PAULINE
"Congratulations sa 'yo, miss," pangco-congratulate sa akin ng security guard matapos kong sagutin lahat ng mga katanungan niya sa akin. I corrected him, too. Nginitian ko siya. "Maraming salamat po. Hindi po talaga ako makapaniwala na sa pamantasan na 'yan po ako mag-aaral ng kolehiyo. Kaya hindi ko po talaga maipaliwanag ang tuwang nararamdaman ko ngayon na nandito na po ako sa Maynila at kaharap ko ang pamantasan na magbibigay daan sa akin upang matupad ko ang mga pangarap ko sa buhay," sagot ko nga sa kanya na nagpapasalamat. Nginitian niya rin ako pagkasabi ko. Tumango siya. "Walang anuman 'yon, miss. Naiintindihan naman na kita kaya kung bakit ganoon ang nakita namin sa 'yo kanina. Sorry kung napagkamalan ka namin ng kung anu-ano lalo na 'yung akala namin ay hindi ka nakapasa. Nagkamali kami pero ngayon ay alam ko na ang totoo. Kabaliktaran pala. Congratulations ulit sa 'yo," sabi niya sa akin. "Okay lang po 'yon, huwag mo na pong isipin pa 'yon. Hindi n'yo naman po kasi alam kung bakit ako nagkakaganoon kaya ganoon po talaga ang maiisip n'yo ngunit ngayon na sinabi ko na po sa 'yo ang dahilan ay alam mo na po ang totoo," nakangising sabi ko pa sa kanya. "Mabuti po talaga ay nilapitan n'yo ako." Tumango siya muli. "Oo. Nagtataka na kasi kami sa 'yo, eh. Akala namin ay kung ano na. Good luck sa pag-aaral mo sa kolehiyo. Magkikita muli tayo n'yan kapag nagbukas na ang pasukan," saad niya pa sa akin. "Opo. Magkikita po muli tayo nito. Sana po ay makilala mo pa po ako." "Oo naman. Ano ba ang pangalan mo, miss?" Tinatanong ng security guard ang pangalan ko. "Pauline Alonzo po. Ikaw po?" sabi ko sa kanya ng pangalan ko. "Manuel Ferrara ang pangalan ko. Tawagin mo na lang akong Kuya Manuel," pakilala rin niya sa akin kaya alam ko na ang pangalan niya. Sa hitsura nga niya ay sigurado ako na may pamilya na siya. Maybe he's forty-five years old or above pero hindi pa aabot ng fifty years old. Nginitian ko nga muli siya pagkasabi niya sa akin ng kanyang pangalan. Mukha naman na mabait siya kasi ang isang tao ay makilala mo naman kung mabait o hindi kahit sa umang pagkikita n'yo. "Sige po, Kuya Manuel. See you po sa susunod. Masaya po ako na makilala ka. May kakilala na po ako dito sa pamantasan na pag-aaralan ko ng kolehiyo. Kapag may hindi po ako alam ay may puwedeng mapagtatanungan po ako. Hindi na po ako mahihirapan pa." "Oo naman, Pauline. Walang problema 'yon sa akin. Bumalik ka na lang kapag enrollment na. Hindi pa kasi enrollment ngayon." I nodded again. "Opo. Alam ko naman po 'yon. Gusto ko lang po na makita ang pamantasan na magiging daan para sa pagtupad ko ng aking mga pangarap sa buhay. Galing pa po akong probinsiya, eh," sabi ko pa sa kanya. "A, ganoon ba?" tanong niya sa akin. "Opo." "May matutuluyan ka ba dito sa Maynila habang nag-aaral ka?" tanong pa niya sa akin kung may matutuluyan ako dito sa Maynila habang nag-aaral ako ng kolehiyo. I pouted my lips. "Wala pa po, eh. Wala rin po akong kamag-anak na matutuluyan ko dito sa Maynila kaya pagkatapos ko po na umalis dito ngayon sa lugar na kinatatayuan ko ay maghahanap kaagad ako ng puwedeng matuluyan ko o mauuwian habang nag-aaral po ako," paliwanag ko sa kanya. Tumango-tango siya. "Sana ay makahanap ka kaagad ng matutuluyan o mauuwian mo habang nandito ka sa Maynila. Mahirap na wala kang mauuwian." Naisip ko na tanungin siya kung may alam siyang puwedeng mauwian o matuluyan ko habang nandito ako sa Maynila. Baka kasi matulungan niya ako tutal tagarito siya. "Oo nga po, eh. May tanong po ako sa 'yo, Kuya Manuel." "Ano 'yon, Pauline?" tanong niya sa akin. "May alam ka pong puwedeng matuluyan o mauuwian ko na pagre-rentahan kagaya ng boarding house? Kung may alam ka po ay baka maituro mo sa akin. Ako na