Share

My Hot Sugar Daddy (Filipino)
My Hot Sugar Daddy (Filipino)
Author: Jay Sea

Chapter 1

Author: Jay Sea
last update Huling Na-update: 2025-01-29 15:48:19

PAULINE

Nanlalaki ang aking mga mata habang nakatingin sa screen ng cell phone ko dahil sa hindi ko inaasahan na magandang resulta ng pagtake ko ng entrance exam sa isang kilalang pamantasan sa Maynila. Magko-kolehiyo na ako ngayong darating na pasukan. Dito kami nag-take sa probinsiya namin ng entrance exam kahit nandoon sa Maynila 'yung pamantasan na 'yon. Nag-request kasi ang aming mahal na gobernador na kung puwede ay bigyan kami ng chance na makapagtake kahit nandito kami. Mabuti naman nga ay pumayag naman sila na magtake kami dito sa probinsiya kahit hindi na kami lumuwas pa ng Maynila. Kahit hindi ako sigurado kung makakapagkolehiyo na nga ako ngayong darating na pasukan ay nagtake pa rin ako ng exams. Sayang naman, eh.

Masayang-masaya ako sa naging resulta dahil nakapasa ako na ang ibig sabihin ay makakapag-aral ako ng kolehiyo sa pamantasan na 'yon. Matapos ko na makita sa listahan ang pangalan ko sa mga nakapasa ay hinanap ko ang pangalan ng dalawa kong kaibigan na sina Leslie at Jasmin upang malaman kung nakapasa nga rin sila kagaya ko. Sa kasamaang palad ay hindi ko nahanap ang pangalan nila. Hindi sila nakapasa sa pagtake ng exams na 'yon.

Napalitan kaagad ng lungkot ang nararamdaman kong tuwa sa naiisip ko hindi dahil sa hindi nakapasa ang dalawa kong mga kaibigan kundi dahil sa baka hindi pa rin ako makapag-aral ng kolehiyo ngayong darating na pasukan. Wala kaming pera na itutustos para sa pag-aaral ko sa kolehiyo lalo na nasa Maynila pa naman 'yon. Nakapasa nga ako ngunit malabo pa rin.

Pagtatanim lang ng mga gulay at prutas ang hanap-buhay ng mga magulang ko. Mahirap lang talaga kami. Lima kaming magkakapatid. Mabuti nga ay nakatapos ako sa pag-aaral sa senior high kahit twenty years old na ako ngayon. Matanda na para makatapos sa senior high. Kung iisipin nga ay dapat nasa kolehiyo na ako, eh. Ilang taon kasi akong huminto sa pag-aaral kaya ganoon ang nangyari na sa edad ko na twenty years old ay kaka-graduate ko pa lang sa senior high. Mahirap kasi maging mahirap sa totoo lang. Gusto ko talaga na makapagtapos ng aking pag-aaral para makatulong ako sa pamilya ko at maiahon sila sa kahirapan nitong buhay na hindi ko alam kung sumpa ba ito sa amin.

In-off ko na ang cell phone ko matapos kong makita ang resulta. Nagpakawala ako nang malalim na buntong-hininga at ipinikit ng ilang segundo ang mga mata. Nagpapasalamat pa rin ako sa Panginoon dahil nakapasa ako sa entrance exam na 'yon. Masuwerte pa rin ako na nakapasa ako kahit papaano. Marami sa amin ang hindi nakapasa lalo na 'yung dalawang kaibigan ko. I have no idea kung alam na nila na may resulta na ang naging pagtake namin ng college entrance exam na 'yon. Ayaw ko na i-inform muna sila dahil baka isipin nila na nagyayabang ako lalo na nakapasa ako samantalang sila ay hindi. Hihintayin ko na lang sila magsabi sa akin tungkol doon.

Kinagabihan nga ay sinabi ko sa mga magulang ko na nakapasa ako sa pagsusulit na 'yon ilang buwan na ang nakalilipas. Imbis na matuwa sila sa akin dahil sa nakapasa ako ay pinagalitan pa nila ako lalo na si mama. Nakasimangot akong nakaharap sa kanilang dalawa.

