ログイン
Chapter 1
“Ano bang ginagawa mo, Dante Moretti? Sagutin mo ang tawag ko. Our daughter needs you…”
Kanina pa tinatawagan ni Amelia ang asawa niyang si Dante pero walang sumasagot sa kabilang linya. Hindi siya mapakali habang nanginginig sa lagnat ang anak nilang si Clara sa kaniyang bisig. Halos magdeliryo na ang anak niya habang paulit-ulit na umiiyak.
"Daddy… gusto ko si Daddy…"
Lalong kinabahan si Amelia kaya agad siyang bumaba ng hagdan bitbit ang anak.
"Manang Linda! Manang Linda!” sigaw niya.
Mahigpit ang pagkakayakap niya rito habang dinadama ang init ng katawan nito.
“Bakit po, Madam?” tanong nito habang tumatakbo papalapit sa kaniya.
“Pakihanda ho ng kotse, pupunta na tayo sa ospital," nagmamadali niyang sabi.
Napatingin ang matanda sa kanya at sa batang nanginging sa kaniyang braso.
"Madam, hintayin na lang po natin si Sir?" alinlangan nitong tanong. “Baka magalit si Sir kapag umuwing wala kayo rito.”
"Hindi iyon uuwi ngayon." Umiling si Amelia. “Inaapoy na ng lagnat ang anak ko, hihintayin pa ba natin siya?”
Alam niya kung nasaan ang asawa niya ngayong gabi. Sigurado siyang hindi ito uuwi hanggang hindi tapos ang celebration ng birthday ng babaeng tunay nitong mahal.
Mas malamig pa sa ulan sa labas ang pakiramdam niya habang yakap ang anak na halos magliyab na ang katawan sa taas ng lagnat habang ang ama nito ay mas piniling ipagdiwang ang kaarawan ng ibang babae. Nagngitngit ang ngipin niya sa galit.
Wala ka talagang puso, Dante!
"Wala ka talagang puso, Dante," mahina niyang sabi habang pinipigilan ang panginginig ng boses.
Napadaing si Clara sa mga bisig niya. "Daddy…"
Napapikit si Amelia at pilit ngumiti sa anak kahit kumikirot ang dibdib niya.
"Pagaling ka muna, baby. Pupuntahan ka ni Daddy mamaya," malambing niyang sabi kahit alam niyang nagsisinungaling siya.
Mabilis niyang pinaandar ang sasakyan papuntang ospital. Dahil sa sobrang kaba, halos sagad na ang tapak niya sa accelerator nang biglang may kotseng mabilis na sumingit sa harap nila. Binuksan niya ang hazard lights para magbigay babala rito pero dire-diretso pa rin ang sasakyan sa kanila.
"Madam, ingat!" sigaw ni Manang Linda.
Sa gulat ay agad niyang ikinabig ang manibela kaya sumalpok ang harap ng kotse sa traffic island.
“Jusko, iligtas mo po kami!” Napayakap si Manang Linda kay Clara habang napasigaw sa takot.
Buti na lang at agad nakapreno si Amelia kaya maliit lang ang tinamaang poste at hindi gaanong nasira ang kotse.
Pero bigla na lang siyang napayuko sa manibela at tuluyan siyang napaiyak. Parang sabay-sabay bumalik ang lahat ng sama ng loob na ilang taon niyang kinimkim.
Parang lalong tumataas ang lagnat ni Clara, Madam. Pasensya na pera kailangan nating siyang madala agad sa hospital," nag-aalalang sabi ni Manang Linda mula sa likod.
Doon lang natauhan si Amelia. Napahawak si Amelia sa mukha at pilit pinakalma ang sarili.
"Sorry… sorry…" bulong niya sa sarili.
Pagkatapos ay agad niyang pinaandar muli ang sasakyan patungong ospital.
