Beranda / Romance / My Husband, You'll Never Get Us Back / Chapter 3 - The Woman in My Bed

Share

Chapter 3 - The Woman in My Bed

Penulis: Lirp49
last update Tanggal publikasi: 2026-05-25 13:32:02

PASADO alas-diyes ng gabi, pero nasa office pa rin si Selene. Maya't maya ang tunog ng cellphone pero hindi niya pinapansin kapag si Lucien lang naman.

Alam na niya kung anong kailangan nito kaya binabalewala lang niya. Ilang sandali pa ay nagpasiya na siyang magpahinga sa gabing iyon.

Papunta na siya sa staff lounge ng bigla niyang namataan ang asawa na papunta sa kanyang opisina. Nanlaki ang mata niya at mabilis na lumiko upang makaiwas. Binilisan niya ang paglalakad para hindi siya makita, umikot pa siya ng daan para lang makarating sa lounge.

Pagpasok ay nginitian niya ang kapwa doctor na gising pa ng mga sandaling iyon. "Thesis?"

Inalis ng doctor ang suot na eyeglasses sabay tango. "Oo, ikaw ba?" Pagkatapos ay sinuot ulit ang salamin para i-continue ang ginagawa.

"Magpapahinga lang, ayoko nang bumiyahe pauwi," dahilan niya kahit nasa thirty minutes lang naman ang layo ng ospital sa bahay.

Buti na lang talaga at hindi mahilig manghimasok ang mga kapwa niya doctor. Seperate ang work at personal life sa kanila.

Naglakad siya patungo sa bakanteng kama, may anim na double deck. Apat ang okupado na kaya maingat at mahina lang ang pag-uusap nila upang hindi makaistorbo sa iba.

"Matutulog na 'ko. Kung may maghanap, sabihin mo wala at ilang araw na 'kong walang matinong tulog," palusot niya pa upang kunwari ay ayaw niyang maistorbo.

Nag-thumbs up lang ito bilang tugon at pagkatapos ay naupo na siya sa kama, hinubad ang lab coat saka nahiga sa kama. Tinakpan niya ang sarili ng kumot.

Ilang sandali pa ay agad siyang nakaramdam ng antok, ngunit bago tuluyang makatulog ay nakarinig pa siya ng ingay. Kaya bigla siyang nagising kahit hindi pa nakakatulog.

Pinakinggan niya kung anong nangyayari.

"Sorry po sa istorbo, Dok, pero nandito po ba si Dok Selene?" tanong ng nurse.

"Bakit?" balik tanong ng doctor na nakasalamin.

"May naghahanap po kasi sa kanya," anito sabay lingon sa kasama, walang iba kundi si Lucien. "Nandito po ang asawa niya."

Nang marinig iyon ni Selene ay bigla siyang kinabahan, mariing kumuyom ang kamay. Nag-aabang na ituro siya ng kapwa doctor.

Inayos naman nito ang suot na salamin, bahagyang lumingon patungo sa kama ngunit hindi nagpahalata. "Wala, hindi ko siya napansin."

"Ah, sige, Dok. Pasensiya sa istorbo." Pagkatapos ay umalis na ito kasama si Lucien.

Ilang sandali pa ay bumangon si Selene at kinausap ang kapwa doctor, "Ba't 'di mo sinabing nandito ako?"

Lumingon ito sabay ngiti. "'Di ba nga sabi mo, 'pag may maghanap sabihin ko wala? Saka, sa pagkakaalam ko nasa ibang bansa ang asawa mo."

"Well, bumalik na siya."

"Pero hindi ka excited, ibig sabihin may nangyari. Pero hindi ko na aalamin kasi sakit lang 'yan sa ulo. Masyado na 'kong busy para makitsismis pa sa buhay ng iba."

Natawa si Selene. "Thank you." Pagkatapos ay muli siyang nahiga para matulog na.

Kinaumagahan, maganda ang naging tulog niya kaya maaga rin siyang nagising. Iyon nga lang habang nagsisipilyo sa banyo ng lounge at hinahalungkat ang bag ay hindi pala siya nakapagdala ng extra na damit maging underwear.

Ibig sabihin ay kailangan niyang umuwi. Pero dahil ayaw niyang makaharap si Lucien ay sasadyain niyang wala ito kaya mga pasado alas-siyete or quarter to eight siya babalik sa bahay para kumuha ng gamit.

Nagpunta siya pagkatapos sa canteen para bumili ng makakain saka siya nagtungo sa parking lot, doon na siya kumain ng almusal. Simpleng tinapay at kape lang at nang maubos ay nag-drive na siya paalis.

Mabilis lang siyang nakarating, pinarada sa tapat ng gate ang sasakyan saka siya pumasok.

"Good morning po, Ma'am," bati ng isang katulong.