lang po ang pupunta kahit hindi ko pa kabisado ang lugar na kinaroroonan ko ngayon. May alam ka po ba, Kuya Manuel?" tanong ko nga sa kanya. Huminga siya nang malalim at nagsalita, "May alam naman ako, Pauline. Puwede naman kitang tulungan na makahanap. Kung naghahanap ka nga ng matutuluyan kahit boarding house lang ay mas mabuti na 'yung malapit lang dito sa pamantasan na ito para hindi ka na mahirapan o mapagastos kapag papasok ka. Kahit lakarin lang ay puwede na. Makakatipid ka na sa pamasahe." Maganda naman ang naging mungkahi niya sa akin na kung maghahanap ako ng boarding house ay dapat 'yong malapit lang dito sa pamantasan kung saan ako mag-aaral ng kolehiyo. Sang-ayon naman ako sa sinabi niyang 'yon sa akin. Tama naman siya sinasabi niya na kung malapit lang ang boarding house na uuwian o matutuluyan ko dito sa Maynila sa pamantasan na pag-aaralan ko ay makakatipid ako ng pera lalo na pagdating sa pamasahe. "Magandang ideya po ang sinabi mo sa akin, Kuya Manuel. Iyon na lang po ang gagawin ko. Maghahanap na lang po ako ng boarding house na malapit dito sa pamantasan na ito para hindi na po ako mahirapan at saka ay makatipid ako sa pera na gagastusin ko lalo na sa araw-araw na pamasahe. May alam ka po ba na boarding house na malapit lang dito sa pamantasan na ito?" sabi ko sa kanya na nakangiti. Tinanong ko na rin siya kung may alam siya na malapit na boarding house sa pamantasan na pag-aaralan ko ng kolehiyo. Mabilis naman siyang tumango sa akin pagkasabi ko. "Oo. May alam nga ako, Pauline." "Talaga po?" Natuwa ako pagkasabi niya na ay alam nga siya. "Oo." "Kung ganoon po ay baka puwedeng maituro mo po sa akin, Kuya Manuel. Pupuntahan ko po 'yon kung nasaan 'yon na malapit lang po dito. Kahit hindi mo na po ako samahan ay okay lang po sa akin. Saan po ba 'yon, Kuya Manuel?" Sinabi naman nga kaagad ni Kuya Manuel kung saan ang boarding house na 'yon na malapit lang dito sa pamantasan na pag-aaralan ko. Pinasalamatan ko muli siya bago ako umalis para hanapin kung nasaan 'yon. Hindi na ako nagtagal pa. Bumalik siya sa pagbabantay sa may gate habang ako ay umalis na doon sa harapan ng pamantasan na 'yon. Biglang kumalam ang aking tiyan habang naglalakad ako patungo sa boarding house na tinuro ni Kuya Manuel sa akin. Kaunting lakad lang naman raw ang kailangan bago ko marating doon. May nakita akong karinderya kaya naisipan ko na tumigil muna sa paglalakad para tumungo doon at kumain. Pagkakain ko ay saka ako nagpatuloy sa paghanap ng boarding house na tinuturo ni Kuya Manuel sa akin. Sa awa ng Panginoon ay hindi naman ako nahirapan. Nahanap ko naman kaagad 'yon. Wala pa masyadong umuupa sa boarding house na 'yon kaya doon ako pansamantalang maninirahan habang nag-aaral ng kolehiyo dito sa Maynila. Karamihan sa mga umupa doon ay mga estudyante rin na kaka-graduate pa lang last month. Nagbayad na ako ng upa ko sa loob ng dalawang buwan. Nakahinga na ako nang maluwag nang nandoon na ako sa boarding house na inuupahan ko. Maluha-luha nga ako habang nagpapahinga. Masaya ako dahil sa wakas ay hindi ako nahirapan na maghanap ng matutuluyan o mauuwian ko. Salamat talaga kay Kuya Manuel. Taimtim rin akong nagdasal para magpasalamat sa Panginoon dahil hindi niya ako pinahirapan. Pakiramdam ko nga ay tinutulungan niya ako. Tinawagan ko ang mga magulang ko at dalawang kaibigan na sina Leslie at Jasmin para sabihin sa kanila na may nahanap na akong boarding house kung saan ako pansamantalang maninirahan habang nandito ako sa Maynila. Natuwa naman nga sila para sa akin. Sumunod na araw ay nagpasya akong lumabas para maghanap na rin ng puwedeng mapagtrabauhan ko lalo na hindi pa nagsisimula ang pasukan. Hindi pa nga nagsisimula ang enrollment period. Sasamantalahin ko na ang