Pagdating doon ay agad niyang binuhat si Clara papasok sa emergency room. Habang kinukuhanan ng dugo ang anak niya ay pilit itong pumapalag at umiiyak sa takot. Mahigpit na hinawakan ni Amelia ang kamay ng anak kahit halos madurog na ang puso niya sa naririnig na iyak nito.
Pagkaraan ng ilang oras ay kinausap sila ng doktor.
"Malubha na po ang kondisyon ng bata, Misis. Maraming viral infection at parehong apektado na ang lungs niya kaya kailangan na po nating linisin ang baga niya para matanggal ang mga infection," paliwanag ng doktor.
Nagulat si Manang Linda. "Dok, masyado pa siyang bata. Kakayanin ba niya iyon?"
Kinuha ni Amelia ang CT scan mula sa doktor at pinagmasdan iyong mabuti.
Nagulat ang doktor habang nakatingin sa kanya. "Misis, naiintindihan n'yo ang resulta?"
Tumango si Amelia saka nag-angat ng ulo sa doktor.
"Pakiayos na lang po ang schedule, Doc. Gawin niyo ang procedure kapag bumaba na ang lagnat ng anak ko," matatag niyang sagot.
"Madam, sasabihin po ba natin kay Sir Dante?" Nag-alangan si Manang Linda.
Hinaplos ni Amelia ang noo ng anak. "Hindi na kailangan."
Parang may tuluyan nang napagdesisyunan si Amelia sa sandaling iyon.
Mabilis na lumipas ang tatlong araw at hindi umalis sa tabi ng anak matapos ang procedure. Habang nakatingin siya sa natutulog na si Clara ay tumunog ang cellphone niya. Tiningnan niya lang mensage ng asawa.
What's up?
Dalawang salita lang, pero parang napakalayo na ng lalaki sa kanya. Pinili niyang hindi mag-reply dito at hinalikan na lang ang kamay ng anak.
Biglang tumunog naman ang cellphone ni Manang Linda. Tumingin ito sa kaniya saglit bago sinagot ang tawag at inilagay iyon sa loud speaker.
"Hello, Sir,” anito.
"May nangyari ba sa bahay, manang?"
Narinig niyang tanong ni Dante sa kasambahay.
Saglit itong natigilan at muling tumingin sa kaniya. Mabilis siyang umiling dito.
"W-wala naman, Sir." Kinakabahang sambit nito. “Pauwi ka na ba?”
“Hindi pa.” Narinig niya ang mahinang ingay sa kabilang linya. “May importante pa akong gagawin.”
“Ay ganoon ba, sige na maayos naman kami dito.” Paalam ni Manang Linda.
Pagkababa ng tawag ay napailing ang matanda sa kaniya. Alam na ni Amelia ang iniisip nito na hindi alam ni Dante na nasa ospital ang anak niya nitong mga nakaraang araw.
Biglang nagising si Clara nang umiiyak. Mabilis na hinawakan ni Amelia ang kamay ng anak saka hinaplos iyon kahit bumabagsak na ang kaniyang talukap sa pagod at puyat.
"Daddy… Tita Yvonne… natatakot po ako…" bulong ng bata.
Parang may kumurot sa puso ni Amelia sa narinig. Hindi siya ang unang hinanap ng anak, kung ‘di ibang babae… ang babae ng kaniyang ama.
Hinawakan niya ang maliit na kamay ng anak at hinalikan iyon.
Unti-unting nagmulat ng mata si Clara.
"Andito si Mommy, anak."
Pero pagmulat nito ay luminga ito sa paligid saka iwinaksi ang kamay niya.
"Ayoko sa’yo! Gusto ko kay Tita Yvonne!” galit na sigaw nito.
Saglit na nag-hysterical ang anak pagkatapos ay nakatulog ulit. Amelia held back her tears and gently patted her daughter's back.
“Mommy’s here…”
After seven days ay nakauwi na sila. Inilapag niya si Clara sa kama nito pagkatapos ay hinalikan sa noo bago humakbang palabas ng kwarto.
