LOGINILANG ARAW nang pabalik-balik si Lucien sa ospital para kausapin at kumbinsihin ang asawa na bumalik na sa bahay.
Hindi naman ito pinapansin ni Selene, masyado siyang abala para sa ibang bagay at sa nalalapit na paglipat.
Mga bandang alas-tres ng hapon ay may naghahanap na naman sa kanya, tapos abala siya sa paggawa ng resignation letter kaya nainis na naman siya. "Sabihin mo, wala ako rito," utos niya sa assistant matapos maisip na si Lucien na naman ang naghahanap sa kanya.
"Pero, Dok… Matandang babae po ang naghahanap sa inyo. Hindi po 'yung asawa niyo."
Nag-angat ng tingin si Selene, napaisip kung sino ang tinutukoy nito. "Sinabi pa ang pangalan?"
"Carmela Montiverde po, Dok."
Biglang napatayo si Selene matapos marinig ang pangalan ng biyenan. Mabilis niyang iniwan ang ginagawa saka naglakad patungo sa nurse station.
Wala roon ang biyenan niya kaya tinanong niya pa ang naka-assign na nurse kung nasaan ang naghahanap sa kanya.
Sasagot pa lang ito nang marinig na niya ang boses ng biyenan, "Selene…"
Paglingon ay nakita niya itong papalapit habang nakadepende sa hawak na cane kaya dali-dali siyang lumapit. "Ano pong ginagawa niyo rito, Mommy?"
Malungkot na ngumiti si Carmela. "Nabalitaan ko ang nangyari."
"Maupo muna tayo," aniya habang nakaalalay rito.
"Sa office mo na lang, pwede ba? Marami kasing tao. Baka hindi tayo makapag-usap nang maayos."
Tumango si Selene saka sila dahan-dahan na naglakad. Nakaalalay lang siya sa biyenan at hirap na itong maglakad, marupok na ang tuhod.
Pagpasok nila sa opisina ay nag-offer siya ng inumin, "Ano po ang gusto niyo? May tea po ako rito."
"Sige."
Pinagtimpla niya ito ng tsaa at pagkatapos ay naupo kaharap ito.
"May ginagawa ka ba? Hindi naman siguro ako nakaistorbo sa'yo?"
Napatingin si Selene sa desk, may mga nagkalat siyang document na agad niyang niligpit. In-off niya rin ang computer at baka mapansin pa nitong gumagawa siya ng resignation letter.
"Hindi naman po," tipit niyang sagot pagkatapos.
Ngumiti si Carmela, ngunit halata sa mukha ang lungkot. Pagkatapos ay hinawakan ang kamay ng manugang. "Malaki ang kasalanan ni Lucien sa'yo. Kahit ako rin, nang malaman ko ang ginawa niya ay halos itakwil ko siya…"
Nagbaba lang ng tingin si Selene sa kamay niyang hawak nito. Parang gusto niyang bawiin pero ayaw naman niyang magmukhang bastos, lalo pa at wNagbaba lang ng tingin si Selene sa kamay niyang hawak nito. Parang gusto niyang bawiin pero ayaw naman niyang magmukahng hang bastaos la, lalo pa at wala naman itong ginagwang awang masama sa kanya. Naging mabuti naman itong biyenan kaya hindi niya ipagkakait ang kaunting respeto pa rin ito sa kabila ng mga nangyari.
"Ako na ang humihingi ng tawad para sa nagawa ni Lucien."
"Mommy… hindi mo kailangang gawin."
"Kung gano'n… babalik ka na ba? Papatawarin mo na ba si Lucien?"
Napalunok si Selene, hindi niya gustong saktan ang damdamin nito kaya pinili na lamang niyang manahimik.
"Wala na bang ibang paraan para balikan mo ang anak ko?" tanong muli ni Carmela.
Huminga nang malalim si Selene, hangga't maaari ay ayaw niyang sa kanya mismo manggagaling ang dahilan kung bakit hindi na niya gusto pang makipag-ayos kay Lucien. Ngunit kung patuloy siyang iiwas, babalik at babalik ito—mangungulit.
"Mommy…" maingat niyang bigkas. Hindi niya ito gustong biglaan at inaalala niya pa rin ang kalusugan nito. "Alam mo po bang balak talaga akong hiwalayan ni Lucien after niyang makabalik?"