pagkakataon habang may oras pa ako. Mahirap na kung busy na ako ay saka pa lang ako maghahanap ng magiging part-time job ko habang nag-aaral ako. Iyon na lang talaga ang problema ko. Sana talaga ay may mahanap akong trabaho. Hindi naman siguro ako n'yan pababayaan ng Panginoon. Tinulungan nga Niya ako na makahanap kaagad ng boarding house kaya sigurado ako na tutulungan ako Niya na makahanap ng trabaho. Panay ang tingin-tingin ko sa mga tindahan at kainan na madadaanan ko kung naghahanap sila ng magtatrabaho sa kanila. Wala naman akong nakikita. Kinakapalan ko na rin ang mukha ko sa kakatanong kung saan ang puwedeng mapagtrabauhan. Kung paiiralin ko ang hiya ko ay walang mangyayari nito lalo na hindi naman ako sanay sa buhay dito sa Maynila. Huminto ako sa paglalakad dala-dala ang resumé ko nang makaramdam ako ng pagod. Sakto nasa tapat ako ng isang restaurant. Naisipan ko na pumasok doon at tingnan kung naghahanap sila kahit waitress lang o janitress. Wala namang problema kung ganoon ang trabaho ko. At least ay may trabaho ako kaysa wala, 'di ba? Papasok na sana ako nang may malaking katawan ang bumangga sa may likuran ko. Malakas 'yon kaya napasubsob ako sa may poste habang siya ay ganoon rin. Mabuti ay hindi gaanong kalakas ang pagkakasubsob ko dahil kung hindi ay basag ang mukha ko nito. Napasubsob rin ang taong 'yon kung sino man nga ito sa may likuran ko kaya ramdam na ramdam ko ang bigat niya. Sigurado ako na lalaki ang bumangga sa akin. Napamura ako ng malakas. Oh, shit. Ano ba ito?!PAULINE Kumain kami ng lunch kasama siya. Hindi ako masyadong nagsasalita sa kanya. Nawawalan na naman kasi ako ng gana dahil sa nakita ko. Nagsasalita lang ako sa kanya kapag may itatanong siya at kapag wala naman ay hindi naman. Mabuti nga ay hindi niya pinupuna 'yon na sigurado ako na napapansin niya. Kahit napapansin man nga niya 'yon ay huwag na siyang magtanong o pumuna pa. At saka kumakain kami ng lunch, hindi dapat panay pag-uusap ang inaatupag namin.Pagkatapos namin na kumain ng lunch ay hindi naman na kami nagtagal pa na nagsasama-sama na tatlo dahil may kailangan pa kaming gawin ng kaibigan ko na si Angeline.Hinayaan naman nga niya kami at hindi naman niya pinigilan. Ba't naman niya kami kailangan na pigilan? Siya nga ay hindi ko pinipigilan sa gusto niya, 'di ba? Nagpasya kaming dalawa ng kaibigan ko na doon muna tumambay sa paboritong tambayan namin kapag tanghali kung saan marami ring mga estudyante ang tumatambay dahil hindi mainit at saka tahimik. Puwede kang mag-st
MACYSa wakas ay pinatawad na rin ako ni Matthew sa mga kasalanan na nagawa ko sa kanya. Akala mo matatagalan pa ako bago ko makuha ang pagpapatawad niya sa akin ngunit hindi naman pala. Siguro binigyan siya ng kalinawan ng Panginoon ng kanyang isip para patawarin ako. Palagi ko kasing pinagdarasal 'yon na sana patawarin na niya ako sa mga kasalanan na nagawa ko sa kanya. Hindi naman nga ako binigo ng ating Panginoon kahit malaki ang kasalanan na nagawa ko. Actually, bago talaga ako humingi ng tawad kay Matthew ay sa Kanya na muna. Nagkasala rin naman ako sa Kanya at hindi lang kay Matthew. Ramdam ko naman na pinatawad na ako ng ating Panginoon.Walang paglagyan ang tuwa na naramdaman ko dahil sa pagpapatawad niya sa akin. Kulang na lang ay tumalon ako sa sobrang tuwa. Ang totoo nga n'yan ay hindi ako makapaniwala na pinatawad na nga niya ako. Ang madalas pa naman niyang sabihin sa akin ay kailanma'y hindi niya ako patatawarin ngunit hanggang salita lang pala 'yon. Hindi naman pala ni