Halos bumigay si Amelia sa sobrang pagod pagkarating sa kaniyang kwarto. Pakiramdam niya ay naubos ang lakas niya sa nangyari.
This is not the marriage life I’ve dreamed of.
Umaga na siya ng magising. Pagbaba niya ay bumungad sa kaniya si Manang Linda.
"Madam, dumating po si Sir kanina. Isinama niya si Clara para kumain sa labas."
Parang naubusan siya ng hangin sa narinig saka tahimik na bumalik sa kwarto.
Nagmamadali niyang hinagilap ang cellphone at tinawagan niya ang asawa.
"Hi! Dante is not here yet. Nasa CR sila ni Clara. May kailangan ka ba?" matinis na boses ng babae ang sumagot na agad nagpakunot sa noo niya.
Napakagat labi na lang si Amelia at mabilis na pinatay ang tawag. Napaupo siya sa tabi ng kama.
Gumuhit ang matamlay na ngiti sa labi ni Amelia nang maalala ang masayang ala-ala nila ni Dante.
She closed her eyes nang biglang nag-flash ang usapan nila ng ama niyang tumutol noon sa pagpapakasal niya kay Dante.
"Hindi ka magsisisi?"
"Hindi po, Papa. I love Dante." Masayang sagot niya sa ama.
Huminto pa siya sa pag-aaral para mag-asawa. Ganon niya kamahal ang lalaki. Iyon ang isa sa maling desisyon niya sa buhay, ang uanhin ang pag-ibig kesa mag-aral. Hindi niya inakala na kaya siyang lokohin ni Dante. Akala niya noon ay maayos ang kanilang pagsasama since pumayag itong magpakasal sa kaniya.
Dalawang taon na ang nakararaan nang madiskubre ni Amelia ang anak niya sa loob ng kwarto ni Dante, kausap sa telepono ang isang babae.
"Tita Yvonne, miss na kita. Kailan po ulit tayo magkikita?" masayang sabi ni Clara sa kabilang linya.
Natigilan si Amelia sa may pintuan.
Narinig pa niyang tumawa ang babae sa kabilang linya bago sumagot, "Soon, princess. Magiging good girl ka muna ha? Pakinggan mo lagi si Daddy."
“I will po!”
Para silang totoong mag-ina kung mag-usap.
Doon tuluyang nagising si Amelia sa katotohanan.
Ngayon puno siya ng pagsisisi sa naging desisyon niya noon. Kung alam lang niya ang totoong ugali ni Dante, hindi niya sana isinuko ang pag-aaral at magandang kinabukasan para sa isang lalaking hindi naman siya kayang mahalin. Tunay nga na ang pag-aasawa ng lalaking hindi ka mahal ay hahantong lang sa relasyong puno ng problema, gaano mo man piliting ayusin.
Pero ngayon, malinaw na sa kanya ang lahat na hindi sapat ang pagmamahal kung isa lang ang lumalaban sa relasyon. Kahit anong kabutihan ang ipakita niya, hindi iyon kailanman nasuklian ni Dante.
Tapos na siya sa pagiging isang simpleng maybahay na naghihintay lang sa lalaking hindi naman siya pinapahalagahan.
It’s time to end her fairy tale.
Panahon na para piliin naman niya ang sarili niya.
Halos mapapitlag siya sa tunog ng cellphone at agad siyang tumayo. She saw an email notification.
Kumunot ang noo niya habang binubuksan ang email.
Kagat labi siyang napangiti dahil galing iyon sa research laboratory ng isang kilalang medical university abroad. Finally… ito na ang sagot sa application na matagal na niyang hinihintay.
"Tama ka, Papa…” Napapikit siya at mahina siyang napabulong. “Salamat sa pag-iwan mo sa akin ng dahilan para makapagsimula ulit."
At parang muling umalingawngaw sa isip niya ang huling bilin ng ama bago ito pumanaw.