Tumango lang siya saka naglakad patungo sa hagdan nang bigla itong sumunod. "Kumain na po kayo? Gusto niyo po bang ipaghain ko kayo?"

"No need, kaumain na 'ko… Si Lucien pala, umalis na?" Paniniguro niya kahit alam naman niyang umalis na ito dahil kulang ng isang kotse sa garage.

"Kaaalis lang, Ma'am."

Nagpatuloy sa pag-akyat si Selene nang bigla itong humarang sa daraanan na ikinabigla niya. Takang-taka ang mukha na tiningnan niya ito. "Bakit?"

Alanganing ngumiti ang katulong, halatang hindi ito mapakali na para bang may gustong sabihin.

"May problema ba?" madiin at may lalim niyang tanong.

Umiling ito sabay usog sa tabi kaya nagpatuloy siya habang paibaba itong tinitingnan. Nang makarating sa ikalawang palapag ay napansin niyang bukas ang silid sa tapat ng master's bedroom.

Pagsilip ay nakita niyang naglilinis ang mga katulong. "May bisita ba tayo?"

Ginagamit lang kasi ang kwartong iyon para sa mga mahahalagang guest.

Natigilan ang mga katulong, tikom ang bibig habang nagkakatinginan sa isa't isa.

Kumiling ng ulo ni Selene, naguguluhan na siya sa ikinikilos ng mga katulong. Kaya inulit niya ang tanong, iyon nga lang ay wala pa rin sumasagot.

Bumuntong-hininga na lamang siya at tumalikod, hindi niya gustong pilitin ang mga taong ayaw naman magsalita. Humarap siya sa master's bedroom ng muli, may humabol na katulong.

"S-Sandali lang po, Ma'am." Pigil nito. "M-May nakapasok po kasing pusa kagabi at nagkalat sa kwarto niyo. Hindi pa po namin nalilinisan kaya—"

"Kukuha lang ako ng damit," ani Selene.

"Pero sobrang baho po talaga, Ma'am."

Naningkit ang mata ni Selene, agad niyang nakita ang mali. "You know what? Hindi ka magaling magsinungaling." Pagkatapos ay binuksan ang pinto.

Bumungad sa kanya si Athena na mahimbing na natutulog sa kama. Napanganga siya at pagak na natawa.

Oo, gusto na lang niyang idaan sa tawa ang lahat kaysa magalit umagang-umaga. Ngunit kahit anong paalala pa sa sarili, talagang hindi niya mapapalampas na may gagamit ng sarili niyang kama.

Kaya nilapitan niya ito, mabigat ang hakbang habang nakakuyom ang magkabilang kamay. Hinablot niya ang kumot kaya mabilis na nagmulat ng mata si Athena.

Nang makita siya ay agad na bumakas ang takot sa mukha nito. Dali-daling bumangon habang hawak ang tiyan.

Doon, napako ang tingin niya, na mas ikinasira ng mood niya sa umagang iyon. "So, buntis ka talaga?"

"A-Ate—"

"'Wag kang mag-deny dahil halata naman. Anong ginagawa mo sa pamamahay ko, lalo na sa kama ko?"

Makailang ulit na napapakurap ng mata si Athena habang namumutla ang mukha sa kaba. "D-Dito na 'ko titira simula—"

"At sinong may sabi?" putol niya agad sa sasabihin nito.

Bago pa man makasagot si Athena ay pumasok na sa kwarto ang kapatid ni Lucien, si Lara.

"Anong meron?"

Lumingon si Selene sabay turo kay Athena. "Hindi lang ako nakauwi rito kagabi, pero may iba ng nakahiga sa kama ko."

"So, what? Parang kama lang, ang sensitive mo naman."

Umawang ang labi niya sa gulat, hindi siya makapaniwala na ganoon na lamang siyang sagutin nito. Nakakabastos, lalo pa nang lampasan lang siya nito para lapitan si Athena.

"Tara sa baba, sabay na tayong kumain." Sabay angkla ng kamay sa braso nito.

Nagpatianod naman si Athena ngunit nang palabas na ang dalawa ay nagsalita si Selene, "She has no right na gamitin ang kama na para lang sa'min dalawa ni Lucien. Ako ang asawa kaya dapat lang na lumugar siya."

Lumingon si Lara, sabay ngisi. "Don't worry, Ate… sooner or later, may papalit sa puwesto mo."