"Saan naman kami kukuha ng pera n'yan ng papa mo para ipangtustos sa pag-aaral mo sa kolehiyo? Kinakapos na nga tayo sa pang-araw-araw natin tapos mag-aaral ka pa. Mas lalo mo pa kami n'yan pinahirapan ng papa mo. Alam mo naman ang sitwasyon natin, 'di ba? Sa Maynila pa naman ang pamantasan na 'yan na ang layo-layo."

Bago ako sumagot kay mama ay huminga muna ako nang malalim. "Alam ko naman po 'yon na sitwasyon natin, eh. Kung mag-aaral man po ako ay hindi ko naman po kayo o-obligahin ni papa na tustusan ako sa pag-aaral ko sa kolehiyo. Gagawa po ako ng paraan para matustusan ko ang pag-aaral ko sa Maynila," mahinang sagot ko kay mama. Naririnig ni papa ang sinasabi ko.

"Paano?" tanong ni mama sa akin na nakakunot ang kanyang noo. Huminga muli ko ng malalim bago nagsalita sa kanya.

"Maghahanap po ako ng puwedeng maging trabaho ko po doon habang nag-aaral po ako para may pang-tuition ako at pangtustos sa pag-aaral ko sa kolehiyo doon sa Maynila. Wala naman po sa akin masama na maging isang working student. Kaya ko naman po 'yon, eh, kahit sabihin na natin na mahirap. Kakayanin ko po 'yon para sa pangarap ko po na makatapos ng pag-aaral. Gusto ko po talaga makatapos ng aking pag-aaral dahil nais ko po na matulungan kayo balang araw at maiahon sa hirap ng buhay natin. Wala po akong ibang pangarap kundi 'yon lang po. Kaya gusto ko po na makatapos ng pag-aaral dahil kapag nakatapos po ako ay kaya kong gawin ang lahat ng gusto ko lalo na ang matulungan ko po kayo," sagot ko sa kanya na may kasamang paliwanag na rin para maintindihan nila ako kung bakit gusto ko talaga na mag-aral ng kolehiyo.

Kumunot pa nga lalo ang noo ni mama sa sinabi kong 'yon sa kanya. Kahit hindi niya sabihin ay nararamdaman niya na ayaw niya akong papuntahin sa Maynila para doon mag-aral ng kolehiyo. Base na rin sa tono ng pananalita niya ay kaya ko nasasabi 'yon, eh.

"Mahirap ang buhay sa Maynila, anak. Kahit na sabihin na may trabaho ka habang nag-aaral ka ay mahirap pa rin lalo na kung mag-isa ka. Hindi naman oras-oras o palagi ay kaya mo. May oras o araw rin na kailangan mo kami. Paano 'yan? Ano'ng gagawin mo? E, malayo kami sa 'yo. Hindi ka naman namin basta-basta na lang mapupuntahan. Malayo ang Maynila at wala kaming pera para mapuntahan ka kaagad doon kapag nandoon ka na nga," sabi naman nga ni papa sa akin.

Maging siya ay ganoon rin kay mama. Base rin sa tono ng pananalita niya ay ayaw niya talaga akong pumunta sa Maynila para mag-aral doon. Kung gusto nila ay hindi nila sasabihin ang ganoong salita upang hindi ko ituloy ang nais kong gawin na mag-aral doon kahit mahirap. Pinalipas ko na muna ang ilang segundo bago ako nagsalita sa harapan nilang dalawa.

"Aware naman po ako sa posibleng mangyari o kaharapin ko kapag umalis po ako dito sa atin sa probinsiya ngunit handa naman po ako kung ano 'yon. Handa po ako. Kapag may gusto po tayong mangyari ay gumagawa po tayo ng paraan o ano pa upang mapangyari 'yon, 'di ba po? Ganoon po ako. Ganoon po ang gagawin ko. I'll make my own way how to survive there. Hindi ko naman po pababayaan ang sarili ko doon. Handa rin po ako na magsakripisyo para sa pangarap ko pong 'yon, hindi lang po sa akin kundi para na rin sa inyo. Sana po ay payagan n'yo po ako na mag-aral at tuparin ang mga pangarap ko na para po sa atin. Hindi lang naman po ang sarili ko ang iniisip ko kaya ko gagawin, eh. Para po ito sa ating lahat. Sayang naman po kung hindi ko po iga-grab ang magandang opportunity na 'yon. Marami po kaming nag-take ng exams ngunit masuwerte po ako dahil nakapasa po ako. Sa usaping financial lang naman po tayo may problema ngunit gagawa po ako ng paraan para hindi ko problemahin 'yon habang mag-aaral po ako doon. Maghahanap po kaagad ako ng trabaho sa Maynila para hindi ako mahirapan sa pang-araw-araw dahil may pagkukunan po ako ng pera. Makikipagsapalaran po ako doon at wala po kayong kailangan na problemahin. Hindi naman po ako bata, eh. Alam ko naman po ang nararapat kong gawin na alam ko na tama at kailanma'y hindi ko pagsisihan. Pumayag na po kayo sa gustong mangyari. Sayang naman po," nakangusong sabi ko pa sa kanilang dalawa.