Napasinghap si Carmela sa narinig, bakas ang gulat sa mukha. "A-Anong… sinabi niya 'yan sa'yo? Na makikipaghiwalay siya?"
Matapos ay nakaramdam siya ng hiya. Kahiya-hiyang pinuntahan niya pa ang manugang para makiusap na makipagbalikan kung sa simula't sapul ay ang anak niya pala ang dahilan.
Napahawak siya sa dibdib, bumibilis ang tibok ng puso parang aatakihin pa ata dahil sa natuklasan.
Naging alerto naman si Selene, tumayo at nilapitan ang biyenan. Hinaplos-haplos ang likod nito upang guminhawa naman ang pakiramdam.
"A-Ayos lang ako," ani Carmela. "Nabigla lang ako, pero okay na 'ko."
"Sigurado po ba kayo?"
Tumango ito at pagkatapos kinuha sa dalang bag ang cellphone. "Tatawagan ko lang ang driver ko't magpapasundo."
"Aalis na po kayo? Ihahatid ko na lang kayo sa sasakyan."
"Salamat," anas ni Carmela.
Pagkatapos ay lumabas na sila sa opisina at naglakad patungo sa parking lot.
Sa malayo nakaparada ang sasakyan kaya nang makasakay si Carmela ay sinabihan niya ang driver na buksan ang aircon para maibsan ang init. Kahit hapon na ay hindi pa rin maganda sa kalusugan nito na tumaas ang temperatura ng katawan.
"Ingat po kayo sa daan," aniya bago tuluyang isara ang pinto, saka kumaway-kaway habang papalayo ang kotse.
Nang tuluyang mawala sa paningin niya ang vehicle ay bumalik na siya sa ospital at binalikan ang ginagawa. Nang matapos ay naging abala pa rin siya, kailangan niyang maghanap ng lawyer para ma-finalize na ang annulment nilang dalawa ni Lucien.
SAMANTALA, habang nasa daan pauwi ay tinawagan ni Carmela ang asawa na nasa kompanya.
"Hello, nasa meeting ako."
"Kasama mo ba si Lucien?"
Napatingin muna si Lorenzo sa puwesto ng anak bago sumagot, "Oo, nandito. May kailangan ka?" Saka siya tumayo para saglit na lumabas upang hindi makaabal sa meeting.
"Sabihin mo na dumiretso sa bahay at kailangan niyang magpaliwanag."
Napakunot-noo si Lorenzo dahil sa tono ng pananalita ng asawa. Lumingon siya at pinagmasdan ang anak mula sa glass wall. "Okay, sasabihan ko siya." Matapos ang pag-uusap ay bumalik na siya sa loob ng meeting room. Ang tingin ay nanunuot sa anak, na agad naman nitong napansin.
Kaya nang matapos ang meeting ay lumapit agad si Lucien at nagtanong, "May kailangan ka sa'kin, Sir?" pagbibigay galang niya sa posisyon nito.
Kapag nasa kompanya sila ay hindi niya ito tinatawag na 'Dad'.
Tumingin muna si Lorenzo sa mga empleyadong papalabas ng meeting room. Nang sila na lamang ang naroon sa hallway ay saka siya nagsalita, "Dumiretso ka sa bahay at gusto kang makausap ng Mommy mo." Matapos ay marahan niya itong tinapik sa balikat saka naglakad palayo.
Ang naiwan na si Lucien ay sinundan pa ng tingin ang ama hanggang sa tuluyan itong mawala sa paningin matapos lumiko ng daan.
Pagkatapos ay naglakad na siya patungo sa sariling opisina. Pabagsak siyang naupo sa swivel chair sabay kuha sa cellphone.
Ni isang message ay wala siyang natanggap mula kay Selene. Hindi nito nirereplyan ang text at tawag. Gusto lang naman niyang makipag-usap para maging malinaw sa kanila ang lahat.
Habang nagsi-scroll ay puro message ni Athena ang natatanggap niya. Kung ano-anong hinihingi at naglilihi. Noong una ay nirereplyan pa niya pero habang tumatagal ay nasi-stress siya na maya't maya itong dumadaing.
