LOGINHINGANG malalim ang ginawa ni Selene, kailangan niyang maging kalmado dahil kung magpapadaig siya sa galit ay baka kung ano pang magawa niyang hindi dapat.
Kahit nakalabas na ang dalawa ay paulit-ulit na nag-e-echo sa pandinig niya ang sinabi ni Lara. Alam naman na niya iyon, matagal na pero masakit pa rin pala talaga kung ipapamukha sa kanya.
Ilang sandali siyang tumulala, bago tuluyang kumilos. Sa halip na bag ay kumuha siya ng maleta, ilalagay niya lahat ang mahahalagang gamit dahil hindi siya uuwi ng ilang araw.
Ayaw niyang makita si Lucien at makasama sa iisang bubong si Athena. Nang matapos sa ginagawa ay napaisip naman siya ngayon kung saan pansamantalang pupunta.
Hindi siya maaaring magtungo sa condo ng anak, dahil baka matuklasan pa ni Lucien ang totoo. Mas doble ingat ang kailangan niyang gawin ngayon.
Sumagi sa isip niya ang kaibigan na si Kyla, ito lang ang pinakamalapit niyang mahihingan ng tulong. Iyon nga lang ay apat na oras ang gugugulin niya marating lang ang tirahan nito.
Hindi naman pwedeng sa ospital siya at wala rin siyang time humanap ng matutuluyan.
Habang nasa malalim na pag-iisip ay tumunog ang cellphone niya. Medyo nabigla siya ng makita ang pangalan ng kaibigan, hindi niya akalaing magpaparamdam kaagad ito kahit iniisip pa lang niya.
"Hello…"
Saglit na tumahimik ang linya bago magsalita si Kyla, "May problema ba?"
Napapikit siya sa tanong nito. Nakalimutan niyang mabilis itong maka-sense ng hindi maganda. Ito pa nga ang nagsabi sa kanya noon na huwag ng umasa kay Lucien.
Pero dahil mahal na mahal niya ito ay hindi siya nakinig sa kaibigan. Ang ending, all along… tama pala ito.
"Wala, medyo pagod lang."
"Are you sure?"
"Hmm… ba't ka nga pala napatawag?"
Inilapit ni Kyla ang cellphone sa labi sabay takip para bumulong, "Namimiss ko na kasi si Alessia, baka pwede ko siyang mabisita?"
Bahagya siyang natawa sabay tango. "Of course, kailan ba?" Balak niya rin kasing kausapin itong personal.
Matapos ang kanilang pag-uusap ay lumabas na siya ng kwarto, dala ang dalawang maleta. Maingat siyang bumaba ng hagdan at naglakad palabas, kung saan ay madadaanan niya pa ang sala.
Naroon ang dalawang babae, masayang nag-uusap at nang mabalingan siya ng tingin ni Lara ay bigla itong tumayo, bakas ang kaba sa mukha. "S-Sa'n ka pupunta?"
"It's none of your business."
Mabilis humabol ang dalaga sabay harang. "Hindi ka pwedeng umalis!"
Nagtaas ng kilay si Selene. "Why? Natatakot kang baka magalit ang Kuya mo, once na malaman niyang umalis ako habang nandito ka?"
Alam niya kasing mananagot ito sa oras na isipin ni Lucien na pinalayas siya sa bahay, kahit wala naman ginagawa si Lara. Well, madali na lang naman sa kanyang pagmukhaing iyon nga ang nangyari.
"As if! Mas matutuwa pa nga si Kuya kung tuluyan ka ng mawawala—" Agad na tinakpan ni Lara ang bibig nang mapagtanto ang sinabi.
Muntik ng matawa si Selene, dahil wala naman nakakapansin na matagal na niyang alam ang binabalak ni Lucien. Pero dahil natutuwa siya sa reaction nito ay hindi na niya napigilan pang sabihin ang totoo, "You think, hindi ko alam? Pakisabi sa Kuya mo, hindi ako tanga. Makipaghiwalay siya kung gusto niya, ako pa magpa-file ng annulment."
Nagpanting ang tenga ni Lara. "Ano?! Ang lakas naman talaga ng loob mo! Who do you think you are?!"
Humakbang palapit si Selene, ang tingin ay nanunuot. "Me? I'm Selene Alcantara. A doctor… a general practitioner, to be specific. Ikaw? Sino ka, aside na kaliwa't kanan ang lalake—" bago pa man niya matapos ang sasabihin ay umamba na ito ng sampal na mabilis naman niyang nasalo.
Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa puntong nasaktan na si Lara kaya mabilis na binawi ang kamay. "Isusumbong kita!"
Hindi naman natakot si Selene. "Talaga? Sure, sige. Gawin natin, tingnan natin kung sinong papanigan nila," aniya, dahil kampante siyang siya ang kakampihan.
Sa laki ba naman ng naitulong niya sa pamilya nito. Simula't sapul, kapag may problema sa kalusugan ng biyenan ay siya lagi ang nag-aasikaso.
Hindi pa nga siya gusto noong una pero nang malaman kung ano ang propesyon niya ay biglang bumait ang biyenang babae.
Huli na niyang nalaman na kaya marahil siya pinakasalan ni Lucien ay dahil malaki ang pakinabang niya sa pamilya nito.
Namumula sa galit si Lara, habang nakakuyom ang magkabilang kamay. Gustong-gusto niya itong saktan at kung hindi lang dahil kay Athena ay baka sinugod na niya ito.
"Tama na 'yan," awat ni Athena matapos awatin ang kaibigan.
Nagtaas ng kilay si Selene, hindi maitago ang inis na ngiti sa labi. Ang dami niyang gustong sabihin tungkol dito pero dahil sa kaalaman na nagdadalang-tao si Athena ay nagtimpi siya.
Pinili na lang niyang umalis ng tahimik hanggang sa makapagpamaneho pabalik sa ospital.
Mga bandang tanghali ay nakipagkita siya sa kaibigan upang sabihin na gusto niyang makitira sandali sa bahay nito.
Nasa resto sila ng mga sandaling iyon, kumakain nang hawakan nito ang kanyang kamay. "Pa'no ang work mo? Alam mo naman na super layo ng samin," ani Kyla.
"Malapit lang sa inyo ang XXX ospital, tama? May nakita akong post online na hiring sila. Actually, matagal ko nang pinag-iisipan na lumipat do'n once na bumalik si Lucien. 'Di ko lang expected na mapapaaga."
"Pa'no si Alessia, isasama mo ba?"
Tumango siya, habang ang atensyon ay nasa pagkain. "Oo, pero hindi pa sa ngayon. Kailangan ko munang matiyak na ma-a-annuled kami ni Lucien upang wala na siyang karapatang habulin ang bata sa oras na matuklasan niya ang totoo."
Napangiti si Kyla, hindi niya naisip na darating ang panahon na magiging matapang ang kaibigan na dati ay mahinhin at hindi makabasag pinggan.
Matapos nilang kumain ay agad na silang nagpaalam sa isa't isa. Siya, babalik sa ospital habang ito ay diretso na sa kabilang siyudad para makita si Alessia.
Hinatid niya muna ang kaibigan sa kotse nito at nang makita na may bago na naman itong biniling laruan para sa anak ay pinagtaasan ito ng kilay. "Gumastos ka na naman. Marami ng laruan si Alessia."
"Bagong coloring books lang 'to. Magagamit niya sa kindergarten," ani Kyla.
Tumango na lang siya sabay kaway habang umaatras ang sasakyan nito patungo sa kalsada. "Ingat ka," pahabol niya bago ito tuluyang makalayo.
Pagkatapos ay bumalik na siya sa ospital. Nakangiti pa siyang naglalakad sa hallway ng madaanan niya ang assistant.
"Oh, sa'n ka pupunta?"
"Kukuha lang ng inumin, Dok… Ahm… nasa loob po pala ang asawa niyo, kanina pa kayo hinihintay."
Napalis ang ngiti niya sa labi. "At pinatuloy mo sa office ko?"
Napahimas sa batok ang assistant, halatang naaasiwa. "Sorry po, hindi ko na po napigilan, Dok."
Bumuntong-hininga si Selene at pilit na ngumiti, upang ipakita na hindi niya ito sinisisi. Pagkatapos ay naglakad na siya patungo sa opisina.
Pagbukas ng pinto ay agad na lumingon si Lucien, nagtagpo ang tingin nila ng asawa. "Mabuti naman at nandito ka na."
"What do you want?" malamig ang naging tugon ni Selene.