Nagbabakasakali akong payagan nila ako na mag-aral sa Maynila. Sayang naman kasi kung hindi ko iga-grab ang opportunity na 'yon. Nakapasa na nga ako tapos tatanggihan ko pa. Alam ko sa sarili ko na 'yon na ang daan na binibigay sa akin ng Panginoon upang matupad ko ang aking pangarap sa buhay kaya hindi ko na dapat na sayangin pa 'yon.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • My Hot Sugar Daddy (Filipino)   Chapter 124

    MACYSa wakas ay pinatawad na rin ako ni Matthew sa mga kasalanan na nagawa ko sa kanya. Akala mo matatagalan pa ako bago ko makuha ang pagpapatawad niya sa akin ngunit hindi naman pala. Siguro binigyan siya ng kalinawan ng Panginoon ng kanyang isip para patawarin ako. Palagi ko kasing pinagdarasal 'yon na sana patawarin na niya ako sa mga kasalanan na nagawa ko sa kanya. Hindi naman nga ako binigo ng ating Panginoon kahit malaki ang kasalanan na nagawa ko. Actually, bago talaga ako humingi ng tawad kay Matthew ay sa Kanya na muna. Nagkasala rin naman ako sa Kanya at hindi lang kay Matthew. Ramdam ko naman na pinatawad na ako ng ating Panginoon.Walang paglagyan ang tuwa na naramdaman ko dahil sa pagpapatawad niya sa akin. Kulang na lang ay tumalon ako sa sobrang tuwa. Ang totoo nga n'yan ay hindi ako makapaniwala na pinatawad na nga niya ako. Ang madalas pa naman niyang sabihin sa akin ay kailanma'y hindi niya ako patatawarin ngunit hanggang salita lang pala 'yon. Hindi naman pala ni

  • My Hot Sugar Daddy (Filipino)   Chapter 123

    PAULINE Walang training si Matthew sa mga football players ngayong araw ng Lunes kaya ang gagawin niya ay pupunta siya sa bangko para magwithdraw ng pera. Didiretso rin siya sa opisina niya dahil may aasikasuhin raw siya. Sabay lang naman kaming dalawa umalis sa bahay niya. Magkaiba lang talaga ang aming pupuntahan.Nag-iisip-isip ako kung sasabihin ko ba 'yon kay Angeline na kaibigan ko. Sa bandang huli ay napagpasyahan ko na hindi sabihin 'yon sa kanya. Sa akin na muna 'yon. Hindi naman importanteng malaman niya ang tungkol doon tutal hindi naman siya involved at saka sasabihin ko lang naman sa kanya 'yon. Hindi muna sa ngayon pero kapag nangyari na ay saka ko lang sasabihin. Bago kami kumain ng lunch ni Angeline ay tumawag sa akin si Matthew. Tamang-tama nasa labas na kami kaya nasagot ko kaagad ang tawag niya. Sinabi kaagad niya sa akin na naka-withdraw na raw siya ng six million pesos. Tinatanong niya ako kung kumain na kami ng lunch at ang sagot ko naman kaagad sa kanya ay hin