Gusto ng ganito-ganyan, na kahit pa sinabihan na niyang lumapit sa katulong at ang mga ito na ang magbibigay sa kanya ng kailangan ay kinukulit pa rin siya.
Ipinaling niya sa kaliwa't kanan ang ulo para maunat naman ang leeg. Matapos ay tinawagan niya ang assistant para tanungin kung nakahanap na ba ito ng condo na malilipatan ni Athena.
PAGDATING ni Lucien sa bahay ng mga magulang ay tinanong niya ang isang katulong sa malapit, "Si Mommy?""Nasa kwarto niya po, Sir… Ahm, mukhang hindi po maganda ang pakiramdam kaya nasa room lang po matapos lumabas kanina."Napakunot-noo siya, nakaramdam ng pag-aalala. "Lumabas siya? Sa'n galing?""Hindi ko rin po alam, Sir."Bumuntong-hininga si Lucien at pagkatapos ay umakyat sa ikalawang palapag ng bahay. Pagdating sa tapat ng master bedroom ay kumatok siya at nang walang sumagot ay doon na niya tinawag ang ina, "Mommy? Are you awake?"Nang wala pa ring respose ay pinihit na niya ang doorknob saka dahan-dahang binuksan ang pinto. Pagsilip ay nakita niyang nakahiga ito sa kama, pikit ang mga mata at tila natutulog.Nag-alangan siyang pumasok, kkmang isasara ang pinto nang mapansin niyang nagmulat ito ng mata.Kaya nilakihan niya ang pagkakabukas ng pinto saka lumapit. "Masama raw po ang pakiramdam mo?" Hahawakan niya sana ang noo nito nang mabilis na tinabig.Bumangon sa kama si Ca
ILANG ARAW nang pabalik-balik si Lucien sa ospital para kausapin at kumbinsihin ang asawa na bumalik na sa bahay.Hindi naman ito pinapansin ni Selene, masyado siyang abala para sa ibang bagay at sa nalalapit na paglipat.Mga bandang alas-tres ng hapon ay may naghahanap na naman sa kanya, tapos abala siya sa paggawa ng resignation letter kaya nainis na naman siya. "Sabihin mo, wala ako rito," utos niya sa assistant matapos maisip na si Lucien na naman ang naghahanap sa kanya."Pero, Dok… Matandang babae po ang naghahanap sa inyo. Hindi po 'yung asawa niyo."Nag-angat ng tingin si Selene, napaisip kung sino ang tinutukoy nito. "Sinabi pa ang pangalan?""Carmela Montiverde po, Dok."Biglang napatayo si Selene matapos marinig ang pangalan ng biyenan. Mabilis niyang iniwan ang ginagawa saka naglakad patungo sa nurse station.Wala roon ang biyenan niya kaya tinanong niya pa ang naka-assign na nurse kung nasaan ang naghahanap sa kanya.Sasagot pa lang ito nang marinig na niya ang boses ng b
SERYOSO at nanunuot ang tingin ni Lucien sa kanya kaya kahit mukha man siyang kalmado ay hindi niya pa rin maiwasang maapektuhan."Umalis ka ng bahay."Naglakad si Selene patungo sa desk habang nakapamulsa, itinatago ang nanginginig na kamay sa bulsa ng lab coat. "There's someone occupying my bed.""Intindihin mo na lang at maselan—""Exactly," putol niya. "Sa sobrang understanding ko nga, umalis na 'ko para 'di makaistorbo sa inyo."Hingang malalim ang ginawa ni Lucien. "Nasa'n ang gamit mo. Bumalik ka na sa bahay.""No… hindi na 'ko babalik sa pamamahay na 'yun." Tiningnan niya ito sa mukha pero agad ring nag-iwas nang hindi matagalan ang titig nito."Kung si Athena ang dahilan. Don't worry, hindi naman siya magtatagal do'n.""Regardless kung siya man ang dahilan o hindi. The mere fact na may pinatira kang ibang babae sa bahay natin ng hindi mo man lang pinapaalam sa'kin ay malaking issue na iyon. What more… buntis pa, kaya congrats. Magiging daddy ka na," sarkastiko niyang sabi.Ku