PINILI na lamang ni Selene ang ngumiti at manahimik sa tanong. Pagkatapos ay kumuha siya ng shares niya sa pagkain at hinayaan ang mga ito na paghati-hatian ang padalang pagkain ni Lucien.Mga bandang hapon ay tumawag ito sa kanya."Hello?""Hello... anong oras ang out mo sa work?"Napaisip si Selene, sabay tingin sa suot na relo. "Bakit?""I want to invite you to dinner, okay lang ba?"Napangiti saglit si Selene. "Mamayang seven pa ang out ko and I don't think it's a good idea. Sa distance pa lang—""Selene," malumanay na tawag ni Lucien. "I can be there in a snap. Kaya kong gawan ng paraan kaya 'di ko kailangan mag-worry kung maipit man ako sa traffic o kaya—""Sinabi ko bang worried ako sa'yo? Ayoko lang maghintay nang matagal, 'yun lang 'yun. 'Wag kang mag-assume," putol ni Selene.Mula naman sa kabilang linya ay napangiti si Lucien. "Really? Why does that sound so defensive?""Ano?!"Nagpigil siya ng tawa dahil sa reaksyon ng asawa. "Don't worry, darating ako sa tamang oras... si
KUMURAP-KURAP ang mata ng doctor sa tanong ni Lucien. Naguguluhan dahil malinaw na lagpas eight weeks na ang pinagbubuntis ni Athena.Gayon pa man, bago pa makapag salita ay mabilis nang naunahan ng dalaga. "Ang cute-cute ng baby natin, Lucien… excited na 'kong makita siyang unti-unting lumalaki sa tiyan ko."Napatingin si Lucien, kita ang namumuong luha sa mga mata ni Athena habang may ngiti sa labi.Ang doctor naman ay tinikom na lang ang bibig. Sinakyan kung anong sinasabi ni Athena pero may balak pa rin itong kausapin mamaya.Nang matapos sila sa procedure ay bumangon na si Athena, inayos ang suot na damit. Saktong tumunog ang cellphone ni Lucien, may tumatawag mula sa trabaho kaya nagpaalam muna ito saglit na sasagutin ang tawag.Pagkaalis ay lumapit ang doctor. "Misis… pwede ka bang makausap? Tungkol kanina sa sinabi ng asawa mo—"Mula sa nakangiti ay biglang tumalim ang tingin ni Athena. "Shut up, 'wag na 'wag mong sasabihin sa kanya ang totoo." Pagkatapos ay naglabas ng salapi
HABANG patungo si Selene sa ward para i-check ang mga pasiyente ay nakatanggap siya ng text message mula sa nurse station. Kasama niya ng mga sandaling iyon ang dalawang nurse at may sinasabi ang dalawa tungkol sa mga pasiyente.Kaya nawaglit ang atensyon niya sa mensahe. Hanggang sa makarating sila sa ward kaya itinago niya ang cellphone sa bulsa at pumasok na sa silid.Nagtagal sila roon ng halos kalahating oras dahil anim na pasiyente ang nagsi-share sa iisang kwarto. Nang matapos ay bumalik din naman agad siya sa sariling opisina.Pero madadaanan niya muna ang nurse station, napansin niyang tila may pinagkakaguluhan ang mga naroon kaya sandali siyang natigilan. Nakiusisa hanggang sa mapansin siya ng nurse na naroon."Doc Selene! Halika, may delivery para sa'yo," anito.Hindi agad siya kumilos dahil wala naman siyang natatandaan na nagpadeliver siya o kung ano pa kaya nilapitan siya ng nurse at marahang hinila palapit sa station.Doon nakita niya ang iba't ibang kulay ng roses. Sa
LUMINGON si Lucien at pinagmasdan ang asawa hanggang sa tuluyan itong makalapit. "You're here."Matalim na tingin ang pinukol ni Selene pero nang tingnan ang abuela ay biglang naging malambing. "Lola…" tawag niya rito sabay lapit. "Kumusta po kayo?"Tinitigan siya ng matanda, tila ba inaalala ang kanyang mukha. Pagkatapos ay biglang ngumiti. "Ang ganda mo."Napangiti si Selene. "Natatandaan niyo po ba ako?""Anong pangalan mo?""Selene po.""Selene… taga rito ka ba?"Naging mapait ang kanyang ngiti pero sanay na siya roon. Simula nang magkasakit ang abuela, ni minsan ay hindi siya nito naalala. Gayon pa man ay hindi siya magsasawang maghintay."Taga ro'n lang po ako sa labas, 'La. Namiss ko po kayo kaya bumisita ako," ani Selene."Single ka ba?"Bagama't nagtataka sa biglaang tanong ng abuela ay tumango siya.Pagkatapos ay nag-angat ng tingin si Leonor kay Lucien sabay turo. "Ang pogi niya, bagay kayo."Lumingon si Selene, tiningnan nang masama si Lucien nang makitang tuwang-tuwa ito