  • My Hot Sugar Daddy (Filipino)   Chapter 122

    PAULINE He gave me a quick nod after I answered him. I'm hopping for good. Magtagumpay sana ang plano ko bago pa niya ako maunahan. He breathes deeply before he speaks to me again. "Huwag mo nang problemahin pa 'yon, Pauline," wika niya sa akin. "Ano'ng ibig mong sabihin, huh?" tanong ko sa kanya na kunwari ay wala akong ideya o hindi ko alam ang puwedeng gawin niya. He'll give me money. Syempre ay hindi ako puwedeng magpakita ng mga bagay na magiging dahilan para malaman niya ang totoong binabalak o pinaplano ko. I have to pretend. "Bibigyan kita ng pera, Pauline," sabi niya sa akin. Nilakihan ko ang aking mga mata sa sinabi niyang 'yon, nagkukunwari na hindi ako makapaniwala."Talaga ba, Matthew?" tanong ko sa kanya.He nodded immediately."Oo, Pauline. Bibigyan kita ng pera. I'll give you six million pesos, okay?" sabi niya sa akin na ikinagulat ko matapos na sabihin niya na bibigyan niya ako ng six million pesos na hindi ko naman inaasahan na ibibigay niya 'yon. Five million

  • My Hot Sugar Daddy (Filipino)   Chapter 121

    PAULINE "Ayos ka lang ba, Pauline?" tanong sa akin ni Matthew pagkapasok namin sa loob ng kuwarto niya. We're going to sleep now. Napangiwi ako sa tanong niyang 'yon kahit may ideya na ako kung bakit ganoon ang tanong niya sa akin. Napansin siguro niya ang kinikilos ko kanina. I wasn't surprised with that. Inaasahan ko naman na 'yon kahit papaano na mapapansin niya lalo na ang pag-iwas ko sa kanya. Sigurado ako na napansin rin niya 'yon kaya nga siya nagtatanong sa akin kung ayos lang ba ako. Kung hindi niya napansin ay hindi siya magtatanong sa akin nito, 'di ba?Nagpakawala muna ako nang malalim na buntong-hininga bago sumagot sa kanya. Dahan-dahan lang ang pagsasalita ko sa harapan niya."Oo. Ayos lang naman ako, Matthew. Halata ba na hindi ako okay, huh?" sinunggaling kong sagot sa kanya. I have to lie with him, right? Hindi puwedeng magsabi ako ng totoo sa kanya kaya nagsisinungaling ako na ayos lang ako.Kumunot ang noo niya sa sagot ko. "Talaga ba?" tanong niya sa akin na

  • My Hot Sugar Daddy (Filipino)   Chapter 120

    PAULINE Pagkarating ko sa bahay ni Matthew ay kinausap ko 'yong tatlong kasambahay niya na huwag sasabihin sa kanya na lumabas ako. Just in case na tanungin sila kung lumabas ako ay sabihin nila na hindi naman ako lumabas. Dito lang ako sa bahay niya. Nangako naman nga sila na hindi sasabihin ang totoo kay Matthew kahit ito pa ang amo nila. Natuwa naman nga ako sa kanila kahit papaano. Nakakaasa ako na hindi nila ako isusumbong kay Matthew na lumabas sa bahay niya. Kapag kasi nalaman niya na lumabas ako ay magtatanong siya sa akin kung saan ako pumunta. Ayaw ko na magtanong pa siya ng kung anu-ano kaya mas mabuti na huwag na sabihin sa kanya ang totoo. Magsinunggaling na lang sa kanya tutal 'yon naman ang ginawa niya sa akin. I'm so disappointed with him. I was hurt because of what he did to me. Tumaas kaagad ako sa kuwarto niya at hindi ko na naman tuloy napigilan ang mga luha ko sa pagbuhos kaya lumuluha muli ako. Oras na para kumain ng lunch ngunit hindi pa rin ako kumakain. L

  • My Hot Sugar Daddy (Filipino)   Chapter 119

    PAULINE Wala namang nagbago sa usapan nilang dalawa ngayong lunch time na ang sabi niya sa akin ay isa raw sa mga kaibigan niya na hindi ako masyadong kumbinsido. Sa isang restaurant na madalas namin na kainan siya pumunta na sinusundan ko lang naman. He parked his car outside that restaurant. Hindi ako puwedeng magpark malapit sa may kotse niya dahil makikita niya 'yon. Kilala pa naman niya ang aking kotse at magtataka siya kung bakit nandito ang kotse ko.Kapag nangyari 'yon ay mawawala sa wala ang plano ko na alamin kung sino talaga ang kikitain niya. Tamang-tama ay may mapa-parking-an sa tapat ng isang pawnshop. Wala namang naka-park doon kaya doon ako nagpark nitong kotse ko. Hindi naman ako makikita nito ni Matthew lalo na ang kotse ko. May distansiya naman kasi ang pinarking-an ko sa restaurant na 'yon. Huminga ako nang maluwag at ipinikit ang aking mga mata bago tuluyang lumabas sa kotse ko. Pinayagan naman ako ng guard na doon magpark kahit hindi ako papasok sa loob ng pawn

