid ko. Nang makaalis siya, agad kong nilapitan si Mama. “Masakit ba?” Umiling siya habang pinupunasan ang luha sa pisngi. “Hindi naman, anak.” “Hindi naman? Tinulak ka niya!” “Hayaan mo na. Ayokong lumala pa.” Napatingin ako sa mga kapatid ko na umiiyak pa rin. Pinilit kong pigilan ang sarili kong luha dahil ayokong makita nilang pati ako ay mawawalan na ng lakas. Ngunit sa loob-loob ko, sobrang bigat ng pakiramdam ko. Doon ko naalala ang sinabi ni Ninong Daxton tungkol sa trabaho. Kailangan kong kumita. Hindi lamang para sa sarili ko kundi para kahit paano ay makatulong ako kay Mama at sa mga kapatid ko. Hindi ko kayang baguhin si Papa, pero kaya kong gumawa ng paraan para hindi kami tuluyang umasa sa kanya. “Ma, aalis na po ako mamaya. May first shift ako sa Romanov Privé.” Napatingin sa akin si Mama. “Sigurado ka bang kaya mo?” “Opo. Kaya ko.” “Mag-ingat ka, anak.” Tumango ako at ngumiti kahit mabigat pa rin ang dibdib ko. Makalipas ang ilang oras, nakarating na ako sa Romanov Privé. Pagpasok ko sa establishment, agad kong naramdaman ang kakaibang atmosphere ng lugar. Ibang-iba ito sa bahay namin. Malinis, elegante at maayos ang lahat. Mula sa ilaw, mga mesa, bar counter at bawat dekorasyon, makikita mong hindi ordinaryong bar ang lugar. Habang naglalakad ako papunta sa staff area, pilit kong ngumiti kahit hindi pa rin mawala sa isip ko ang nangyari kanina. “Uy!” Napalingon ako at nakita ko ang isang babaeng naka-uniform na papalapit sa akin. May malaki itong ngiti sa mukha at halatang hindi nauubusan ng enerhiya. “Ikaw si Mariposa, di ba?” “Opo.” “Ako si Bea. Waitress din ako rito. Huwag kang kabahan. Ako ang magiging tour guide mo sa unang araw mo.” Napangiti ako. “Thank you.” “Bakit parang gusto mong umiyak?” Napahinto ako bago pekeng ngumiti. “Ha? Hindi naman.” “Hindi ka marunong magsinungaling. Kita sa mukha mo.” Natawa ako ng kaunti. “Medyo pagod lang sa school.” “Ah, pagod. Sige, sabi mo eh.” Mabilis siyang tumawa bago ako hinila papunta sa staff area. “Halika na. Ipapakita ko sa iyo kung saan ang locker mo. Tapos tuturuan kita kung paano magdala ng tray nang hindi ka nagmumukhang nanginginig na dahon.” Napawa ako nang tuluyan. “Ganoon ba talaga ako?” “Hindi pa. Pero kapag nakita ka ng mga customer na ganyan ang mukha mo, baka isipin nilang kailangan nila tayong i-comfort kaysa umorder ng drinks.” “Loko!” natatawa kong sabi. Simula noon, hindi na ako masyadong nakaramdam ng kaba. Makulit si Bea at hindi talaga nauubusan ng kuwento. Kahit nagtatrabaho kami, kung anu-anong sinasabi niya tungkol sa mga customer, sa ibang staff at maging sa sarili niyang mga kalokohan. “Kapag may customer na ngumiti sa iyo nang matagal, huwag kang ngumiti pabalik nang sobra,” bulong niya habang naglalakad kami. “Bakit?” “Baka isipin niyang interesado ka sa kanila.” “Eh ano naman?” “Wala. Baka bukas bigyan ka na ng engagement ring.” Napailing ako habang pinipigilan ang tawa. “Ang kulit mo.” “Ganiyan talaga ako. Masasanay ka rin.” Lumipas ang mga oras at unti-unting dumami ang mga customer. Nang sumapit ang peak hours, halos wala na akong pagkakataong makapagpahinga. Sunod-sunod ang orders, may mga customer na kailangan ng assistance, at kailangan kong siguraduhing maayos ang serbisyo ko. Sa tulong ni Bea, unti-unti kong nakabisado ang trabaho. Kapag may bagay akong hindi alam, agad niya akong tinuturuan. Kapag kinakabahan ako, kinukulit niya ako. At kapag nagkakamali ako, tinatawanan niya muna ako bago tulungan. “Relax ka lang,” sabi niya habang dumaraan kami sa main floor. “First night mo pa lang. Hindi ka naman agad magiging employee of the month.” “Hindi ko naman iniisip iyon.” “Mabuti naman. Kasi ako nga ilang taon na rito, hindi pa rin.” HINDI ko namalayang lumipas na ang oras. Nang matapos ang peak hours at bahagyang humupa ang dami ng customer, nagpaalam muna ako kay Bea na lalabas