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • My Husband, You'll Never Get Us Back   Chapter 16 - Words Aren't Enough

    LUMINGON si Lucien at pinagmasdan ang asawa hanggang sa tuluyan itong makalapit. "You're here."Matalim na tingin ang pinukol ni Selene pero nang tingnan ang abuela ay biglang naging malambing. "Lola…" tawag niya rito sabay lapit. "Kumusta po kayo?"Tinitigan siya ng matanda, tila ba inaalala ang kanyang mukha. Pagkatapos ay biglang ngumiti. "Ang ganda mo."Napangiti si Selene. "Natatandaan niyo po ba ako?""Anong pangalan mo?""Selene po.""Selene… taga rito ka ba?"Naging mapait ang kanyang ngiti pero sanay na siya roon. Simula nang magkasakit ang abuela, ni minsan ay hindi siya nito naalala. Gayon pa man ay hindi siya magsasawang maghintay."Taga ro'n lang po ako sa labas, 'La. Namiss ko po kayo kaya bumisita ako," ani Selene."Single ka ba?"Bagama't nagtataka sa biglaang tanong ng abuela ay tumango siya.Pagkatapos ay nag-angat ng tingin si Leonor kay Lucien sabay turo. "Ang pogi niya, bagay kayo."Lumingon si Selene, tiningnan nang masama si Lucien nang makitang tuwang-tuwa ito

  • My Husband, You'll Never Get Us Back   Chapter 15 - Unexpected Visitor

    LINGGO, maagang nagsimba sila Selene kasama ang anak, si Rosa at ang kaibigan. Pagkatapos ay sumaglit sila sa mall para maipasiyal saglit si Alessia.Si Kyla ang may hawak sa kamay ng bata habang naglalakad-lakad sila. Nang mapadaan sa grocery store ay nagpaalam si Rosa na bibili ng supplies nila at paubos na ang stock.Nang sila na lang tatlo ay umakyat sila sa second floor, naglibot-libot hanggang sa makarating sa clothing store. Si Selene ang nag-aya at gustong bilhan ng bagong damit ang anak.Pumasok sila at nagtitingin.Kinarga na ni Kyla ang bata at marami itong tinuturo, karamihan mga damit na mas malaki sa size nito. "'Di mo pa 'yan pwedeng suotin, baby ka pa."Nilapit ni Alessia ang mukha sa tenga nito sabay bulong, "Tita Kyla, help me. Gusto ko bilhan si Mommy ng dress."Napangiti siya saka nakipag-appear sa bata. "Kaya naman pala panay pili mo ng damit na malaki ang size sa'yo. Alin ba ang gusto mo, pili ka lang. May pera ka ba pambili?"Tumango ang inosenteng bata. "I have

  • My Husband, You'll Never Get Us Back   Chapter 14 - No 'What If'

    PALABAS na si Selene sa ospital kasama ang mga kapwa doctor. Nag-offer pa nga siyang ihatid ang mga ito pauwi para maging malapit agad at bago lang siya.Hindi naman tumanggi ang mga ito at sumunod sa kanya. Nasa likod ng building ang parking lot kaya doon sila dumaan pero nang makita kung sino ang naghihintay habang nakasandal sa kotse ay agad siyang natigilan.Huminto at napatingin sa kanya ang mga kasama. Pagkatapos ay napatingin sa gawi ng lalakeng naghihintay sa labas."Kilala mo?""Boyfriend mo ba?"Magkasunod na tanong ng mga ito.Sa halip na sagutin ang tanong ay sinabihan niya ang mga ito na mauna muna sa kotse. Tahimik ang mga itong sumunod kahit bakas sa mukha ang curiosity.Nang siya na lang ang maiwan ay nilapitan niya si Lucien. Hindi na siya nabigla na makita ito pero hindi niya inasahang isang araw pa lang ay nagpakita na agad ito."Bilisan mo't naghihintay sila sa'kin."Binuksan ni Lucien ang pinto sa passenger seat at kinuha ang bouquet of flowers para ibigay sa asaw

  • My Husband, You'll Never Get Us Back   Chapter 13 - New Home, New Beginning

    NAGING alerto si Selene habang kumakain sila, may pagkakataong nagagawi ang tingin sa katabing table—kay Athena pero saglit lang at hindi siya nagpapahalata.Mabuti na lamang at mabilis silang natapos kumain at agad na nagkayayaan.Tuloy-tuloy lang si Selene, hindi na pinansin si Athena hanggang sa makalabas. Ngunit bago pa man tuluyang makalayo ay tinawag siya ng dalaga."Wait!"Lumingon si Selene at ganoon din ang mga kasama.May nagtanong sa kanya, "Kilala mo, Dok?""Mauna na kayo, susunod ako," iyon na lang ang sinabi niya. Hindi na nang-usisa ang mga ito hanggang sa tuluyang makasakay sa kotse."Mauuna na kami," paalam ng isa niyang kasamahan habang ang iba ay kumakaway.Ngumiti si Selene at kinawayan din ang mga kasamahan. Nang malayo na ang kotseng sinasakyan ng mga ito ay naglahong bigla ang ngiti sa kanyang labi.Seryoso niyang tiningnan si Athena. "Anong kailangan mo?"Mula sa maamo ay biglang naging matapang ang ekspresyon ng dalaga. "Anong sinabi mo kay Lucien?"Naningkit