"Anak, huwag kang papayag na housewife ka lang. You must become my pride. Kahit mag-asawa ka, huwag mong iwan ang pag-aaral mo."
Sa loob ng anim na taon ay palihim na tinapos ni Amelia ang kaniyang pag-aaral. Walang ibang nakakaalam noon kahit ang asawa niya.
Chapter 11"Dad, si Tita Yvonne!" masiglang sigaw ni Clara habang itinuturo ang isang direksyon gamit ang maliit niyang daliri. "Nakita ko si Tita Yvonne!"Napalingon si Amelia sa tinuturo ng anak. May babaeng nakatayo malapit sa bintana at may hawak na bag. Walang iba kundi si Yvonne."Yvonne? Kay laking pagkakataon naman, dito ka rin kumakain?" gulat na tanong ni Mamita."Kay laking pagkakataon nga po, Tita. Kayo rin po, napadaan din dito?" sagot ni Yvonne na tila nagulat din."Ano? Aalis ka na ba?" tanong ni Mamita."Tumawag po kasi ang kaibigan ko. Hindi raw siya makakarating kaya paalis na rin sana ako," paliwanag ni Yvonne.Pagkatapos ay kumaway siya kay Clara."Paalam, Clara. Sa susunod, ilalabas ka ni Tita para bilhan ng masarap na pagkain, ha?""Tita Yvonne, huwag ka munang umalis," sabik na tawag ni Clara habang iniunat ang maliit na kamay."Yvonne, kararating lang din namin. Sumabay ka na sa amin kumain," anyaya ni Mamita.Tahimik lamang na minasdan ni Amelia ang tagpong iy
Chapter 10Natigilan si Yvonne.Inakala niyang makikita niya ang isang helpless na Amelia, ngunit laking gulat niya nang dire diretso itong naglakad papunta sa piano nang walang pag aalinlangan.Hindi makapaniwala si Yvonne. Marunong mag piano si Amelia?Hindi nga ito nakapagtapos ng university. Isa lang naman itong housewife sa paningin niya.Napunta ang tingin ni Dante sa pigurang tuwid na nakaupo sa harap ng piano. Sa kanyang strikingly handsome na mukha, naglalaro ang liwanag at anino, bumubuo ng masalimuot at mahirap basahing ekspresyon.Sa ilalim ng banayad na spotlight, tahimik na umupo si Amelia sa tabi ng piano, parang isang liryo na namumukadkad sa gabi, malinis at elegante.Nang marahan niyang tinapik ang mga keys at patunugin ang unang hanay ng nota, iisa ang pumasok sa isip ng lahat.Mukhang minamaliit namin si Mrs. Moretti mula pa noong simula.Hindi namamalayan ni Yvonne na mahigpit na pala ang pagkakahawak niya sa likod ng upuan. Ang babaeng tumutugtog sa entablado ay
Chapter 9Ngumiti si Yvonne nang may kahulugang alam niya ang lahat at ibinaling ang tingin sa lalaking kausap ni Amelia. Hindi niya ito kilala. Hindi ito kabilang sa mga madalas nilang makasama sa kanilang circle.Sino siya? Bakit parang kilalang kilala niya si Amelia?Ang mga taong naroon nang gabing iyon ay pawang top performers sa kani kani-kanilang fields. Paano nakilala ni Amelia, isang housewife na matagal na nakatira sa Pilipinas, ang ganoong klaseng lalaki?"Dante, come here, let me introduce you to someone," tawag ni Oliver.Sumunod si Dante kay Oliver papunta kina Amelia at Renzo."Mrs. Moretti, magkakilala na ba kayo?" tanong ni Oliver na may pagtataka."Yes, we know each other," sagot ni Amelia na may bahagyang ngiti."Come, Dante. I’d like to introduce Mr. Renzo Rinaldi, Professor Clifton’s most prized student. A future prodigy in the field of medicine," masiglang sabi ni Oliver.Nagpakita ng paghanga ang mga mata ni Dante, kasama ang interes na makipagkilala. Iniabot ni