  • My Hot Sugar Daddy (Filipino)   Chapter 118

    PAULINE Matthew and I didn't have sex for a few days. Mabuti na kinakaya naman naming dalawa na hindi muna gawin 'yon. Tulog na tulog na siya nang tumabi ako sa kanya sa kama para matulog kagabi. Inayos ko na lang ang pagkakakumot ko sa kanya at may ngiti sa mga labi na pinagmamasdan siya hanggang sa ipikit ko ang aking mga mata. I didn't kiss his forehead kahit na gusto ko na gawin 'yon. Nahihiya kasi ako na gawin 'yon dahil baka natutulog-tulugan lang pala siya n'yan tapos biglang gumising kapag ginawa ko 'yon. Napahiya tuloy ako n'yan sa kanya. Ano na lang ang sasabihin ko n'yan sa kanya kapag tinanong niya ako kung bakit ko ginawa 'yon? Nganga naman ako nito at talagang sigurado 'yon.Habang kumakain kami ng breakfast ay hindi naman kami masyadong nag-uusap na dalawa. Kaunting pag-uusap lang naman kung may importanteng pag-uusapan at kung wala naman ay wala naman kaming pag-uusapan. At saka kumakain kami at masama naman na panay ang kuwentuhan namin.Pagkakain namin ay hindi ko s

  • My Hot Sugar Daddy (Filipino)   Chapter 117

    PAULINE Napapansin ko si Matthew na hindi masyadong nagsasalita. Kapag kinakausap ko naman siya ay ang tipid-tipid niyang makipag-usap sa akin. Nakapagtataka nga lang, eh. I had no idea why he's like that. Hindi naman siya ganito. Ngayon ko lang siya nakita na ganito na hindi masyadong nagsasalita. Baka may problema siya. Tatanungin ko na sana siya kaso naisip ko na baka magalit siya o masamain niya kapag ginawa ko 'yon kaya hindi ko na lang tinuloy. Dadagdag pa ako n'yan sa problema niya kung mayroon man nga siyang iniisip n'yan. Ayaw ko na mangyari 'yon. Chill lang dapat ako na para bang walang iniisip na kung anong problema. Baka kapag nagalit siya n'yan sa akin ay tuluyan na ako niyang paalisin dito sa bahay niya at tapusin ang kung ano man ang mayroon kaming dalawa. Pagkatapos namin kumain ng dinner ay bigla siyang nawala sa harapan ko. Hindi ko napansin na umalis siya at kung saan nga siya pumunta. Saan kaya siya pumunta?Tumungo ako sa kuwarto niya baka kasi nandoon siya ngu

  • My Hot Sugar Daddy (Filipino)   Chapter 116

    MATTHEW It's one o'clock in the morning but I can't sleep. Kahit ano'ng gawin ko ay hindi ako makatulog. Paano ba naman kasi n'yan ay hindi mawala-wala sa isipan ko ang tungkol sa sinabi ng kaibigan ko na si Edward James. Kung ako raw sa kanya ay baka pinatawad na niya si Macy na ex-girlfriend ko. Walang ibang laman ang isipan ko kahapon hanggang ngayong madaling araw kundi 'yon lang talaga. Na-realize ko rin naman na may tama siya sa mga sinabi niyang 'yon sa akin. Naalala ko tuloy ang mga sinabi ni Pauline sa akin na may sinabi rin siya sa akin dati tungkol doon ngunit hindi man parehas na parehas ngunit hindi nalalayo kahit papaano. Sa mga sinabi niyang 'yon sa akin at sa mga na-realize ko ay nalilito na tuloy ako kung ano ang gagawin ko kaya hindi matakas-takasan ang isip ko tungkol sa bagay na 'yon. Laman pa rin talaga ng aking isipan. Baka hindi na ako nito makatulog hanggang sa sumapit ang alas singko ng umaga. I really want to sleep but I can't. Naisip ko pa na baka siguro

Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status