  • My Husband, You'll Never Get Us Back   Chapter 12 - Nowhere to Hide

    PAALIS na si Selene nang lapitan niya si Rosa habang naghuhugas ito ng pinagkainan nila. "Ate," mahina niyang tawag rito upang hindi marinig ng anak ang kung ano man ang sasabihin niya.Lumingon ito habang pinupunas ang kamay sa suot na apron. "Ano po 'yun, Ma'am?""Aalis na 'ko, kung sakaling may maghanap o kung may tumawag man… Please, 'wag mong pansinin."Tumango si Rosa, naiintindihan ang ibig nitong sabihin. Sa ilang taon niyang paninilbihan. Mula nang sanggol pa si Alessia ay unti-unti niyang nauunawaan ang sitwasyon ni Selene kahit hindi man nito direktang sabihin."'Wag po kayong mag-alala, Ma'am. Ako na po ang bahala, safe po sa'kin si Alessia."Nakahinga nang maluwag si Selene, nagpasalamat saka tuluyang umalis. Nang nasa pinto na ay humabol ang anak. "Mommy!"Nag-angat siya ng tingin habang nagsasapatos. Saglit siyang tumigil sa ginagawa at pinanood ang anak. Napangiti siya habang nakikita ang maliit nitong paa na tumatakbo palapit—ang dalawang kamay ay nakaabang para sa ya

  • My Husband, You'll Never Get Us Back   Chapter 11 - Encounter

    MAAGANG nagising si Alessia at kinulit ang ina na lumabas sila para maglaro sa park, na malapit sa building.Papasikat palang ang araw ng mga oras na iyon, si Rosa ay naghahanda na ng agahan kaya pinagbigyan na niya ang anak."Saglit lang tayo, okay?"Bumungisngis si Alessia at pagkatapos ay dali-daling dinala ang bag na para bang papasok sa school.Hinayaan lang niya ito, hinawakan ang munting kamay. "Ate Rosa, sa labas lang kami," paalam niya rito."Sige po, Ma'am."Pagkatapos ay lumabas na sila ng unit. Simpleng sweatpants at t-shirt lang ang suot ni Selene ng mga sandaling iyon. Mabilisang pusod ang ginawa sa buhok at hindi na nagawa pang magsuklay matapos kulit-kulitin ng anak.Natatawa na nga lang siya habang nasa loob sila ng elevator dahil hindi na nito nagawang magpalit at nakapantulog pa. Masyadong excited na lumabas silang dalawa na minsan lang mangyari at lagi siyang busy—madalas na hindi makabisita.Nang bumukas ang elevator ay bumitaw ang anak at tumakbo palabas. "Alessi

  • My Husband, You'll Never Get Us Back   Chapter 6 - A Mother's Apology

    ILANG ARAW nang pabalik-balik si Lucien sa ospital para kausapin at kumbinsihin ang asawa na bumalik na sa bahay.Hindi naman ito pinapansin ni Selene, masyado siyang abala para sa ibang bagay at sa nalalapit na paglipat.Mga bandang alas-tres ng hapon ay may naghahanap na naman sa kanya, tapos aba

  • My Husband, You'll Never Get Us Back   Chapter 5 - The Truth She Overheard

    SERYOSO at nanunuot ang tingin ni Lucien sa kanya kaya kahit mukha man siyang kalmado ay hindi niya pa rin maiwasang maapektuhan."Umalis ka ng bahay."Naglakad si Selene patungo sa desk habang nakapamulsa, itinatago ang nanginginig na kamay sa bulsa ng lab coat. "There's someone occupying my bed."

  • My Husband, You'll Never Get Us Back   Chapter 1 - The Daughter He Never Knew

    FIVE YEARS LATER…Ganoon kabilis lumipas ang taon na parang kahapon lang nangyari ang lahat para kay Selene.Limang taon na rin niyang hindi nakikita ang asawa at tanging sa video call lang ito nakakausap—madalas, tatlo o dalawang beses lang sa isang buwan.Hindi na rin naman siya umaasa matapos na

  • My Husband, You'll Never Get Us Back   Prologue - Seven Years of Lies

    KALAHATING oras nang naghihintay si Selene sa asawa, naka-set na lahat ang pagdating na lang nito ang kulang.Sa gabing iyon, naghanda siya ng candlelit dinner dahil sa makalawa na ang alis ng asawa papunta sa New York para i-manage ang bagong branch ng kompanya.Sa pagkakaalam niya ay magtatagal i

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status