Chapter 8Pagkatapos ng dinner, sinadya niyang paalisin ang kanyang manugang at apo sa tuhod, saka tinawag sina Dante at Amelia upang samahan siya.“Amelia, kayong mag-asawa dapat lumalabas manlang minsan at nag-eenjoy, hindi iyong laging nakakulong dito sa bahay kasama naming matatanda,” bungad ni Mamita.Ngumiti si Amelia. “Grandma, gusto ko naman pong kasama kayo sa bahay.”Napansin ng matanda na bihirang mag-abroad si Amelia at marahil ay wala itong masyadong kaibigan sa ibang bansa. Seryoso ang mukha niyang humarap sa apo. “Dante, anong klaseng asal iyan na iniiwan mo ang asawa mo sa bahay buong araw habang kung saan saan ka pumupunta?”Tiningnan ni Dante si Amelia nang may pagsisiyasat. Yumuko si Amelia. Halatang iniisip ni Dante na nagsumbong siya sa matanda.“Isasama namin si Clara ngayong gabi. Ilabas mo si Amelia, maglakad lakad kayo at mag-enjoy. Bumalik na lang kayo mamaya,” sabi ng matanda na may ibang pakay.Kung nahihiya ang dalawa sa bahay, puwede naman sa hotel. Sa i
Chapter 7Matapos ang halos isang oras na biyahe, pumasok ang convoy sa isang mayamang distrito sa Amerika at huminto sa harap ng isang maliwanag na manor style na villa.Naghihintay na ang mga katulong sa pintuan upang tumulong sa mga bagahe. Naunang bumaba si Amelia, bitbit ang kanyang bag. Lumingon siya at nakita si Dante na mahigpit na karga ang kanilang anak habang maingat na bumababa ng sasakyan. Sa sandaling iyon, nagising si Clara.Kumapit ang maliit niyang mga kamay sa malapad na balikat ng ama. Magulo ang buhok niya at mamula mula ang pisngi. Humikab siya sa bisig ng ama, sobrang cute.“Dad, nasa bahay na ba tayo ni Grandma?” tanong ni Clara.Mula sa ikalawang palapag, bumaba ang isang elegante at mahinhing babae. Masayang umalingawngaw ang kanyang boses.“Nandito na ang apo ko! Nandito si Grandma!”Nang mapatingin siya kay Amelia na nakatayo sa hall na may dalang bag, bahagyang nag-iba ang kanyang ekspresyon. Magalang na bumati si Amelia.“Mom, long time no see.”“Oh my, Cl
Chapter 6Naramdaman ni Amelia ang matinding kirot sa dibdib. Kahit hindi na niya ito gaanong pinapansin, nanatili pa rin ang galit.Ngayon, tiyak na hindi niya papayagan ang anak na makaalis sa ibang bansa kasama nila. Hindi rin niya hahayaang makalapit si Yvonne sa anak at manipulahin ang isipan nito.Sa gabi, nagdinner si Dante sa bahay. Nang kumapit ang kanilang anak sa kanya, pinilit ni Amelia na huwag masyadong lumapit. Pagkatapos ng dinner, nag-shower siya ng alas-otso y medya. Nang lumabas at lumingon-lingon, narinig niya ang boses ni Clara mula sa kwarto ni Dante.“Tita Yvonne, nakapag-abroad ka na ba?”“Yes, I just arrived today, and I really wish Clara could come along too!” sagot ni Yvonne, puno ng excitement.“We’ll meet soon. Dad said he’ll take me abroad to see you in a couple of days.”“Okay, then I will buy you a present and a pretty Christmas dress first!”“I want lots of princess dresses, and I also want a beautiful crown.”“Okay, Auntie has prepared everything in a