LINGGO, maagang nagsimba sila Selene kasama ang anak, si Rosa at ang kaibigan. Pagkatapos ay sumaglit sila sa mall para maipasiyal saglit si Alessia.Si Kyla ang may hawak sa kamay ng bata habang naglalakad-lakad sila. Nang mapadaan sa grocery store ay nagpaalam si Rosa na bibili ng supplies nila at paubos na ang stock.Nang sila na lang tatlo ay umakyat sila sa second floor, naglibot-libot hanggang sa makarating sa clothing store. Si Selene ang nag-aya at gustong bilhan ng bagong damit ang anak.Pumasok sila at nagtitingin.Kinarga na ni Kyla ang bata at marami itong tinuturo, karamihan mga damit na mas malaki sa size nito. "'Di mo pa 'yan pwedeng suotin, baby ka pa."Nilapit ni Alessia ang mukha sa tenga nito sabay bulong, "Tita Kyla, help me. Gusto ko bilhan si Mommy ng dress."Napangiti siya saka nakipag-appear sa bata. "Kaya naman pala panay pili mo ng damit na malaki ang size sa'yo. Alin ba ang gusto mo, pili ka lang. May pera ka ba pambili?"Tumango ang inosenteng bata. "I have
PALABAS na si Selene sa ospital kasama ang mga kapwa doctor. Nag-offer pa nga siyang ihatid ang mga ito pauwi para maging malapit agad at bago lang siya.Hindi naman tumanggi ang mga ito at sumunod sa kanya. Nasa likod ng building ang parking lot kaya doon sila dumaan pero nang makita kung sino ang naghihintay habang nakasandal sa kotse ay agad siyang natigilan.Huminto at napatingin sa kanya ang mga kasama. Pagkatapos ay napatingin sa gawi ng lalakeng naghihintay sa labas."Kilala mo?""Boyfriend mo ba?"Magkasunod na tanong ng mga ito.Sa halip na sagutin ang tanong ay sinabihan niya ang mga ito na mauna muna sa kotse. Tahimik ang mga itong sumunod kahit bakas sa mukha ang curiosity.Nang siya na lang ang maiwan ay nilapitan niya si Lucien. Hindi na siya nabigla na makita ito pero hindi niya inasahang isang araw pa lang ay nagpakita na agad ito."Bilisan mo't naghihintay sila sa'kin."Binuksan ni Lucien ang pinto sa passenger seat at kinuha ang bouquet of flowers para ibigay sa asaw
ILANG ARAW nang pabalik-balik si Lucien sa ospital para kausapin at kumbinsihin ang asawa na bumalik na sa bahay.Hindi naman ito pinapansin ni Selene, masyado siyang abala para sa ibang bagay at sa nalalapit na paglipat.Mga bandang alas-tres ng hapon ay may naghahanap na naman sa kanya, tapos aba
SERYOSO at nanunuot ang tingin ni Lucien sa kanya kaya kahit mukha man siyang kalmado ay hindi niya pa rin maiwasang maapektuhan."Umalis ka ng bahay."Naglakad si Selene patungo sa desk habang nakapamulsa, itinatago ang nanginginig na kamay sa bulsa ng lab coat. "There's someone occupying my bed."
PASADO alas-diyes ng gabi, pero nasa office pa rin si Selene. Maya't maya ang tunog ng cellphone pero hindi niya pinapansin kapag si Lucien lang naman.Alam na niya kung anong kailangan nito kaya binabalewala lang niya. Ilang sandali pa ay nagpasiya na siyang magpahinga sa gabing iyon.Papunta na s
KATOK sa pinto ang nagpaangat ng tingin ni Selene, pumasok ang assistant nurse na may dalang clipboard. "Doktora, hindi pa po dumarating si Mrs. Cruz."Tukoy nito sa patient niyang regular na nagpapa-consult. "Gano'n ba? Baka na-traffic lang or pakitawagan kung makakarating ba at baka nakalimutan n