sandali. Kailangan ko lang makahinga dahil buong gabi kong pinipilit maging okay. “Go. Pero huwag kang mawawala,” sabi niya. “May orders pa tayo mamaya.” “Opo.” Lumabas ako sa side entrance ng Romanov Privé at tumayo sa isang tahimik na bahagi malapit sa parking area. Malamig ang hangin nang gabing iyon, pero hindi nito napagaan ang pakiramdam ko. Sa wakas, wala nang ibang tao sa paligid. Doon ko na naramdaman kung gaano talaga ako nasaktan sa nangyari kanina. Napayuko ako at napahawak sa sarili kong braso habang pilit pinipigilan ang luha. Ngunit wala pang ilang segundo ay tuluyan na itong pumatak. Naalala ko ang pagtulak ni Papa kay Mama. Ang pag-iyak ng mga kapatid ko. Ang mga salitang sinabi niya sa akin. At ang paraan ng pagtingin niya sa amin na para bang pabigat lang kami sa buhay niya. Napahikbi ako at mabilis na pinunasan ang mga luha ko. Ayokong umiyak pero hindi ko na talaga mapigilan. “Mariposa?” Nanigas ako nang marinig ang pamilyar na boses mula sa likuran ko. Dahan-dahan akong napalingon. At nakita ko si Ninong Daxton. Hindi ko alam kung kailan siya dumating. Nakatayo siya ilang hakbang mula sa akin habang nakatingin sa mukha kong basang-basa ng luha. “Bakit ka umiiyak?” Umiling ako at agad na pinunasan ang pisngi ko. “Wala po.” Lumapit siya sa akin. “Anong wala? Imposibleng umiiyak ka ng walang dahilan.” Pilit akong natawa para itago ang sama ng loob ko. “Okay lang po ako.” “Mariposa.” Hindi ko na napigilan ang pag-iyak nang marinig ko ang malumanay niyang boses. Lumapit siya at walang sabi-sabing niyakap ako. At sa sandaling maramdaman ko ang mga braso niyang nakapalibot sa akin, tuluyan nang bumigay ang pagpipigil ko. Mas lalo akong napaiyak sa balikat niya. At ang init ng yakap ni ninong Daxton.MARIPOSATAHIMIK ANG BUONG BIYAHE namin pauwi sa mansiyon. Nakaupo ako sa passenger seat habang paminsan-minsang sumusulyap kay ninong Daxton na abala sa pagmamaneho. Kanina pa siya walang imik at hindi man lang ako kinakausap. Iba ang mukha niya ngayon kumpara sa nakasanayan ko. Wala ang karaniwan niyang ngisi at tila may mabigat na iniisip.Hindi ko tuloy maiwasang makaramdam ng pagkailang.Ano ba ang problema niya? Kanina sa bar, bigla na lang siyang sumingit sa usapan namin ni Harris at mariing sinabi na hindi ako puwedeng sumama rito. Pagkatapos, hindi na niya ako kinausap nang maayos. Nang magpaalam ako sa mga kasama ko sa trabaho, sinabi lang niyang ihahatid niya ako pauwi.Napatingin ako sa kaniya. Nakasentro ang atensiyon niya sa kalsada at mahigpit ang pagkakahawak sa manibela."Ninong...""Hmm?""Okay ka lang ba?"Hindi siya agad sumagot. Ilang segundo muna ang lumipas bago siya nagsalita."Okay lang ako."Napakunot ang noo ko. Hindi naman ganoon ang itsura niya. Kung okay
MARIPOSA HABANG NASA KLASE ako, ilang beses kong sinubukang ituon ang atensiyon ko sa leksiyon ng professor namin. Nakabukas ang notebook ko at hawak ko ang ballpen, pero kahit anong pilit kong makinig, hindi ko maintindihan ang mga sinasabi niya. Parang lumilipad lang sa hangin ang bawat salitang naririnig ko. Ang totoo, may ibang bagay na gumugulo sa isip ko. Hindi mawala-wala sa alaala ko ang sinabi ni ninong kagabi. Lalo na ang malanding pagkakakindat niya habang sinasabi niyang handa niya akong pasayahin sa kahit anong paraan na gusto ko. Napapikit ako sandali at napailing. “Ano ba naman kasi iyon? Bakit kailangan pa niyang magsalita nang ganoon? Hindi ba niya alam na hindi ganoon kadaling balewalain ang mga sinasabi niya? Ang landi ni ninong!” inis kong sambit. Minsan, parang sinasadya niyang guluhin ang isip ko. Hindi ko tuloy malaman kung nagbibiro lang ba siya o may ibang ibig sabihin ang mga sinasabi niya. "Mariposa, ano ka ba?" bulong ko sa sarili habang kunot-noo na