PAULINE Walang training si Matthew sa mga football players ngayong araw ng Lunes kaya ang gagawin niya ay pupunta siya sa bangko para magwithdraw ng pera. Didiretso rin siya sa opisina niya dahil may aasikasuhin raw siya. Sabay lang naman kaming dalawa umalis sa bahay niya. Magkaiba lang talaga ang aming pupuntahan.Nag-iisip-isip ako kung sasabihin ko ba 'yon kay Angeline na kaibigan ko. Sa bandang huli ay napagpasyahan ko na hindi sabihin 'yon sa kanya. Sa akin na muna 'yon. Hindi naman importanteng malaman niya ang tungkol doon tutal hindi naman siya involved at saka sasabihin ko lang naman sa kanya 'yon. Hindi muna sa ngayon pero kapag nangyari na ay saka ko lang sasabihin. Bago kami kumain ng lunch ni Angeline ay tumawag sa akin si Matthew. Tamang-tama nasa labas na kami kaya nasagot ko kaagad ang tawag niya. Sinabi kaagad niya sa akin na naka-withdraw na raw siya ng six million pesos. Tinatanong niya ako kung kumain na kami ng lunch at ang sagot ko naman kaagad sa kanya ay hin
PAULINE He gave me a quick nod after I answered him. I'm hopping for good. Magtagumpay sana ang plano ko bago pa niya ako maunahan. He breathes deeply before he speaks to me again. "Huwag mo nang problemahin pa 'yon, Pauline," wika niya sa akin. "Ano'ng ibig mong sabihin, huh?" tanong ko sa kanya na kunwari ay wala akong ideya o hindi ko alam ang puwedeng gawin niya. He'll give me money. Syempre ay hindi ako puwedeng magpakita ng mga bagay na magiging dahilan para malaman niya ang totoong binabalak o pinaplano ko. I have to pretend. "Bibigyan kita ng pera, Pauline," sabi niya sa akin. Nilakihan ko ang aking mga mata sa sinabi niyang 'yon, nagkukunwari na hindi ako makapaniwala."Talaga ba, Matthew?" tanong ko sa kanya.He nodded immediately."Oo, Pauline. Bibigyan kita ng pera. I'll give you six million pesos, okay?" sabi niya sa akin na ikinagulat ko matapos na sabihin niya na bibigyan niya ako ng six million pesos na hindi ko naman inaasahan na ibibigay niya 'yon. Five million
PAULINE "Ayos ka lang ba, Pauline?" tanong sa akin ni Matthew pagkapasok namin sa loob ng kuwarto niya. We're going to sleep now. Napangiwi ako sa tanong niyang 'yon kahit may ideya na ako kung bakit ganoon ang tanong niya sa akin. Napansin siguro niya ang kinikilos ko kanina. I wasn't surprised with that. Inaasahan ko naman na 'yon kahit papaano na mapapansin niya lalo na ang pag-iwas ko sa kanya. Sigurado ako na napansin rin niya 'yon kaya nga siya nagtatanong sa akin kung ayos lang ba ako. Kung hindi niya napansin ay hindi siya magtatanong sa akin nito, 'di ba?Nagpakawala muna ako nang malalim na buntong-hininga bago sumagot sa kanya. Dahan-dahan lang ang pagsasalita ko sa harapan niya."Oo. Ayos lang naman ako, Matthew. Halata ba na hindi ako okay, huh?" sinunggaling kong sagot sa kanya. I have to lie with him, right? Hindi puwedeng magsabi ako ng totoo sa kanya kaya nagsisinungaling ako na ayos lang ako.Kumunot ang noo niya sa sagot ko. "Talaga ba?" tanong niya sa akin na
PAULINE Pagkarating ko sa bahay ni Matthew ay kinausap ko 'yong tatlong kasambahay niya na huwag sasabihin sa kanya na lumabas ako. Just in case na tanungin sila kung lumabas ako ay sabihin nila na hindi naman ako lumabas. Dito lang ako sa bahay niya. Nangako naman nga sila na hindi sasabihin ang totoo kay Matthew kahit ito pa ang amo nila. Natuwa naman nga ako sa kanila kahit papaano. Nakakaasa ako na hindi nila ako isusumbong kay Matthew na lumabas sa bahay niya. Kapag kasi nalaman niya na lumabas ako ay magtatanong siya sa akin kung saan ako pumunta. Ayaw ko na magtanong pa siya ng kung anu-ano kaya mas mabuti na huwag na sabihin sa kanya ang totoo. Magsinunggaling na lang sa kanya tutal 'yon naman ang ginawa niya sa akin. I'm so disappointed with him. I was hurt because of what he did to me. Tumaas kaagad ako sa kuwarto niya at hindi ko na naman tuloy napigilan ang mga luha ko sa pagbuhos kaya lumuluha muli ako. Oras na para kumain ng lunch ngunit hindi pa rin ako kumakain. L