HINGANG malalim ang ginawa ni Selene, kailangan niyang maging kalmado dahil kung magpapadaig siya sa galit ay baka kung ano pang magawa niyang hindi dapat.Kahit nakalabas na ang dalawa ay paulit-ulit na nag-e-echo sa pandinig niya ang sinabi ni Lara. Alam naman na niya iyon, matagal na pero masakit pa rin pala talaga kung ipapamukha sa kanya.Ilang sandali siyang tumulala, bago tuluyang kumilos. Sa halip na bag ay kumuha siya ng maleta, ilalagay niya lahat ang mahahalagang gamit dahil hindi siya uuwi ng ilang araw.Ayaw niyang makita si Lucien at makasama sa iisang bubong si Athena. Nang matapos sa ginagawa ay napaisip naman siya ngayon kung saan pansamantalang pupunta.Hindi siya maaaring magtungo sa condo ng anak, dahil baka matuklasan pa ni Lucien ang totoo. Mas doble ingat ang kailangan niyang gawin ngayon.Sumagi sa isip niya ang kaibigan na si Kyla, ito lang ang pinakamalapit niyang mahihingan ng tulong. Iyon nga lang ay apat na oras ang gugugulin niya marating lang ang tirahan
PASADO alas-diyes ng gabi, pero nasa office pa rin si Selene. Maya't maya ang tunog ng cellphone pero hindi niya pinapansin kapag si Lucien lang naman.Alam na niya kung anong kailangan nito kaya binabalewala lang niya. Ilang sandali pa ay nagpasiya na siyang magpahinga sa gabing iyon.Papunta na siya sa staff lounge ng bigla niyang namataan ang asawa na papunta sa kanyang opisina. Nanlaki ang mata niya at mabilis na lumiko upang makaiwas. Binilisan niya ang paglalakad para hindi siya makita, umikot pa siya ng daan para lang makarating sa lounge.Pagpasok ay nginitian niya ang kapwa doctor na gising pa ng mga sandaling iyon. "Thesis?"Inalis ng doctor ang suot na eyeglasses sabay tango. "Oo, ikaw ba?" Pagkatapos ay sinuot ulit ang salamin para i-continue ang ginagawa."Magpapahinga lang, ayoko nang bumiyahe pauwi," dahilan niya kahit nasa thirty minutes lang naman ang layo ng ospital sa bahay.Buti na lang talaga at hindi mahilig manghimasok ang mga kapwa niya doctor. Seperate ang wor
KATOK sa pinto ang nagpaangat ng tingin ni Selene, pumasok ang assistant nurse na may dalang clipboard. "Doktora, hindi pa po dumarating si Mrs. Cruz."Tukoy nito sa patient niyang regular na nagpapa-consult. "Gano'n ba? Baka na-traffic lang or pakitawagan kung makakarating ba at baka nakalimutan na naman nitong may follow-up check up siya ngayon," utos niya.Tumango ang nurse at tinawagan si Mrs. Cruz habang siya naman ay niligpit ang ibang record ng mga pasiyenteng natingnan na niya kanina.Hindi bababa sa sampu ang sabay-sabay niyang inasikaso sa umaga lang na iyon kaya medyo nangangalalay na siya. "Lalabas muna ako," pahayag niya sa assistant matapos mag-inat ng katawan.Lumabas siya ng opisina at naglakad patungo sa nurse station. Kapag, stress o pagod ang trabaho ay sumasagap siya ng tsismis, pampawala ng bagot."Good morning, Dok Selene," bati agad ng naka-assign na nurse.Tipid na pagngiti ang tinugon niya, ipinatong ang dalawang braso sa counter sabay bulong, "May bago ba?"N
FIVE YEARS LATER…Ganoon kabilis lumipas ang taon na parang kahapon lang nangyari ang lahat para kay Selene.Limang taon na rin niyang hindi nakikita ang asawa at tanging sa video call lang ito nakakausap—madalas, tatlo o dalawang beses lang sa isang buwan.Hindi na rin naman siya umaasa matapos na
KALAHATING oras nang naghihintay si Selene sa asawa, naka-set na lahat ang pagdating na lang nito ang kulang.Sa gabing iyon, naghanda siya ng candlelit dinner dahil sa makalawa na ang alis ng asawa papunta sa New York para i-manage ang bagong branch ng kompanya.Sa pagkakaalam niya ay magtatagal i