DAXTON NAPASABUNOT AKO nang maalala ko ang sinabi ko kay Mariposa habang kumakain kami. Tanginang kalibugán ito! Pati inaanak ko, minamanyák ko na! Bakit ba kasi napakaganda at sexy niya?Tinuon ko na lang ang tingin ko sa mesa. Narito ako ngayon sa mansyon, sa loob ng mini office ko habang pinag-aaralan ang nabili kong lupa. Magtatayo ulit ako ng panibangong club. Ilang sandali pa, may kumatok na kasambahay. Narito raw ang pinsan kong si Denver. Tumango ako at saka sinabing papuntahin na lang. Kaya ilang sandali pa, dumating na ang pinsan kong sira ulo rin.“Ano ka na, insan? Binibira mo na ba ang inaanak mo?” aniya bago humalakhak.Hindi ko tuloy napigilang matawa sabay iling.“Tangina mo! Nabanggit ko lang sa iyo ang tungkol kay Mariposa tapos ganiyan na agad ang nasa isip mo? Tangina mo talaga ano?”Muli siyang tumawa ng malakas bago hinila ang upuan at naupo sa harapan ko. “Eh tangina mo rin kasi! Manyakis kang hayôp ka. Kung sino-sino nga ang tinitira mo!”“At kasalanan ko
MARIPOSAKINABUKASAN, nagising ako na mabigat ang ulo at parang may pumipitik sa magkabilang sentido ko. Napapikit ako at napahawak sa noo habang dahan-dahang bumabangon sa kama. Grabe! Parang gusto kong sumabog ng ulo ko sa sakit. Mabuti na lang at wala akong pasok sa school ngayon kaya hindi ko kailangang magmadaling bumangon. Nang tingnan ko ang orasan sa tabi ng kama, halos tanghali na pala.“Aray ko…” mahina kong daing.Ilang sandali akong nakaupo habang sinusubukang alalahanin ang mga nangyari kagabi. Ang huling natatandaan ko ay nag-iinuman kami ni ninong sa Romanov Privé. Ikinuwento ko sa kaniya ang problema ko kay Papa at hindi ko namalayan na naparami na pala ang nainom ko. Pero paano ako nakarating dito sa kuwarto? Ang alam ko, nahihilo na ako at hindi na halos makatayo nang maayos.Si ninong kaya ang nagdala sa akin?Napatingin ako sa pinto bago muling napahawak sa sentido. Unti-unti kong naalala ang mga sumunod na pangyayari. Nasa kama na ako nang tawagin ko siya. Lumapit
MARIPOSAKinabukasan, mas maaga akong pumasok sa Romanov Privé. Hindi ko na muna inisip ang nangyari sa bahay dahil ayokong masira ang buong araw ko kakaisip sa walang kwentang tatay ko. Sa halip, ibinuhos ko ang lahat ng atensiyon ko sa trabaho. Abala ako sa pag-aayos ng mga mesa, pag-check ng mga paninda at pag-asikaso sa mga customer. Kahit may pagkakataong puwede akong magpahinga, hindi ko iyon ginagawa.Gusto kong maging abala para hindi ko na maalala ang lahat ng problema sa bahay."Mariposa."Napalingon ako nang marinig ang boses ni ninong. Nakatayo siya sa likuran ko habang nakatingin sa mga basong inaayos ko sa counter."Yes po, ninong?""Kanina ka pa nagtatrabaho. Hindi ka pa ba nagpapahinga?"Umiling ako at nagpatuloy sa ginagawa. "Ayos lang po ako. Marami pa po akong kailangang gawin.""May mga empleyado naman dito na puwedeng gumawa niyan. Hindi mo kailangang akuin lahat.""Okay lang po. Gusto ko lang maging abala."Sandali niya akong pinagmasdan bago lumapit sa counter.
MARIPOSA Mabilis na lumipas ang isang linggo. Sa mga sumunod na araw, naging abala ako sa pag-aaral at pagtatrabaho sa Romanov Privé. Kahit madalas ay inaabot ako ng pagod, tiniis ko iyon dahil alam kong may naghihintay sa akin sa bahay. Kailangan kong kumita para sa pang-araw-araw naming gastusin at para na rin sa pag-aaral ko.Nang matanggap ko ang sahod ko, agad akong umuwi at ibinigay kay Mama ang perang kinita ko. Hindi ko na iyon inintindi kung magkano ang matitira sa akin dahil mas mahalaga sa akin na may magamit siya para sa mga pangangailangan namin. Pagkatapos, dumaan ako sa grocery at bumili ng bigas, de-lata, gulay, karne, gatas at iba pang kailangan sa bahay. Sinigurado kong sapat ang mga iyon para hindi na muna kami mamroblema sa pagkain sa mga susunod na araw.Masaya ako nang makita kong may laman na ulit ang aming kusina. Kahit papaano, hindi na kailangang mag-isip ni Mama kung saan kukuha ng ipangluluto namin. Ganoon na lang din ang pasasalamat niya sa akin, pero sin







